CHAPTER SEVEN

2997 Words
Chapter 7: White Lady  Sa gawing kanan ng library ay nakita ko ang babae na aking hinahanap mula nong lumabas siya sa aking panaginip. Patungo ito sa mga shelves. Napatayo ako ng maharangan na siyang mga libro ay hindi ko na siya makita. Mabilis akong tumayo at lakad takbo kong tinungo ang direksyon na kanyang pinuntahan. Ngunit nang makalapit ako ay si Tyler ang aking naabutan. Ang gago, kitang-kita ko siya na pinunit ang isang page ng thesis book. Tinupi niya ito at nilagay sa kanyang bulsa.  “Hoy, bawal 'yan.” Mahina kong wika sa kanya. Takti, napatingin ako sa mga CCTV sana lang ay hindi ito mapanin ng mga nagmo-monitor sa camera. Dahil kung nagkataong mahuli siya ay ikakapahamak niya ito. Nagulat si Tyler sa aking presensya kaya ibinalik niya ang libro sa pinagkunan nito ngunit ang isang pahina ay mukhang wala siyang balak na isuli. “Bawal kung hindi mo ako isusumbong.” Napabungisngis siya ngunit sa mukha ni Tyler ay gulat na gulat ito. “Ano ba kasi ang ginagawa mo rito, ha?” Nagpalipat-lipat siya ng tingin. Maging ako ay ganoon din.  “Ha? Wala lang, baka may magustuhan akong libro and here you are.” Nagkunwari akong dismayado para hindi mahalata ni Tyler ang dahilan kung bakit nga ba ako nandito sa kanyang harapan. “Ahh, I see...hindi mo naman ako isusumbong diba?” Ngayon ay para na siya ngayong nag-aalala. Ang gago, alam talaga niya kung paano magdrama. “Hindi kita isusumbong kapag hindi mo na inulit ang ginawa mo.” Ani ko dahilan para mapakamot siya sa batok. In fact, wala naman talaga akong balak na isumbong siya. It’s waste of time, at ayoko sa mga staff rito. Bahala na ang mga itong managot kapag may evaluation. “Maiwan na muna kita.” Paalam ko sa kanya. Pagbalik ko sa couch ay nakita ko si Angel. Papasok palang siya sa library at may mga kasama siya. Kakaway sana ako ngunit parang nahihiya naman ako. Naka ano pa ang isipin ng kanyang mga kaibigan. Pinili ko nalang na magpanggap na hindi ko siya napansin. Inabala ko ang aking sarili sa panonood ng videos sa youtube. Sometimes documentary pinapanood ko o hindi kaya ay mga animal operations.  Mas gusto ko kasing ang ganoon though nakapag-disect na kami ng cats and goats ngunit gusto ko pang may karagdagang alam na in the future ay sobra kong magagamit. Sobrang abala na ako sa aking panonood. Wala naman gaanong special sa video ngunit nakakaaliw lang tingnan ang mga aso at pusa na naglalaro. “Hi, Gab...ano iyang pinapanood mo.” Muntikan nang mahulog ang aking cellphone. Medyo kinabahan ako sa biglaang pagtabi ni Angel sa akin. Kakaiba rin ang babaeng ito, kabago-bago ko palang namin magkakilala ay kung maka-asta siya ay parang close na close ko na. “Ha?” Nagkunwari ako, “wala videos lang sa youtube.” Sagot ko sa kanya. “ May kailangan ka ba?” Dagdag kong tanong. “Kasi.”  Parang meron nga. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi dahilan para mapalunok ako ng laway. I found her sexy and attractive the way she plays her face. “Ano 'yon?” Tanong ko kasi mukhang nag-aalinlangan pa itong sabihin kung ano ang kailangan niya. “Ganito kasi iyon... may project kami sa aming major subject which is kailangan namin ng mga may i-interbyuhin na mga lalaki. Kumbaga may mga lalaking kaming tatanungin ng pare-parehong mga question.” “Ganoon ba.” Imbes na parang tatanggi ako ay parang may kung anong saya sa aking puso. “Kung madali lang na mga tanong ay papayag ako ngunit kung mahirap naman ay tatanggihan ko.” Pabiro kong wika sa kanya. Hindi naman siguro masama kung magpapa-koripot ako minsan sa isang tao. At gusto ko iyong gawin kay Angel mismo. Gumuhit ang matamis na ngiti ni Angel sa sinabi kong iyon. Mas lalo pa siyang gumanda dagdagan pa ng kanyang cute na cute na dimples. “Huwag kang mag-aalala madali lang ang mga tanong, opinionated lang naman kaya kahit anong ang isagot may ay tama.” Aniya na hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. “Sige, kailan naman ang interview?” “Free ka bang mamayang five? Kasi Friday na namin ipapasa tapos bukas time for editing na. Isang lalaki nalang talaga ang kulang at ikaw iyon.” Sa sinabing iyon ni Angel ay parang biglang lumakas ang t***k ng aking puso. Naalala ko ang papel kanina na  may sulat. Hindi ko alam ngunit nagsisitayuan ang aking balhibo ngayon. Mukhang masiyado na iyong late gawin, ayos lang sana kung ngayon or before 5 pm namin gawin. Eh, baka maabutan kami ng dilim. “Please.” Pagmamakaawa niya. Napabuntong hininga ako. Kahit anong gawin ni Angel sa kanyang mukha ay sobrang ganda niya talaga. “Si-sige, pero hindi naman tayo aabot ng alas sais hindi ba?” Paninigurado ko. Bukod sa nakakatakot ay ipinagbabawal na iyon ng University. “Yes!” Masayang niyang wika, “sisiguraduhin nating matapos natin kaagad within thirty minutes para pareho tayong makauwi na kaagad.” “Sandali, saan tayo magmi-meet mamaya?” Sa pagkakaalam ko ay hindi vetmed ang course niya. Animal Science yata kung hindi ako nagkakamali. “Kapag  5 pm na ay pumunta ka lang sa Department of Animal Science building, doon kita kukunan ng video habang ini-interbyu,” aniya. “Tayo lang ba dalawa?” May kung anong saya akong nararamdaman. s**t! Ano ba tong nasa puso ko. Baka lust lang ito, maganda at sexy naman kasi si Angel. “Oo.” Sagot niya, “ganito kasi ‘yon tapos ng mag-interbyu ang mga groupmates ko. Ang rule namin ay bawat isa ay magsubmit. You know para madaming videos.” “Sige, pupunta ako mamaya.” Tipid akong ngumiti. “Thank you, Gab.” “My pleasure.” Tumayo si Angel at bumalik sa kanyang mga kaibigan. Mas lalo pang lumawak ang kanyang ngiti. Napatingin ang kanyang mga kaibigan sa akin kaya ngumiti ako sa kanila. Mabilis lang iyon dahi kaagad akong nag-iwas ng tingin. "Hays, babae nga naman." Napabuntong hininga akong bumalik sa panonood ng videos. Nakailang videos then ako kaya ng pagsapit ng ala una y media ay lumapit na sa akin si Tyler. Tiningnan ko ang bulsa niya, parang wala na doon ang pahina na kanyang pinunit. “Huwag mong tingnan baka mahalata pa ako nito.” Mahina niyang wika sa akin. “Tapos ka na ba?” Tanong ko. “Oo, wala na akong ibang nakita na pupunitin.” Nagbibiro niyang wika. Tumayo ako at naunang tumalikod. “By the way, nakita kitang kausap si Angel kanina.” Nagmamadali siyang naglakad para sabayan ako, “ano ang pinag-usapan ninyo?” ‘Wala lang, may tinanong lang siya sa akin tungkol sa itinuro ni Prorfessor Marcus.” Pagsisinungaling ko, baka sumama pa ito sa akin mamaya at ayokong mangyari iyon. Parang sinasabi ng isip ko na huwag sabihin kay Tyler. Baka lang kasi isturbo lang siya sa amin ni Angel mamaya. Uggh! Why am I thinking like this? Hindi naman ako ganito dati. "Women are venomous." Bulong ko sa aking sarili. "Naku, mukhang hindi lang yata ang tungkol kay Professor Marcus ang tinanong niya." Tudyo sa akin ni Tyler at napabungisngis ang kanyang mukha. "Ha?" Nagkuwari akong hindi alam ang pinagsasabi niya. "Wag ka nga, kilala kita at narinig ko ang binulong mo. Gagi, hindi ka marnunong magtago ng emosyon." "Wala naman kasi, at isa pa, hindi naman tungkol kay Angel iyon eh. May napanood lang akong trailer sa youtube na babae ang bida kaya ko nasambit 'yon kanina." Sana lang ay maniwala siya at huwag na niyang guluhin ang kinikilig kong puso. “Okey, maniniwala ako sa'yo my friend.” Aniya ngunit kitang-kita ko ang naglalaro niyang mga mata. Hindi siya kumbinsido sa akin ngunit sapat na rin iyong sinabi niya upang hindi na niya ako guguluhin tungkol kay Angel. “Magmadali na tayo baka may quiz.” Hinawakan ni Tyler ang braso ko at kinaladkad niya ako ng pabilis. Muntikan na akong ma-slide sa tiles. Gago talaga ang lalaking ito. “Sorry.” Bumungingis siya. “Tara na nga," ani ko nalang. Pagkalabas, agaran na naming binuksan ang kanya-kanyang locker. Nauna kong kinuha ang aking bag at nagtungo sa guard. Ibinigay ko rito ang susi ng locker at bilang kapalit, ibinalik niya ang aking student ID. Sandali kong hinintay si Tyler dahil ang bagal niyang kumilos. May isang librarian ang lumabas at parang kinakabahan ito. “Guard, paki-tingnan naman sa loob dahil nangangamoy sunog na papel.” [K2] Ani ng librarian. “Sige po, Ma’am.” Aniya at tinawag ng guard si Tyler para magmadali na ngunit hindi pa tapos si Tyler sa paglagay ng kanyang mga gamit. “Ilagay mo nalang rito ang susi ng locker iho at kunin mo itong student ID mo.” Ani ng guard. “Sige po.” Pagkaalis ng guard at nong librarian ay siyang pagtapos ni Tyler. Lumapit ito sa table at inilagay nito ang susi ng locker. Kinuha na rin niya ang kanyang ID. “Tayo na.” Nakangiti niyang wika. “Hindi naman siguro masusunog itong library diba?” Tanong ko sa kanya. Mukhang hindi naman soguro emergency 'yon kasi walang pinalabas na mga estudyante bukod nalang sa lalabas na dahil may klase pa, kagaya namin. “Hindi naman siguro...tara na baka ma-late tayo.” Ngayon ay nauna na siyang naglakad sa akin. Tahimik lang ako pinagmamasdan si Tyler habang papunta ka sa isang major subject namin which is Animal Nutrition. Mas lamang siya sa aking ng ilang hakbang at wala akong balak na dalian ang aking lakad para lang magkasabay kami. Minsan gusto kong mapag-isa minsan gusto ko ring kasama si Tyler. Aaminin kong nakakairita ang kanyang kaingayan minsan ngunit hindi ko maitatanggi na nagbibigay kulay din siya sa aking pag-aaral. Pagpasok namin sa isang lumang building which is sa Department of Economics [K3] ay muli ko na namang naamoy ang mahalimukyak na bango ng belo. I got easily distracted, I stop walking at iginiya ko ang buo kong paningin sa kabuuan ng Department. It seems parang malapit lang siya ngunit hindi ko siya makita. Lumingon ako sa aking likuran ngunit walang anumang tao. Si Tyler ay malayo-layo na siya. Hindi parin niya ako namalayang napahinto sa paglakad. Eksaktong pagpikit ko ng aking mata para kumuha ng malalim na hininga ay may kung anong malamig na hangin ang dumaan sa aking katawan. Tila may binubulong ito sa aking isipan ngunit hindi ko maintindihan. It sound creepy and I feel very distracted now. From the cold wind passes on my entire body. Now I can feel something on my hand. A very cold thing touching and pressing my palm. I don’t want to open my eyes. I feel something different now. Parang may nakatingin sa aking nagmamakaawang mga mata. Kaagd akong kinilabutan. Lahat ng balhibo sa aking katawan ay nagsitayuan. “Help me... help me.”  Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang aking narinig ngunit umalingaw-ngaw ang boses sa aking tenga. Sobrang napaka-pamilyar niyon ngunit hindi ko matandaan kung kailan ko narinig. “Help!” “Stop!” I covered my two ears and shouted. “Gab!...” Suddenly dumating si Tyler at niyugyog ang aking katawan. I slowly open my eyes at sa likuran ni Tyler ay may isang babaeng nakatalikod. Mataas ang kanyang buhok, duguan ang kanyang suot na damit at punong-puno ng putik. Sobrang nanlaki ang aking mga mata. I didn’t expect na makakita ako ng ganoon sa tanang buhay ko. “Gab!...Are you okey.” Niyugyog ako ni Tyler ng malakas ngunit nanatiling naka-freeze ang buo kong katawan. Naririnig ko siya ngunit parang hindi iyon nagri-register sa aking isipan. Pakiramdam ko'y mayroong kumukontrol sa akin. Itinaas ko ang aking kanang kamay para maturo ang kinaroroonan ng babae. Mas lalo pa akong nanginig nang unti-unti siyang humarap sa aming direksyon. s**t! Ano ang nangyayari sa akin? I can’t take away my eyes on her. Pakiramdam ko ay kontrolado niya ang buo kong katawan at isipan. s**t! She's controlling me. Tama ang aking iniisip! “Gab! What the hell!” Napangiwi ako nang lumapat ang malaking palad ni Tyler sa aking mukha. Sobrang sakit niyo at pakiramdam ko ay parang iikot ang aking ulo. “Sorry..are you okey now?” Hinawakan niya ang aking mukha. Kaagad kong tiningnan ang babae ngunit wala na siya. Doon ko napagtanto na nagising na ako sa aking diwa. Kaagad akong nakahinga mula sa paninikip ng aking dibdib. Naramdaman ko ang sobrang daming pawis sa aking buong katawan at mata kung umiiyak. Sobrang bigat ng aking ulo at para itong sasabog anumang oras. Para akong nasusuka na iwan. Hindi ko maipaliwanag. “Ano ba kasi ang nangyari saiyo, ha?” Nag-aalalang tanong ni Tyler sa akin pati mata niya ay maluha-luha na sa takot. I think kailangan niya itong malaman. Sa puntong ito ay hindi ako makakapag-sinungaling kay Tyler. Para akong baliw kanina na hindi maigalaw ang buong katawan at ang nakita ko? She’s not normal. Iyon yata ang tinatawag nilang white lady! “I saw a woman behind you, full of dirt and blood.” Kabado kong wika kay Tyler, “pagpasok natin ay...” Hindi ko puwede sabihin ang amoy ng belo. “Ay?” His face was serious and waiting me to continue. “Nakaramdam ako ng kakaibang lamig. I heard voice na humihingi ng tulong and then lumapit ka but still hindi ko maigalaw ang aking katawan. Iyong babae sa iyong likuran kanina ay unti-unting humarap ngunit hindi ko nakita ang kanyang mukha dahil sinampal mo ako.” "Are you sure?” Paninigurado ni Tyler. Nararamdaman ang kaba sa kanyang tono ng pananalita. He’s starting to release sweat sa kanyang mukha. "s**t, kaya pala ang bigat ng aking pakiramdam." Dagdag niya. “Hindi ako aakto ng ganoon kung nagsisinungaling lang ako Tyler.” Ani ko. That was freaking bad! It was my first time to saw a ghost! “Okey.” Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili, “kung anuman ang nakita mo kanina ay sa atin lamang iyon Gab. Huwag mo nang ipagsabi sa iba baka magkagulo lang.” Tinapik-tapik niya ang aking balikat. There was something pressure on his tone. “Sure.” Marahan akong tumango sa kanya. Wala naman akong plano na ipaalam ang nakita ko sa iba. Ayokong pagmulan pa ako ng takot sa University na ito. Muli kong inikot ang aking paningin, sobrang luma na pala ng Department na ito at paminsan-minsan lang ang ay may nagka-klase rito. “I think we need to go.” Aniya, “late na tayo.” Iniharap niya ang oras sa relo sa akin. Napaawang ang aking mga labi ng five mintues late na kami. Shit! Nagtakbuhan kaming dalawa ni Tyler. Tila nawala sa aking isipan kung ano man ang aking nakita kanina dahil mas nakakatakot pa sa multo ang professor namin sa subject na ito. Pagdating namin sa pinto ng room at nandoon na si Professor Xandria. Hingal na hingal kaming napahinto. Kaagad kaming napansin ng professor at naka-ekis na ngayon ang kanyang dalawang kilay na nakaharap sa amin. “Oh, the two idiots.” Lumapit siya sa amin nakapamewang. Sa itsura palang ni Professor Xandria [K6] ay matatakot ka na. I mean she’s not ugly nor a monster. Pero iyong aura niya, ang kanyang kilay, facial expression at ang kanyang boses. Overall, sobrang nakakatakot. At higit sa lahat, ang kinatatakutan talaga ng mga estudyante sa kanya ay ang hilig nitong mangkaltas ng grades. “Sa library po, Professor X, I mean Xandria.” Si Tyler ang sumagot. “Ilang oras na kayong late?” Napatingin sa akin si Tyler. Umiling lang ako, wala akong relo, cellphone ang aking ginagamit kapag tumitingin ako sa oras. “Sagutin ninyo ako.” Mahina ngunit may diin na wika ng professor. “Prof...it’s 2:10 in the afternoon.” Si Tyler ang sumagot. Ito na ang tumingin sa kanyang relo. “Good, thank you for answering. Minus 10 points kayo sa inyong daily attendance.” Tumalikod siya sa amin at hinarap ang iba pa naming mga kaklase. “What are you waiting for? Gusto niyo bang dalhin ko ang inyong upuan sa bukana ng pinto.” Namumula ang mukha niyang humarap ulit sa amin. Bakit ba ang strikta niyang professor? Kung hindi lang sana ako minulto kanina edi dumating kami sa class niya ng mas maaga. Ngunit hindi ko rin iyon dapat gawing dahilan. Hindi puwede. Mabilis kaming pumasok ni Tyler at nagtungo sa likuran. Mas lalo pa akong nabasa sa sobrang daming pawis. “s**t. She’s the real ghost.” Mahinang sambit ko. “May sinasabi ka Mr. Arbutante?” Medyo nagulat ako nang mapansin niya akong nagmamaktol pa upo, “no prof.” Tipid akong ngumiti sa kanya. “May lahi yatang mangkukulam si Professor Xandria.” Bulong sa akin ni Tyler. Medyo natawa kaming dalawa. “Kung may gusto kayong sabihin diyan dalawa ay sabihin ninyo ng direkta sa akin. Hindi iyong kayo lang ang nakakaalam.” Shit, galit na siya. Sa isipan ko. “Naku, wala po, hindi po kayo ang aming pinag-usapan.” Paliwanag ko. “Siguraduhin niyo lang na hindi ako dahil minus 20 na kayo sa akin.” Pananakot niya. Saba’y yata kaming napalunok ng laway ni Tyler. Talagang nakakatakot ang professor na ito. Sa aking pagkakaalam ay sobrang dami na siyang pinabagsak na estudyante. At wala rin itong kinatatakutan. Pati presidente ng University ay kaya niyang sagutin iyon ang sabi-sabi ng iba. Palibhasa ay abogado ang asawa kaya alam niya mismo ang gagawin. Nagsimula na ngang mag-discuss ang professor. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa gawi namin ni Tyler. Parang hindi pa nga ito naka-get over sa amin. Nakakatakot isipin baka hindi niya makalimutan itong ginawa namin. Hindi sa nilalahat ko, mayroon talagang mga guro na dinadala ang galit sa estudyante hanggang sa paggawa ng grades. “Sucks, ang bilis ni Professor mag-discuss.” Mahinang usal ni Tyler. Pasimple akong tumingin sa kanya. Nakangalong-baba siya at napaka-obvious niyang tingnan na wala siyang gana sa pakikinig. Ibinalik ko ang tingin sa harapan. Tama nga si Tyler sa kanyang sinabi. Sobrang bilis ng professor kung mag-discuss ngunit naiintindihan ko naman ito. Or baka gusto ko lang talaga ang topic dahil all about animal nutrition. Biglang nag-vibrate ang aking cellphone sa bag kaya nakakasiguro akong may nag-text. Tumingin muna ako kay Professor Xandria. Nang masiguro kong nasa monitor ng projector ang kanyang mukha ay dali-dali kong dinala ang bag sa harapan. Patago kong kinuha ang phone at tinignnan kung sino ang nag-text. Si Mama. Kaagad ko iyong binuksan at binasa ang text niya sa akin. Sinabi lang nito na ngayon sila pupunta sa bahay nina Papa dahil nanganak na raw ang inahing baboy. Kaagad akong napaisip, ako lang ang mag-isang matutulog sa bahay mamaya. Nagsitayuan ang aking balhibo nang maalala ang amoy ng belo. s**t! Ngayon ay medyo natatakot ako ngunit ang babae sa aking panaginip? She’s freaking hot. “Nakatingin si Prof saiyo.” Mahinang wika ni Tyler kaya kaagad akong napatingin sa harapan. Tama ang sinabi ni Tyler kaya nagtama ang aming mga mata. Ngunit si Professor Xandria na ang nag-iwas. “That was close.” Ani ko at nakinig ulit. Eksakto sa oras na natapos ang aming klase kaya nagmamadali kaming lumabas ni Tyler papunta sa next class. Pagdating namin ay nandoon na rin ang professor. Kaagad itong nagdiscuss at gaya ng mga nauna naming subject, taimtim lang akong nakikinig. At si Tyler, namumula na ang kanyang dalawang mata. Inaantok ang gago!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD