bc

The Detective and the Phantom

book_age16+
1.0K
FOLLOW
2.6K
READ
dark
drama
tragedy
twisted
sweet
heavy
lighthearted
serious
mystery
scary
like
intro-logo
Blurb

Iron Haynes became a detective because of her first love, Artery. Ngunit nang mamatay ito ay kasabay na ring namatay ang puso ni Iron sa lahat ng bagay. Ruthless, stubborn and a baddass---that's what she turned into. Kaya naman wala na ring nagtatangkang makipagkaibigan sa kanya dahil simple lang, wala siyang pakialam sa iba. Ngunit nang ibigay sa kanya ang misyong hulihin ang salaring nagtatago sa Holmberg University habang nagpapanggap na journalist, dito niya makikilala si Xenon Coulter na isa sa mga kilalang estudyante ng Holmberg. Pinakatanyag, pinakamayaman at pinaka-paborito sa lahat. Paano mahuhuli ni Iron ang taong pilit siyang pinagtataguan habang pinagtataguan niya naman si Xenon na hindi siya tinitigilan? Malaman niya kaya ang tunay na sanhi ng pagkamatay ni Artery? At mapapatay niya rin ba ang phantom na matagal nang nagdudulot ng g**o sa buhay niya habang sunod-sunod na problema ang pipilitin niyang lutasin sa Holmberg?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
IRON POINT OF VIEW 'The boss is waiting you here.' Iyon ang unang pangungusap na nabasa ko matapos ang isang buwang bakasyon. Ah. Matagal ko ring hinintay ang mensaheng 'yan. Bumuga ako ng usok ng isa pang beses bago itapon ang sigarilyo sa gilid. Sumakay ako sa aking Lamborghini Aventador at binuhay ang makina. Hmm, 'di ko rin inakalang mami-miss ko ang trabaho. 'Di na rin mapigilan ang pagtunog ng relo ko matapos kong matanggap ang text. I rolled my eyes. Isang buwan lang pero gusto na nila akong magtrabaho agad, mga kupal talaga. Lahat inaabangan kung sinong susunod na pupugutan ko ng ulo. Kung hindi usisero, mga inggitero naman. Matapos ang tatlong minuto ay nakarating din sa wakas. "Nasaan siya?" isang tanong para sa limang lalaking baguhan. Hmm, nandito na sila bago pa man ako nagsimula sa pagiging detective subalit naunahan ko pa silang umangat. Siguro sila ang mga tipo ng lalaking walang ibang ginawa kundi magmayabang o mga kupal lang talaga walang magawa sa buhay… "Malamang nasa opisina niya, naghihintay sayo," sagot ng isa habang nanonood ng larong billiard. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tss. Kupal talaga, ewan ko ba kung bakit 'di pa rin tanggal yung mga 'yan. Walang pagdadalawang-isip kong binuksan ang pinto. The stuffs were so organized as usual. Couch, ang kanyang lamesa na may folder sa ibabaw. The four corners of the room would never be enough for the person staying here. Ang taong nagmamay-ari ng kanyang opisina. "Master..." that really sounds inappropriate in my tongue. Nakakasuya. Pero ano pa bang magagawa ko kung utos niyang tawagin siya ng ganyan? "Ms. Haynes, you're finally here. Kumusta ang bakasyon?" markado ang katandaan niya sa kanyang boses. Tumatanda na talaga. Umikot siya at hinarap ako. Suot niya ang mamahaling tuxedo na magkano naman kaya ang presyo... sa bagay, saan niya ba naman gagastusin ang limpak-limpak na pera niya kung wala naman siyang pamilya? Puting buhok. Makapal na salamin. Classy face. Master Clennard. "Quite boring..." umupo ako at dinantay ang paa sa ibabaw ng lamesa. "Binigyan kita ng isang buwang bakasyon at sa palagay mo boring 'yon? You must be thankful for that instead." I rolled my eyes. Nakalimutan niya yatang kaya ako nagbakasyon ay dahil namatay ang isa sa pinakamagaling niyang agent, ang aking Artery… "What business?" "Here," inabutan niya ako ng isang folder na siguro ay susi sa impormasyong hinihingi ko. Binuklat ko ang pahina at lumitaw ang larawan ng isang paaralan. I was about to ask but glad he did the honor to feed my curiosity. "That is the Holmberg University. Elegante, grandiyoso at pinakakilalang paaralan sa buong mundo. Pinakamaimpluwensyang unibersidad sa lahat. Every annual ceremonies are very much awaited. Matatalinong mag-aaral, magagaling na guro at hindi mapapantayang pasilidad." So? "But behind all the good things this institution have, may ilang piniling dito magtago." I hope he's making some sense. "Batay sa mga impormasyong nakalap noong nakaraan, katulong ang ilang investigators and agents coming from different institutions, isang superyor ng ilegal na negosyo ang nagtatago sa loob." "Illegal transactions like..." I asked. "Smuggling, illegal possession of firearms. Bawat taktika ay planadong-planado at malinis. Lahat ng kilos ay walang iniiwang bakas. Matagal na namin itong tinatrabaho at patuloy pa rin namin silang hinahanap but I must admit, napakagaling magtago." I saw him with unbelievable face, "hindi ko na alam kung anong gagawin..." Sumandal ako sa upuan, "what do you want me to do then?" "Simple lang, Iron. Gusto kong imbestigahan mo ang Holmberg and your mission is to find the real premier. The superior." Tinaasan ko siya agad ng kilay as a sign of disagreement. Hindi ako pwedeng tumanggi at hindi rin naman ako papayagan... but anyway I want to disagree. "Tingin niyo ba gano’n lang kadaling makapasok doon? And first of all, maraming taong naglalabas-masok at tingin niyo mahuhuli ko ‘yung taong 'yon sa maikling panahon? Dahil hindi niyo nagawa kaya ipapasa niyo sa akin?" dahil para na rin niyang sinabi na humuli ako ng langgam sa dagat na puno ng isda. "Iron, kailangan mong gawin ito, yes, sa maikling panahon na inaasahan naming magagawa mo." Napangisi ako. Kalokohan talaga, "kaya nga eh, that's exactly my point! Salamat na lang sa pagbibigay ng isang kalokohang misyon at sa pagtitiwala na magagawa ko but no. Ayoko. Hindi ako payag dito," I said with finality. "Hindi lang ako nagbibigay sayo ng napakalaking misyon na ito but also the Board of Directors. Think twice, Iron. Kung matatapos mo ang isang ito, maaari ka nang umalis sa trabahong ito at lumipat sa mas ligtas pero sa ngayon, kailangan naming tanggapin mo 'to." No… "And Fleen Smith will go with you. You need an accompaniment," at 'di ako makapaniwalang pinili niyang makasama ko si Fleen! Isa pang mahina ang utak! No! "Pag-isipan mong mabuti. You can leave now, Iron." Tumayo ako at lumabas na. Patungo na sana ako sa aking sasakyan nang may kupal ulit na umeksena, "Iron! A new mission again?" "I heard, Fleen will go with her," isa pang epal. "That sounds lovely, baby Iron," pang-aasar ni Gabrielle. Isang mabilis na galaw ang pinakawalan ko at walang kurapang tinutukan siya ng baril sa bumbunan. Sinakal ko na rin para hindi makapagsalita. "Gusto mo na bang paglamayan bukas?" kalmado pa ang mga salita ko n'yan ha. "Relax, nagbibiro lang naman ako..." "Sa susunod na magbiro ka, 'wag kasi sa'kin. Hmm? Mapagkakamalan kasi kitang dart board na target ko," giit ko bago naglakad palayo. Sarap sampalin. Binuhay ko ang Lamborghini upang tumungo sa susunod kong destinasyon. "Baby, huh? Sounds lovely but can cause death within a second," I smirked. I emptied my face bago ako humarap sa kanya. Magkikita na naman kami. If there's one thing I want to show him, iyon ay mamukhang maayos ako habang nabubuhay kahit na ang totoo pinipilit ko na lang huminga at hinihintay na sunduin ng sarili kong kamatayan. *** Mula sa aking Lamborghini Aventador ay lumabas ako at lumapat ang mga paa ko sa mapipinong damuhan. Bitbit ang isang kandila at isang puting rosas ay naglakad ako palapit sa kanya. "Nandito na ako…" mga salitang pinakawalan ko pagtapos ay tahimik akong umupo sa harapan niya. "Ang lamig ng simoy ng hangin..." napangiti ako nang maisip ko ‘yung idea na ang hangin ay itinutulak ako palapit sa kanya. "Katulad ko, gusto rin yata ng hangin na nandito ako't kasama ka. Ikaw, gusto mo rin ba ‘yon?" tanong ko sa kanya. "I miss you, Art. I really do." Inilapag ko ang kanina ko pang hawak na kandila at sinindihan ko iyon katabi ng puting rosas na alam kong paboritong-paborito niya. "Galing pala akong office ni Master. It's for my new mission," sambit ko. Ibinaba ko ang pistol na kanina pang nakapasak sa bulsa ko at itinabi iyon sa kanya. "At nasa akin pa rin ang paborito mong baril… look…" Nilinis ko ang puntod niya na napaliligiran na ng mga bulok na dahon. And yes, nasa sementeryo ako ngayon. Dinadalaw ko siya. "Forgive me if it took me months to be with you now, I'm sorry..." Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ko ang pangalan niya sa lapida. "Alam ko na pagagalitan mo ako dahil pinasok ko ang trabahong ito but this is the only and the easiest way to find the man who killed you and to find your sister." "Hinding-hindi ako titigil na mahanap ang may kagagawan nito sayo, Art. Magbabayad sila. I'll make sure na walang makapipigil sa mga plano ko, ngayon pa na ibinigay na sa akin ang biggest mission of the year," ang misyon kung saan si Art natalo at binawian ng buhay. He is Artery Halloran. The only man who loved me. The only man that had fought for me. And the man that died for me. He was the top secret agent for two decades and the legendary callant that was awarded to be the most toughest, deadliest, and a well-known hoaxer. And his last mission was the mission I have right now. Pinagtataka ng lahat na sa kabila ng kagalingan ni Artery ay may nakapatay pa rin sa kanya at para sa mga kalaban, isa siyang malaking isda. Nasa gitna na siya ng kanyang misyon ng matagpuan na lang ang kanyang bangkay sa isang kalsada, pinaulanan siya ng bala at walang-awang pinagsasasaksak. At hanggang ngayon ay wala pa ring nahuhuling salarin. Well, mayroong nahuling isa, kaso hindi ako naniniwala na siya talaga ‘yon. Dahil ang tipo ni Artery ay hindi madaling mahuli, para siyang isang isda na minsan lang kung lumitaw pero sandamakmak ang nawawala kapag dumating siya kaya imposibleng pipitsugin lang ang pumatay sa kanya. Kung matinik ako, nakamamatay naman siya. Wala na sigurong makapapantay sa galing ni Art kaya isang malaking dagok sa agency ang pagkawala niya. "I will make sure na ang sino mang haharang sa daanan ko ay mamalasin at mamamatay." Dahil mas masahol pa ang gagawin ko sa sino mang gumawa sa iyo ng bangungot na ito, Artery. Sinusumpa ko sila, sinusumpa ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
118.4K
bc

That Night

read
1.1M
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
786.6K
bc

YOU'RE MINE

read
901.2K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
328.9K
bc

SILENCE

read
386.5K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook