Part 2

2488 Words
Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi   Part 2 Nanatili ako sa ganoong pag kakasalampak sa lupa ng mga ilang minuto bago ko namalayang inaalayan na pala ako Gary upang makatayo. Nawala na rin sa aking paningin si Raul at batid kong lumakad na ito papasok ng compound. Kung alam ko lang sanang ganito ang aking aabutin sana ay hindi ako bumaba ng taxi ngunit paniguradong hindi rin naman ako mapapakali dahil iisipin at iisipin ko si Gary at ang kanyang kalagayan. Nahiya lamang ako sa aking sarili dahil nagawa ko pang mag ilusyon habang palapit ito sa akin. Hindi ko tuloy namalayang susuntukin na pala akong ng tarantado na iyon. "Sorry kuya, nasuntok ka pa tuloy ni Raul sa mukha."ang wika ni Gary habang nag lalakad kami patungo sa sakayan ng taxi.   "Ayos lang iyon. Kung hindi ako dumating, malamang ay naupakan kana ng sira ulo na iyon. Kaya pala RAUL ang pangalan niya dahil siRAULo siya. Sumakay kana sa taxi at idadaan na kita sa inyo pauwi baka maya maya ay maharang ka na naman non. Sa susunod pag nakita mo siyang nakatambay dyan sa kanto ay umiwas kana upang hindi ka masaktan." payo ko naman bagamat kumikirot pa rin ang aking mukha.   "Masama po talaga si Raul at wala itong ginawa kundi mamerwisyo ng kapwa. Kapag may mga magagarang sasakyan na napapadpad dito sa compound ay ninanakawan niya o kaya naman ay bigla na lamang bubutasin ang gulong nito. Sangkot din siya pambubugbog ng isang bading sa kanto, nag nanakaw ng kable ng kuryente, nag nanakaw ng cellphone, ipad at ibebenta ito o kaya ay isasangla. At ang pinaka malala niyang ginawa ay nanasak ng isang kapwa niya tambay habang sila ay nag susugal." kwento ni Gary.   "Grabe naman pala dito sa compound niyo ang daming gulo. Kaya ikaw pag butihan mo ang pag aaral mo upang makahanap ka ng magandang trabaho at ialis mo ang nanay at tatay mo sa lugar na ito."   "Yun nga po ang ginagawa ko ngayon kuya Greg. Nag aaral akong mabuti para kay inay. Pero, huwag kang mag alala dahil sana'y naman ako sa kalakaran dito sa compound dahil dito ako lumaki. At marami po talagang mga sira ulo dito at mga mandurukot. Katulad nalang ni Raul na walang ginawa kundi maging pasaway." "Kaya nga, dapat ay mag aral kang mabuti at sikapin mong huwag lumaking katulad nila. Hindi nakakadagdag ng pag kalalaki ang pagiging mayabang at basagulero, iyan ang tatandaan mo tol. Oh siya mag ingat ka."   Bumaba si Gary ng sasakyan at muli itong nag pasalamat dahil sa pag sagip ko sa kanya sa ikalawang pag kakataon. Pag dating ko sa bahay ay agad kong pinatungan ng ice bag ang aking mukha dahil namamaga ang pasa dito. Nag marka ito sa aking sintido kaya't halos mahilo ako sa lakas ng kanya suntok. "Anong nangyari sa mukha mo?" ang tanong ni Mama habang pinag hahanda ako ng pag kain. "Wala ma, nag karoon kasi ng rayot sa paaralan kanina, isa ako sa umawat kaya nahagip din ako suntok noong nag aaway." ang kwento ko naman bagamat hindi naman talaga iyon ang dahilan ng pag kakaroon ng pasa sa mukha . "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo Greg, kaya ang lagi kong ipinapayo sa iyo ay iwan mo na ang peace maker club na iyan dahil walang magandang idudulot yan sa iyo. Nandoon ka para mag aral at hindi para pumagitna sa mga away ng mag aaral. Iyan ang madalas na isinusumbong sa akin ni Myron noong nabubuhay pa siya dahil ang nais nya ay itigil mo na ang pag papalakad ng club na iyan." ang galit na wika ni papa habang naka upo sa sala.   "Pa, nanahimik na si Myron sa langit, huwag na natin na siyang idamay. Pitong buwan pa lamang siyang pumanaw kaya't nakiki usap po ako na huwag na natin siyang pag usapan pa. Nasasaktan ako kapag naiisip ko siya. At tungkol naman sa peace maker club na aking itinayo, pag iisipan ko ang leleave dito ngunit ang mag quit at buwagin ito ay hindi ko magagawa. Malaki ang itinulong ng club para muling mabuo ang aking pag katao, marami akong kaibigan doon na umaasang gagabayan ko sila sa abot ng aking makakaya. Patawad papa kung nakakasagot ako sa iyo ngunit nais ko lang talaga sabihin ang aking nararamdaman. Huwag nyo po sanang masamain iyon." paliwanag ko sabay tayo sa hapag kainan at agad akong umakyat sa akin silid.   Iniwan ko si mama at papa sa sala ng nakatahimik at walang kibo. Pag pasok ko pa lamang ng silid ay agad na akong nag tungo sa aking study table kung saan nandoon ang isang picture frame ng larawan namin ni Myron. Unti unting tumulo ang aking luha habang pinag mamasdan ang kanyang mukha na naka ngiti at naka akbay sa akin. Muli nanamang nag balik sa aking isipan ang eksena kung saan hawak ko ang duguang kamay ni Myron habang nasa loob ng mainit at sirang sasakyan. Mabilis ang pangyayari iyon at halos hindi ko namalayan na iyon na pala ang katapusan ng aming mga pinag samahan, para itong isang malagim na eksena sa isang teleserye sa telebisyon ang kaibahan nga lang ay wala itong cut o retake dahil tuloy tuloy ang lahat. Sana ay napag handaan ko man lang ito upang kahit papaano ay hindi na ako nakakaramdaman ng ibayong sakit ngayon. Tuwing sumasagi sa aking ala-ala ang masakit na pang yayaring iyon at parang unti unti akong dinudurog ang aking pag katao ng ibayong kalungkutan at takot. Wala akong magawa kundi idukdok ang aking ulo sa desk at doon ay umiyak habang inaalala ang magagandang bagay na aming pinag saluhan noong si Myron ay nabubuhay pa.   Tahimik..   Habang nasa ganoong emosyon ako, biglang tumunog ang aking cellphone at doon ay may narecieved akong alert notification galing sa f*******:. Isa itong friend request galing sa hindi kilalang tao "Kanto Boy" ang kanyang pangalan kaya naman agad akong nag pahid ng luha at sinimulang tingnan ang kanyang profile. May isang larawan lamang dito at kahawig na kahawig ito ng tambay sa compound ng Sitio Bagong Buhay na si Raul Robles. Hindi ko inaccept ang kanyang request at muli kong ibinaba ang aking cellphone sa desk.   Binuklat ko ang aking note book upang mag basa ng lecture, hindi ko pinansin ang sunod sunod na tunog ng aking cp.   "Elow!"   "Hi"   "Elow"   "Hi"   Ito ang sunod sunod na pop up chat sa screen ng aking cp gamit ang f*******: messager. Ang mensahe kay galing kay Raul at mukhang ayaw nitong tumigil kaya naman nakaramdam ng pag kainis. Kinuha ko ang aking cp at dali daling sinagot ang kanyang mensahe.   "Anong problema? Paano mo ako nahanap?" tanong ko   Typing....   "Sinabi mo sa aking yung pangalan mo hindi ba? Nakalimutan mo na ba? Kanina lang yun." "Oo nga pala, at inupakan mo pa ako sa mukha!"   Typing...   "Atleast naalala mo. Mayroon akong proposal sa iyo."   "Ano naman iyon? Wala akong tiwala sa iyo. Ikaw na tambay at walang ginawa kundi mang lamang ng kapwa ay hindi dapat pinag kakatiwalaan. Sira ulo kaa! Matapos mo akong upakan kanina, kapal kapal! proposal your face." ang galit kong reply.   "Chillax men! Basta importante ang proposal ko. Hinihintayin kita bukas ng hapon doon sa kanto. Alas 4 ng hapon. Pag hindi ka dumating puntahan mo nalang sa ospital ang batang kaibigan mo." ang sagot nito at nag send pa ng isang malaking smiley.   "UTO! SIRA ULO!" reply ko ngunit "seen zoned" lamang ang ginawa nito sa akin. Hindi na sumagot ang loko lokong tambay at iniwan akong clueless sa kanyang pinag sasasabi. At isa pa ay hindi pa ako nasisiraan ng bait upang paunlakan ang kanya imbistayon. Propasal? im sure kalokohan iyon at walang magandang maidudulot sa bansang Pilipinas . Kinabukasan, halos hindi ako makapag concentrate sa aking klase dahil pinag dedesisyunan ko kung pupunta ba ako sa imbitasyon ng sira ulong tambay na si Raul. Dalawang oras na lamang at alas 4 na ng hapon, paniguradong nakatambay na ngayon iyon sa kanto ng kanilang compound at hinihintay ako. Kung hindi ako pupunta ay wala namang masamang mangyayari sa akin kaso baka naman totohanin niya ang kanyang biro na p*******t kay Gary. Kawawa naman iyong bata, wala itong kamalay malaya na sa aking desisyon naka salalay ang kanyang kaligtasan . Alas 4:30 ng hapon noong mabuo ang aking desisyon na mag tungo sa kanto ng compound nila Raul upang makausap ito. Kung ano man yung proposal na gusto niyang ilahad sa akin ay paniguradong punong puno ito ng kadayaan at pang uutak sa kapwa. Pag baba ko ng taxi ay agad kong nakita si Raul, bumubuga ito ng sigarilyo habang naka upo sa gilid ng kanto. Suot ang lumang tshirt at sira sirang pantalon. "Late ka ng 30 minuto. Wala ka palang time management!" ang bungad nito habang hinihitit ang kapirasong sigarilyo sa kanyang bibig. "Ano naman ang alam mo sa time management? Busy ako at maraming gawain sa paaralan. Hindi mo naman ako kagayang naka tambay lang dito buong mag hapon." mataray kong sagot.   "Oh siya, tama na ang daldal mong iyan. Narito ang proposal ko Gregory!"   "Greg lang. Walang Gory! Kung mayroon Gory dito ay IKAW iyon. Gorilya."   "Gorilya?Ako? Tangina! Baliw na baliw ang lahat ng babaeng iniiyot ko, lahat sila ay iniiyakan ako. Mayroon bang gorilyang pinapantasya ng compound na ito,"   "Meron. IKAW! Ngayon sabihin mo na kung ano ang proposal mo para maka uwi na ako."   "Okay makinig ka, ganito! Hindi ko na sasaktan at pag titripan ang kaibigang mong kutong lupa." ang wika nito habang naka ngisi. "Oh edi masaya! At last narealize mo na ring mali ang ginagawa mo. Oh ano naman ang PASABOG mong kondisyon?" tanong ko naman.   "Simple lang. Ihanap mo ako ng kwartong matitirhan, pinalayas na kasi ako sa boarding house na tinutuluyan ko kagabi pa." ang seryosong salita nito.   Napaisip ako sa kanyang proposal dahilan upang hindi agad ako maka kibo. "Seryoso kaba sa mga sinasabi mo? Bakit naman ako ang gagawa non? Matapos mo akong upakan kagabi ngayon ay uutusan mo naman akong mag hanap ng kwarto para sa iyo? Anong akala mo sa akin PCSO na charitable institution? Tol, wag mong sayangin ang laki ng katawan mo. Mag trabaho ka at iwasan ang pagiging tambay dito sa kanto ng compound niyo. Kailangan mong mag bago para may marating ka sa buhay mo. Hindi pwedeng laging aasa ka sa iba, kumilos ka para sa sarili mo. Kung tatambay ka buong mag hapon dito sa kantong ito, nag sasayang ka lamang ng oras. Lumilipas ito hindi na maaaring ibalik, isipin mo na lang yung mga oras na itinambay mo dito sa lugar na ito? Kung lahat ng iyon ay ginugol mo sa mas makabuluhang bagay edi sana ay maayos ang pamumuhay mo. Patawad ngunit tinatanggihan ko ang proposal mo." ang wika ko sabay lakad palayo sa kanya.   "Teka pare anong araw ngayon?" ang pahabol na tanong nito.   "Biyernes!"ang sagot ko naman. "Ah Biryernes pala ngayon ang AKALA KO AY LINGGO! Hanep sa sermon dude. Yung totoo? Tatay ba kita? O baka naman ikaw yung pari na madalas mag misa doon sa simbahan?" ang pang aasar nito   Humarap ako sa kanya at tinitigan ko ito ng seryoso "Biryenes ngayon at hindi maaaring maging linggo. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay nadadaan sa biro. Mag seryoso ka upang maging seryoso din ang buhay sa iyo. Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito kaya't huwag mong aksayahin ang pag kakataon mo. Maraming tao sa ospital ang nag hihingalo at malapit ng bawian ng buhay kaya't maswerte ka. Ikaw ay paulit ulit na humihinga, samantalang sila ay paubos na." Natahimik ito sa aking sinabi at bumulong "tang ina. Pari nga. HUGOT pa more!" ang narinig kong sigaw nito bago ako tuluyang sumakay ng taxi pauwi.   "Abnormal na iyon! Pati kwartong tutuluyan nya ay sa ibang tao pa iaasa, ang laki ng katawan niya dapat ay gamitin niya iyon para mag karoon siya! Abusadong sira ulo!" ang sigaw ko sa aking sarili habang nasa loob ng taxi. At ang mga salitang binibitiwan ay puro ka bastusan at halatang wala pinag aralan. Sana ay hindi nalang ako nag punta, edi sana ay hindi ko pa na rinig ang walang kakwenta kwentang proposal nya ng katamaran at pagiging batugan. Hindi ko lang talaga maiwasang mainis kapag sumasagi ito sa aking isip.   Pag dating ko sa bahay, nakatanggap ako ng isang text message mula sa isang kaibigan. Nag iimbita ito dahil may kaunting salo salo daw doon sa kanilang bahay kasama ang barkada dahil kanyang kaarawan. Hindi naman ako nag dalawang isip kaya't pinaunlakan ko ang kanyang imbitasyon. Lagpas lamang ito ng kaunti sa compound nila Raul kaya't sandali lamang ang byahe patungo dito. Nag bihis lamang ako ng pantalon at tshirt saka sumakay ng taxi paalis. Pag dating doon, isang masayang salo salo ang aking naabutan kasama ang aking mga kabarkada. Inuman, kantahan at kainan ang aming ginawa hanggang sa pag sapit ng dilim.   Alas 11 ng gabi noong pag pasya akong umuwi. Ramdam ko ang pag bigat ng aking ulo dahil sa alak na aking nainom. Muli akong sumakay ng taxi at nag pahatid sa aming subdivision. Halos umikot ang aking paningin dahil sa kalasingan kaya't pakiramdam ko ay nahuhulog ang aking ulo sa bigat. Sa kabila ng aking kalasingan ay malinaw ko pa ring naaaninag ang tanawin sa labas at noong matapat kami sa kanto ng compound nila Raul, doon ay nakita ko itong naka higa sa isang kubling silong at naka unan sa kanyang lumang bag.   Hinabol ng aking paningin ang kahabag habag na anyo ni Raul na natutulog sa tabi ng kalsada kaya naman nakaramdaman ako ng kakaibang awa habang pinag mamasdan ko ito. "Ibalik mo sa kanto." ang utos ko sa taxi driver at agad naman akong sinunod nito.   Pag tapat sa kanto ay agad akong bumaba. Kahit hilong hilo ako ay kinaya ko pa rin ang mag lakad patungo sa mabangis na lobong natutulog sa kanto. "Grabeng tumambay tong si Kanto Boy, hanggang gabi ay nandito. Ano to over time?" ang bulong ko sa aking sarili habang kinakalabit ito gamit ang gamit ang aking paa. "Mahal na prinsipe gumising kana. Gising na!" ang nabubulol kong salita habang inuuga ang katawan nito.   "Ummm, ano bang problema mo? Amoy alak ka ah! Lasing ka ba? Anong gagawin mo sakin?!" ang bungad nito sabay balikwas ng bangon.   "Sira! Wala akong gagawin sayo. Anong akala mo sa akin? IKAW?! Halika na! Doon kana matulog sa amin. Baka maya maya ay sagasaan ka nalang ng sasakyan dito at konsensya ko pa iyon dahil hindi kita tinulungan. Halika naaa!" ang sagot ko naman at gegewang gewang akong lumakad pabalik ng taxi na mistulang isang zombie sa walking dead.   Hindi naman ito kumibo at agad itong sumakay ng taxi sabay upo sa aking tabi. "Lasing ka no? Saan ka ba galing?" ang tanong nito habang inaamoy ang aking hininga. "Dyan lang sa tabi tabi." sagot ko naman at isinandal ko ang aking ulo sa kanyang matipunong balikat. Nakatingin lamang ito sa akin at hinayaan akong naka pahinga sa kanyang balikat. Sandali kong ipinikit ang aking mata at doon nga ay naramdaman kong hinawi nito ang aking buhok at hinaplos niya ito ng marahan.   Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD