Chapter 9: Pamilya ni Angel
Sa tanang buhay ko ay ngayon palang ako makakapasok sa bahay ng ibang tao. Bukod sa bahay namin ay sa aking mga abuelo at abuela palang na bahay ang napasukan ko. Hindi sa isolated ako sa ibang tao. Bata palang ako ay hindi ako masiyadong sanay makipag-interact sa iba. That is why si Tyler lang ang kaibigan ko until now. Pero sa school lang din kami magkaibigan I don’t even know kung saan siya nakatira. I never met his friends too na gustong makig-inuman. Me and Tyler, magkaiba ang school namin when we are in High School at ngayong college lang kami nagkakakilala by accident.[K1]
“Ayos ka lang ba?” Tanong sa akin ni Angel nang bumaba na kami sa dyip. Huminto kami sa tapat ng isang kulay asul na bahay. Hindi iyon malaki, sakto lang at punong-puno ng halaman sa labas. Nakikita iyon dahil sa ilaw sa na nanggaling sa loob ng bahay.
“Medyo nahihiya ako.” Ani ko. “Ito ang unang beses kong makapasok sa bahay ng ibang tao.” Pagsasabi ko ng tototo sa kanya.
Dahil sa sinag ng ilaw sa kanilang bahay. Nakikita ko ngayon ang nangiti niyang labi. Mukhang natutuwa yata siya dahil sa sinabi kong katotohanan.
“Huwag kang mahiya. Hindi nangangagat ang pamilya ko at isa pa.” Huminto siya, “mababait sila.” Bigla siyang yumuko at tila hindi niya nagustuhan ang kanyang nasabi.
Humugot ako ng malalim na hininga, “yeah...mukhang mabait nga sila dahil mabait ka rin.” Pilit akong ngumiti pero kinakabahan talaga ako.
Napansin ko lang, naa-abuse ko ang puso ko ngayon. Parati nalang akong kinakabahan ngayong araw. Kung bibig lang sana ito ay kanina pa ito nagri-reklamo.
“Hali ka na.” Naunang humakbang si Angel papalapit sa pinto ng bahay. Mula sa labas ay naririnig ko ang maingay na telebisyon. May tao sa kanilang sala at sigurado ako roon.
Tinulak niya ang pinto at inawangan ito ng malaki. Hindi naman kasi ito nakasarado. Mula rito sa labas ay nakita ko ang isang bata. Sa aking tantiya ay nasa pitong taong gulang na siya. Mabilis na lumapit ang bata kay Angel at yumakap sa kanyang paa. Lihim akong natuwa, noon ko pa hinahangad na may bata o may kapatid ako sa bahay. Aaminin kong boring din kapag nag-iisa ka lang na anak. Kahit papaano ay gusto kong maranasan kung ano ang pakiramdam na nag-aaway kayo sa laruan, nag-aaway sa pera, nag-aaway sa pagkain at itatanong ninyo sa mga magulang niyo kung sino ang paborito nilang anak. Hindi ko namalayang nakangiti na pala akong nakatingin kay Angel at sa kapatid niya.
“Gab, pasok ka muna.”
"Si-sige."
Nahihiya akong humakbang. Hinubad ko ang aking black leather shoes at iniwan sa labas. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang magandang sala ng bahay. Bukod sa may madami itong laruan may mga medals and ribbons din na nakasabit sa mga frame.
“Gab, si Mark, kapatid ko.” Pakilala ni Angel sa kanyang kapatid na bata.
Lumuhod ako para mahawakan ang kanyang pisngi, “hello, Mark, ako si Kuya Gabriel mo.” Nahihiya ito sa aking ginawa ngunit nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Nahihiya man ngunit napayakap na rin ako. Ang cute ng bata na ito at sobrang galang pa.
“Pasensya ka na, ganyan talaga siya sa mga dinadala kong bisita rito.” Paliwanag ni Angel at siya pa ang nahiya sa ginawa ng kapatid.
“Hello po, Kuya Gabriel.” Ani nang bata habang nakayakap pa sa akin.
Mukhang wala itong plano na bumitaw sa akin kaya ang ginawa ko ay kinarga ko siya. Hindi naman mabigat si Mark kaya wala iyong kaso sa akin.
“Sobrang bait ng kapatid mo.”
“Siyempre nagmana sa akin...sandali ipapakilala na muna kita kay Mama.” Aniya dahilan para kabahan ako. Well, natural lang naman yata ang kabahan dahil hindi ako sanay.
Nagtungo si Angel sa kanilang kusina. Ibinaba ko muna si Mark para makapaglaro siya. Umupo ako sa couch at masayang nakatingin sa bata habang may kinukumpuni nito ang sira niyang robot na laruan.
“Mark, si Mama?” Bumalik si Angel mula sa kusina.
“Umalis ate...mahjong.” Inosenting wika ni Mark. Nakatingin lang ako sa dalawang magkapatid. Ayos sa sinabi ni Mark nahulaan ko na kaagad kung anong klase tao ang kanilang ina. Siyempre ayokong maging judgemental. Kaya siguro napayuko siya kanina? Baka iyon ang dahilan.
“Iniwan ka lang niya rito?” Dismayadong tanong ni Angel sa kapatid. Nanatili lang akong tahimik at walang planong magtanong o makisawsaw.
Sa halip na sumagot si Mark ay nanatili ito sa pagkumpuni ng laruan niya. Pagtingin ko kay Angel ay siyang pagtingin naman niya sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Kitang-kita ko sa kanya ang lungkot.
“Pasensya ka na Gab, ha.” Bumaling si Angel sa akin. Mas lalo pang naging malungkot ang kanyang mukha at tila nahihiya siya sa akin, “pero babalik rin naman kaagad si Mama rito. Naghanap lang iyon ng kanyang kalaro at babalik din iyon dala ang kanyang mga makakasama.”
“Wala iyong problema sa akin.” Ngumiti ako. Naiintindihan ko na kung bakit sinabi niya sa akin na maingay rito sa kanilang bahay. Actually medyo naaawa ako sa kalagayan nila. Lalo na itong kapatid ni Angel na iniiwan lang mag-isa sa loob ng bahay.
“Sandali, nagugutom ka na ba?”
"Huwag na, Angel, sa bahay nalang I’m sure nagluto si Mama bago pa sila umalis.” Ani ko. Nakakahiya kapag sa ibang bahay ka kumakain. Hindi nga ako sanay pumasok o kakain pa kaya? At sigurado akong may pagkain talaga sa bahay. Masasayang lang ang mga iyon kung hindi ko kakainin.
“Sigurado ka?”
Ngumiti ako kay Angel. Ayokong mag-alala siya sa kakaisip sa akin sa loob ng kanilang bahay. Hindi pa naman ako nagugutom. “Oo, huwag mo akong isipin at isa pa hindi pa naman ako nagugutom. Ang mabuti pa’y pakainin mo nalang ang iyong kapatid.” Ani ko baka gutom na si Mark.
“Tapos na siyang kumain.” Aniya, “maiwan na muna kita saglit, maghuhugas na muna ako ng mga pinggan.” Paalam ni Angel at tumango lang ako.
Nakatingin lang ako kay Mark buong oras. Paglipas ng thirty minutes at natapos si Angel sa kanyang ginagawa at eksakto ring may maingay na mga tao sa labas ng kanilang bahay. Parang may kung anong nag-aaway.
“Nandito na sila.” Mabilis siyang tumakbo sa pinto at binuksan iyon.
Bumungad sa amin ang dalawang tao na nagsasagutan. Galit na galit ang dalawa na pumasok sa loob ng bahay. Nakilala ko na agad kung sino ang mga ito. Mga magulang ni Angel, si Mark ay kamukha ng kanilang ina at si Angel naman ay sa kanilang ama.
“Hindi ka ba nahihiya sa panganay mo? Ga-graduate na ‘yan tapos ganyan ka parin? Diyos ko naman Carmelita, mahiya ka sa mga bata. Kailan ka ba titigil sa bisyo mo 'yan ha? Kapag nahuli ka na ng mga pulis? Kapag nakakulong ka na?” Dismayadong wika ng ama nina Angel ngunit nanatili lang ang ginang na tumahimik dahil siguro napansin niya ako.
Napayuko lang ang aking ulo sa hiya. Hindi ko alam kung nakatingin ba sila sa akin. Mukhang bad timing yata ang pagpunta ko rito. Baka ano pa ang masabi nila sa akin.
“Ma, Pa...” Si Angel ang nagsalita, “si Gab nga po pala.” Pakilala niya.
Dahan-dahan kong iniangat ang aking mukha at tipid na ngumiti sa kanilang mga magulang, “magandang gabi po.”
Ang mukha ng ina ni Angel ay galit ito at dismayado habang ang kanilang ama naman ay sobrang nahihiya.
“Boyfriend mo?” Walang ganang tanong ng ginang. Mukhang bad trip ito dahil walang mahjong na magaganap.
“Hindi po, kaklase ko siya sa isang subject at tutulungan niya ako sa isang project.”
“Ito ba iyong video ninyo?”
“Opo Papa at sa biyernes na ipapasa. Kailangang magawa namin ngayon para maipasa ko sa magi-edit.”
“Saan niyo iyon gagawin? Malabong makagagawa kayo ng project rito. Bunganga palang ng ina mo ay aagaw na sa audio ng gagawin ninyong video.”
Sa nakikita ko kay Angel at sa Papa niya ay mukhang mas malapit silang dalawa. At higit na mas family oriented ang kanilang ama. Alam nito ang mga kaganapan sa school ng kanyang anak.
“Magpapaalam lang po sana ako na kung puwede kina Gabriel kami gagawa ng video.” Natatakot na paalam ni Angel. Alam ko iyon dahil medyo garalgal ang kanyang boses.
Kaagad na naalarma ang ginang at nilakihan nito ng mata ang dalaga. “Anong video ‘yan ha? Baka scandal pa 'yan ang inyong gagawin. Hoy Angel, ayusin mo iyang sarili mo ha. Hindi ka namin pinag-aral para lang gumawa ng kalokohan. Tandaan mo ikaw ang magpapaaral sa kapatid mong ito. Kapag nabuntis ka talaga ay papalayasin kita sa pamamahay na ito.” Walang preno nitong wika. Para na itong magra-rap kung magsalita.
“Carmelita naman, nakakahiya sa bisita ng anak mo. At isa pa, ayusin mo iyang pananalita mo, anak mo itong kausap mo.”
“Hoy, Gregor, walang mali sa sinabi ko. Pinapaalahanan ko lang iyang panganay mo baka magluko at mabuntis. At malay ko ba sa video na iyan.”
Habang tinitingnan ko si Angel ay bigla akong naawa sa kanya. May namumuong luha na sa kanyang mga mata. Hindi na niya nakayanan ang pinagsasabi ng kanyang ina. Habang ang bunso naman niyang kapatid ay inosenti lang itong nakikinig.
Naiintindihan ko ang ina ni Angel ngunit hindi naman sana ganoon ang pagkasabi niya. Sa lakas at tono ng boses nito ay parang hinuhusgahan niya ang kanyang anak. Which is mali. Sana naman ay inisip niya muna at iniintindi kung ano ang lalabas sa kanyang bunganga.
“Saan ka matutulog?” Naaawang tanong ng kanyang ama.
Tumingin si Angel sa akin at wari’y hindi alam ang isasagot. Sigurado akong dis oras na ng gabi kami matatapos nito.
“Kung matatapos po kami ng maaga ay puwede kong ihatid rito si Angel at--.” Napahinto ako sa pagsasalita ng sumapaw ang ginang.
“At kapag hindi ninyo matapos ng maaga ay doon nalang siya matutulog? Ganon?” Mama ni Angel.
Hindi ako nakaimik. Nalunok ko ang aking laway na kanina pa namumuo sa aking bibig. Ito na yata ang nakilala kong babae na sobrang palikera. Dinaig pa nito si Professor Xandria, in at least ang professional na umakto ng professor pero ang ina ni Angel?
“Carmelita naman, malaki na sila alam na nila ang kanilang ginagawa. Puwede ba, huwag kang umakta na parang ikaw ang nagtatrabaho sa pamilyang ito, ha. Wala kang ibang inatupag kundi magsugal.”
Mukhang umabot na sa sukdulan ang galit ng ama ni Angel. Namumula na ang mukha nito, sa tingin ko’y pagod ito galing sa trabaho. s**t! Mas lalo pa akong naaawa. Mabuti nalang at hindi ganoon si Mama. Si Papa kahit wala na siyang trabaho ay may negosyo naman ito.
“Pa, kalma lang po.” Hinamas-himas ni Angel ang likod ng ama. Minabuti ko nalang na tumahimik. Mukhang hindi nakakatulong ang pagsasalita ko.
“Iwan ko saiyo, Gregor. Kapag nabuntis ang batang ‘yan ay huwag mo siyang ihaharap sa akin.” Galit na tumalikod ang ginang.
"Pa-relax na muna kayo." Inilalayan ni Angel na makaupo si Mang Gregor. Tila aatakehin na ito sa puso. "Ayos lang po ba kayo? Teka kukuha na muna ako ng tubig." Nagmamadaling nagtungo si Angel sa kusina kaya ako, si Mang Gregor at mark nalang ang naiwan.
Kaagad akong nabahala sa kalagayan ng ama ni Angel dahil ang lalim ng hininga niya. Lumapit ako rito at hinimas-himas ang likuran.
"Kalma lang po kayo, sir." Malang kong wika, "umupo kayo ng matuwid at huminga ng malalim." Sinunod naman ako ni Mang Gregor kaya mas lalo ko pa siyang inilalayan. "Dahan-dahan niyo pong pakawalan ang hininga ninyo at ulitin ang malalim na paghinga," dagdag ko.
"Medyo tumaas na naman ang dugo, iho." Hinihingal ito.
"Naku sir, may gamot po ba kayo? Hindi puwedeng pabayaan niyo lang ang inyong kalagayan." Kaagad akong nag-alala.
"Wala akong maintenance na gamot pero may iniinom naman ako kapag sinusumpong ng high blood."
"Kung ganoon po ay iwasan niyo munang ma-stress at ang pagkain ng matataba at matatamis." Kapag nagpatuloy ito ay baka mauwi pa si Mang Gregor sa stroke.
"Iyon nga ang ginagawa ko, iho. Pero dito lang talaga ako sa bahay nai-stress dahil sa asawa ko at pagod sa work."
"Naiintindihan ko po kayo." Medyo wala akong maibibigay na advice pagdating sa usapang pamilya.
"Maraming salamat, iho."
"Your welcome po."
Ilang saglit pa'y bumalik na si Angel at dala-dala nito ang isang baso. Kaagad akong umalis sa tabi ni Mang Gregor upang mabigyan ng espasyo si Angel.
"Ito na pa." Ibinigay ni Angel ang baso ng tubig tiyaka hinalungkat nito ang bag ng ama, "kailangan niyo pong uminom ng gamot." Sandali niya lang itong ginawa at nakita na niya kaagad ang isang maliit na box. Doon may kinuhang gamot si Angel at ibinigay nito sa ama.
Sandali na muna naming hinintay ang na mapabuti ang kalagayan ni Mang Gregor. Kaya nang manumbalik ang sigla niya ay nakahinga kami pareho ni Angel.
"Ayos na po ba kayo?"
"Oo anak." Napatingin sa akin si Mang Gregor at ngumiti. "Maraming salamat uli, Gabriel."
Ngumiti ako, "wala po 'yon."
"Sigurado po kayo pa na ayos na kayo? Kung hindi ay ipagliliban ko nalang ang pagawa ng project namin. Mas mahalaga kayo sa akin."
Angel, ayos lang ako at isa pa parang humupo na ang aking high blood pressure."
"Pa?"
Sige na anak, gawin na ninyo ang inyong project. Kailangan mong gawin iyon.” Ani ng ama.
“Pa.” Tuluyan nang humagulhol ng iyak si Angel napayakap sa ama. Awang-awa ako sa kanila. Kung may magagawa lang sana ako ngunit wala. Problema ito ng isang pamilya na hindi naman ako kabilang. Ang pamilya ni Angel ay isa lang sa mga pamilyang magulo at kawalan ng tiwala sa sa isa’t-isa. Sana'y magkaroon parin sila ng kasiyahan kahit ganito ang pamilya na meron sila.
“Iho.” Bumaling sa akin ang ama ng dalaga, “ikaw na ang bahala sa anak ko. Hindi kita kilala ngunit nakakasigurado akong mabuti kang tao. Huwag mo sanang pabayaan ang anak ko. Nag-iisa lang siyang babae. At mahal na mahal ko siya.”
Shit! He’s like my father. May similarities sila when it comes sa mga anak. Ngumiti ako at marahang tumango, “huwag po kayong mag-aalala, sisiguraduhin kong hindi siya mapapahamak.” Paniniguro ko.
“Thank you, Pa.” Si Angel.
“Basta wala kayong gagawing kalokohan. Pag-aaral lang lahat ang inyong gagawin at wala ng iba. Malaki ang tiwala ko saiyo, Angel at huwag naman sanang masira 'yon.”
“Opo, Papa. Nangako ako ssa inyo di'ba? Na pag-aaral muna bago relasyon.”
“Oh siya, sa tingin ko’y hindi na ninyo matatapos ng mas maaga ang project. Magdala ka nalang ng uniform mo baka aabutin kayo ng magdamag...ayokong umuuwi ka pa ng dis oras ng gabi mas lalong mapanganib sa daan.”
“Maraming salamat, talaga, Papa.” Kumiwala si Angel sa pagkakayakap sa ama niya at nagmamadaling umalis. Sa tingin ko’y kukuha lang ito ng mga gamit. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil wala na ang tensyon sa bahay na ito.
“Iho.” Tumabi ng upo ang ama ni Angel sa sa akin, “pagpasensyahan mo na ang asawa ko. Ganoon lang yon dahil nahuli kong naghahanap naman ng makakalaro sa mahjong.” Napabuntong hininga ito.
“Ayos lang po iyon sa akin.” Tipid akong ngumiti. “Naiintindihan ko po.”
“Minsan napapagod na ako sa aking buhay ngunit kailangan ko pang lumaban. Mga anak ko nalang ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. At sobrang hindi ko kakayanin kung isa sa kanila ang mawala o mapahamak.”
“Gaya po ng pagmamahal at pagpapahalaga ninyo kay Angel ay ganoon din po ang aking gagawin. Makakaasa po kayong aalagaan ko si Angel.”
The way ako magsalita ay parang hinihingi ko na ang kamay ni Angel sa kanyang ama. Nakakahiya man ngunit ganito akong tao, sincere at may prinsipyo sa buhay. Ayoko ko ring mawalan ng tiwala ang ibang tao sa akin. Kapag nangyari iyon ay hindi ko lang iyon kabiguan, kabiguan rin iyon ng aking mga magulang na siyang nagpalaki sa akin.
“Maswerte po ang mga anak ninyo sa inyo. May ama silang kagaya ninyo.” Dagdag ko na ikinangiti niya.
“Mukhang maganda ang pagpapalaki saiyo ng iyong mga magulang.”
Nahihiya akong ngumiti, “nag-iisa lang po kasi akong anak kaya lahat ng pangaral nila ay sa akin napupunta. Dami nga rin pong bawal, eh.” Nakakatuwa lang dahil bigla kong naalala ang tungkol sa donut at iba pang matatamis na pagkain.
"Pero alam mo bang nag-iisa rin akong anak? Alam mo, nakikita ko ang sarili sa'yo."
"Talaga po sir?" Medyo nagliwanag ang aking mata. Hindi ko inakala na only child din pala si Mang Gregor.
"Oo, at totoo ang sinasabi mong madami ang bawal. Ngunit nakakalungkot lang dahil maaga nila akong iniwan. Nang mamatay si Papa at sumunod naman si Papa dahil sa kanilang sakit. At hanggang ngayon ay minamalas parin ako dahil nakilala ko si Carmelita. Hindi siya maiwan-iwan dahil sobra ko siyang mahal at ayokong lumaki ang mga anak ko na walang kinikilalang ina." Malungkot at tila nawawalan na ng pag-asang kwento ni Mang Gregor. Sa kabila ng kanyang kabiguan sa pag-ibig ay nanatili paring positibo ang kanyang pananaw.
"Mga pagsabok lang po ang lahat ng ito, sir. Darating at darating din ang araw na giginhawa at magiging masaya kayo kasama ang inyong mga anak."
"Sana nga Gabriel. Ilang taon ko na iyong hinihiling sa Diyos ngunit heto ako parin. Walang nangyayari ngunit inaasam-asam parin na guminhawa ang buhay at maging masaya. Kaya nga excited akong makatapos si Angel dahil iyon ang pangarap ko sa kanya."
"Ang buti niyo pong magulang, sir and bait niyo po. Mukhang mayroong pinagmanahan si Angel sa kabaitan."
"Naku, kaya mahal na mahal ko ang anak kong iyon, eh." Napuno ng tawanan ang sala ng bahay. Sobrang gaan palang kausap si Mang Gregor. Kaagad ko na namang naisip si Papa, sigurado akong magkakasundo si Papa at Mang Gregor kapag nagkakilala silang dalawa.
Naputol ang masaya naming tawanan nang makabalik na si Angel. May dala na siyang mga gamit na sigurado naman akong gagamitin niya bukas. Mukhang doon na talaga siya matutulog sa aming bahay.
"Oh, Gabriel, ikaw na ang bahala sa kanya, ha?"
"Opo sir." Ngumiti ako at binalingan si Angel, "tara na?"
"Tara." Bumaling si Angel sa ama, "alis na po kami, Pa." Humalik siya kay Mang Gregor.
"Mag-ingat kayo."
Nang makalabas kami sa bahay nina Angel ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko, "ang bait ng Papa mo, Angel," wika ko.
"Kayo, ha. Ano ang pinag-usapan ninyong dalawa?"
"Ha?" Kumunot ang noo ko, "wala naman, sinabi niya na mahal na mahal ka niya."
"Ay sos, iyon lang?"
"Oo, iyon lang kaya tara na dahil lumalalim na ang gabi." Masayang turan ko, "akin na ang mga gamit mo ako na ang magdadala."
"Naku, ako na, magaan lang naman ito, eh."
"Sigurado ka?"
"Oo, kaya tara na, magmadali na tayo."