Chapter 3

2247 Words
FLYNN'S POV Third day ng evaluation. But until now, hindi ko pa rin nasisimulan ang test ko. 'Buti na lang, hindi pa hinihingi ng grupo ang performance ko sa evaluation na 'to. Kundi yari ako, makakantiyawan ako. First time yatang abutin ng three days ang test ko na ni first step ay 'di ko pa nagagawa. Usually, first day o two days pa lang, 'tapos ko na.           Paano ba naman kasi? Hindi ko talaga kayang paglaruan si Sadie. Isipin ko pa lang na siguradong ikakasira ng puso niya ang gagawin ko, nakokonsensiya na ako.            Kung gan'on, eh 'di sanayin mo na ang sarili mong walang kaibigan... kontra ng isip ko.           Napailing ako. Hinding-hindi na ako babalik sa mga panahong nag-iisa, na hindi alam ang direksiyon ng buhay, ni walang sariling goal...           I just to make myself clear na parte lang ng test ko si Sadie. Na isa lang siya sa mga babaeng patay na patay sa’ken at hindi puwedeng ipagpalit sa mga kaibigan.            "H-hi, Flynn!"            Nagulat ako, sabay lingon, nang marinig ko ang boses ni Sadie. Nakasandal ako ngayon sa kotse ko na nasa parking lot ng GWU.             "P-pauwi ka na?" Tanong ni Sadie. Medyo nahihiya man pero halatang ayaw akong tantanan ng tingin. Mukhang na-starstruck na naman sa kapogian ko.            This is the perfect chance, Flynn. 'Wag mo ring lubayan ng tingin. Start your 'test' by flirting her.          Kumokontra ang puso ko sa itinatakbo ng isip ko. But apparently, it's right. Mukhang ngayon ko na dapat umpisahan ang 'test' ko.           I smiled at her so sweetly. "Do you want me to answer that honestly?"          Napa-flip si Sadie sa hair niya. "O-oo naman..."          I crossed my arms while still staring her so stably. "Ang totoo, hinihintay talaga kita..."          "H-ha!?" Halatang 'di makapaniwala si Sadie, pero nasa mukha naman ang kilig. "N-niloloko mo naman ako, eh. Kung 'yong project mo ang dahilan, sorry pero ko pa natatapos."          Umiling ako. "No. Hindi tungkol d'on kaya hinintay kita. I want to talk to you. I have something to confess. At sana, okay lang sa'yo. Hindi sana kita maabala."           Sanay akong mambola ng babae. Ganitong-ganito ang ginagawa ko sa ibang girls. At natutuwa ako 'pag nakikita kong super silang kinikilig sa’ken. Pero ngayon, habang tinitingnan ko ang nagba-blush na mukha ni Sadie at nangingislap sa tuwa na mga mata, para akong pinapatay ng konsensiya.           Kaso, nandito na ako, eh. I have started it already. At ito ang bagong friendship goal ko ngayon.            'Tulad ng inaasahan, napapayag ko si Sadie na magdate kami. Dinala ko siya sa mall at nanood ng movie. I even started to tease her. At wala namang oras na hindi kinilig sa’ken si Sadie. Tuwang-tuwa siya na para bang nanalo sa lotto. Kung inalok ko nga lang siyang maging girlfriend, siguradong natapos ko na ang 'test' ko ng walang kahirap-hirap.            Pero tinalo na naman ako ng konsensiya ko. Parang ngayon pa lang, kelangan ko ng sanayin ang sarili ko na walang The Royalties sa buhay ko... ELISHA'S POV Numina "Elisha..." napahinto kami sa pag-uusap ni Cashile nang isang pamilyar na boses ang biglang pumasok sa isipan ko. Kasabay niyon ang paglantad ng Lux Principatus sa harapan namin.             Halos sabay kaming napatayo ni Cashile, bilang tanda ng paggalang sa nakakataas samen na mga anghel. Pero dahil batas sa Numina at sa ibang sphere na wala kaming ibang yuyukuran maliban kay Ama, kaya hindi kami yumuyukod kahit pa sa pinakamataas na anghel.          "Ipinapatawag ka ng Pamunuan, Elisha." Pagpapatuloy ni Runah, ang nagmamay-ari ng Lux Principatus na nasa harapan namin ni Cashile. "May mahalaga kaming mensahe para sa'yo." Pagkatapos, saka unti-unting nawala sa harap namin ang matinding liwanag.             Kung sa physical gesture ng tao, kunot-noo na kaming nagkatinginan ni Cashile. Bibihirang ipatawag ng Pamunuan ang mga 'tulad naming Kerrier. Dahil ang mga pinaglilingkuran naming Arkanghel ang tagapamagitan namin. Ipinapatawag lang ng Pamunuan ang isang Kerrier para sa decennial meeting, na kakatapos lang nong isang linggo, at sa oras ng...            For the second time, I was stunned. Naalala ko na ngayon pala ang ika-isang daang taon simula ng ipanganak ako bilang anghel.           "Good luck to you, Elisha..." halos pabulong na sabi ni Cashile. Naalala na rin pala niya ang 'birthday' ko. "Secularibus curis is coming to you..."           Nilingon ko siya. "Ilang buwan lang ang pagitan ng birthday nating tatlo ni Ehran. For sure, one of these days, kayong dalawa naman ang ipatawag ng Pamunuan."             Pagkatapos akong i-good luck ulit ni Cashile, magkahalong kaba at excitement na sumakay ako sa ulap, ang tanging paraan para makarating sa Templum, ang templo ng Pamunuan. Kabado dahil baka hindi ko kayanin ang secularibus curis na ibibigay nila saken. Exciting dahil sa wakas, abot-kamay ko na ang pinakapangarap naming mga Kerrier, ang maging isang arkanghel at hiranging 'tunay na banal'. ELISHA'S POV Numina… Siyam na beses na rin akong nakarating dito sa Templum. Pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili na masilaw at malula sa paligid na napapalibutan ng naka-adornong emerald, ruby at diyamante.         Lalong kumikinang ang bawat sulok niyon dahil sa presence ng Lux Archangelis, na nakatayo doon sa lahat ng oras. Nang sa gan'on, walang makakaligtaang mensahe ang mga Arkanghel galing kay Ama para sa mga tao, na iuutos nila sa aming mga Kerrier.          Sa gitna naman ng Templum, may mahabang lamesa at mga upuang gawa rin sa mga brilyante na para sa mga Pamunuan. Lalong lumiwanag ang mga 'yon dahil sa presensiya naman ng Lux Principatus.          At sa harapan ng lamesang 'yon, may nakalutang na upuang gawa rin sa kumikinang na mga brilyante. Iyon naman ay puwesto ni Hades, ang pinaka-pinuno ng Pamunuan. Si Superieur din, tawag naming mga mababang anghel kay Hades, ang taga-bantay ng Quelle, isang malaking fountain na katabi ng mahiwagang upuan niya, at nagsisilbing 'salamin' ng mundo ng mga tao.          "Maligayang kaarawan sa'yo, Elisha." Automatic kong naalis ang tingin sa Quelle nang marinig ang boses ni Superieur Bahagya pa akong nasilaw nang lumiwanag ang upuan. Senyales ng presensiya niya. "Lumapit ka rito, kapatid. Kanina ka pa namin hinihintay..."           Kabado man, lumapit pa rin ako kay Superieur. Na-relax lang ako nang bumaba siya sa upuan at sinalubong ako, at masuyong niyakap. May gan'ong powers talaga kaming mga anghel. Kaya naming magpagaan ng loob nang sino mang mahahawakan namin, kahit pa ang kapwa naming mga anghel.         Dinala ako ni Superieur sa Quelle. Ilang sandali pa'y, may lumabas doon na mukha ng isang lalaking mortal na sa tantiya ko ay nineteen o twenty years old lang sa panahon nila.           "Alam mo naman na siguro kung bakit ka namin pinatawag, 'di ba?" Tanong saken ni Superieur. "Siya ang magiging misyon mo sa loob ng tatlong buwan, ayon sa panahon ng mga mortal. Ibababa ka ng iyong Arkanghel sa lupa para sa taong 'yon, para gampanan ng maayos ang trabaho mo, at para patunayan na karapat-dapat kang hiranging 'tunay na banal'."               Napatingin ako ulit sa Quelle at sa lalaking mortal. Hindi ko maintindihan kung bakit parang hinaplos ng mainit na bagay ang espiritwal na puso ko habang tinitingnan ko siya. Mukha siyang masaya. Pero kitang-kita ko sa loob niya ang itinatagong lungkot, hirap, sakit at galit. Walang duda kung bakit siya ang ibinigay ni Superieur para maging misyon ko. Ako ang kailangan ng lalaki sa buhay niya ngayon...           Dito sa Numina, wala kaming nararamdamang ano mang sakit. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang may parte ng espiritwal kong puso ang kumirot habang pinagmamasdan ang lalaki.            "Normal lang sa 'tulad mong mag-iisang daang taon na ang kung ano mang estrangherong damdamin na nararamdaman mo ngayon, Elisha." Untag saken ni Superieur. May kakayahan ang mga Pamunuan at Arkanghel na basahin ang laman ng puso't isip ng kahit sinong anghel sa ikatlong sphere. Hindi 'tulad namin na tanging puso't isip lang ng kapwa-Kerrier ang kayang basahin. "At ang nararamdaman mo kaninang pag-alinlangan sa kautusan ni Ama, normal lang din, kapatid. Patunay lang na sumasaiyo na ang makamundong damdamin. Kaya ka namin ipinatawag dahil senyales iyon para sa pagharap mo sa secularibus curis. Habang papalapit ang oras ng pagbaba mo sa lupa, palaki rin ng palaki ang humanity effects sa'yo."           Tuwing decennial meeting, ipinapaliwanag samen ang tungkol sa secularibus curis kaya naiintindihan ko na ang sinasabi ni Superieur. Matapos akong magpasalamat sa basbas niya, lumapit na ako sa isa ko pang boss, kay Arkanghel Cassiel, para sa basbas niya at sa iba pang rules.           "Sa oras ng 'pagsubok', tatlong rules lang ang kelangan mong sundin para manatili kang banal." Paninimula ni Arkanghel Cassiel. "Una, 'wag kang mangialam sa batas ng kalikasan o ng mga tao, o gamitin ang kapangyarihan mo para o laban kanino man.  Pangalawa, bawal kang manakit ng kapwa-anghel o kahit sinong selestyal na nilalang, maliban na lang kung kampon ito ng Kampflen, o pakialaman ang mga trabaho nila. At ang panghuli, 'wag kang umibig sa mga mortal.         "Ito ang tandaan mo, Elisha, may karampatang parusa ang bawat paglabag mo sa ano mang rules. At alam mo kung ano-ano ang mga 'yon..." Madiin na babala ni Arkanghel Cassiel.          "'Wag ho kayong mag-alala, aking Arkanghel Cassiel. Wala akong lalabagin alin man sa mga rules. Hindi ako mapapatalsik dito sa Numina. Hinding-hindi ko kayo bibiguin, lalong-lalo na si Ama. Magtatagumpay ako sa misyon ko, makakabalik ako rito at hihirangin akong "tunay na banal"." Determinado kong sagot.            "Pero sana, at sa tingin ko, mukhang hindi ka naman aabot sa puntong 'yon." Pahabol pa ng aking arkanghel. "Dahil kilala kita bilang isa sa pinakamagaling at pinakamasunurin kong Kerrier. Kahit ang Succionare ay hindi mo pa naranasan."           "Hindi ko ho ba talaga puwedeng gamitin ang kapangyarihan ko kahit emergency? Paano ho kung may nangangailangan ng tulong ko?"             "Kapag nasa lupa ka na, mamumuhay kang tao. Kikilos ka ng naaayon sa batas ng kalikasan nila. Walang sino man ang puwedeng makahalatang isa kang anghel. Iyon ang dahilan kaya ipinagbabawal gamitin ang kapangyarihan mo." Mariing paliwanag saken ni Arkanghel Cassiel. "Dahil oras na may makaalam ng totoo mong pagkatao, siguradong mapapahamak ka sa mundo ng mga tao. Bukod doon, 'pag ginawa mo 'yon, nilabag mo na 'agad ang rule number one. 'Wag kang mag-alala. Lahat naman ng tao, may kaniya-kaniyang Kerrier na tutulong sa kanila sa oras ng pangangailangan at emergency. Alam mo 'yon."            Kung sa human's gesture, tumango-tango lang ako. Naiintindihan ko ang mga sinasabi ni Arkanghel Cassiel.            "Ibababa kita sa lupa pagsilip ng kauna-unahang bituin dito sa Numina ngayong araw. Pagpalain ka sana ni Ama sa misyon mong 'to, kapatid." Niyakap ako ni Arkanghel Cassiel  "Hangad ko ang tagumpay mo. Wag kang mag-alala, kapatid. Hindi ka nag-iisa sa misyong 'to. Mararamdaman mo pa rin ang gabay at suporta ko bilang arkanghel mo. Ako mismo ang magdadala sa'yo sa magiging misyon mo." Pahabol pa ni Arkanghel Cassiel, saka ako binasbasan.              Pagkatapos kong magpasalamat, lumabas na ako ng Templum.           "Congratulations, Elisha!"            Napatigil ako sa pagsakay sa ulap nang marinig ang boses ni Ehran sa likuran ko. Kasing liwanag ko rin ang espiritwal na katawan niya, ang Lux Carrier.             "Congratulations 'agad? Hindi pa nga ako nagsisimula, eh."             "I trust you, Elisha. Alam kong simula pa dati, pangarap mo na ang makaharap ang mas matataas pang mga anghel at hiranging 'tunay na banal'. 'Tulad ko." Magiliw na sagot ni Ehran. "Kaya sigurado akong magtatagumpay ka sa misyon mo."             Napangiti ako sa narinig. "Thank you, Ehran. Sigurado rin naman na magtatagumpay ka 'pag oras na ng secularibus curis mo, kayo ni Cashile."            "Pinagpapala ni Ama ang nagtitiwala sa kaniya, Elisha." Nakangiti ring sagot ni Ehran bago ako tinapik. "See you soon there."             Ilang sandali pa ang dumaan ng umalis si Ehran, nakita ko na ang pagsilip ng kauna-unahang bituin sa Numina ng araw na 'yon. Maya-maya pa'y naramdaman ko na ang kapangyarihan ni Arkanghel Cassiel at ang unti-unting paglutang ng espiritwal na katawan ko sa walang hanggan na liwanag na habang lumalayo ay nagkakaroon ng iba't ibang kulay.           Mga pinaghahalong kulay na blue, red, orange, white at black. Hanggang sa naging permanente na ang kulay itim na singdilim ng gabi na sa mundo ng mga mortal ko lang nakikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD