Chapter 2

2158 Words
ELISHA'S POV NUMINA (Tirahan ng mga anghel na nasa ikatlong sphere, at nasa pagitan ng langit at lupa) "May bago na namang misyon na natapos si Ehran..." Nilingon ko ang katabing liwanag na nagmamay-ari ng boses na pumasok sa isipan ko. Siya ang espiritwal na katawan ni Cashile. 'Tulad ko, isa rin siyang Kerrier-pinakamababang uri ng anghel na tagadala ng mensahe sa mga tao, ayon sa utos ng mga Arkanghel. Dahil sa selestyal na mundo kami nakatira, wala kaming pisikal na anyo na 'tulad ng sa mga tao. Kahit kelan hindi kami nabigyan ng pagkakataon na makita ang hitsura namin. Bukod sa boses na sa isipan lang din namin naririnig, liwanag ang pinakabasehan namin para makilala ang nakakausap o nakakaharap naming kapwa anghel. Ang totoo niyan, tatlong klase pa lang naman ng liwanag ang kelangan naming kilalanin sa ngayon. Una, ang Lux Carrier o liwanag naming mga Kerrier na although nakakasilaw din ay hindi kasing kinang at linaw ng matataas na anghel, at liwanag ng mga kasama naming matataas na anghel dito sa Numina. Pangalawa, ang Lux Principatus na pag-aari ng mga Principalities o Pamunuan kung tawagin namin, na binansagang 'Guardian Angels' ng mga siyudad at bansa at nagsisilbing konseho ng Numina. Malinaw at makinang na parang brilyante ang Lux Principatus. Na kapag naglalakad sa hangin, masisinag na ang kulay ng bahaghari. At ang panghuli ay ang Lux Archangelis o liwanag ng mga Arkanghel. Sila ang pinakakilalang anghel at tagapagpadala samen ng importanteng mensahe sa mga tao. Paminsan-minsan, bumaba rin sila sa lupa para magtrabaho ng ayon sa tungkulin nila, para sa mas maraming bilang ng tao. Dati rin silang mga Kerrier na tumaas ang posisyon dahil sa ilang beses na pagkapasa sa mga pagsubok na ibinigay sa kanila ni Ama, sa lupa. 'Tulad ng Lux Principatus, kumikinang at lumiliwanag din na parang brilyante ang Lux Archangelis. Ang ipinagkaiba nga lang, purong puti lang ang nakikita sa kanila. Walang maasul-asul, walang malarosas-rosas at walang kulay pula na 'tulad ng nakikita sa bahaghari. Kaming tatlong grupo ang nabibilang sa pangatlong sphere ng mga anghel at tinatawag na 'heavenly messengers'. Kami ang sumunod sa sphere ng Dominions, Powers at Virtues, na binabansagan namang 'heavenly governors'. Habang nasa unang sphere naman ang mga Serafin, Cherubin at Thrones na itinuturing na 'heavenly counselors'. Hangga't hindi pa nagiging ganap na Arkanghel ang isang Kerrier, hindi pa namin puwedeng makita ang sino mang miyembro ng matataas na sphere. Mga anghel na hinirang na tunay na banal lang, 'tulad ng mga Arkanghel ang puwedeng tumuntong sa kinaroroonan ng 'Heavenly Governors' at 'Heavenly Counselors'. At para mangyari 'yon, ang maging isang Arkanghel balang araw o mahirang na isang tunay na banal at magkaroon ng sariling mga pakpak, kailangan maipasa namin ang secularibus curis o makamundong pagsubok naming mga anghel na ginaganap tuwing ika-isang daang taon ng buhay ng isang Kerrier, simula ng ipanganak kami bilang anghel. Oras iyon kung saan ipinapadala kami sa lupa para sanayin ang mga sarili namin na magkaroon ng kalayaang magpasya. Kahit ginawa kami ni Ama para sumunod sa lahat ng utos niya, 'tulad ng mga tao, may kakayahan din kaming magdesisyon na kailangan lang sanayin. Sa panahon ng pagsubok, magkakaroon kami ng pagkakataong pumili ng landas na gusto namin: ang patuloy na mamuhay at kumilos ayon sa kautusan ni Ama o ang magkasala sa Kaniya. Ang sabi samen, ginagawa ito bilang paghahanda sa pangalawang paghuhukom o giyera laban kay Lucifer, ang pinuno ng mga Kampflen o fallen angels. 'Tulad ng mga tao, kelangan ding salain kaming mga anghel. Ihihiwalay ang mga 'banal' sa mga 'makasalanan' para patuloy na maglingkod kay Ama. At dahil bukod-tanging kami na lang na mga Kerrier ang wala pang mga pakpak at hindi pa nahihirang na tunay na mga banal kaya kami ang isinasalang sa secularibus curis. Ang Pamunuan ang taga-plano ng test namin at ang kaniya-kaniyang Arkanghel naman na pinaglilingkuran namin ang nagpapadala samen sa lupa. Kung tutuusin, madali lang naman daw sana para samen ang ganitong klase ng test. Dahil halos minu-minuto naman naming nakakasalamuha ang mga mortal, kaya kung minsan, na-aadopt namin ang iilang salita nila. Bukod doon, related talaga sa trabaho namin ang ibinibigay sa'ming test kaya sinasabi ng iba na madali lang. Iyon nga lang, may tatlong mahahalagang rules kaming kelangang sundin habang kami ay nasa lupa. Na kadalasan, dahilan kung bakit bumabagsak sa test ang ibang mga Kerrier at hindi na nakakabalik dito sa Numina. "Minsan, parang gusto ko ng kuwestiyunin ang klase ng trabaho ni Ehran." Si Cashile ulit, habang kay Ehran pa rin nakatingin na noo'y kadarating lang sa Numina, galing lupa dahil sa isa na namang 'trabaho'. Siya ang lalaking Kerrier at naglilingkod kay Arkanghel Azrael, anghel ng kamatayan. Si Ehran ang ipinapadala sa lupa para magbantay sa mga taong mamamatay na at abangan ang kaluluwa nito para ihatid kay Arkanghel Azrael, para naman sa soul judgement. Si Ehran ang kabaligtaran ng misyon ni Cashile, na Kerrier naman ni Arkanghel Metatron, ang anghel ng buhay. Ipinapadala naman siya sa lupa para magbantay sa mga isisilang na sanggol at magligtas sa mga taong naaaksidente pero wala pa sa oras ng kamatayan. Habang ako naman, si Elisha, Kerrier ni Arkanghel Cassiel, anghel ng inuusig o persecuted at mga orphans. I usually arrived during darkest hour of humans, in times of burdens, and times of feeling abandoned. Ipinapadala ako ni Archangel Cassiel para tulungang pagaanin ang buhay o dinadalang problema nang mga tao at samahan ang mga abandona at ulila.. In short, ako ang anghel na taga-comfort ng mga mortal. Isa lang kami sa libu-libong Kerrier na kahit magkakaiba man ng misyon, nagkakaintindihan pa rin. Maliban na lang kung may isa samen ang sumubok na pakialaman o kontrahin ang trabaho ng iba. "Bakit naman?" Sa wakas, patanong din na sagot ko kay Cashile. "Kasi buong buhay nating binabantayan at pinoprotektahan ang mga tao pero bandang huli, kukunin lang din pala sila ni Ehran." Kung may pisikal na anyo lang ako ,at kumikilos at nag-iisip ng 'tulad sa tao, baka natampal ko na si Cashile. Ito kasi ang unang beses na kinuwestiyon niya ang trabaho naming mga Kerrier. "Alam mo na ang sagot diyan. At lalong alam mong walang sino man ang puwedeng kumuwestiyon sa mga plano ni Ama." Sagot ko kay Cashile. "Alam ko, Elisha. Pero minsan, ng dahil sa trabaho ko kaya sobra akong napapamahal sa mga tao. 'Di ba 'yon naman talaga ang iniutos sa'tin ni Ama? Alagaan at bantayan ang mga tao ng higit pa sa Kaniya?" "Oo alam ko 'yon. At naiintindihan din kita. Dahil 'tulad mo, may time din na sobra na akong naa-aatach sa mga mortal. To the point na parang gusto ko ng kumilos ng hindi naaayon sa trabaho ko. Na para bang may mali sa ginagawa ko." Saglit akong tumigil ng marinig ko ang sarili ko. Bakit pati ako kumukuwestiyon na rin sa trabaho ko? Napapikit ako, nagdasal at humingi ng tawad kay Ama. Malaking kasalanan samen ang pagdudahan ang bawat utos Niya. Makakabawas iyon sa pagiging banal namin. FLYNN'S POV "Two months na lang, guys, summer vacation na." Excited na sabi ni Rhian. Magkakatabi kaming nakaupo sa gymnasium ng GWU, isa sa favorite spot ng The Royalties. "Yes, super exciting!" Dugtong naman ni Azalea. 'Agad ding napalitan ng lungkot ang excitement. "Summer lang kasi nabubuo ang family namin." "Pero mas excited ako sa magiging test ni Flynn..." ngingisi-ngisi namang sabi ni Dashiell. Napaunat ako ng konti. Ngayong week na pala ang huling evaluation ko this year. Siguradong pinaghandaan na ng grupo, lalo na ni Annaliese, ang pagpapahirap saken. But why should I bothered anyway? Lagi akong nakahanda pagdating sa evaluation. Nakangisi rin akong tumingin sa leader namin. "Just say it, Anna. And I assure you, guys, I finish my evaluation on this very day." Puno ng kasiguruhan na sabi ko. Napansin ko ang makahulugang tinginan ng grupo. Na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Si Azalea ang unang nagsalita. "We know you, Flynn. Isa ka sa grupo sa pinakamabilis gumawa ng test. But this time, I'm not sure if you can still hold that title. I know, mahihirapan ka sa ibibigay ni Anna na test sa'yo." May pagkontra akong naramdaman sa boses niya. Pero 'tulad ng sabi ko kanina, bawal kontrahin ang ano mang desisyon ni Annaliese. "Ano ba 'yon? Mas mahirap pa ba sa pinagawa natin noon kay Castle?" Nakakunot ang noo na tanong ko. Umiling si Anna. "Actually, mas masuwerte ka kesa kay Castle. Dahil hindi ka na mahihirapan pa kay Sadie..." Lalong kumunot ang noo ko. "What about her? Anong kinalaman niya sa magiging test ko?" "What about her? Siya lang naman ang magiging 'test for the week' mo, Flynn." Sagot ni Rhian. Bago pa man ako makapagreact, nagsalita na ulit si Annaliese, na punong-puno ng awtoridad. "Ligawan mo si Sadie, Flynn. Paniwalain mo siya na talagang na-fall ka na sa kaniya dahil sa kabaitan niya-" "No!" Mabilis na sagot ko, sabay tayo. "I'm not going to do that. Hindi ko kayang paglaruan ang kasing bait ni Sadie. At alam niyo rin na wala sa vocabulary ko as a playboy ang makipaglaro sa mga matitinong babae." "Bakit, bro? Natatakot ka ba na baka mainlove ka kay Sadie?" Hamon saken ni Dashiell. "Natatakot ka bang malaman na siya ang true love mo?" Napakuyom ako. Asar na asar ako kay Dashiell. Parang gusto ko siyang upakan. "I'm serious, Flynn." Patuloy ni Annaliese. "Nakikita ko kasi kung paano mo depensahan samen ang Sadie na 'yon. Kaya gusto kong maramdamang nasa grupo pa rin ang loyalty mo. Na hindi mo kami kayang ipagpalit kahit kanino man." "But this is crazy." Nanggigigil na sagot ko. Sa sobrang gigil ko, gusto ko ng magmura. "Hindi naman siguro kelangang may masaktan na inosente at kasing bait pa ni Sadie para lang patunayan ko sa inyo ang loyalty ko sa grupo. I already proved it for three years." "Kelangan 'yon." Mariing sagot ni Anna. "Hindi natin mapapatunayang nakakataas tayo sa lahat kung walang maapapakan, kung walang masasaktan." Matigas ang mukha na napailing ako. "You know, Anna, lalo kang nagiging bad habang tumatagal." Padabog na tumayo si Anna at muntikan na akong masampal kung hindi napigilan ni Dashiell. "Guys, relax, okay? Nang dahil lang ba sa 'low profile' na 'yon, sisirain niyo ang friendship niyo?" Hindi ako nakakibo. Tama si Dashiell. Nang dahil lang ba kay Sadie, aawayin ko si Anna? Ang babaeng nagbigay sa'ken ng panibagong buhay at pamilya? Without her, I'm nothing. Baka rin isa na ako sa mga drug addict na natokhang kung hindi ako napasama sa grupong binuo ni Anna. Oo, may kalokohan ang mga rules niya, kung minsan. Pero ng dahil din sa mga rules ni Anna kaya ang taas na ulit ng kumpiyansa ko sa sarili. Kumpiyansang winasak mismo ng sarili kong pamilya. Nakokonsensiya akong lumapit sa leader namin at inakbayan siya. "I'm sorry, Anna. I didn't mean to be rude." "I'm sorry, too, Flynn. But this is what I really want you to do. Sige, tumawa ka kung gusto mo. Pero masama bang magselos as your friend?" Mahinahon ng sagot ni Annaliese. Alam kong bilang kaibigan lang ang pagseselos na naramdaman niya. "Masama bang manigurado? Ayokong matulad ka kay Castle. Na mas pinili pa ang geek kesa saten. I can't afford to lose another friend again." Tiningala ako ni Anna. "Last question, Flynn. Take it or leave The Royalties?" Humihingi ng tulong na tiningnan ko isa-isa sina Azalea, Dashiell at Rhian. Maliban kay Azalea, na nakikitaan ko pa rin ng pagkontra, mukhang suportado nila ang desisyon ni Annaliese. Sabagay, kahit naman ako noon na ayaw din sa pinagagawa niya kay Castle, sumuporta na rin. Wala naman kasi kaming hindi kayang gawin para sa grupo, para sa ikapanatili ng maganda naming status sa school. At 'pag inayawan ko ang test na ito sa'ken ni Anna, siguradong automatic eviction ang magiging parusa ko. Maraming bagay pa ang mawawala saken: 'korona', kasikatan, atensiyon, mga kaibigan at pamilya. At 'kapag nangyari 'yon, mawawalan na ako ng source of happiness. No. Nang source of living, rather. Baka tuluyan ng mawalan ng saysay ang buhay ko 'pag nawala pa sa'ken ang mga bagay at taong tanging dahilan na lang para masabi kong 'perpekto' ang buhay. "Take it or leave The Royalties." Pag-uulit ni Anna, na sinabayan pa nina Dashiell at Rhian. Si Azalea naman nakikinig lang. I emphatically shut my eyes and heaved a deep sigh. "Okay. I'll take it..." "Yes!" Tuwang-tuwa na bulalas ng tatlo, maliban kay Azalea na halatang nalaglag ang balikat. Kapansin-pansin naman ang kasiyahan sa mukha ni Annaliese. Iyong tipo ng ngiti na nagtagumpay. Oo. Madalas ganito ang reaksiyon niya 'pag ina-accept namin ang challenge niya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang may ibang dating sa'ken ang kasiyahan ngayon ni Anna. There is something on her smile that I cannot explain... that I do not like. Para bang may mali... "You only have one week to accomplish your test, Flynn. Remember, ayokong may mangyari na namang scheme 'tulad ng ginawa noon ni Castle, ha?" Paliwanag ni Annaliese. Nagfocus na ako sa magiging 'evaluation' ko kaya nawala na isip ko ang pagdududa sa leader namin. "Alam mo na ang mangyayari 'pag inulit mo lang ang pagkakamali niya noon..." "Don't worry, Anna. Patas ako kung lumaban." Seryoso kong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD