FLYNN'S POV "Excuse me po, Sir. Pero magsasara na kasi kami, eh." Nahihilo akong nagtaas ng ulo nang maramdamang may yumuyugyog sa balikat ko. Mukha ng matandang waiter ang nakita ko ng mag-angat ako ng ulo. "Hindi naman po sa nangingialam ako, Sir. Pero masiyado pa ho kayong bata para patayin mo ang sarili sa pagpapakalasing araw-araw." May pag-aalala at dire-diretsong sabi ng waiter. Nanghihina man ang tuhod, pinilit ko pa ring tumayo at walang ano-anong kinuwelyuhan ang waiter. "Hindi kita kaano-ano. So, please stop acting like you care." Sumbat ko sa kaniya sa lasing na boses. "Kasi, kung 'yon ngang mga kaano-ano ko, tinalikuran at pinabayaan ako, eh. Ikaw pa kaya?" Kitang-kita ko ang pagkapahiya sa mukha ni Manong waiter. Pero nagpa