FLYNN
"Omooo! Ang guwapo talaga ni Flynn. Grabeee! Ngitian lang niya ako. puwede na'kong mamatay."
"Ang O. A. mo, gurl, ha? Mamatay talaga? Hindi ba puwedeng himatayin lang? Eh, ako nga, tumingin lang siya sa'kin, puwede na akong sumama sa kahit sinong grim reaper."
"Ikaw ang mas O. A, gurl. May pa grim reaper-grim reaper ka pang nalalaman diyan. 'Yan ang napapala mo sa pagiging K-drama's addict. Baka mamaya niyan totoo palang may reaper. At totohanin 'yang sinasabi mo."
"Keri lang. Kung kasing guwapo at kasing hot naman ni Flynn ang reaper na ha-harvest sa'kin, aba, sasama ako sa kaniya ng buong-buo."
"Sabagay... Sino ba namang babae dito sa Greenwood University ang hindi gugustuhing makasama ang isang Flynn Lopez? Kahit nga mga bakla, eh, pinapangarap din siya."
I can't help but to smile habang pinapapakinggan ang convo ng dalawang babaeng nasa likuran ko. Patunay lang na talagang kino-consider akong isang PRINCE dito campus.
Yes, pals. Capslock ang pagiging prince ko. Gan'on ako ka-proud sa title na 'yan. At sinong hindi? Eh, kung ang title na 'yan ay pangarap ng halos lahat ng mga lalaking taga-Greenwood University. Hindi man ka-level ng literal na mga prinsipe ang title na 'yan, pero dito sa campus, walang sinabi sina Aladdin, Prince Florian of Snow White and the Seven Dwarfs at kahit si Flynn Rider of Tangled: Before Ever After, kung saan kinuha ni Mommy ang pangalan ko.
Para kaming mga angels sent from heaven kung ituring ng mga taga-GWU. As long as na suot namin ang 'magical crown', kami lang ang bida dito sa campus.
Yes, take note. Kami. Kasi hindi lang ako ang nag-iisang prinsipe sa GWU. Actually, at the moment, dalawa kami. At 'tulad ng mga fairy tales, we have princesses, too. Four princesses. Meaning, anim kaming mga bida dito sa school... anim kaming mga original members ng The Royalties-ang sikat na sikat at number one clique sa Greenwood University. At hindi ako bitter kung dalawa man kami ni Dashiell Zubiri ang kinikilalang prinsipe sa campus, kasama ng mga prinsesang sina Castle de Ayala, Rhiannon Alonzo, Azalea Razon at Annaliese dela Cruz.
I love sharing my sovereignty with my friends. As well as I love them more than my family. Yes, The Royalties is my family. At the moment I finally became an official member, never ko ng ginustong magkaroon pa ng ibang friends at magkaroon ulit ng buong pamilya. Sa grupo, kumpleto ako. Hindi ako si Flynn Lopez na napipilitang alagaan ng tiyahin dahil sa yamang iniwan sa kaniya ng parents ko na umabandona sa'kin, 'tulad ng tingin sa'kin ng mga taga-outside the campus.
With The Royalties, everything is perfect. Nang dahil sa grupo kaya nakukuha ko ang atensiyong hindi naibibigay sa'kin ng parents ko at ni Auntie Guada, my Mom's sister.
God knows how thankful I am to have The Royalties in my life. Nang dahil din sa kanila kaya manhid na lang ang hindi kinikilig sa'kin. Kahit yata ang pinakamabait na anghel sa langit, pangarap na bumaba sa lupa para lang makilala at makasama ako.
"OMEGED. Nginitian ako ni Flynn! Puwede na talaga akong mamatay anytime," tili ng isang babae at todo-hampas pa sa kasama nang lingunin ko at ngitian.
Normal lang sa'kin ang pagkaguluhan ng lahat ng babae dito sa campus, pals. Magaganda at mayayaman pa. O kahit nga mga 'low profile', tawag namin sa mga outdated sa fashion at anak-mahirap na mga estudyanteng scholar o paaral ng mayayamang amo, patay na patay din sila sa'kin. Madalas tuloy akong makalibre sa mga project at assignment.
'Tulad nitong isang 'low profile' na papunta ngayon sa'kin. Siya si Sadie. Transferee siya at blockmate ko. Isa rin siyang Business Management student. Si Sadie ang pinakamatalino sa class namin. I know na may gusto siya sa'kin pero pasikreto lang. 'Di siya 'tulad ng ibang girls na papansin.Dinadaan lang ni Sadie sa pagtulong sa academic activities ko ang pagpapakita niya ng feelings sa'kin. Bukod sa madalas ko rin siyang makitang nagnanakaw ng tingin.
In short, kind and brain si Sadie. Kaya kahit maganda, hindi ko siya papatulan, gaya ng madalas kong ginagawa kapag may nagpi-flirt sa'kin na pasado naman sa taste ko. Napakabait niya para paglaruan lang.
"H-hi, Flynn. Ito na nga pala ang assignment mo," nakangiti pero nauutal na bungad sa'kin ni Sadie, sabay abot ng notebook ko. At normal lang talaga sa kaniya ang mautal 'pag kaharap ako. "P-pag... pag-aralan mo na rin para may maisagot ka 'pag tinanong ka ni Prof."
Nakangiti kong inabot ang notebook. At kitang-kita ko kung paano pasimpleng kinilig si Sadie nang magdikit ang balat naman.
"Thank you, Sadie. Sabi ko naman sa'yo, ako na ang gagawa nito, eh. Nakakahiya tuloy."
"It's okay. S-sige alis na 'ko..."
Gusto ko siyang pigilan at yayaing mag-lunch para magpasalamat. Pero makakasama sa image ko ang makipagkaibigan at sumama sa mga 'tulad ni Sadie na 'low profile'. Siguradong tatawanan ako ng mga kaibigan ko at sesermonan naman ni Annaliese na laging sunusungitan si Sadie 'pag nakitang lumalapit sa'kin.
Besides, ayoko ring paasahin pa si Sadie. Baka mag-expect siya 'pag pinakitaan ko ng sobrang closeness. Ayoko siyang saktan. Kahit naman may pagka-playboy ako, namimili pa rin naman ako ng babaeng papatulan at paglalaruan. Pinipili ko 'yong sa tingin ko, wala ring balak magseryoso sa relasyon at hindi magiging affected sakali mang mag-break kami. 'Yong tipong hindi manggugulo 'pag nakahanap na ako ng true love.
*************
"Talagang ang kapal ng face ng babaeng 'yon para mag-feeling close sa'yo."
Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Annaliese. She's the one who founded the The Royalties. Gusto kasi niyang patunayan sa ina na tulad nito ay kaya rin niyang mamuno. Hindi man bilang presidente ng school kundi kahit sa ibang bagay 'tulad ng grupo namin.
"Hindi ka ba nandidiri sa t'wing lumalapit sa'yo ang geek na 'yon?" dugtong pa ni Annaliese.
Nakita ko na naman sa mga mata niya ang galit everytime na binabanggit si Sadie. Ewan ko kung bakit. Para siyang 'ate' na insecure sa little sister. Madalas ko pa man din silang mapagkamalang magkapatid dahil halos magkahawig. Fashionista lang si Anna kumpara kay Sadie.
Pero imposibleng magkapatid sila. Dahil alam naming lahat na solong anak lang si Annaliese.
"What's wrong with her? She's a nice girl," depensa ko kay Sadie habang isa-isang tinitingnan ang buong The Royalties na kasama ni Annaliese.
Saglit lang kumunot ang noo ko nang makitang kulang ng isa ang mga friend ko. I almost forgot na wala na nga pala sa grupo si Castle de Ayala. Evicted na siya dahil sa pag-violate niya sa pinakahuling rule ng The Royalties, ang BE HONEST.
Ang huling test noon ni Castle, paibigin ang masungit na presidente ng Student Council ng GWU na si Prince Dimaano. Hindi naging madali ang evaluation na 'yon kay Castle. Sa takot na baka ma-fail at ma-evict sa grupo, gumawa siya ng scheme para paniwalain kami na na-inlove sa kaniya ang presidente dahil nahulog sa charm niya. Pero ang totoo pala, b-inlack-mail niya lang ang presidente kaya pumayag na magpanggap na boyfriend niya sa harap namin. At dahil nga 'sacred' rule namin ang BE HONEST, lalo na ni Annaliese, kaya kahit ayaw man naming mabawasan ng kaibigan, inalis siya sa grupo.
Dapat kasi, lahat ng nangyayari sa buhay namin dito sa campus ay malaman ng buong grupo; it's either good or bad. Way daw 'yon para mapanatili namin ang tiwala ng isa't-isa.
At 'pag may nilabag kami ni isa man sa rules, automatic eviction ang parusa. Hindi namin alam kung saang saligang batas 'yon nakuha ni Annaliese, pero patuloy namin iyong sinusunod. Kasi bawat isa sa'min ay takot na matanggal sa grupo.
Seryoso, pals. Lahat kami ay takot na matanggal sa The Royalties. Like me, ito na lang din ang itinuturing na family ng mga kaibigan ko. Lahat kasi kami, may mga family breakdown. Lahat kami, madalas tawaging 'kulang sa pansin'. Iyon ang greatest common denominator namin.
Lahat din kaming mga member ay nanalo na sa mga beauty pageants dito sa GWU bilang mga campus princes at princesses; not once, not twice but nth times. Kung saan ay 'yon ang pinaka-number one na requirement o rule para makapasok ka sa The Royalties.
Pangalawang rule, dapat ma-maintain namin ang titulong iyon; hindi man sa pagsali sa mga pageants kundi sa atensiyon at paghangang nakukuha namin sa buong campus. Kailangan naming patunayan na kami pa rin ang may pinakamalakas na karisma sa lahat ng mga estudyante sa GWU, na kahit sino, hindi kami kayang tanggihan.
And to prove that, nagsasagawa kami ng ‘quarterly evaluation'. Bilang leader, si Annaliese ang nagdedesisyon kung ano o sino ang magiging ‘test’ namin sa loob ng isang linggo. Desisyong hindi puwedeng kontrahin ng kahit sino man sa amin.
Ang pinakahuli ko noong naging test, pakiusapan ang editor-in-chief ng school journals namin na 'wag ng isulat at ikalat sa buong campus ang tungkol sa panlolokong ginawa ni Castle. Bukod sa posibleng masira ang integrity ng The Royalties, ayaw din naman naming masira ng tuluyan ang magandang reputasyon ng kaibigan namin. Kung ako nga lang ang masusunod, palalagpasin ko na lang ang kasalanang iyon ni Castle.
But rule is a rule.
Pero kaibigan ko rin si Castle. Kaya pinagsikapan kong ipasa noon ang latest evaluation ko. Although, hindi 'yon naging madali. Super asar kasi saken ang EIC ng school journals dahil minsan na siyang nakipag-flirt sa'kin pero tinanggihan ko. Kaso, dahil nga pogi ako at malakas ang karisma, kaya napapayag ko siya sa gusto kong mangyari.
Ang ginawa ko? Well... nginitian ko lang naman siya, pals, at binola ng konti. And after that, I passed my quarterly evaluation. I saved Castle's reputation. At na-maintain ko ang 'magical' crown and status ko.
"Oo nga naman, Anna. Wala naman sigurong masama kung maging mabait man ang girl na 'yon kay Flynn," mayamaya'y depensa sa'kin ni Azalea.
Sa grupo, siya ang pinakamabait. Siya ang taga-warning o tagapag-papaalala sa mga bad sides namin. Na nakokontra lang 'pag 'rules' na ang pinag-uusapan.
"Anna was right," sabat naman ni Dashiell, sa'kin siya nakatingin. "Hindi ka dapat nakikipag-close sa mga 'low profile'. Baka isipin nila na cheap tayo, na gan'on lang kadaling mag-reach out sa 'tin."
Sa'ming dalawa, si Dashiell ang pinakamaarte. Weakness niya ang madumihan, lalong-lalo na ang face niya. Ang super handsome face daw niya. Usually, binibiro namin si Dashiell na male version ni Castle. Oh, wait. May isa pa palang weakness si Dashiell. Greatest weakness. At 'yon ay ang mapalapit sa mga 'low profile'. Kaya hindi na nakakagulat kung mag-second emotion man siya sa panlalait ni Annaliese kay Sadie.
"You know, you're just being paranoid," saway din kay Dashiell ng isa pa naming friend na si Rhiannon o 'Rhian' for short. "Don't worry, for sure, nakasulat na sa batas ng mga 'low profile' ang grudge mo sa kanila. Kaya wala na ni isa man sa kanila ang magtatangkang lapitan ka."
Hindi kasing fashionista ni Castle o kasing simple ni Azalea at lalong hindi kasing talino ni Annaliese si Rhian. Pero siya ang pinaka-naiiba sa'ming lahat. Aside from being too frank, she has a third eye. May mga nakikita si Rhian na hindi namin nakikita. 'Tulad ng mga multo, fairies, o kung ano-ano pang supernatural character daw. Honestly, hindi naman kami naniniwala sa existence ng mga 'yon. Lalo na at nasa millenial stage na tayo ngayon. Kalokohan 'yon, di ba? Sa tingin n'yo, pals?
Pero iyon ang sabi sa'min ni Rhian. Na pilit naming pinaniniwalaan kasi friend namin siya. Although, minsan, nakakaramdam na rin kami ng takot 'pag nagkukuwento siya tungkol sa mga nakikita niyang kakaiba na nasa paligid lang namin.
Naputol ang pag-uusap ng grupo ng biglang may sumigaw sa hagdanan. Mayamaya'y nakita namin ang isa sa dalawang babaeng tumili sa'kin kanina, na tumatakbo papuntang Dean's office.
"OMEGED!!! Si Carlyn! Nahulog sa hagdan si Carlyn!"
Out-of-curiosity, napasugod kaming lima sa hagdanan. Sabay na napasigaw sina Annaliese at Azalea nang makita ang isang babaeng duguan at halos basag na ang ulo sa dulo ng hagdanan. Halos sabay naman kaming napamura ni Dashiell sa nakita. Lalo na ako. Tandang-tanda ko kasi ang biktima. Siya ang babaeng narinig ko kanina na nagsabing handa na raw siyang mamatay 'pag nginitian ko, at Carlyn daw ang pangalan.
Kinilabutan tuloy ako. Feeling ko, kasalanan ko kung bakit siya naaksidente.
"OMG!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Rhian habang tintingnan ang biktimang si Carlyn.
Mayamaya'y may sinusundan siyang tingin na papalayo sa kinaroroonan ni Carlyn. Base sa reaksiyon ni Rhian, mukhang may nakikita na naman itong 'weird'.
"Reaper?" parang wala sa sariling sabi pa ni Rhian habang nakatingin pa rin sa malayo.
"What did you say!?" sabay-sabay namang tanong sa kaniya.
Umiling-iling lang si Rhian. "W-wala... wala. Never mind n'yo na lang, guys. Baka matakot na naman kayo 'pag sinabi ko pa."
Sanay na kami sa pagiging 'weird' ni Rhian kaya hindi na namin siya kinulit pa