Alyas Kanto Boy
Ai_Tenshi
Part 3
Noong marating namin ang bahay, agad binuksan ng mga kasambahay ang tarangkahan. Agad kaming pumasok ni Raul sa loob at hawak ko ang kanyang braso na tila batang mawawala sa gitna ng daan. Pero ang totoo nun ay nahihilo lamang ako sa dami ng aking nainom kaya naka kapit ako sa kanyang katawan habang bakas na bakas sa mukha nito ang labis na pag kamangha sa laki ng aming bahay. "Grabe ang yaman mo pala Gregy." ang bulong nito habang iniikot ang mata sa buong paligid. "Si papa at mama ang mayaman, hindi ako." tugon ko naman. "Ganoon na rin iyon." muli nyang bulong habang pumapasok sa loob ng sala.
"Kumain ka na ba?" muli kong tanong dahil naririnig ko ang sikmura niyang nag aalburuto ba sa gutom. "Hindi pa, pero ayos lang. Sanay naman akong hindi nag hahapunan. Ikaw kasi e ginising mo pa ako pati tuloy bituka ko ay nagising din." sagot niya sabay ngiti. "Dapat nga ay hindi na kita papaki alaman eh, nag kataon lamang na nahabag ako sa kalagayan mo. Kung hindi kita ginising marahil ay pinag pipiyestahan kana ng lamok doon sa gilid ng kalsada." wika ko habang pinag hahanda ito ng pag kain sa lamesa.
"Salamat, ang totoo nun ay kanina pa ako hindi kumakain." tugon nito habang nag huhugas ng kamay sa gripo. Umupo ito lamesa at kinamay ang kanin pati na rin ang ulam na inihaw na manok at pritong isda. Halos mabilaukan na ito sa laki ng kanyang mag subo, gutom na gutom at nanginginig pa ang mga kamay. Pansin na pansin din ang itsura nito habang kumakain, barakong barako ito at nakataas pa ang isang paa habang punong puno ng kanin ang bibig. "Ayaw mong kumain?" tanong nito noong makita niyang naka tingin ako sa kanya. "Sige, kumain ka lang. Galing ako sa birthday party ng kaibigan ko kaya busog pa ako." sagot ko habang inilalapit pa ang ibang ulam sa kanyang harapan.
Maya maya ay tumabi ito sa akin at ngumiti habang may laman ang kanyang bibig. Hindi ko alam ngunit parang natutuwa ako habang pinag mamasdan ko siyang kumain, kahit may pag ka salahula ay maganda pa ring pag masdan. Ang ibig kong sabihin ay gwapo pa rin ito kahit punong puno ng mumo ng kanin ng mukha. At habang nasa ganoong pag titig ako sa kanyang ginagawa, laking gulat ko noong makita ang kanyang kamay na naka lapit sa aking mukha, hawak ang kanin at ulam sa kanyang kamay. "Ngayon ko lang gagawin na subuan ang kapwa ko lalaki sa buong buhay ko Sana ay huwag mo akong ipahiya." ang naka ngiting salita nito habang nasa harapan ko pa rin ang pag kain sa kanyang kamay. "Grabe ang taong ito. Ngayon lamang ako susubuan ng isang lalaki gamit ang kanyang sariling kamay." bulong ko sa aking sarili kaya naman ibinuka ko ang aking bibig at isunubo ko ang pag kain sa kanyang kamay.
Ngumiti ito sa akin at pag katapos ay siya naman ang sumubo. Halin hinan ang kanyang ginawa hanggang sa maubos namin ang pag kain sa hapag kainan. "Nga pala, pasensya kana kung dito ako makikituloy ngayong gabi. Hindi na kasi ako nakabayad doon sa kwartong tinitirhan ko compound kaya pinalayas na nila ako. Wala naman akong matakbuhan dahil wala akong pamilya dito. Ang ilan sa mga kamag anak ko ay nasa probinsya. Ang mga magulang ko naman ay wala na. Si papa ay pumanaw sa isang kaguluhan sa compound at si mama naman ay hindi kinaya ang kalungkutan kaya't agad na sumunod ito sa aking ama. Wala silang iniwan sa akin kundi kalungkutan at ang kanilang pag kakautang sa ibang tao. Pero apat na taon na ang nakalipas noong mangyari iyon kaya't kahit papaano ay tanggap ko na rin." pag sasalaysay niya.
"Oh baka maiyak ka pa dyan. Halika na sa kwarto upang makapag pahinga na tayo. Mukhang tulog na rin sila mama at papa kaya't bukas kana nila makilala." ang tugon ko sabay bitiw ng isang matamis na ngiti bagamat labis akong nahahabag sa kanyang kalagayan.
Pag pasok namin sa aking silid, agad kong binuksan ang aircon at tv upang malibang siya. Ako naman ay abala sa pag kuha ng damit sa kabinet na maaari niyang suotin. Ang laking tao kasi nito ngunit sa palagay ko ay kasya naman ang ilan sa aking pambahay. "May dala ka bang damit? Ano bang laman ng bag mo?" pang uusisa ko habang nakatingin sa lumang knapsack na nakasukbit pa rin sa kanyang balikat. "Ilang damit ko at yung papel na iniwan sa akin ni Papa bago ito mamatay." sagot niya.
"Anong papel?" tanong ko.
"Ewan, mabuti pa ay ipakikita ko nalang sa iyo." ang sagot nito sabay dukot ng nakaluping papel sa kanyang bag at ini abot sa akin. Maigi ko itong pinag masdan ngunit hindi ko ito maintindihan bagamat batid ko na isa itong titulo ng lupa. "Mainam pa ay ipakita na lamang natin ito kay papa bukas. Mag bihis ka na at mag pahinga." wika ko at muli kong ibinalik sa kanyang ang papel
"Itago mo nalang yang papel na iyan. Baka maiwaglit ko pa eh." sabi nito sabay hubad ng kanya maduming damit dahilan para lumabas ang kanyang magandang pangangatawan. Makinis, maputi at bakal bakal. Hinubad din niya ang kanya pantalon at tanging puting brief lamang ang itinira. "Ey, ayos ka lang ba?" tanong nito habang nag tatapis ng twalya para maligo. "Ah eh, oo naman. Sige maligo kana. Ilalagay ko na lamang itong papel doon sa safety box ko." sagot ko at tila binalot ako ng pag kahiya. Baka isipin niya na pinag nanasahan ko pa siya kaya naman agad akong tumalikod at kunwari ay inilalagay ang papel sa aking drawer.
Pumasok sa loob ng banyo si Raul para maligo samantalang ako naman ay nag bihis nalang ng sando at short, saka nag pasyang humiga sa kama. Hilong hilo pa rin kasi ako at pakiramdam ko ay unti unting bumibigat ang talukap ng aking mata kaya naman agad ko itong ipinikit at hindi ko na nahintay pa ang pag labas ni Raul sa loob ng cr. Tila nag tuloy tuloy ang aking pag tulog, ang huling naalala ko na lamang ay tumabi sa akin si Raul at inayos nito ang aking kumot. Ako naman ay humarap sa kanya at niyakap ko ang kanyang bilugang braso.
Wala na akong naalala pa.
Alas 10 ng umaga noong ako ay magising, pag mulat pa lamang ng aking mata ay bumulaga na sa aking harapan ang mukha ni Raul na naka ngiti habang nakayakap pa rin ako sa kanyang katawan. "Goodmorning. Mukhang napasarap ang tulog mo ah." ang bungad nito habang naka taas ang braso sa kanyang ulo. Medyo nakaramdam naman ako ng pag hiya kaya naman agad akong bumitiw ng pag kakayakap sa kanya.
Bumalikwas ako ng bangon at doon ay naglalag ang kumot sa aking katawan. Laking gulat ko noong makitang wala na akong saplot. Natingin din ako sa kinahihigaan ni Raul at doon ay nakita kong wala rin itong suot na damit. Tumambad sa akin ang kanyang magandang katawan at pati ang kargada niyang patay na napapaligiran ng malagong buhok. Muli kong ibinaling aking tingin sa aking hubad na katawan at doon ay napasigaw ako. "AHHHHHHHHHH!!"
"Tol, ano ba huwag kang sumigaw. Para ka namang babaeng nawalan ng pag kabirhen." wika nito sabay balikwas ng bangon. "Anong nangyari kagabi?" ang tanong ko
"Ewan ko, basta nangyari na lang, niyakap mo ako kagabi habang tinatawag mo yung pangalan nung Myron ba yon." ang paliwanag nito. At habang nasa ganoong pag kabigla ako ay unti unting nag balik sa aking isipan ang eksena kung saan nag hahalikan kaming dalawa habang gumugulong ang hubad na katawan namin sa kama. Mainit ang tagpong iyon at halos pareho kaming hinahabol ang pag hinga.
Tahimik..
Nakatukan ko nalang ang aking sarili dahil sa katangahan..
"Wala akong maalala." ang salitang lumabas sa aking bibig bagamat lahat ay naalala ko naman talaga. "Huwag kang mag alala, walang nawala sa iyo at wala rin namang nawala sa akin, huwag mong isipin na bakla ako kaya niromansa rin kita. Nasanay lang ako dahil maraming bakla doon sa compound ang nag papatira sa akin." tugon niya habang naka ngisi kaya naman mabilis akong tumayo at agad tinungo ang banyo upang makaiwas sa kanya nang muli nanaman itong mag salita. "Dahan dahan ka sa pag lalakad. Baka duguin ka na naman." ang salita nito na may halong pag alala at pang aasar.
Hindi ko naman siya pinansin at doon ay naalala ko nga ang kanyang ginawang pag pasok sa aking likuran kagabi habang tinatawag ko ang pangalan ng aking dating kasintahan na si Myron. Parang bumaba ang tingin ko sa aking sarili, hindi ko yata matatanggap na isang cheap na
tambay sa kanto ang aking naka siping kagabi. At hindi lang iyon dahil nagawa pa niya akong pasukin sa likuran ng ganoong kadali samantalang dalawa o tatlong beses lamang itong ginawa ni Myron sa akin sa loob ng ilang taon naming pag sasama.
Litong litong ako noong mga oras na iyon at dahil nga sa matinding pag kahiya, nag kulong na lamang ako sa loob ng banyo at doon ay naligong mabuti. Kinuskos ko ang aking buong katawan pati na rin ang aking masakit na likuran. Hindi ko alam kung ano ba ang aking dapat maramdaman basta't ang sigurado lang ay malaki ang pag inis ko sa aking sarili. Doon ko lamang napag tanto na mahina pala ako pag dating sa tukso at dahil doon ay binalot ako ng matinding pag ka guilty. "Teka, mahina ba ako sa tukso o sadyang namimiss ko lamang ang yakap at halik ng aking dating kasintahan kaya't nagawa ko ang mga bagay na iyon?" tanong ko sa aking sarili habang nakatapat sa valve ng shower. Siguro nga ay dala lamang ito ng matinding pangungulila sa mga bagay na hindi na maaaring maibalik pa.
Nag tuloy tuloy ang aking malalim na pag iisip hanggang sa hindi ko namalayan ang daloy ng oras. Matagal na pala ako sa loob ng banyo at tila nagising lamang aking diwa ng katukin ako ni Raul mula sa labas. "Tol, mahigit isang oras kana dyan sa loob. Ano bang nangyayari sa iyo? Pag di ka pa lumabas diyan ay sisirain ko na ang kandado nito upang pasukin ka." ang narinig kong salita nito kaya naman agad akong nag punas ng katawan at binuksan ang pinto ng banyo. "Matagal talaga akong maligo kaya masanay kana." ang bungad ko
"Para kang babae, gumaganda ka sa paningin ko habang tumatagal." pang iinis nito. "Tado! Maligo ka na!" tugon ko sabay balibag sa kanya ng extrang tuwalya dahil naka hubad pa rin ito at walang saplot sa katawan. "Ayokong maligo. Gusto kong manoot ang amoy mo sa katawan ko." sagot nya habang naka ngiting demonyo sabay tawa ng malakas. "Manyak! Nakakainis kaaaa! Alam mo bang nahihiya ako saiyo at sa sarili ko dahil may nangyari sa pagitan nating dalawa at pakiramdam ko ay luge ako. Dahil para sa akin ang pag kikipag talik ay sagrado at gawain lamang iyon ng mga mag kakasintahan. Samantalang sa pananaw m naman ay ang pakikipag talik ay laro lamang at katuwaan katulad ng sinabi mo sa akin kanina na marami kana naka niig na bakla sa inyong lugar. Kung gayon ay madumi ka dahil kung kani-kanino ka pumapatol. Ang malas ko dahil pumayag kang gawin iyon sa akin. Lasing ako kagabi, ikaw ang nasa matinong pag iisip sana ay inawasan mo ako." ang wika ko na hindi maitago ang kalungkutan.
Nag iba naman ang timpa ng mukha nito at tumingin sa akin ng seryoso. "Inaamin ko, may mga bakla akong nabira sa compound namin ngunit gumagamit ako ng proteksyon. Gusto kong malaman mo na ginagawa ko iyon dahil kailangan ko at hindi basta ginusto ko. Labag sa aking kaloob iyon ngunit kailangan upang may maipang laman ako sa aking tiyan. Wala namang nawawala sa akin, t***d lang naman iyon. Kung saan saan lang iyon itinatapon. Kung nadudumihan ka sa akin, papayag akong pag pa test ngayon din upang mapatunayan ko na malinis ako at wala kang dapat na ipangamba. Huwag mo sana akong husgahan dahil hindi mo pa ako kilala." ang wika nito habang isinusuot ang kanyang mga damit. "Salamat sa pag papatuloy mo sa akin. Aalis na ako." dagdag niya sabay sukbit ng kanya lumang knapsack.
"Wala akong sinasabing madumi ka, ang sa akin lang ay mag kaiba tayo ng pananaw tungkol usaping s*x. Pero hindi kita masisisi dahil mag kaiba tayo ng kinalakihang paligid."
"Kung sabagay, tama ka doon. Lumaki ako sa squater area at ikaw naman ay lumaki sa palasyong bahay na ito. Lumaki akong salat sa lahat ng bagay samantalang ikaw naman ay lumaking sunod sa luho. Habang ikaw ay naka suot ng magarang uniporme sa paaralan ako naman ay namamalimos daan. Mag kaiba nga tayo ng kinalakihan, edukado ka at tambay naman ako. Alam mo tol, kahit kailan ay hindi ko naramdaman na mababa ako, ngayon lang." ang wika ni Raul at halatang naiiyak na ito.
Noong mga sandaling iyon ay tila na habag ako sa kanyang anyo. Hindi ko naisip na masasaktan ko pala siya sa aking mga sinabi, lalo lamang tuloy akong nag mukha masama sa eksenang ito. Wala tuloy akong nagawa kundi mag bitiw ng isang malalim na buntong hininga habang pinag mamasdan ko siyang nakatayo sa pinto hawak ang kanya bag. "Ibaba mo na yung mo tol. Hindi naman kita pinapa alis eh. Mag ayos kana ng iyong sarili at tutulungan kitang humanap ng kwartong matutuluyan mo." ang wika ko sabay talikod sa kanya upang mag bihis na rin..
Habang nasa ganoong pag bibihis ako, naramdaman kong lumapit ito sa akin at niyakap ako nito mula sa likuran sabay bulong sa aking tenga. "Ginusto ko rin yung nangyari kagabi. Hindi ito labag sa aking kalooban. Huwag mo sanang isipin na inabuso kita."
Hindi ko maintindihan ngunit pakiramdam ko ay kinilig ako sa kanyang ginawang pag yakap sa akin kaya bilang tugon ay tinapik ko ng mahina ang kanyang pisngi "Ayos na iyon. Huwag kana mag drama diyan at hindi naman ako babaeng kailangan pang panagutan kapag nagalaw. Kalimutan na lamang natin iyon at huwag na nalang natin pag usapan."
Ito lamang ang naisip kong paraan upang matigil na ang tensyon sa pagitan naming dalawa, hindi rin naman makatutulong kung mag susumbatan kami sa pag kakamali ng bawat isa. Noong mga sandaling iyon ay unti unti ko nang nakikila ang tinaguriang "alyas kanto boy" na si Raul Robles.
Itutuloy...