IRON POV
*ring.ring*
Bumango na ako sa kama.
"s**t! 9 na!"
Nagmadali akong maligo at mag-ayos ng sarili. Hindi na ako nag-abala pang kumain. Nang makalabas na ako ng bahay ay literal akong napanganga sa nasa harapan ko ngayon.
"I swear, the next time I'll see you, I'll kill you, Gabrielle."
Sumakay na ako sa kotse na sinakyan ko pagdating ko sa agency kahapon at pinaandar ito. Paano ba naman? Ang ini-expect kong sasakyan ko papunta sa Holmberg ay yung Lamborghini ko na dinala ko sa bahay ko kagabi pero ang nasa garahe ko ay yung pipitsuging sasakyan na ito. Siguro ay palihim na pinasok ni Gabrielle ang pamamahay ko at hindi nagpaalam na kukunin niya na ang sasakyan ko.
Nakapasok naman ako ng matiwasay sa Holmberg. Ganoon pa rin naman ang lahat. Bukod sa mga media na permanenteng nasa loob, mga estudyanteng nasa loob na ng kani-kanilang room sa mga oras na ito, at ng mga iilang teachers na naglalakad sa school ground ay wala na akong nakikitang kakaiba pa. Agad akong tumungo sa parking lot.
"You're early! Early for tomorrow," sarcasm from one and only, Fleen.
"Ano ng balita?"
"Wala. Wala pa. Tutal at dumating ka naman na ngayon, ikaw muna ang pansamantalang mag-monitor dito. Wala pa akong tulog," kasabay no'n ang pagpikit ng mga mata ni Fleen.
Siguro at napagod din siya dahil wala ako. Actually, higit pa sa kalahating porsyento ng misyon na nasa labas ako ng van na ito at iba ang ginagawa kaysa sa kanya na nasa loob lang ng sasakyan na ito.
Tinignan ko si Fleen. Katulad ko, buhay na rin niya ang pagiging agent. Wala pa nga yata 'yang girlfriend eh. Kaso, ang pinagkaiba lang namin, may inuuwian pa siya. Kung gusto niyang umuwi sa pamilya niya, may sasalubong sa kanya. Pero ako, wala. Dahil si Artery lang ang pamilya ko.
I smirked.
"Isa na nga lang, nawala pa."
"'Wag ka ngang magsalita ng mag-isa d'yan, Iron. Tinatakot mo naman ako eh," nakapikit-matang sambit ni Fleen.
Pero dahil nasa misyon kami ngayon, bawal kaming umuwi sa mga bahay namin. Well, sila lang pala iyon. Ipinagbabawal kasi na puntahan ang pamilya kapag nasa misyon para sa kaligtasan nila. Nasa sayo naman kung gusto mong ma-trace ng mga kaaway mo kung saan nakatira ang pamilya mo at mamatay sila. Kaso dahil nga sa kalagayan ko na wala ng pamilya, pinahintulutan na nila ako. Sino pa bang mawawala sakin? Wala na ngang natira eh.
Lumabas ako ng van. Hindi pwedeng nasa loob lang ako at nagmo-monitor dito. Kailangang may gawin ako para matapos na ito. Para mahanap ang Phantom na siyang pumatay kay Artery at ang pinuno ng mga ilegal na negosyo sa Holmberg.
Naglakad ako papunta sa pangalawang gusali ng Holmberg. Tahimik na ang buong lugar ngayon dahil class hours na at bihira ang paggagala ng estudyante. Umakyat ako sa pangalawang palapag ng gusali. Kailangan ko rin palang mahanap si Dutch dahil masyado na akong naguguluhan sa mga impormasyon na nasa loob ng utak ko.
Pasimple akong kumuha ng litrato ng istruktura ng Holmberg gamit ang camera na gamit ni Fleen, kinuha ko ito bago ako lumabas ng van kanina.
Pipindutin ko na sana ang button ng camera para makuha ang ikaapat na kuha ng litrato nang mag-vibrate ang jacket na suot ko.
May papalapit.
Nagva-vibrate lamang ang jacket na ito kung may darating na tao na magmumula sa likuran ko, ngunit hindi lamang tao ang nade-detect nito, kahit anong klaseng bagay din basta biglaan ang pagdating. Madalas itong ginagamit kapag sasabak ka sa matinding aksyon o barilan dahil miski bala na posibleng tumama sayo mula sa likuran ay malalaman mo at madali mong maiiwasan. Ang isa pang kagandahan ng equipment na ito, mas mabilis niyang nade-detect 'pag may paparating kaysa mararamdaman mo.
"Hahaha!" naririnig ko ang mga lalaking nagtatawanan at malapit na sila sa kinatatayuan ko.
Patuloy lang akong kumukuha ng litrato kahit na palakas ng palakas ang vibration ng jacket ko.
"Siguradong magagalit siya 'pag nalaman niyang nawawala na ang Almighty pin niya! Hahaha!"
Almighty pin?
Natigil ako sa ginagawa ko dahil sa narinig ko. Mabilis akong umisip ng paraan.
Umikot ako at umaktong tinitignan ang mga kuha ng camera na litrato pero ang totoo ay pasimple kong sinusulyapan ang kaliwang dibdib ng tatlong estudyante. Tatlong lalaking estudyante ang nagtatawanan, isa ang nasa unahan at dalawa ang nasa likuran.
Positibo.
Nakalagay ang gintong pin sa uniporme na nasa bandang kaliwang dibdib ng nasa unahang lalaki. Nang mapansin kong dadaan sila sa harapan ko ay dahan-dahan kong iniharang ang kanan kong paa sa daraanan nila dahilan para mapatid ang nasa unahang lalaki.
"Hey! Sinadya mo ba yun?!" I turned my eyes on the guy who was now shouting at me.
"S-sorry, hindi kasi kita nakita eh. P-pasensya na..."
"Hindi mo ko nakita? Alam mo ba kung gaano nakakainsulto ang sinabi mo? Ha?!"
Napatungo ako at umaktong nanginginig sa kaba.
"Boys, bumaba muna kayo, kayo na muna ang bahala sa biktima natin, kaya ko na 'to," sabi ng lalaking sumigaw sakin.
Narinig ko ang mga yapak na naglalakad palayo sa lugar namin.
"H-hindi ko talaga sinasadya..." sabi ko.
Eew.
Inaasahan kong sasagot siya sa sinabi ko pero nagkamali ako, sa halip ay hinawakan niya ang magkabila kong braso at idinikit sa pader. Pilit niya akong kinukulong sa pagitan ng pader at ng katawan niya.
"H-hindi ako makahinga please..."
Stupid.
"Hindi mo ba alam na binangga mo ang isa sa mga delikadong tao dito sa Holmberg? At dahil nainsulto ako sa sinabi mo, this time ay papatol ako sa babae."
Diniinan niya pa ang paghawak sa braso ko at totoong sumasakit na nga ang parteng iyon. Gusto kong kumawala na mula sa pagkakaipit ko at alam kong madali lang iyong gawin pero kailangan kong sundin ang plano.
Mula sa masakit na pagkakahawak niya sa mga braso ko, lumipat ang kanyang kamay sa ibaba ng blouse ko.
"At ito ang kabayaran sa ginawa mo."
Pinasok niya sa loob ng aking blouse ang kanyang dalawang malalapad na kamay at halos hindi na ako makahinga dahil madiin ang bawat paghipo niya rito.
Alam kaya ng batang ito ang ginagawa niya? Tss. Kung pinapayagan lang talaga akong manampal ng kupal eh.
"Stop this, please..."
"Hindi pa nga ako nage-enjoy, ititigil na kagad natin?"
Unti-unting umaakyat ang mga kamay niya sa likod ko. Bago pa magsimula ang lahat, palihim kong inilabas ang dalawa kong kamay at habang abala pa siya sa paghahanap ng hook ng bra ko sa likuran ay tumatakbo naman ang kamay ko sa gintong pin na nakakabit sa kaliwang dibdib niya. Unti-unti kong tinatanggal ang pin sa kanya at unti-unti niya ring tinatanggal ang hook ng bra ko.
I'll tell you, this is going to be a big mess.
Nang makuha at mailagay ko na ang pin sa bulsa ko ay dinikit ko ang mukha ko sa mukha niya. Half of an inch is a distance. Ikinagulat niya ang aksyon kong iyon kaya naman hindi ko napigilang mapa-smirk.
"Next time, magagawa mo rin ang gusto mo but for now, I have to go," sabi ko sabay takbo pababa ng building.
Tumakbo ako papunta sa parking lot with the Almighty pin inside my pocket. Bawat minuto na lumilipas ay palingon ako ng palingon sa likuran ko, baka sakaling maabutan niya ako.
"Ahhh!"
"Iron, bakit ka---"
"'Wag muna ngayon, please."
Tatakbo na sana ako ulit pero mabilis niyang nahawakan ang wrist ko dahilan para mahinto ako.
"Ano bang---"
"Hoy! Walang hiya ka!"
Lagot na.
Aalisin ko na sana yung braso ni Cream na nakahawak pa rin sakin pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya. Pinipilit kong magpumiglas sa pagkakahawak niya dahil nakaramdam ako ng bahagyang pagkatakot dahil palapit na sa'min ngayon ang lalaking muntik nang maka-r**e sakin.
Ilang hakbang lang niya at nakalapit na ang lalaki sa'min ni Cream.
"Cream, pasensya na pero hinahanap ko ang babaeng 'yan," sabi ng lalaki.
Tinignan ako ni Cream at saka ibinalik ang tingin niya sa nasa harapan naming lalaki.
"Sandali, hindi ko alam kung anong nangyayari. Pwede ko bang malaman?" tanong ni Cream na nakahawak pa rin sa wrist ko.
"Ah---"
Magsasalita na sana ako nang putulin ako ng lalaking nasa harapan namin.
"May sasabihin lang sana ako sa kanya, Cream. Kaya kung pwede..." sabi ng lalaki na malinaw na ako ang pinatutungkulan nito.
"Kung may sasabihin ka lang naman pala, bakit hindi mo pa sabihin sa kanya ngayon. Wala naman sigurong masama 'di ba?" sabi ni Cream.
Sana. Sana lang at hindi niya napansin na nakuha ko na ang pin dahil kung hindi, patay.
Ilang beses akong tinignan ng lalaki, nagpabalik-balik ang tingin niya sa'min ni Cream hanggang sa magsalita siya.
"Sige, next time na lang," tinapunan niya ako ng matalim na tingin bago siya tumakbo palayo sa'min ni Cream.
"Bitiwan mo na ako," sabi ko.
Nakatingin pa rin siya sa lalaking malayo na sa'min.
"I said, you can now let go of me," paalala ko.
Hinarap niya ako at nagsalita.
"Ano ba talaga ang nangyari at hinabol ka ni Arouile?"
"Bitawan mo na lang ako, please."
"Iron, nararamdaman ko na may masamang nangyari. Ano ba 'yun?"
Close ba kami nito?
"He almost r***d me."
Well, pwede ko naman siyang magamit...
Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala.
"Ano? G-ginawa niya 'yun? As in---"
"Gusto mo bang idetalye ko pa? Bitawan mo na ako."
At gaya ng sabi ko, binitawan niya nga ako.
"Sabi niya, babalikan ka niya. Paano kung gawin niya ulit yung pangre-r**e sayo? Dapat nakabantay ako sayo---"
"Hindi ko kailangan ng guard. Aalis na ako," tinalikuran ko na siya at naglakad.
"Pero siya si Arouile Zest. Gagawin niya lahat ng gusto niya---"
At ako si Iron January Haynes at kaya kong gawin ang lahat kahit na ang patayin ang taong iyon.
Gusto kong sabihin ang mga salitang nasa isipan ko pero hindi pwede.
"Hindi niya na uulitin ang ginawa niya kanina, maniwala ka sa akin."
I smirked. Patuloy lang ang paglalakad ko palayo sa kanya.
Dahil hindi ko na siya pahihintulutan na tanggalin pa ang hook ng bra ko.
---
"Uuwi ka na?"
"Oo. Gusto ko ng umuwi."
"Tanghali ka na nga dumating kanina, maaga ka pa uuwi ngayon. Tsk tsk," pagmamaktol ni Fleen.
"Kaysa naman sayo na halos mag-stay na dito sa Holmberg nang walang ginagawa."
"Hmp. Bakit kasi di ka na lang gumaya sakin. Tsaka isa pa, bakit mo pa uuwian ang bahay mo eh wala na ngang nakatira dun. Dapat binebenta mo na 'yun, Iron."
I rolled my eyes.
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
"Pahinging pera, pamasahe."
"Uuwi ka ng maaga tapos wala kang pera? Hay nako..." umiiling na sabi ni Fleen.
May inilabas siyang susi mula sa kanyang bulsa.
"Heto ang susi ng kotse ko, naka-park siya sa convenience store malapit dito sa Holmberg. Hanapin mo na lang."
Tumango ako matapos kong makuha ang susi.
"Anyway, hindi binebenta ang mga alaala," sabi ko at padabog kong isinara ang pinto ng van at naglakad na palabas ng parking lot.
Oo, alas sais pa lang ng gabi at uuwi na ako. Gusto ko munang magpahinga at isa pa, gusto ko ring malaman ang tungkol sa Almighty pin na nakuha ko mula sa lalaking muntik na akong gahasain kanina. s**t.
Naglakad na ako palabas sa Holmberg at nahanap ko na rin ang sasakyan ni Fleen. Kanina pa umuwi ang mga estudyante ng Holmberg dahil alas singko pa lang ay pinalalabas na sila.
Sumakay na ako ng kotse at pinaandar ito. Tsk. Manang-mana ang kotse ni Fleen sa kanya, pipitsugin na, mukhang luma pa. Hay. Ewan ko ba kung bakit nagtitiis si Fleen sa ganitong sasakyan. Kung iisipin, kapag nagtatagumpay kami sa mga misyon namin, malaki ang kapalit nitong sweldo. At sa tinagal-tagal ni Fleen sa trabahong ito, pwede na siyang makapagpatayo ng bahay, makabili ng mamahaling kotse, o mag-resign sa pagiging agent.
Pero ewan ko ba sa mokong na iyon kung bakit nagtitiis siya na manatili dun sa masikip na van na ipinadala ng agency, hindi na lang siya bumili ng apartment na pwede siyang makapag-stay at mauwian habang nasa misyon siya.
Umiling ako. Natural, hinding-hindi niya gagawin ang nakasanayan ko na, ang mag-isa. Mas gugustuhin ko pang matulog, kumain, at manatili sa bahay ng mag-isa kaysa mag-stay ako sa van na 'yun. Hindi ko nga rin alam kung ano ang ginagawa ni Fleen at nagtitiis siya dun sa van. Doon kasi siya natutulog kapag umuuwi na ako. Wala namang ibang gagawin sa Holmberg, well, mas madali nga lang na mag-imbestiga sa unibersidad na yun pag wala ng masyadong tao at bantay. Pero bukod sa dahilan na 'yun, wala na akong maisip pang iba.
Maliit lang ang bahay ko. Actually, bahay namin ito ni Artery dati, pero since wala na siya, mag-isa na lang ako. Simula noong first year namin ni Artery, nag-ipon na kami ng pera para makabili ng sarili naming bahay. Kahit sampu lang, nagtitira kami sa mga baon namin para lang may maihulog kami sa piggy bank namin. At nang magkaroon kami pareho ng trabaho, mas naging madali ang lahat. Nakabili kami ng bahay namin, 'yung tipong kakasya lang ang isang maliit na pamilya.
Napakasaya nga naming dalawa no'ng mabili namin 'yung bahay. New home, new life. Until that day happened...
Na hindi na naging masaya pa para sakin ang bawat pag-uwi ko sa bahay na pinag-ipunan naming bilhin. Pero tinitiis kong manirahan sa lugar na 'yun kahit na alam kong mahirap... kasi ayokong malimutan siya...
Biglang nahinto ang sasakyan.
What happened?
Lumabas ako ng kotse.
"Shit."
Literal kong sinipa ang kotse ni Fleen. Walang gas! Naubusan! Bakit hindi man lang sinabi sakin ni Fleen na kaya niya ipinagamit sakin yung kotse ay dahil wala itong lamang gas.
I rolled my eyes. You're so stupid, Iron. Of course, gusto niya akong malamangan. Damn you, Fleen!
At isa pang ikinaiinis ko ay ang dinaanan ko ngayon. Bakit kasi sa lahat ng pagkakaton, ngayon pa nangyari to? Paano? Naisipan ko kasing dumaan sa iba pang way papunta sa bahay ng mas mabilis para maiwasan ang traffic. But the worst thing is, hindi masyadong dinadaanan ang kalsadang ito kaya naman bihirang kotse lang ang dumadaan dito. Malayo pa siya sa bahay at... at walang tutulong sakin para makaalis sa lugar na ito, wala pang nagtitinda ng gas. s**t.
Naupo na lang ako sa gilid ng kotse. Wala ring signal ang phone ko. I rolled my eyes.
Wala na talagang pag-asa.
Ilang minuto na akong nagtatangkang matulog sa labas ng kotse pero naputol iyon nang may maaninag akong ilaw, ilaw na nanggagaling sa sasakyan na nasa likuran ng kotse na sinasandalan ko ngayon.
Tumayo ako at iniharang ang palad ko sa mga mata ko at nag-iwan ng siwang para makita ang laman ng kotse. Hinintay kong makalabas ang nasa loob ng kotse dahil huminto ito. Balak ko pa sanang lapitan ang driver dahil desperado na akong makahingi ng tulong pero tila yata napako ang aking mga paa sa lupa dahil sa lumabas na lalaki mula sa likod ng driver.
Itim na itim ang buhok niya, naka-tuxedo siya at kahit na gabi na ay sariwang-sariwa pa ang itsura nito at parang hindi pinagpapawisan. Tuwid ang kanyang tindig at para siyang anak ni Adonis sa sobrang...
Hindi pwede ito.
"Kailangan mo ng tulong?" sabi ng lalaki.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Ang alam ko lang, huli kong naranasan ang pakiramdam na ito nang makilala ko si Artery.
Pero hindi siya si Artery. Kaya imposibleng...
Bakit bumibilis ang t***k ng puso ko? Bakit kinakabahan ako?
"Pwede mo ba... I mean pwede niyo ba akong tulungan? Kailangan ko kasing---" natigil ang pagsasalita ko dahil pumasok na siya sa kotse niya at umandar na ito.
Nakatingin lang ako sa kotse habang dinadaanan ng magarang kotse na iyon ang sasakyan ni Fleen na naubusan ng gas. Nabastos ako.
Bakit pakiramdam ko, bumaba ang pride ko do'n?