IRON POV
"Is he still here?" I looked at Gabrielle.
"Yeah. Waiting for you."
I nodded. It's already morning and I don't have any sleep yet.
Binuksan ko ang pinto at isang lalaking nakatingin sa kanyang bisita ang sumalubong sa akin.
I sat on the couch and closed my eyes.
"Tired?" a man with a very deep voice probed.
"Kasalanan mo 'to eh."
"You still didn't want to accept this?"
Nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Kailangan ko itong ipahinga para mamaya.
"How was your mission? Where are you know?" he asked.
Unang araw pa lang ang pinalilipas namin at gusto mo kagad magkaroon ng pagbabago sa misyon namin? Pambihira.
I was supposedly uttered those words but I couldn't. Hindi kami pinahihintulutan na bastusin ang Master for he is our master and pioneer.
"Nasa unang bahagi pa lang kami ng misyon at patuloy pa rin naming ipinoproseso ang lahat," sabi ko.
"Good. Anyway, masyado pang maaga pero ako na mismo ang magpapaabot ng imbitasyon para sayo, Iron."
"Ano 'yun?"
"Next month, there will be a ball and our agency was invited to the said event. Ise-celebrate din ang pagkakadugtong ng agency at ng Nucleus Corporation."
"Kailangan ba ako doon?"
"Mas maganda lang kung nandoon ang buong miyembro ng agency but---"
"Hindi ako pupunta, period. Okay na ba 'yon?"
"Iron---"
"Aalis na ko, bye."
"Alright. Take care."
Tuluyan na akong umalis sa office niya at bumaba na ng gusali. Actually, mag-uumaga na pero wala pa rin akong tulog. Hindi ko alam kung nakalimutan kong tao pa rin ba ako na kailangang matulog o hindi lang talaga ako dinadapuan ng antok.
"Iron," sinalubong ako ng mga mata ni Gabrielle.
Gabrielle Grint is the front secretary of Master. He knows all about the matters of the agency, the missions of the members, and even the life of the Supreme. But for me, he was more than that.
"Why?"
"Kumusta? Buti na lang at dumalaw ka rito."
"Bakit? Dahil gusto mong bumawi sa huli nating pagkikita?"
The last time I was pertaining to is the one that I almost shot his head off over Art's gun. That was almost.
"Not that. How's the mission? Is it working according to the plan?"
"Yeah. Wag kang mag-alala, matatapos din ang lahat. Mahuhuli ko rin sila."
"Iron, let me do the honor to hunt them. Promise that I'll send them to you when I already found them."
I shrugged. That's a very good plan but I eagerly want to kill them with my own hands, all by myself.
"Tigilan mo ang pagiging makabayani, Gabrielle. I have to go."
"Wait, gusto mo bang ihatid na kita? Madilim na ang kalsada---"
"Hindi na. Kaya kong magmaneho ng mag-isa."
Pumasok na ako ng sasakyan but I was about to start the engine when Gabrielle ran towards me, panting his breath.
"Iron, I have something to give you."
I laid my hands at him. That was when I realized that he just gave me the keys of my very own Lamborghini Aventador.
He smiled, "palihim kong kinuha iyan sa office ni Master."
I sent my gratitude to him and went to the parking lot where I can find my car. When I found it, I started the engine.
Tanging ang mga ilaw lang sa poste at mga kabahayan ang nagbibigay-liwanag sa daanan. Wala na ring masyadong sasakyan ang nasa kalye dahil alas dos na ng madaling-araw.
Gabrielle was the best friend of Artery. Childhood buddies sila. Hindi ko alam kung nagagalit ba ako kay Gabrielle o sort of hindi ko lang siya gusto. From the time na nawala na si Art sakin, kasabay no'n ang paglamya rin ng pakikitungo ko sa kanya.
After Gab revealed all about Artery's favor, it turned me mad to him. Na-assign si Artery sa isang mission na naging sanhi ng pagkamatay niya. Ang hulihin ang taong nasa likod ng mga underground organizations, ang Phantom. Ngunit dahil sa delikadong misyon na ito ay binigyan siya ng partner and that was Gab.
Noong una, alam kong ang plano nila ay protektahan ang isa't-isa, that was one. Pero nagbago ang lahat nang ma-kidnap ako. Nasa misyon siya no'n nang mangyari ang pag-kidnap sakin. Nailigtas ako ng mga awtoridad matapos ang dalawampu't tatlong oras na paghihintay sa kanila. Pero 'yun ang naging sanhi para sisihin ni Art ang kanyang sarili. Ayon sa imbestigasyon, walang kinalaman ang pag-kidnap sakin sa misyon niya pero hindi iyon ang naging tingin ni Art sa nangyari.
Hindi ko alam kung paano o bakit o kailan. Basta nagising na lang ang ako na wala na siya. Na nabaril si Art. At sinabi sakin ni Gab ang naging plano ni Artery noong nabubuhay pa siya. Ayon sa kanya, matapos ang kidnap na nangyari sakin, hiniling ni Art kay Gab na 'wag na siyang samahan nito sa misyon, sa halip ay bantayan na lang ako para sa kaligtasan ko. Para kung may mangyari mang masama kay Artery, nandyan si Gab na magbabantay sakin.
Pero hindi ko alam kung bakit naging masama ang tingin ko kay Gab matapos niyang sabihin lahat sakin iyon. Siguro, kung hindi ako binantayan ni Gab at sinamahan niya si Artery, hindi mamamatay si Artery at mawawala ng ganoon kabilis.
At hanggang ngayon, hindi ko pa rin tanggap si Gabrielle.
Naagaw ng atensyon ko ang lalaking naka-motorsiklo na nasa likuran ng kotse ko. Kanina pa siya sumusunod sakin. Binilisan ko pa ang takbo ng kotse ko, halos itodo ko na nga ang bilis. Pero nakakasunod pa rin ang motorsiklo. Siguro nakatulong na madali niya akong nasusundan dahil sa itsura ng kotse ko at kami na lang dalawa ang nasa kalsada ngayon.
Ilang beses kong iniliko ang sasakyan at dumaan sa mga madidilim na kalye ngunit mabilis din niya akong nahahabol. Kung saan ako dumadaan, doon din ang direksyon na tinatahak niya.
Delikado ito. Sigurado akong sumusunod na sakin ang isang ito. Napagdesisyunan kong gawin ang plano. Plano na ginagawa ko kapag may sumusunod sakin.
Mas binilisan ko pa ang takbo ko at sigurado akong nagulat ang sumusunod sakin dahil bahagya itong bumagal. Pumasok ako sa isang makitid na eskinita, mabuti na lang at nagkasya pa ang kotse ko. Ang kalsadang ito ang isa sa iba pang posibleng daanan para makarating sa bahay, 'yun nga lang ay medyo mahaba ang rutang ito.
Mahaba at maraming likuan ang dinadaanan ko. Mabilis ang pagpapatakbo ngunit walang ingay. Delikado kasi kung mag-iingay pa ako sa lugar at oras na ito dahil mate-trace ng sumusunod sakin kung nasaan ako at isa pa, kabahayan ang nasa paligid ng lugar na ito kaya marami ang natutulog.
Nang makita ko na ang isang malaking puno na nakatayo sa isang kanto, itinigil ko muna ang sasakyan ko at itinago. Lumabas ako at nagtago sa malaking puno, hinihintay ang pagdating ng motorsiklo na nakasunod sakin kanina. Inilabas ko ang baril ni Artery mula sa aking bulsa.
*jinggg*
*jinggg*
Nakita ko ang pagtigil ng motorsiklo ilang metro ang layo bago ang puno na pinagtataguan ko.
Lumabas ako sa puno hawak hawak ang baril at ikinagulat iyon ng nakasakay sa motorsiklo. Itinapat ko ang dulo ng baril malapit sa sintido ng driver. Nang malapitan ko siya, pilit kong inaaninag ang mukha ng driver, ang tao sa loob ng helmet na suot ng naka-motorsiklo.
"Sinusundan mo ba ko?"
"P-pasensiya na p-po..."
"Hindi iyan ang inaasahan kong sagot."
Pagtango lang ang naging sagot niya mula sa tanong ko.
"Sino ka?" tanong ko.
"H-huwag niyo p-po a-akong saktan..."
"Sino ka?!"
"Atom p-po. Miss Iron, hindi ko naman po s-sinasadya na---"
"Kilala mo ko?"
Gaya ng ginawa niya noong una, tumango siya.
"Umamin ka nga, bakit mo ako sinusundan?"
"N-napag-utusan lang po ako. Sasaktan po kasi nila ako at ang pamilya ko kung s-sakaling hindi ko gagawin ang utos nila."
"Bakit mo ako sinusundan?"
"H-hindi ko po alam..." nanginginig na siya. Hindi ko matukoy kung ang panginginig niya ba ay dahil sa tono ng boses ko o sa nakatutok sa ulo niya na baril.
"Sinong nag-utos sayo na gawin ang bagay na ito?"
"Hindi ko kilala ang taong iyon at hindi ko rin alam kung anong intensyon niya sa pagsunod ko sayo. Ang alam ko lang, kilala siya sa tawag na Phantom. Parang awa mo na, wag mo akong sasaktan, inutusan lang ako..."
"Anong sinabi mo? Phantom---hoy! Tigil!"
Biglang umandar ang sasakyan niya, napagsamantalahan yata ang malalim kong pag-iisip!
"Hoy! Tumigil ka! Bullshit!" napasinghap ako sa sobrang pagkadismaya.
Magpapaputok pa sana ako ng baril ngunit naalala kong puro bahay ang nakapaligid sa lugar na ito. At kung totoo man ang sinasabi ng lalaking iyon na inutusan lamang siya at pinagbantaan ang buhay, hindi ko pipiliin na maglabas ng bala lalo na't ang baril na hawak ko ngayon ay pag-aari ni Artery. Hindi ko sasayangin ang isang bala para matulad ang buhay ng lalaking iyon sa buhay ni Artery.
So whoever that Phantom is, I'll do everything to find you. To kill you. Dahil ikaw ang salarin sa pagpatay sa pinakamamahal ko.