Chapter 4

2206 Words
IRON POV "Naipadala na ba 'yung van?" tanong ko kay Fleen. "Oo. Nasa parking lot na daw." "Sige. Dalhin mo 'yung sinakyan natin kanina sa parking lot, pupuntahan ko 'yung van." "Sige." Humiwalay na si Fleen sakin. Nagtungo ako sa parking lot at doon ay may gwardya. "Pupuntahan ko lang 'yung sasakyan ko and this is the key," sabi ko. "Sige po." Tumuloy na ako at hinanap ang isang black van. Nang makita ko na ito ay binuksan ko ang mic at nagwika. "Fleen, I got it." "Okay. Be careful." I open the van and laptops welcome me. Mabilis kong binuksan ang main laptop at kasabay no'n ang pagbubukas din ng iba. Aabot sa mahigit dalawampung laptop ang naririto at lahat ng ito ay konektado sa isang camera. Each surveillance camera is equivalent to one laptop. And one camera is one section. "Success," sabi ko. Kumonek na lahat ng camera sa mga laptop so napapanood ko na ang bawat galaw ng lahat ng section na nakabitan na namin.I hope this will work. Pinagmasdan ko ang bawat isang laptop at wala pa naman sa kanila ang kakaiba. Wala pang kumikilos ng kakaiba kaya wala pang kahina-hinala. Napukaw ang atensiyon ko sa isang section. Kumpara sa ibang section, ito ang may pinakakaunti ang nilalaman na estudyante, at kung tama ako ay angat ito kaysa sa iba. Ang isa pa ay naririto ang apat na misteryosong nilalang na sinalubong ng mga estudyante kaninang umaga. Ang lalaking may kulay na gray ang buhok, lalaking kulay tsokolate ang buhok, babaeng kulay violet ang buhok, at lalaking itim ang buhok, lahat sila ay nasa section na iyon. Isang bagay pa ang napansin ko. Lahat sila ay may pin na nakalagay sa kaliwang dibdib, capital letter A ito na nasa loob ng bilog. Para malaman kung may kaibahan ang bagay na ito sa iba ay tinignan ko ang video ng ibang section pero wala silang suot na pin tulad ng natatanging section kanina. Ano bang meron at parang may naiiba? *ring ring* Dumagundong ang tunog ng bell sa buong unibersidad ngunit hindi ako natigil nito upang patuloy na magmatyag sa mga nangyayari. Gaya ng karaniwan ay nagtungo ang iba sa cafeteria ng unibersidad ngunit iba ang naging sitwasyon ng section na binabantayan ko ngayon. May kailangan akong malaman ukol sa napansin ko. "I have to do something to unlock this thing..." Alam ko na kapag malalaman ni Fleen ang tungkol sa gagawin ko ngayon, hindi niya ito maiintindihan. I have to burn precautionary measures this time. Have to break some rules. I contacted Fleen. "Hey, where are you?" "Malapit na ako, may ginawa lang ako kaya natagalan." "Note this, take care of the van. I have to handle something that is important." "Wait what—" I turned off the mic and went to the cafeteria. Gaya ng inaasahan ko ay maraming estudyante ang naririto. "Pancake, please." Bumili ako ng pancake for a reason. Nang makuha ko na ang order ko ay tumingin ako ng available seat pero bigo ako. So I came up with the main plan. Lumapit ako sa isang babae na mag-isang kumakain. Tipikal lang na estudyante ang itsura niya, hindi siya tulad ng nerd or geek na tulad sa mga fictional stories. "Pwedeng maki-table?" I humbly asked. "Yeah. Sure." "Thank you." Umupo na ako sa harapan ng babae. I assumed marami siyang nalalaman tungkol sa unibersidad na ito. "Bago ka lang na journalist dito?" I put a gaze on her. Mukhang tumama ang hinala ko. "How did you know that?" "Well, you're not look familiar so I suppose you're newbie here." "Really? You're right. Bago lang ako dito." "And you're a journalist." "From East Coast High, Mass Com student." "Alright, and you're here to cover up Holmberg?" "Yeah." "Nice. Reporters are here because of that reason too..." At aware sila na iyon ang dahilan ng mga reporters for invading their school? "My name is Dutch Weiss. How about you?" "I'm Iron," I smiled. "Great! Pancakes for afternoon huh. Anyway, your name is cool." "Ayoko nga eh." "Haha. Since I've known one of the journalist now, feel free to ask questions to me," she said. Naghiwa ako ng isang parte ng pancake at kinain iyon. Sinisigurado ko muna kung mapagkakatiwalaan ang babaeng nasa harapan ko ngayon. "Sino 'yung mga estudyante na sinalubong ng mga kapwa estudyante rin kaninang umaga? What is the powerful royals?" She smiled, "questions are good. Well, the students you just met a while ago belong to the powerful royals that we have in Holmberg." "They're belong to that cheesy name?" "Yeah. Every first day of a month ay may grand entrance na nangyayari for the members of powerful royals and it happened that you just watch one of the great grand ceremonies of the Holmberg and so that was." Really? Powerful royals? I heard that name for the second time around. "Do you wanna know their names?" I nodded. "The first man who arrived was Elrick Williams, but he's more popular with his nickname Cream because of his gray hair. Exuberant and the most affectionate among all of them." "Okay..." sabay subo ng pancake. "The second guy was Thomas Beuford, more likely to call Home, the one with a chocolate-color hair. Serious in tactics and running for valedictorian this year. And the violet hair girl was Area Emmert and they were cousins." "And?" "The last man was Xenon Coulter, the black-haired guy that everyone is fascinated of. He was damned gorgeous, hot, and gosh financially mighty. You have to note his traits, I'll assure you," she spilled. Xenon Coulter... right? I have to put my eyes on you. "May napansin akong pin na nakalagay sa kaliwang dibdib ng ibang estudyante. Ano ang tungkol doon?" "Oh. The Almighty pin, napansin mo rin pala iyon—" Bago niya pa matapos ang kanyang pangungusap ay may tumawag sa kanya mula sa kanyang likuran. "Dutch! Halika na, may pupuntahan pa tayo," wika ng isang estudyante. Tinapos ni Dutch ang kanyang pagkain at tumayo na. Akma na siyang aalis ngunit pinigilan ko ito. "Sandali, ano 'yung 'Almighty' na sinasabi mo? Anong klase itong pin? Bakit 'yung ibang estudyante, wala naman silang pin na gano'n? Ano—" Hinawakan niya ang braso ko at bumulong. "Wala na akong oras para ipaliwanag sayo ang lahat, Ms. Iron. Basta kailangan mong malaman ang mga kasagutan sa mga tanong mo sa lalong madaling panahon dahil bilang na ang araw at kakaunti na lang ang paglalagi nila sa lugar na ito at 'pag nangyari 'yon, hindi ka na mabibigyan pa ng pagkakataon para hulihin silang lahat." Tinitigan niya ako sa mata nang ilan pang mga segundo habang nanatili akong okupado sa mga sinabi niya. Tumayo na siya at nagsimula ng maglakad palayo sakin kasama ang dalawang babae at isang lalaki patungo sa labas ng cafeteria. Ilang minutong tikom ang aking bibig dahil sa sinabi ng babaeng kani-kanina lamang ay kausap ko na ngayon ay nag-iwan sa akin ng isang malalim na talinhaga. Pawang isa itong bugtong na mahirap sagutin. Isang sikretong mahirap bunyagin. Ngunit sa lahat ng ito, ngayon ko lamang naunawaan ang lahat ng sinabi niya. May nalalaman siya at ang nalalaman niya ang susi para malutas ko ang misyong ito. "I-iron, are you there?" I heard Fleen's voice. "Yes, what is it?" I clear my throat. "Puntahan mo ako ngayon dito sa van. I have something to tell you." "Bye." I turned the mic off, stood up, and went out of the cafeteria. Tumungo muna ako sa female restroom para maiwasan ang pagsunod sa akin ng kung sino man. Hindi ako sigurado kung may taong sumusunod sakin ngunit kailangan ko pa ring makasigurado kahit na maaaring wala. Kailangan kong mahanap agad si Weiss dahil marami pa akong hindi alam. Yeah, I'm a detective, an Undercover agent. Kaya kong mahanap lahat ng kasagutan sa mga tanong ko ngunit ang misyong ito ay may taning. At tanging pagtatanong na lang ang tingin kong mas maganda pang gawin para mapadali ang lahat nang ito. Nag-ayos na ako ng aking sarili at lumabas na ng restroom. "Ano?" bungad na tanong ko kay Fleen pagkabukas ko ng pintuan ng van. "Halika dito," itinuro niya ang gilid niya na uupuan ko. Nang makaupo na ako sa tabi niya ay inayos niya ang laptop na nasa harapan namin. Mukhang may ipapakita siya. "Look at this," itinuro niya ang laptop na kani-kanina lamang ay ino-obserbahan ko rin. Ang laptop na iyon ay nakatutok sa section na sinusubaybayan ko rin kanina. "May gold pins silang nakalagay sa kaliwang dibdib nila na hindi pangkaraniwan dahil kumpara sa iba..." Ipinakita sakin ni Fleen ang laptop na tinututukan ang ibang section. "Kumpara sa ibang estudyante, wala sila nito." seryoso ang mga tono ni Fleen na lihim kong pinanggulatan dahil hindi naman siya gano'n. Nagiging seryoso lang siya kapag may gusto siyang alamin o pinagtatakhan. At kung tama ako, ang bagay na gusto niyang alamin ay ang tanong na gusto ko ring masagot. At gagawin ko iyon ng mag-isa lang, wala akong plano na i-dawit ang pangalan ni Fleen sa misyon na ito kahit na sa aming dalawa ito iniatang. "Napansin ko na rin iyan kanina," I uttered. "Pero wala kang naging aksyon? Wala kang ginawa?" pagtataka niya. "Sa tingin ko, hindi na mahalaga ang bagay na iyan. Hindi 'yan makakatulong sa misyon." "Pero Iron! Magiging ebidensiya siya ito, posible!" "Isa lang 'yang pin, Fleen. Pin na ginawa ng Holmberg para sa kanila. At pin na walang bahid ng kahit anong sindikato," I finally stated. Umiling siya na inaasahan ko na. "Maybe you're right, but it won't change my decision to investigate that thing. Anyway, may sasabihin pa ako." Itinapat niya sa 'kin ang laptop na nakatutok sa terrace na nasa likurang bahagi ng pinakalikod at pinakalumang gusali ng Holmberg. At sa pamamagitan no'n, nakuha ko ang nais niyang ipaalam sakin. "Sige. Ako na ang aasikaso sa kanya," I said as I exited from the van. Naglakad na ako palabas ng parking lot at bago ko marating ang terrace ng unibersidad ay dumaan muna ako ng female's restroom. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko bago ko siya harapin. At sigurado ako na hindi matatapos ang araw na ito nang hindi niya ako makikilala. Inayos ko ang buhok ko at ang damit ko. Kailangan ko munang makausap ang taong iyon bago ko hanapin si Dutch. Sana... sana konektado ang taong 'yon sa misyon namin ngayon para mas maging madali ang lahat. Umalis na ako sa restroom at nagsimulang tumungo sa terrace. Sinulyapan ko ang aking relo kung anong oras na. Konting minuto na lang at magbabalikan na ang mga estudyante sa kani-kanila lang mga kwarto. Bago ako makarating sa terrace ay naisipan kong daanan ang kaninang section na ngayon ay apple of the eye na namin ni Fleen. Patakbo akong umakyat sa pangalawang palapag at dahan-dahang naglakad. Inilabas ko ang aking cellphone at nag-aktong kumukuha ng mga litrato sa iba't-ibang anggulo ng palapag. Hindi ko alam kung anong itsura ko na kumukuha ng mga litrato ng gusali at dinadaanan lamang ng mga estudyante. Kumpara sa ibang paaralan, isa sa mga hinanggaan ko sa Holmberg ang kalidad ng mga estudyante. Hindi sila nagkakagulo na may mga media rito sa kanilang paaralan. Siguro sanay na sila sa ganoon at marahil ay nagsasawa na nga. Patuloy pa rin akong naglalakad palapit sa section na iyon nang sa wakas ay narating ko na rin. Simple akong kumuha ng litrato ng section na iyon at inobserbahan ang mga estudyante na nasa loob. May mga nagsusulat, nakikinig ng musika sa headphones, nagbabasa ng libro at kung anu-ano pa. Positibo. Wala pa rito ang taong nakita ko sa laptop, marahil ay hindi pa siya nakakabalik. Mabilis kong tinungo ang terrace. Mula sa mabilis na pagtakbo ay naging dahan-dahan ang paglapat ng boots ko sa lupa. Nakita ko na siya. Nakita ko siyang nasa pinakadulo ng kanang bahagi ng terrace, tinatanaw ang berdeng bundok na pagmamay-ari yata ng Holmberg. Huminto ako sa kaliwang bahagi ng terrace at inilapag ang braso sa bakal na nagsisilbing harang sa mga taong nagbabalak na magtungo sa terrace. Naglabas ako ng isang piraso ng sigarilyo na kanina pang nasa aking bulsa at ng lighter na kanina pang naghihintay na makalabas mula sa bulsa ng aking jacket. Sinindihan ko ito at nagsimulang hithitin. "Enjoying the view?" wika ng lalaki. "Hindi ang tanawin, ang bangin." He smirked, "ikaw ang kauna-unahang nilalang na narinig kong bangin ang tinitignan." Hindi ako sumagot. Masyadong kampante ang taong ito to the point na siya ang unang nakipag-usap sakin. "You violated the rule of your university," I said. "The rule of what?" "Smoking is prohibited, that's the rule." "Well yeah, would you relinquish me to the council?" "No." Agad kong nakuha ang atensyon niya dahil napatingin kagad siya sakin. "Why?" "Kasi kung isusumbong kita, idadamay mo ako," dahil pareho kaming gumagamit ng sigarilyo at mahigpit na ipinagbabawal iyon. After I said those words, I cast a look on him. I heard his sigh and turned back his pair of eyes to the mountain. "You're good." He walked towards me and offered his hands. "I'm Cream Williams. And you are?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD