IRON POV
Nakarating na ako sa Holmberg. Kanina, nadatnan ko si Fleen na naglalakad sa school grounds, at para sakin, iba 'yun. Hindi gano'n ang gawain ni Fleen---'yun ang alam ko. Pero this time, nakita ko siyang palakad-lakad at malalim ang iniisip.
There must be something in him na kailangan kong malaman, dahil baka 'yung mga iniisip niya pala ang makasisira sa mga plano ko.
Nandito ako ngayon sa bench. Class hours ngayon kaya walang masyadong tao na pagala-gala dito, well, 'yung ibang estudyante baka inutusan.
Bakante ang utak ko dahil iniisip ko pa rin kung paano ako makakahanap ng impormasyon tungkol sa Almighty pin, bukod sa tanungin si Dutch sa iba pang impormasyon na 'yun. Kailangan ko rin malaman lahat ng tungkol kay Dutch Weiss, nararamdaman ko kasi na may sapat siyang kaalaman tungkol sa misyon ko, tungkol sa ilegal na gawain na nangyayari dito sa Holmberg. Kaso paano ko siya mahahanap kung hindi ko alam kung anong section niya, ni ang building niya hindi ko rin alam.
I tried to find her in social media but it was just nonsense.
Tanging ang hawak-hawak ko lang ngayon ang tanging datos na pinanghahawakan ko sa ngayon at sana makatulong sakin.
Name: Dutch Leigh Weiss
Age: 19 years old
Born: July 3, 1995
Address: South Dakota, Hollis
Parents: Leila and Fred Weiss
Elementary: St. Claire Private School
High School: St. Claire Private High School
College: Holmberg University
Iyan lang ang lumalabas sa web. Makailang beses ko nang pinipindot ang Other information kaso ipinagtataka ko kung bakit iisa lang ang lumalabas na resulta.
The information is temporarily unavailable.
Kanina ko pa iniisip kung bakit lalabas ang ganun kung sa tingin ko, wala namang intensyon si Dutch na burahin ang all-abouts niya...
Maliban na lang kung may ibang nagbura ng ibang impormasyon tungkol sa kanya.
Pero sino ang gagawa no'n? Sino ang gumawa no'n? May alam ba si Dutch Weiss sa mga nangyayari?
"Iron!"
Nagising ang diwa ko nang may tumawag sakin mula sa likuran. Tinignan ko siya at agad na kumunot ang noo ko.
"Bakit ba lagi na lang kitang nakikita 'pag class hours? Are you some kind of a ditcher?"
"Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng nagkakataon lang ang lahat? Tsaka isa pa, nakikita rin kita na pagala-gala sa school grounds, minsan nga napapaisip na ako kung journalist ka ba talaga o investigator eh."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at feeling ko, namula ang mga pisngi ko dahil doon. Ang galing nito, kung alam niya lang.
Kung alam mo lang Cream, kung alam mo lang na tama ka.
"Bakit ka nga pala nandito?" pag-iiba ko ng usapan.
"May kinuha lang na gamot sa clinic. Ikaw, bakit ka nandito?"
"Ginagawa ko yung report ko," kasi nga journalist ako.
Tsk.
"Oh..."
"Cream, pwede ba akong magtanong?"
"Virgin pa ako pero kung gusto mo... okay lang naman. Kailangan lang natin ng proteksyon," sabi niya.
"Are you nuts? Baliw! What I mean is..."
"What you mean is?" pagduduktong niya.
"Tell something new about Holmberg University."
Nag-isip siya ng konti bago nagsalita.
"Well, we have lots of celebrations here unlike to the others. Iyon yata ang ipinagmamalaki ng Holmberg at dahilan kung bakit natatangi ito kumpara sa iba," he smiled.
Tila pinatutunayan ng kanyang mga ngiti ang katotohanang sinasabi niya.
"So, what is it?"
"Meron kaming graduation na inaabangan ng lahat. Kung sino ang tatanghaling Summa c*m laude this year, we can say na siya ang pinakamatalino dito sa university, mas matalino kaysa sa mga professors."
Eh? Ang OA naman.
"Aside from graduation, we also have the masquerade ball that will happen next month but this time, may twist kaming ilalagay."
Tumango-tango ako.
"May one-week island vacation din kami. At sure ako na maraming dadalong reporters sa magaganap na Media Conference sa hall namin. Second time rin iyong mangyayari at gaya ng nakaraan, pupunta ang maraming reporters galing ng iba't-ibang bansa just to capture Holmberg perfectly."
Nag-isip ako. Media Conference.
Loading... Loading...
I knew it. Master was damn logical. Akala ko noon, in-assign ako ni Master na maging journalist dahil alam niyang ayaw at hindi ko pa nararanasang magpanggap na maging isang ganun. Pero 'yun pala, alam niya na sa simula pa lang na merong Media Conference dito sa Holmberg.
I smiled. Gusto niyang malaman namin ang tungkol sa mangyayaring Media Conference, by our own. Buti na lang at hindi ko siya kinompronta matapos kong malaman na itatalaga niya akong Journalist, kung mangyayari man 'yun ay siguro tatanggalin na ako sa trabaho.
"And?"
"We also have a school fair here and it will be held next month."
I nodded. Kunwari kong inililista ang mga sinasabi niya ngunit natigil ako ng marinig ko ang susunod na sinabi niya.
"I'm sure, kaya naman ng mga Almighty na i-organize yung school fair nang maayos."
Awtomatiko akong napatingin kay Cream dahil doon.
"Almighty?"
"Yeah. Hindi mo alam 'yun?"
Umiling ako.
"Section namin 'yun. The most blistering, ferocious, and the beast section of all times."
Ang almighty... ay isang section? How about the Almighty pin na sinasabi ni Dutch? I still don't get it.
"Ang Almighty ang mag-o-organize ng school fair? 'Di ba dapat, professors?"
"No. Not this time. Nakuha kasi ng Almighty ang privilege to organize this event."
He smirked.
"Buti na lang at hindi ang mga Behemoth."
Kumunot ang noo ko. Behemoth?
"What about the Behemoth?"
"Sila 'yung second section next to Almighty."
Mas lalong lumalalim ang kuryusidad ko tungkol sa mga sinasabi ni Cream.
"Behemoth? So, powerful din sila?" tanong ko.
"Well yeah, pero ang inilamang lang ng section namin, mas mayaman, mas may dating, at mas makapangyarihan," sambit niya.
Magtatanong pa sana ako subalit tumunog na ang bell na ang ibig sabihin ay break time na. Tumayo siya at lumakad na palayo sakin.
"Cream!" tawag ko sa kanya.
Pagkasigaw ko ng pangalan niya, lumingon siya at nagpakita ng nagtatanong na mukha.
"Salamat nga pala sa pagtulong mo kagabi ah."
Oo, naubusan ako ng gas kagabi dahil ginamit ko—este pinagamit sakin ni Fleen 'yung sasakyan niya pero hindi niya sinabi sakin na malapit na pala itong maubusan ng gas. Kinutusan ko nga siya kanina eh. Pero matapos akong iwanan no'ng lalaking itim na itim ang kulay ng buhok at naka-tuxedo kagabi, ilang minuto lang ang nakakalipas nang may dumaang truck at sinabihan na pinapunta siya ni Cream para buhatin ang kotse ni Fleen.
Hindi ko man alam kung paano nalaman ni Cream ang tungkol sa naging sitwasyon ko kagabi, still, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya.
Akalain mo 'yun, kahit mukhang womanizer si Cream, may halaga din pala siya. Nice.
Kumunot ang noo ni Cream dahil sa sinabi ko.
"Anong sinasabi mo?"
"'Yung kagabi, sabi kasi ng driver ng truck, pinapunta ka raw niya para isakay yung kotse na dala ko dahil nga naubusan ng gas. Salamat talaga."
Hindi niya lang alam kung gaano ako natutuwa sa nangyari kagabi.
Biglang nagliwanag ang mukha niya.
"Ah! 'Yun ba? Oo nga... pero kasi, hindi naman talaga ako 'yung nagpapunta sa truck---"
Natigil siya at nag-isip nang bahagya.
Siguro, sa ibang araw ko na muna iisipin ang tungkol sa Almighty at Behemoth at sa pin na iyon. Masyado na akong naguguluhan at kailangan ko pang hanapin si Dutch.
Narinig ko siyang bumulong.
"Hay. Ginamit niya siguro 'yung pangalan ko—na naman," umiiling na sabi niya.
"Anong sinasabi mo?"
"Ah kasi... Iron, hindi naman talaga ako 'yung nagpadala ng truck para isakay yung kotse mo doon. Si ano..."
"Sino?"
Ngumiti siya, 'yung ngiting labas ang dilaw niyang mga ngipin. Joke.
"Si Xenon Coulter. Sa kanya ka magpasalamat."
Huh?