Chapter 11: Namumuong Pag-ibig
Naimulat ko ang aking dalawang mata nang parang may humahaplos sa aking mukha. Bumungad sa akin ang napakaganda niyang mukha. Marahan akong bumangon, naramdaman ko ang isang tao sa aking tabi. Tiningnan ko ito, napangiti ako nang si Angel pala. Dahan-dahan lang ang aking galaw para hindi siya magising. Nang maiayos ko ang aking upo ay muli kong tiningnan ang babae sa aking panaginip. Ngumiti lang siya sa akin. s**t, nananaginip ba ako ngayon? O totoong gising ako?
“Are we not going to have s*x?” Tanong ko sa kanya. Bigla akong na-excite dahil sobrang ganda niya talaga.
Napailing siya at binigyan niya ako ng sobrang tamis na ngiti. Sobrang ganda niya talaga. Nanatili lang kaming nagtitigan hanggang sa unti-unting nagbago ang kanyang mukha. Napaawang ang aking labi nang naging si Angel siya. Sa gulat ko ay naipikit ko ang aking mga mata. Takti, bakit ganon?
Naalimpungatan ako ng gising dahil sa aking napaka-weird na panaginip. I was expecting na something may mangyayari uli sa amin. The thing is, bigla siyang naging si Angel. Nakakatawang isipin dahil naaalala ko lahat ang aking naging mga panaginip. I always ask myself kung paano ko iyon nagagawa dahil may ibang tao na paggising nila ay nahihirapan na silang aalahanin ulit kung ano ang kanilang napaginipan.
Speaking of Angel, wala na siya ngayon sa aking tabi. Bigla kong naalala kung ano ang nangyari sa amin kagabi. Kung bakit siya sa tabi ko natulog.
Pagkatapos naming kumain ay naglinis na muna kami dalawa. Ang saya lang namin dalawa at tila para kaming mag-asawa. Iwan ko ba, bigla akong kinilig. At pagkatapos ay wala na rin kaming sinayang na oras. Kaagad na kaming umakyat sa itaas upag simulan ang pagkuha ng video. Noong una ay kabado ako, since hindi ako sanay sa harap ng camera. At isa pang ikinababahala ko ay nahihiya ako kay Angel. The way niya ako tingnan while answering some basic questions, it makes my heart beats fast. Ibang-iba ito sa nararamdaman ko noon kapag may nakakausap o nakatingin sa aking babae.
I would like to know if love at first is real? I read some confessions, stories on novel and even movies. Some of them the just met because of simple looking at the person. Then boom! Thats the beginning of love story. Minsan hindi ako naniniwala sa ganoon. For I know, kailangang matutunan ang pag-ibig. And it requires three requirements ang lust, attraction at attachment. If I am not mistaken ang mga yan ang unang mararanasan in order na masasabi mong mahal mo na nga siya.
In my case, I don’t even know kung ano ang nararamdaman ko for her since bago palang kaming magkakilala. Nakakatuwang isipin dahil naging komportable kaagad kami sa isa’t-isa.
“Last question na tayo and tapos na.” Pareho kaming nakahinga ng maluwag. Halos maubusan na rin ako ng laway at nanunuyo na ang aking lalamunan sa kakasagot sa mga tanong.
Tiningnan ko muna ang oras sa aking cellphone. Pasado alas onse na ng gabi at sa ganitong oras ay tulog na ako. Hangga’t maaari ay ginagawa ko ng maagang-maaga ang aking mga project and assignments. Noong nasa stage pa kasi ako ng maturity I always sleep at eight in the evening or nine since the growth hormone will be release at ten for instance.
“Are you ready?” Tanong ni Angel sa akin at muling itinutok ang camera sa harap ko. Humugot muna ako ng malalim na hininga at ngumiti sa kanya.
“Ready.” I'm excited sa huling tanong na ibibigay niya.
“In 3,2,1 play.” Naka-on na ang camera, “so ano ang mga mahahalagang bagay ang natanggap mo sa iyong buhay?”
Sandali akong nag-isip. Lahat ng bagay na dumadating sa buhay ko ay importante. Kung mayroon mang mahalaga talaga ay ang mga magulang ko. Tama, sila lang ang pinakaimportante sa akin sa ngayon.
“Ang mahahalagang bagay na dumating sa akin ay sina Mama at Papa. Simula pa noong nabuhay ako sa mundo ay sila na talaga. And nothing can replace them. Sila ang dahilan kung bakit nag-aaral ako ng mabuti at sila rin ang dahilan kung bakit mabuti akong tao.” Ngumiti ako bilang sign na tapos na akong sumagot.
“And done.” Napangiti si Angel sa akin. “Thank you so much Gab. Sobrang buti mo ngang tao.” I can feel her sincerity.
“Ay sos, wala ‘yon. It’s just small thing. Lahat naman ng tao ay mabait, dipende sa situation.” Kinindatan ko siya na nagpapula na naman sa kanyang magkabilang pisngi.
Suddenly nagtama ang aming mga mata ngunit si Angel ang naunang nag-iwas. I feel something weird sa feeling ko. And maybe ganoon din siya sa akin.
“Ang mabuti pa’y magpahinga na tayo.” Ani ko just to break the silence na namumuo sa amin.
“Anong oras na? Baka puwede pa akong umuwi?”
Tiningnan ko ulit ang oras. Medyo naitaas ko ang aking kilay nang malapit nang magalas-dose. “It’s almost twelve. I guess masiyado nang mapanganib kapag lalabas ka pa.” Ani ko. Deep inside, gusto kong dito siya matutulog. Wala namang ibang tao rito sa bahay kaya ayos lang. At wala naman akong gagawin sa kanyang masama. Gusto ko lang talaga ang company ni Angel. Masaya akong nakikita siya.
“So ang bibig bang sabihin ay dito na talaga ako magpapalipas ng gabi?” Nahihiya niyang tanong. "Pero kaya pa naman to. Baka may mga habal-habal driver.
“Yes, walang problema kung dito ka matutulog but isa lang ang bed.” Ani ko. Lock ang room nina Mama at ang kabilang silid rin."At masiyado na ring mapanganib ngayon, hindi natin kilala ang mga namamasada ngayon. Baka no pa ang mangyari sa'yo ay mapatay pa ako ng Papa mo.
“So tabi tayong matutulog?”
“Hmm.” Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Pero gusto ko siyang katabi matulog. Gusto kong maranasan na may katabi kang matulog sa kama. Well, not for s*x thing.
“Kung isa lang talaga, wala namang problema sa akin na katabi ka, dagdag niya sa akin. “Ako na nga itong makikitulog tapos magrereklamo pa ako?”
May kung anong nabuhay sa akin sa sinabing iyon ni Angel. Ayokong mag-isip ng medyo malaswa ngunit iyon ang pumapasok sa aking isipan. s**t, Gab behave!
“Are you sure?” Paninigurado ko.
“Oo..iyon kung okey lang.”
“Su-sure, walang problema sa akin. Malaki ang kama ko.” Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway. I can't believe its happening.
“Okey...aayusin ko muna itong mga gamit at susunod ako saiyo.” Giit ni Angel na mas lalong nagpanabik sa akin.
Mabilis akong pumasok sa aking kwarto at nagpalit ng pantulog. Medyo pinili ko iyong pants na makapal para hindi bumakat ang alaga ko sa harapan. Ayoko namang mag-boxer baka masiyadong masagwa. Inayos ko ang mga kumot at unan. Inamoy ko muna baka mabaho na ngunit mabango pa naman. Mukhang napalitan ito ni Mama kanina bago paman sila umalis ni Papa.
“Gab.” Kumatok si Angel at pumasok. Dala-dala niya ang lahat ng kanyang gamit.
“Pasensya ka na medyo wala sa ayos ang aking kwarto.”
“No, mas maayos pa nga itong tingnan kaysa sa akin. Ang bilis mong nakapagbihis.”
“Ha? Eh, nakakahiya kung maabutan mo pa akong nagbibihis kaya binilisan ko na lang.” Nakakahiya nga 'yon.
Ngumiti lamang si Angel at inilagay niya ang kanyang mga gamit sa study table ko. Pagkatapos ay inayos niya ang kanyang buhok. Napapansin ko ang namumula na niyang mga mata. She might be so sleepy now. Parang gusto ko siyang yakapin habang natutulog kaming dalawa.
“So...matulog na tayo?” Tanong ko sa kanya. Tangna, ngayon palang ay naiilang na ako sa kanya. How much more kung magkatabi na kaming matulog? Masiyadong mabilis ang lahat!
“Sige...doon ka nalang sa sulok at dito ako sa gilid.” Aniya.
Umakyat ako sa kama at doon nga humiga sa kama. Tig-isa kami ng kumot ni Angel, nakakahiya kung isa lang ang aming gagamitin. Nang humiga na siya ay mas lalo pa akong nailang. I wanted to face her pero nakakahiya. Ang ginawa ko ay nakaharap ako sa kisame.
Pinikit ko ang aking mga mata ngunit ang diwa ko at pakiramdam ay gising na gising. Medyo matagal din ako sa aking posisyon na nakahiga. Hanggang sa narinig ko ang mahinang hilik ni Angel.
Naglakas loob akong harapin na siya. Marahan kong hinawi ang kanyang buhok na nakatakip sa kanyang para mas lalo ko pa siyang mapagmasdan. Sobrang ganda talaga niya. This kind woman ay hindi dapat na pinapaiyak. I mean, lahat ng babae, hindi nila deserve umiyak at masaktan.
Nakita ko ang aking sarili na napangiti sa kanya habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. I wanted to touch her pero natatakot ako baka magising siya. I wanna feel her smooth face.
Biglang gumalaw si Angel at napayakap sa akin. Nagulat ako ng isiniksik niya ang kanyang ulo sa aking dibdib. Ang puso ko na kanina’y normal lang ang t***k ngayon nagagambala. Naamoy ko ang mabango niyang buhok at sobra kong nararamdam ang mainit niyang katawan. Muli akong ngumiti.
“Sleep well my diamond.” Napayakap na rin ako sa kanya and God knows how much I want this moment. At ang bilis kong nakatulog dahil sa kakaibang init ng kanyang katawan.
“Gab.” Nagising ako sa aking diwa nang marahang kumatok si Angel sa pinto. Dali-dali kong nilagyan ng kumot ang ibaba kong parte dahil nakabakat ang alaga ko.
Pagpasok niya ay nagkunwari akong kakagising ko lang, “goodmorning.” Bati ko sa kanya. Naligo na siya at nagsuot na ng uniform.
Kaagad akong naalarma ng bahagyang napatingin si Angel sa aking ibaba nang mapansin niyang may unan doon. Pasimple siyang ngumiti na siya namang ikinahiya ko.
“Goodmorning din." Ibinalik niya ang tingin sa akin, "hindi na kita ginising dahil maaga pa naman. By the way nagluto na ako ng breakfast para pagkagising mo ay kakain ka nalang at pagkatapos maghanda na para pumasok sa eskwela.” Wika niya at nilagay sa bag ang kanyang mga gamit.
“Thank you, Angel. Nakakahiya naman saiyo.” Ani ko. Sanay na akong gumising na may nakahanda ng pagkain pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Iba ang epekto na ibinibigay niya sa akin. At ang sarap lang sa pakiramdam.
“Ano ka ba, kulang pa nga ang ginawa ko para makabawi sa kabutihan mo sa akin...so sabay na tayong kumain?” Aniya at dala-dala na ang kanyang bag.
“Sure.” Ngumiti ako, “mauna ka na, susunod ako. Aayusing ko lang muna ang aking buhok.” Nakakahiya, handang-handa na siya para pumasok. Siguradong maghihintay pa siya sa akin ng mas matagal.
“Okey.”
Sa totoo lang ay pilit kong pinapakalma ang galit kong alaga. Natural lang naman ito sa aming mga lalaki kapag umaga ngunit nakakahiya parin.
Paglabas ni Angel sa kwarto ay kaagad akong bumangon at inayos ang kama. Nagpapasalamat ako dahil hindi na siya medyo bakat. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang oras. Sobrang aga pa kaya no need akong magmadali.
Binilisan ko na ang aking ginawa kaya nang matapos ako ay kaagad akong bumaba. Naabutan ko si Angel na nakaupo na sa mesa at hinihintay na niya ako. May kanin at ulam na sa aking plato kaya minabuti kong umupo na rin.
“Thank you for this.” Pasasalamat ko. Bigla kong naalala si Mama, ginaganito niya ako noong elementary palang ako pero ngayon hindi na.
“Your welcome, ako na ang mag-lead ng prayer.”
Sabay ulit kaming nag-sign of the cross at nakinig lang ako habang nagdadalangin si Angel sa aming pagkain.
“Amen.”
Kumain na ako at ganoon rin siya. Sarap na sarap ako sa pagkain kahit simpleng scrambled egg lang iyon at tortang talong. Hindi nagkakalayo ang lasa ng luto ni Mama at Angel. Masasabi kong sanay sa pagluluto ang dalaga. She's an example of good housewife.
“Kain ka pa.” Nilagyan niya ako ng isang sandok ng kanin at isa pang tortang talong.
“Thank you, mukhang tataba ako nito.” Pabiro kong wika sa kanya.
“Mag-exercise ka nalang kapag may free time ka.” Marahan siyang tumawa na ikinatawa ko na rin. Kahit hindi iyon nakakatawa ngunit sobrang nakakahawa siya.
“Hindi ko alam na marunong ka palang magluto.” Wika ko habang nagpapatuloy sa pagkain.
“Kay Papa ko natutunan ang lahat ng ito.”
“Really?” Medyo hindi ako makapaniwala. Si Papa kasi hindi marunong magluto at maging ako ay hindi rin. Ang nagagawa ko sa kusina ay maghugas, magpaapoy at mag-init ng mga pagkain.
“Oo, siya ang nagluluto sa amin.”
“Sobrang lapit mo pala sa Papa mo, ano.” Seryoso akong ngumiti kay Angel.
“Oo, ba’t mo naman iyon nasabi?” Napahinto si Angel sa pagkain at tumingin sa akin.
“Kasi nakuha mo pang matuto sa pagluluto at iyong kagabi.” Hindi ko sinasadyang ibalik ang nangyaring sagutan ng kanyang mga magulang kagabi ngunit huli na para bawiin ko. Gumuhit ang lungkot sa maganda niyang mukha habang nakatingin sa akin. “I’m sorry, hindi ko sinasadya.” Kaagad akong na-guilty. It was a wrong move.
“Ano ka ba.” Pinilit niyang ngumit, “wala iyong problema sa akin, Gab at sanay na rin ako.” I can feel her sadness.
Kahit na nakangiti na siya sa akin ngayon deep inside I can feel her pain. I wanna hug her ngunit wala akong karapatan.
“If you have problems o kailangan mo ng makakausap, Angel.” Napahinto ako sa pagsasalita, “Nandito lang ko.” Sincere kong dagdag. Gusto kong iparamdam sa kanya malalapitan niya rin ako.
“Thank you.”
Hindi na niya napigilan ang sarili. Kaagad na namula ng mukha ni Angel at sumunod ang kanyang mga luha na naghahabulang lumalabas sa kanyang dalawang mata. Mabilis akong tumayo at nilapita siya. Hindi na ako nagpaalam pa. I hug her at napasubsob siya sa lower chest ko.
Mas lalo pa siyang humagulhol ng iyak sa ginawa ko. Marahan kong hinimas-himas ang kanyang likod para pagaanin ang kanyang pakiramdam.
“Napakabuti mong tao, Gab. Hindi ka nila puwedeng saktan.” Mahinang wika ni Angel ngunit narinig ko iyon.
Nagkunwari akong walang narinig. Ano ang ibig niyang sabihin na hindi nila puwede akong saktan? May nagbabalak bang mga tao sa akin ng masama? Napailing lang ako baka ang ibig niyang sabihin ay wala dapat manakit sa akin dahil ang buti kong tao. Baka iyon ang ibig niyang sabihin.
“Nandito lang ako, Angel. I know bago palang tayo nagkakilala pero ang ginagawa kong ito ay totoo. Ang pinapakita kong kabutihan saiyo ay walang halong biro at pakitang-tao.” Wika ko sa kanya.
Nang tumahan na siya ay nagpatuloy na kami sa pagkain. She insisted na siya ang magliligpit kaya hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Mabilis nalang akong naligo at nag-ayos sa sarili. Dala ang aking mga gamit ay bumaba na ako mula sa aking kwarto
“Let’s go.” I said. Tumayo siya at lumabas na kami ng bahay. Naging tahimik ang aming biyahe papuntang University. Nang makarating kami sa campus ay kaagad nang naghiwalay ang aming mga landas. Dumiritso ako sa aking first period na klase at nandoon na si Tyler pati ang mga kaklase ko ngunit wala pa ang aming professor.
“Hey.” Nagmamadaling tawag sa akin ni Tyler. May hawak itong papel kaya nagmamadali akong lumapit sa kanya. “Bilisan mo ang pagkopya sa assignment, mabuti nalang at inagahan mo ngayon.” Kaagad na ibinigay niya ang kaninang papel na hawak. Inabot na rin niya ang kanyang sagot.
“Bakit ngayon mo lang ito sinabi?” Nagmamadali kong kinuha ang ballpen sa bag.
“Nakalimutan ko, eh. Kagabi ko lang naisip. I-paraphrase mo nalang sagot mo para hindi halatang kumopya ka.” Aniya. At siyang akin gagawin. Medyo complicated kasi ang assignment more on definitions kaya possibleng makakapareho dahil more on research. But gusto ng aming professor dapat paraphrase ang sagot.
“Here. Thank you, malaking blessing ka talaga sa akin.” Napangiti ako kay Tyler, “siguraduhin mo lang na tama to, ah.” Biro ko sa kanya.
“Don’t worry, naikompara ko na sa mga kaklase natin. At naitanong ko sa ibang section, advance sila sa atin ng discussion kaya sigurado akong tama ang sagot natin. At hindi lang ‘yan.” Inilapit niya ang kanyang ulo sa akin, “may quiz tayo ngayon at alam ko ang sagot.” Napabungingis siya.
“s**t!” Bulalas ko. Ano ang isasagot? Absent ako nong huling discussion. “Pahingi ng notes.” Giit ko sa kanya.
“Huwag ka nang mag-alala. Planado ang lahat.” May kinuhang papel si Tyler sa kanyang bag at ibinigay niya sa akin. May pangalan ko ang papel at may mga sagot na.
Napangiti ako, bwesit na lalaking ito. “Kapag nahuli tayo nito, patay tayong dalawa pati na ang nagbigay ng sagot.”
“Cheating is an art. Kapag nahuli ka, it’s a crime kaya huwag kang pabagal-bagal mamaya. Kumuha ka ng extra paper, kunwari may sinagutan ka but ipasa mo ang papel na binigay ko sa kanya.”
Tumango lang ako. Ilang saglit pa’y dumating na si Professor Alvarez. Dala-dala niya ang kanyang laptop. Medyo matanda na siya at hindi basta-basta na professor. Magaling itong magturo lalo na sa kanyang larangan.
Tama nga si Tyler. Nag-quiz nga kami at wala akong ideya kung ano ang isasagot. Nagkunwari akong may isinulat para hindi ako mapansin ni Professor Alvarez, panay pa naman ang dungaw niya sa likuran.
“Mr. Cuenco.” Biglang tawag ng Professor kay Tyler. Kaagad akong napalingon sa harapan.
“Yes, Prof?”
“Assignment mo ngayon ang maglinis ng blackboard at white board.” Seryosong wika ni Professor Alvarez.
“Oo nga pala, sorry Prof.” Napakamot si Tyler sa kanyang batok at nagmamadali siyang tumayo at binura ang mga nakasulat sa pisara.
“Okey, pasa niyo na ang papel ninyo.” Si Professor Alvarez.
Dahan-dahan kong hinugot ang papel na ibinigay ni Tyler kanina. Nang inayos na ng Professor ang laptop nito ay ipinasa ko na kaagad ang papel sa harapan.
Mabilis na bumalik si Tyler sa upuan niya matapos gawin ang assignment, “saan ang papel ko rito?” Tanong niya sa kanyang harapan.
“Naipasa ko na.”
“Ha? Hindi iyon ang final na paper ko.” Napakamot sa ulo si Tyler na ikinatawa ko.
“Na-karma ka.” Biro ko sa kanya.
“Nandoon pa sa unahan.” Ani nong nasa harap ni Tyler.
Lalapit sana si Tyler sa harap para palitan ang kanyang papel ngunit kinuha na ng professor ang mga papel namin. Napahinto siya at bumalik sa upuan.
“Kunin mo, sabihin mong mali ang kinuhang papel ni Marites.” Hindi ko alam na di pala ang yon ang original na sagot niya. Well, I'm just being concern sa kanya.
“Ha? Baka mahuli pa tayo. Hayaan mo na, memorise ko ang sagot kaya naisulat ko sa papel na kinuha ni Marites ngunit may dalawa akong nakalimutan.”
"Bahala ka, basta parang ayos lang naman na kunin mo 'yon." Napatawa nalang ako kay Tyler. Kahit kailan talaga ay may pagkapalpak ang gagong ito. Siya na nga ang naghirap na naghanap ng sagot siya pa ang dihado ngayon. Ganito talaga sa pag-aaral minsan mas malaki pa ang nakuhang score ng pinakopya mo kaysa sayo na nagpakopya.