Chapter 8: Pagpaparamdam
Pagkatapos ng aming klase ay kaagad naring umuwi si Tyler. Sobra daw siyang inaantok at gusto na niyang matulog. Habang ako naman hindi pa puwedeng umuwi. Tutulungan ko muna si Angel sa kanilang project. Nakakatawang isipin ngunit parang exicted ako.
Binabaybay ko na ang daan patungo sa Department na aming pagagawan ng video. Medyo malayo-layo rin ito. Kailangan ko pang dumaan sa tatlong Department at isa na doon ang Economics. Habang iniisip ko ang nakita ko kanina ay sobra talaga akong kinikilabutan. Akala ko mas matatakot ako sa mga kriminal ngunit mas nakakatakot iyon kanina. Sino ba naman ang mag-aakalang makakakita ako ng ganoon? Sigurado akong hindi lang iyon basta guni-guni. Hindi maninigas ang aking katawan at pagpawisan ng marami kung isa lang iyong kathang isip. At si Tyler ang magpapatunay sa nangyari sa akin.
“Mr. Arbutante!” Napahinto ako sa aking paglalakad nang may tumawag sa aking pangalan. Kaagad ko siyang nakilala. Si Professor Sotto. Tumingin ako sa gawing kanan dahil nandoon siya.
Tipid akong ngumiti sa kanya. Palapit ang professor sa akin at parang naging normal na ng kanyang tingin sa akin. I must say na bumalik na sa dati ang professor.
“Puwede ba kitang maka-usap?” Aniya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.
“Sige po, ano po ang ating pag-uusapan?” Medyo curious kong tanong. Sigurado naman akong hindi iyon tungkol sa grades gaya nang pinag-usapan nila ni Tyler. As far as I know malaki naman ang mga nakukuha kong score sa quiz at assignments na ibinibigay ng professor.
“Gusto ko lang humingi ng paumanhin saiyo dahil sa inakto ko.” Seryosong wika ni Professor Sotto.
“Naku, wala po iyon sa akin.” Tipid akong ngumiti, “nakapagtataka lang po kung bakit ganoon kayo makatingin sa akin.” Hindi ko mapigilang wika dahilan para tumaas ang kilay nito ngunit nakabawi rin naman ang professor at ngumiti. Iyon naman na talaga ang gusto kong sabihin sa kanya.
“Kasi, may social experiment ako. Mahilig kasi akong tumingin kung ano ang reaksyon ng mga tao tungkol sa ginagawa ko sa kanila.” Hindi parin nawala ang ngiti ng Professor. "Alam mo 'yon? Yong pinag-aaralan mo ang isang tao dahil mas gusto mo pa silang makilala."
"Po?" Dahil ginagawa niya iyon sa akin ay gusto niya akong makilala. Ngunit bakit?
"Wala, joke lang."
"Ahh."
I don’t know but I found it weird pero tumang-tango nalang ako. Kung titingnan ang professor mukhang hindi ito mahilig sa mga social experiment na sinabi niya. Una, galanti siyang tingnan, pangalawa mukha napaka-weird isipin na ginagawa niya iyon. Ngayon lang yata ako narinig o tamang sabihin na nakaranas ng social experiment kung titingnan lang.
At pang huli, I can sense na may istorya behind sa kanyang ginawang pagtingin sa akin na sobrang hindi kaaya-aya. Kahit sinong tao na ay matatakot sa ginawa ng professor.
“By the way, saan ang punta mo? Forty minutes nalang at magsi-six pm na.” Aniya kasabay tingin sa kanyang relo.
“May pupuntahan lang po akong kaibigan, prof. Uuwi din kami kaagad.” Ani ko, “paano po, maiwan ko na po kayo.” Mabilis kong paalam at tinalikuran na siya.
“Mr. Arbutante.” Muli niyang tawag sa akin napahinto ako at tumingin sa kanya, “mag-iingat ka.” Bilin niya. Iyong tono ng boses niya ay parang isang babala. Ngumiti lang ako sa kanya at tuluyan na ngang umalis.
Ang weird niya talaga!
May mga nakakasalubong pa akong mga estudyante. Sa tingin ko’y kakatapos lang ng huling period. Kagaya ng iba ay nagmamadali ang mga itong naglakad. Habol-habol nila ang oras at hangga’t maaari ay hindi sila maabutan ng alas sais.
Nalagpasan ko na ang isang Department. Ngayon ay papalapit na ako sa ikalawa. Kaagad na nakaramdam ako ng kilabot. Kitang-kita ko na ang building ng economics. Medyo madilim na rin sa parti ng department dahil sa naglalakihan mga puno na nakapaloob malapit sa mga rooms. Habang naglalakad ay pilit kong iniyuko ang aking ulo. Mas binilisan ko ang aking paglalakad. Sobrang bilis na rin ng t***k ng aking puso. Ang mga mata ko ay bumibigat at parang naluluha. Parang unti-unti ko na namang nararamdaman ang naramdaman ko kanina.
Nang makarating ako sa tapat ng department at kitang-kita ng gilid ng aking kanang mata ang entrance kung saan kami dumaan ni Tyler.
Pinilit kong huwag tumingin ngunit matigas ang aking ulo. Pag-angat ko paharap ng entrance ay humangin ng sobrang lamig. Ang mga patay na dahon sa puno ay nahulog. Tuwid at pinilit kong huwag matakot habang nakatingin sa entrance. Wala namang kakaiba. Parang normal lang ito na lumang building. Ngunit hindi iyon nangangahulugang pakakampanti ako. Sa katanuyan ay halos maubusan na ako ng hininga sa sobrang kaba.
Naisipan kong what if kung pasukin ko kaya? Just to confirm kung totoo iyong nangyari sa akin kanina. Sandali muna akong nag-isip. Mukhang maaga pa naman. Humugot ako ng malalim na hininga at humakbang palapit sa entrance. Nakiramdam ako sa paligid, kung may mararamdaman akong kakaiba ay tatakbo ako kaagad. Ngunit nakailang hakbang na ako wala namang kahit na anong senyales ng pagpaparamdam.
Haggang sa makarating na ako sa bukana mismo ng department. Mas lalo pa akong kinakabahan. Nagdadalawang isip na ako kung papasok pa ba o hindi. Pakiramdam ko ay mas lalong lumiliit ang daluyan ng hangin sa aking dibdib. Sobrang bilis na ng t***k ng aking puso. Ang aking ulo ay parang sasabog na sa sobrang kaba at bigat
“s**t!” Hindi ko mapigilang sambit. Pinilit kong pagaanin ang aking pakiramdam at tuloy-tuloy akong huminga ng malalim. Bawat buga ko ng hangin palabas ay may katumbas iyon na relief pero bumabalik din ang kaninang kaba.
Nilakasan ko pa ang aking loob. Humakbang ako sa maliit na hagdan. Dahan-dahan at nanatiling nakiramdam sa paligid. Bawat tama ng hangin sa aking balat ay mas lalo pang naninindig ang aking balhibo.
Nang tuluyan na akong makapasok ay tumingin ako sa aking kinatatayuan. Parang dito rin ako kanina nakatayo nang nanigas ang buo kong katawan. Inilibot ko ang aking mga mata. Wala paring kakaiba. Sobrang nakakabingi ang katahimikan. Tinalasan ko ang aking pangamoy baka muli kong maamoy ang mabangong halimuyak ng belo.
Sa tingin ko’y limang minuto na akong nakatayo ngunit wala man lang nagparamdam sa akin. May kung anong pumasok sa aking isipan. Nagdadalawang isip akong gawin ito, basta ito iyong panghuli.
Muli ay humugot ako ng malalim na hininga, ipinikit ko ang aking mga mata para pakalmahin ang aking sarili. Nang handa na ako ay inimulat ko ang dalawa kong mga mata at dahan-dahan nagpakawala ng hangin gamit ang aking bibig.
Bahala na! “Alam ko na hindi ko lang iyon guni-guni. Ang nangyari sa akin kanina ay kagagawan mo iyon. Kaya kung totoo ka ay magpakita ka ulit sa akin. Huwag mong gamitin ang iyong kakayahan na patigasin ang aking katawan. Huwag mo akong pakialaman. Gusto ko lang na makita ka ulit just to prove kung totoo ang mga kagaya mo. At gusto kong malaman kung bakit ginagawa mo ito sa akin. Gusto ko ng payapa at tahimik na buhay. Huwag mo akong guguluhin.”
Katatapos ko palang magsalita ay bigla na namang humangin. Sobra-sobra nang kilabot ang bumabalot sa akin. Pakiramdam ko ay pati buhok ko sa ulo ay nagsitayuan na. Hindi ako umalis sa aking kinatatayuan. Pakiramdam ko ay magpapakita siya ulit sa akin.
May kung anong naramdaman akong nakatayo sa aking likuran. Hindi ko alam kung tao ba iyon o multo basta sigurado akong may kung ano sa likod ko.
“Huwag mo akong takutin, hindi ako kalaban. Kung nais mong humingi ng tulong ay gagawin ko.” May nabasa na akong mga article noon na may ibang kaluluwa ay simbolo ni satanas at may iba rin namang nangangailangan ng tulong upang tuluyan ng manahimik. Ngunit alin siya sa dalawa? Bihira lang ang may humihingi ng tulong kaya sila nagpapakita.
Oh God! Naipikit ko ang aking mga mata, baka demonic entity na siya? I'm not sure pero puwede ring humihingi talaga siya ng tulong hindi makaalis sa mundong ito.
Biglang nawala ang bagay sa aking likuran. Tama ako, siya na nga iyon. May malamig na hanging dumaan sa aking buong katawan. Tila ba'y nilagpasan niya ako. Papunta siya sa aking harapan. Saglit kong ipinikit ulit ang aking mga mata. Kaya nang ibinuka ko ito ay bahagya akong napaatras sa aking nakita.
Nakatalikod ang multong babae sa akin ngunit wala akong naamoy na kakaiba. Ang suot niya ay ganoon parin, maputik at punong-puno ng dugo. Nakaawa siyang tingnan at sa tingin ko'y biktima siya ng isang karahasan.
“A-ano a-ang ka-ka-kailangan mo sa akin?” Garalgal kong tanong. Kahit pakiramdam ko ay hindi niya ako sasaktan hindi parin nawawala ang kanina ko pang kaba.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay may itinuro siyang isang silid. Hindi ko iyon masiyadong maaninag dahil madilim sa loob.
“Ano ang meron diyan?” Tanong ko.
Sa halip na sagutin niya ako ay bigla nalang siyang naglaho. Pahakbang na ako para lapitan ang silid na na tinuro ng multo nang may biglang humatak sa aking kamay. So sobrang gulat ko ay napatalon ako at bahagyang napaatras.
“Hoy, Gab...ano ka ba. Ako to si Angel.”
Shit. Nakahinga ako ng maluwag, “sorry, ginulat mo kasi ako.” Ani ko sa kanya. Ang tila kilabot na aking naramdaman ay unti-unting napapalitan ng pagkapanatag. Akala ko ay ang multo na ang humawak sa akin.
Ramdam na ramdam ko na ang mga pawis kong nagsilabasan. Gamit ang aking kamay ay pinunas ko iyon. Lalo na sa aking noo.
“Ano ang ginagawa mo rito?” Tanong niya, “alam mo bang kanina pa kita hinihintay, ha?” Dagdag ni Angel. Parang may pagka-dismaya ang kanyang boses.
“Pasensya na Angel.” Bahagya akong lumapit sa kanya, “may oras pa ba tayo?” s**t, I didn't know na matagal na pala akong nakatayo rito.
“Wala na...” Nadismaya ko nga siya, “naabutan ako ng mga guard na nagro-robbing kaya pinaalis na ako. Pagdaan ko rito ay nakita kita, mabuti nalang at kilala ko ang iyong bulto.”
“Pasensya na talaga...pero kung gusto mo ay sainyo nalang natin gawin ang video mo.” Nakakahiya naman kasi kung wala akong gagawin. Kahit na hindi ko iyon project ay inasahan niya parin akong tumulong.
“Hindi puwede sa amin kasi maliit lang ang bahay. Tapos napakaingay pa,” aniya.
Sandali akong nag-isip. Eh, saan namin gagawin ang project niya? Baka ako pa ang magiging dahilan na wala silang grades ng kanyang mga kaklase.
What if kung sa amin nalang kaya? Well, malawak ang aking kwarto at puwede namin gawin doon ang video. At isa pa, walang disturbo roon sa bahay.
“Ku-kung gusto mo ay sa amin nalang bahay.” Nahihiyang wika ko.
“Papayag kaya ang mga magulang mo?”
“Wala sila sa bahay.” Mabilis kong wika, “I mean wala sila dahil may importanteng pinuntahan at bukas pa ang kanilang balik.”
“Talaga?” Medyo nahihiya siya, “paano kung malaman nilang nagpapasok ka ng ibang tao?”
“Hindi naman sila magagalit. Hayaan mo iti-text ko nalang sila.” Mas lalo pa akong lumapit sa kanya at bahagyang ngumiti. Sana lang ay makita niya ang ngiti kong iyon.
“Sige-sige. Puwede bang huwag tayong mag-usap rito. Sobrang nakakatakot.” Palingon-lingon si Angel sa paligid. Maging ako ay ganoon rin. Sobrang dilim na ng paligid at madami ng lamok.
“Tara na," ani ko.
Hahakbang na sana kaming dalawa palabas nang may taong pumasok. Napahinto ito sa bukana ng entrance. Nakikilala ko ang kanyang bulto kahit hindi ko maaninag ang kanyang mukha.
“Ano pa ang ginagawa ninyo rito?” Medyo galit na tanong ng professor. May authority sa kanyang boses na hindi ko maipaliwanag.
Naramdaman kong kumapit si Angel sa aking braso. Mukhang natatakot siya kay Professor Sotto.
“May pinag-usapan lang po kami Prof. At paalis na rin po kami, sambit ko. Hinawakan ko sa kamay si Angel at humakbang kami palabas. Nang malapit na kami sa entrance at napahinto kami ng lakad ni Angel nang ayaw magbigay daan ni Professor Sotto.
“Ang akala niyo ba’y makakalabas pa kayo rito?” May diin niyang tanong sa amin.
Napalunok ako ng laway. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Angel sa aking braso, “ano po ang ibig ninyong sabihin?” Hindi ko siya maintindihan kahit na alam ko sa aking sarili na may binabalak siya sa aming dalawa.
Sa halip na sumagot ang professor ay may kinuha itong bagay sa kanyang likurang bulsa ng uniform. Bahagyan kaming napaatras dalawa. Huwag nitong sabihin ay papatayin niya kami ni Angel?
“Prof, uuwi na po kami, wala po kaming nagawa sainyo. At talagang nag-uusap lang kaming dalawa.” Sa pagkakataong iyon ay niyakap ko na si Angel. Napasubsob siya sa aking dibdib at nanginginig. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nakakapit sa akin. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. I need to do something.
“Nata- ta- takot ako, Gab.” Aniya.
“Shh, nandito lang ako, huwag kang matakot.” Hinimas-himas ko ang kanyang likuran just to make her calm. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap kay Angel. Gusto kong maramdaman niya na po-protektahan ko siya kahit anong mangyari.
“Say goodbye to each other.” Ani ni Professor Sotto.
Naipikit namin pareho ni Angel ang aming mga mata. Ngunit sa halip na bala ng baril ang tumama sa amin ay isa iyong nakakasilaw na flashlight.
Shit! Pinaglalaruan lang kami ng professor.
“Hahaha!" Malakas na tawa ng professor. "Hay, kayo talagang mga kabataan...ang hilig niyo talagang lumabag sa mga batas. Kahit bawal ay inyong sinusuway. Anong oras na ba? Lagpas alas sais na, kaya umuwi na kayong dalawa. Sa susunod na mahuli ko kayo rito ay isusumbong ko kayo sa admin.” Ani ni Professor Sotto at pumagilid ito para mabigyan kami ng daan, “at kung magdi-date man lang kayo ay huwag naman sana rito. Humanap kayo ng mas romantic na lugar na walang makakakita sainyo.” Dagdag niya.
Hindi namin siya sinagot. Naglakad kami palapit sa kanya para tuluyan nang makalabas. Nang nasa tapat na niya kami ay narinig ko siyang napabuntong hininga.
“Aalis na po kami, prof. See you tomorrow.” Paalam ko kay Professor Sotto. Hindi siya umimik kaya tuluyan na kaming umalis ni Angel.
Nakahinga kami pareho nang tuluyan na kaming makaalis sa Department of Economics. Binabaybay na amin ang hallway papuntang main gate ng University para makaalis na. May mangilan-ngilang paring estudyante na patungong main gate. Sa tingin ko’y pinaalis na rin ang mga ito. Ang akin lang ipinagtataka ay kung bakit nandoon si Professor Sotto sa lumang department? Mukhang hindi naman yata niya trabaho ang mga robbing just to see kung may mga estudyante pa.
“Thank you kanina, Gab.” Biglang wika ni Angel. Nakakapit parin siya hanggang ngayon sa aking braso.
“Wala iyon, tungkulin kong iligtas ka. At isa pa, binibiro lang naman tayo ni Professor Sotto.” Paano nalang kung hindi nagbibiro si Professor Sotto ngunit wala naman yata siyang motibo upang patayin kaming dalawa.
“Kaya nga...pero, if ever ba na totohanin iyon ni Professor Sotto ay ililigtas mo parin ako?” Pinisil-pisil niya ang aking braso dahilan para mapangiti ako. May kakaiba na naman ang naramdaman sa ginawang iyon ni Angel. Bakit ba ganito nalang ang epekto niya sa akin? Hindi ko maipaliwanag ngunit ang saya ko kapag nakikita ko siya.
“Oo naman. Kasi, ang katulad ninyo na mga babae ay dapat pinoprotektahan ng mga lalaki.” Natutunan ko iyon kay Papa. Kahit hindi niya ako pinapangaralan ng ganoon ay nakikita ko naman ang kanyang mga aksyon sa pagmamahal niya kay Mama. At araw-araw niya iyong pinaparamdam kay Mama at sa akin na mahal niya kami. Sa ganoon palang ay may mga natutunan na ako. Not by words but in action.
“Tama ka, pero sa tingin ko’y nabibilang lang ang lalaking may malasakit sa mga babae.”
“Hindi naman siguro, kagaya ko ay mga mga puso rin sila. Kaya siguro inaabuso ng ibang lalaki ang babae dahil naimpluwensahan ang mga ito. O hindi kaya sa mga karansan nila noong bata pa.” Ganoon naman yata ang lahat ng tao. Nagiging masama dahil sa hindi kaayaaya-ayang mga karanasan sa pamilya, komunidad, paaralan at kahit saan mang lugar sila nabibilang.
“Alam mo tama ka, ngunit may mga tao paring sukdulan na ang kasamaan. Kahit pagkitil sa buhay ng ibang tao ay parang wala lang sa kanila. Animo parang baboy nilang tratuhin ang ibang babae.” Medyo seryosong wika ni Angel. Sa tonong palang ng kanyang boses ay parang may kinikimkim siyang galit.
“Sa bagay, mayroon talagang mga ganoong tao.” Pagsang-ayon ko nalang. Hindi ko maikakaila na nagkalat talaga ang mga masasamang tao sa paligid. At naiintindihan ko si Angel, nakakasiguro akong mayroon siyang galit.
"Tara na," wika ko para makaalis na kami. Baka maabutan pa kami ni Professor Sotto.
Hanggang sa makarating kami sa main gate ay wala nang namumuong usapan sa aming dalawa. Kumiwala narin sa pagkakahawak sa aking braso si Angel. Ang daming guard na nag-aabang sa labasan at naka-uniporme ang mga ito. Bawat isa sa kanila ay may mga dalang flashlight at may nakasabit na baril sa bandang sinturon nila. Kaunti na rin kaming mga estudyante ang natira dahil kanina pa nagsiuwian ang iba.
“Sa susunod huwag na kayo magpagabi. Sundin ninyo ang inutos ng University.” Malakas na sambit ng isang guard. Ito yata ang nakakataas sa kanila. Nagsitango lang kami bilang tugon.
"Baka ano pa ang mangyari sainyo o baka isa na naman sainyo ang mawala." Dagdag niyang wika.
Nasa labas na kami ng University nang maalala ni Angel na hindi pa pala siya nagpapaalam sa kanyang mga magulang.
“Ano ang plano mo?” Tanong ko sa kanya. Hindi naman puwedeng iuwi ko siya sa amin na hindi man lang nagpapaalam. Baka ako pa ang managot kung may nangyaring masama sa dalaga. At siguradong magagalit sina Mama at Papa sa akin.
“Puwede bang samahan mo ako? Don’t worry sandali lang din naman tayo.”
Tumango ako,"sige, walang problema iyon sa akin. Tutal di pa naman gabing-gabi kaya okey lang." Mukhang advantage na rin iyon sa akin para malaman ko kung saan ang bahay nila Angel.
Pumunta ka kaming dalawa sa sakayan at may marami pang estudyante roon na nag-aabang. Mabuti na lamang at may marami pang available na masasakyan naman. Pinauna ko siyang sumakay at sumunod na rin ako.
Panay lang ang titig ko sa kanya habang nakasakay na kaming dalawa. Hindi naman sa minamanyak ko siya but I can't take away my sight to her. Para nama-magnet ang mga mata ko sa kanyang kagandahan.
Mukhang napansin niya akong nakatitig lang ako sa kanya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nahihiya akong napatingin sa labas ngunit diko mapigilang ngumiti. s**t, kinikilig ako.
"Alam mo, akala ko kung sino ang tumitingin sa akin. Ikaw lang pala."
"Ha?" Mabilis akong napatingin sa kanya. Ngayon ay nakangiti siya sa akin.