Part 5

2377 Words
Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi March 6, 2015   Part 5   Kinabukasan, maaga kaming gumising ni Raul upang mag tungo sa bagong silid na kanyang lilipatan upang linisin ito. Bakas na bakas sa mukha ng binatang tambay ang labis na kasiyahan habang pinupunasan ang maduming ceiling fan sa kisame. Pumipito pa ito at paminsan minsan ay kumakanta pa. Samantalang ako naman ay abala sa pag lilinis ng maliit na kusina at baradong lababo. Bagamat busy ako sa aking ginagawa ay palihim pa rin akong sumusulyap sa kanyang kinalalagyan habang naka hubad ito at abala sa pag pupunas ng elisi ng ceiling fan sa kisame.   Habang nasa ganoong pag lilinis kami ay bigla na lamang sumigaw itong si Raul at tinawag ang isang kaibigan paraan sa kalsada. "Woi pareng Johan! Bagong motor mo ahh! Asteg! Tang ina gandan niyan ahhh! San mo nakulimbat?!" ang sigaw nito sa lalaking huminto na naka motor.   "Tang ina mo pare, bagong kwarto mo ba yan? Umaasenso ka na yata!! Maganda ba motor ko? Give away lang ito dahil naging goodboy ako. Nag ligtas ako ng isang tatanga tangang lalaki doon sa bayan malapit sa sumabog na gasolinahan. Eh yon natuwa sakin ang mga magulang kaya binigyan ako ng pera. Iba na talaga goodboy ngayon!" ang sigaw naman ng lalaking nakasakay sa motor habang naka ngisi ito. Gwapo rin ang lalaking ito at halos hindi nalalayo ang itsura kay Raul.   "Tang ina mo di ka naman good boy eh. Good boyin mo b***t mo! Hahaha." ang muling sigaw ni Raul sabay tawa ng malakas. "Hayop! Good boy ako! Halika eto balato mo! Pambili ng sigarilyo!" ang sagot naman ni Johan at humugot ito ng pera sa kanyang bulsa kaya naman nilapitan siya ng pobreng tambay.   Halos pinag mamasdan ko ang kanilang pag uusap. Tawanan dito at batukan doon ang kanilang ginagawa. Mukha silang mga artistang tambay doon sa tapat ng waiting shed kaya naman lahat ng mga nadadaang babae, lalaki o bakla ay napapatingin sa kanilang dalawa. Pareho silang tisoy, may matangos na ilong, may magandang katawan ngunit mas matangkad lamang ng kaunti si Raul kaysa kay Johan na noon ay naka baba sa kanyang motor. Ilang minuto rin silang nag uusap habang sabay na bumubuga ng usok galing sa hinihitit nilang sigarilyo. At paminsan minsan ay nag papaligsahan pa sila ng pag papalabas ng usok sa kanilang bibig na animo tambutso ng sasakyan. Pasalamat na lamang sila at mga gwapo sila, hindi sila mapag kakamalang sunog baga ng taon.   Makalipas ang ilang minuto, muling bumalik si Raul sa loob ng silid at ipinag patuloy ang kanyang ginawang pag lilinis dito. Hindi ko naman siya kinibo at tinatanong man lang kung sino iyon, basta nag patay malisya lamang ako at nag focus sa aking ginagawang mag lilinis ng maliit na kusina   Tahimik ulit..   "Ang tahimik mo naman yata?" ang pag basag nito sa katahimikan.   Lumingon ako sa kanya at nag bitiw ng isang ngiting "ganito lang talaga ako kapag may ginagawa, tahimik at walang kibo. Ang nais ko kasi ay maging maayos ang aking trabaho kaya naka focus lang ako dito."   "Ganon ba? Gusto ko pa naman sanang mag pa kwento sa iyo."   "Anong kwento ba gusto mong marinig?" tanong ko naman   "Kahit ano basta maganda at nakaka bilib." sagot naman niya at bumaba ito sa silyang kanyang kinatatayuan sabay upo sa aking harapan upang makinig sa aking ibibida. "Oh bakit nandyan ka? Kailangan ba talaga ay lumapit ka sa akin?" ang natatawa kong tanong.   "Oo, para mas makita kita ng malapitan at mapag masdan ko yung reaksyon mo habang nag kukwento ka." sagot niya habang nag papa cute sa aking harapan.   "Oh sige na, wag kana mag pa cute dyan at hindi ka naman pusa." sabi ko naman sabay balikwas ng tayo para mag salin ng ice tea sa baso. Umupo kami sa harap ng lamesa at doon ay kumain. Habang nasa ganoong pag mimiryenda kami, muli nanamang umandar ang kalokohan nito at inagaw lahat ng tinapay sa aking harapan. Kumuha siya ng isang piraso at kinagat ito habang naka ngiti pa rin sa aking tabi na animo isang sira ulo. Maya maya, muli itong kumuha ng tinapay at inilapit ito sa aking bibig. Tama nga ang hinala ko, susubuan nanaman niya ako at palagi na lamang niya itong ginagawa sa akin.   "Say Aahhhhhh." ang sabi nito habang naka umang sa aking bibig ang tinapay. "Teka bakit kailangan mo pa kong subuan eh may kamay naman ako oh." ang pag mamaktol ko sabay pakita ng aking dalawang kamay.   Nag bitiw ito ng nakaka lokong ngiti at pati mata niya ay parang naka tawa rin. "Eh kasi nga po ikaw ang prinsipe ko at ako naman ang kawal mo." hirit nya.   "Ewan ko sayo Mr. Robles. Baka masanay ako na ganyan ka, kapag nawala ka ay hanap hanapin ko yan."   "Hindi ako mawawala tol, hanggang kailangan mo ako ay mananatili ako sa tabi mo. At kapag dumating naman ang oras na hindi mo na ko kailangan ay mananatili pa rin ako sa iyo. Hindi ako aalis, pangako. Isinusumpa ko iyan sa kaluluwa ng lahat ng drug adik at tambay na namatay sa compound na ito." muling hirit niya habang nakataas ang kanang kamay na animo nanunumpa. "At nanumpa ka pa talaga no? Bahala ka nga, pati sila ay idinadamay mo pa sa kalokohan mo." ang sagot ko naman sabay kain ng tinapay na kanyang isusubo sa akin. "Hindi ako natatakot sa kanila. Sayo lang ako takot. Taray mo kasi eh." pang aasar nito.   Tawanan..   "Akala ko ay mag kkwento ka? Handa na akong makinig." ang wika nito na biglang sumeryoso ang mukha. Kaya naman natawa na lamang ako dahil ang aking akala ay nakalimutan na niya ang tungkol sa aking pag kkwento. "Oo nga pala, oh sige makinig ka ha. Ang kwento ko ay tungkol sa dalawang patak ng luha na lumulutang sa ilog. Mag kaiba ang kanilang pinanggalingan mata at ang masaklap ay hindi nila alam kung kanino sila nag mula. Sa makatuwid ay para lamang silang dalawang ligaw na patak ng tubig na sumasabay sa pag daloy ng malamig na agos ng naturang ilog. Habang nasa ganoong pag lutang sila itinanong ng isang patak kung kanino siya nag mula. Sumagot naman ito at sinabing "Hindi ko alam kung kanino ako nag mula, basta ang alam ko lang ay galing ako sa mata ng isang taong iniwan ng kanyang pinaka mamahal. Ikaw saan ka galing?" ang pag babalik nito ng tanong sa kasama niyang patak din ng luha. Sumagot naman ito "Hindi ko rin alam kung kanino ako nag mula, basta ang alam ko lang ay galing ako sa mata ng isang taong nalulungkot dahil walang kumakalingan sa kanya." ang malungkot na wika nito.   Ilang minuto rin silang palutang lutang sa ilog hanggang sa mapag pasyahan ng bawat isa na hanapin ang mga taong nag mamay ari sa kanila, mag katabi silang nag paanod sa agos nito hanggang sa makarating sila sa malayong lugar na mag dadala sa kanila sa tamang landas. Itutuloy." ang wika ko sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.   Kumunot naman ang noo ni Raul at napasimangot ito. "Ganon? Wala nang kasunod?! Pambihira ka naman tol, binitin mo pa ko." pag mamaktol nito. "Hehe, ganoon talaga tol, hindi pa naman nila nahahanap ang taong nag mamay ari sa kanila kaya wala pa itong karugtong. Hayaan mo itetext daw nila ko kapag nahanap na nila." biro ko naman habang pilit na pinipigil ang pag tawa kaya naman para itong isang batang naka haba nguso habang naka titig sa akin.   Matapos ang miryenda, muli naming ipinag patuloy ang pag lilinis ng buong silid. Ako ang nag aayos ng kama at mga bed sheet samantalang si Raul naman ay nasa loob ng banyo upang linisin ito. Maliit lang naman iyon kaya hindi ko na siya tinulungan pa. Ramdam ko naman ang labis na kaligayahan nito habang nag kukuskos ng sahig dahil nagagawa pa nitong kumanta at pumito.   "Sasamahan mo ba akong matulog dito ngayong gabi?" tanong nito habang abala sa kanyang ginagawa.   "Bakit naman? Natatakot ka bang multuhin ng mga tambay at drug adik dito sa compound? O natatakot ka na baka multuhin ka ng Ex kong may ari ng silid na ito?" biro ko naman. "Wala doon tol, hindi ako natatakot sa kanilang lahat. Matakot ka sa buhay wag lang sa patay. Saka inggit lang sila dahil kasama kita ngayon." sagot naman nito.   "Kung sa bagay may punto ka doon, oh sige sasamahan muna kita ngayong gabi." wika ko naman sabay bitiw ng matamis na ngiti. Kunwari ay wala lang sa akin ngunit sa loob loob ko naman ay tila may kung anong kiliti ang gumapang sa aking buong katawan noong mga sandaling iyon.   "Talaga? Salamat ha. Alam ko naman na hindi mo ko kayang tiisin eh, alam kong hindi mo kayang iwang mag isa ang future boyfriend mo."   "Ano?!"   "Wala, ang ibig kong sabihin ay mabait kang kaibigan at ikaw ang ideal boyfriend ng lahat." "Ah ganon ba? Parang iba ang sinabi mo kanina Mr. Robles."   "Hindi no, mali lang ang rinig mo. Mag tutuli ka nga baka barado na yang tenga mo." pang aasar nito sabay pisil sa ilong ko. "Arekup, Iba naman talaga ang rinig ko kanina eh. Siguro ay nang jajaming lamang ito o binibiro nanaman ako. Hayaan na nga lang." bulong ko sa aking sarili at muli kong ipinag patuloy ang aking ginagawa.   At iyon ang set up, hindi na muna ako uuwi ng bahay dahil sasamahan ko si Raul sa unang gabi niya rito sa kanyang silid na tutuluyan. Sinabi ko rin sa kanya na bawal ang uminom ng alak sa gabing iyon dahil baka maisahan nanaman niya ako. Mahirap na, at lalong hindi ko pinangarap na maging double dead na karneng baboy kung sakali mang may maganap nanamang milagro sa pagitan naming dalawa.   Ilang oras pa ang lumipas, natapos din namin ang pag lilinis ng silid na lilipatan ni Raul. Noong mga sandaling iyon ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka higa sa kama habang unti unting bumibigat ang talukap ng aking mata kaya naman nag pasya akong mag pahinga muna.   Alas 7 ng gabi noong maalimpungatan ako dahil sa ingay nag mumula sa loob ng silid. Marahan kong binuksan ang aking mga mata at doon nga ay nakita ko si Raul na nag titipak ng yelo sa lababo gamit ang kutsilyo. Napansin ko rin na may nakahanda nang pag kain sa lamesa habang abala ito sa kanyang ginagawa. "Gising kana pala tol, halika kumain na tayo." ang wika nito  noong makita nya akong nakatingin sa kanya kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon upang usisain ang kanyang ginagawa. "Nag prito ako ng daing na pusit, sunny side up saka fried rice. Mayroon ding pansit pero binili ko lang iyan sa kanto." ang naka ngiting wika nito habang iniaayos ang aking upuan.   "Sunny side up, daing na pusit, at sinangag na kanin. Breakfast lang? hehe" biro ko naman bagamat natutuwa ako sa kanyang ginawa.   Natawa naman ito at umupo na rin sa aking tabi. Katulad ng dati naka taas nanaman ang paa nito sa upuan habang sumusubo ng pag kain gamit ang kamay. "Bakit naman nag luto ka pa e maaari naman tayong kumain sa labas." wika ko habang sumusubo ng pag kain. "Wala lang, gusto ko lang pag silbihan ang prinsipe ko kahit sa maliit na paraan lamang. At saka ito lamang ang kaya kong gawin upang mapasalamatan ka sa iyong kabutihan para sa akin."   "Wala iyon tol, karangalan ko rin naman ang tumulong sa iyo at sa iba pang nangangailangan. At, nga pala tungkol sa deal natin, kung inaakala mong nakalimutan ko na iyon ay nag kakamali ka Mr.Robles. Simula ngayon ay bawal kana mang harang ng mga bata doon sa kanto upang huthutan sila ng pera. At lubayan mo na si Gary okay?" pag tataray ko bagamat natutuwa ako dahil kontrolado ko ang sitwasyon.   "Oo naman, hindi ko naman nakakalimutan ang deal natin. At isa pa ang mga katulad kong lalaking gwapo, matangkad at artistahin ay may isang salita. Simula ngayon ay hindi ko na haharangin ang kutong lupa na iyon. Pramis yan! Sumpa man sa mga drug adik at tambay na namatay sa compound na ito." ang tugon naman ni Raul habang nakataas ang kanyang kanang kamay at naka ngiting aso ito.   "Naku paano naman ako maniniwala sa iyo e nakakaloko yang ngiti mo. At pati mga ninuno mong drug adik at sunog baga dito sa compound niyo ay idinamay mo pa."   "Ganon talaga, mainam na iyong inaalala sila kahit papaano. Saka anong mayroon sa ngiti ko? Hindi mo ba alam na nalalaglag ang panty ng mga babaeng nginingitian ko? Lahat sila ay natutulala kapag nakikita ako." pag yayabang nito "Pwes hindi ako babae Mr. Robles kaya't walang malalaglag na panty sa akin. Isa pa ay maraming mas gwapo sa iyo doon sa campus namin at hamak gwapo din saiyo ng ex ko." hirit ko naman dahilan upang mag iba ang mood nito.   "Ah ex mo? OK." ang sagot nya habang tumatango tango at patuloy pa rin sa pag subo ng pag kain. "Oh bakit nag iba yata ang timpla mo?" pang uusisa ko.   Tahimik..   "Wala." mahinang tugon niya habang patuloy sa pag nguya.   At hanggang sa oras ng aming pag tulog ay kapansin pansin ang pagiging matamlay nito at parang nawalan ng gana, hindi katulad ng dati na kapag nakahiga kami ay kung ano anong bagay ang pinag sasasabi nito na tila naka hitit ng katol sa kantong kanyang madalas tambayan. Kakaiba ang aura niya ngayon habang naka tagilid patalikod sa akin kaya naman ako na mismo ang gumawa ng unang hakbang para kausapin ito. "Bakit kanina ka pa tahimik Mr. Robles?" tanong ko ngunit hindi pa rin ito sumagot at halatang nag tutulog tulugan lang.   Tahimik ulit..   Ilang sandali pa ay inuga uga ko na ito "Hoy Robles, mag usap tayo. Anong kaartehan ba yan? Kanina mo pa ako hindi pinapansin ah, may masama ba akong nasabi?" naiinis kong tanong at pinilit ko itong iharap sa akin. "Ano bang problema?! Natutulog na ko ahh! Istorbo kaaa."galit na balikwas nito.   "Edi sorry! Gusto ko lang malaman kung anong iniinarte mo dyan! Wala naman akong ginawa sayo ahh, bakit di ko kinakausap?" tanong ko.   "Alam mo kung bakit? Kasi naiinis ako sayo! Puro ex mo na lang ang laman ng isipan mo. Pati ako ay ikinukumpara mo sa kanya, alam kong malayo ako sa kanya kaya't hindi mo na kailangan ipag diinan iyon sa aking harapan. f**k shett!!" ang galit na sigaw nito sabay tayo at lumabas ng silid.   Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD