IRON POINT OF VIEW
Diretso lang kaming naglalakad sa kalsada palapit sa Holmberg University. Mas nauuna akong maglakad sa kanya at nananatili lang siya sa aking likuran. Tinititigan ko lang ang kapal ng tao at nililibot ang paningin sa paligid ng gusali. Mabilis ang paglalakad namin to the point na nakarating kami agad sa gilid papunta sa likuran ng paaralan kung saan ‘yon ang tinatarget naming pasukan at hindi ang front gate.
Tumigil kami ng makuha namin ang atensiyon ng tatlong guwardya na nagbabantay sa likurang bahagi ng unibersidad. Bukod sa mga guwardya ay wala ng iba pang nagbabantay. Inaasahan na namin na ganito kahigpit ang seguridad.
"Mass com students kami galing ng East Coast High at nandito kami para i-cover up ang buong school year ng mga nagaganap sa Holmberg University," kasabay ng sinabi ko ay ang pagpapakita namin sa kanila ng ID's namin.
Plantsado na ang lahat ng kakailanganin para sa pagpapanggap namin at ang tanging kailangan na lang naming gawin ay hulihin ang headmost ng illegal business dito.
"Pakihanda na lang po ang kaliwang kamay para sa scanning," wika ng isang guwardya.
Inihanda niya ang isang kuwadradong machine at gaya ng inaasahan namin ay kasama iyon sa seguridad na dapat gawin. Mabuti na lang at preparado kami sa lahat ng mga gagawin.
Inilapat namin ang aming kaliwang kamay sa isang machine. May pinindot ang guwardya na isang button para mag-ilaw ang machine at i-scan ang kamay ko na nakalapat dito. Para lang itong isang machine na sine-xerox ang kamay namin at kinokopya ang itsura ng kamay at ginagawa nila iyon for verification sakaling papasok muli kami.
Isang ID scanner at biometric fingerprint machine system.
Bago pa man ma-scan ‘yong mga kamay namin ay tinusukan na ito ng likido para mabago ang itsura ng fingerprint. Kinakailangan namin itong gawin para kung nagkakalokohan na ay hindi kami madaling mahahanap at mahuhuli dahil posible na gagamitin nila ang kopya ng prints namin para ma-trace kung saan kami naroroon.
"Okay. Tuloy na po kayo. On this way ma'am and sir," nagpatuloy na kaming maglakad.
"Fleen, you know what you are going to do," sabi ko kay Fleen.
Nang makarating kami sa pinakaunang gusali ng unibersidad ay iniwan na ako ni Fleen at pumunta sa dapat niyang puntahan. Pinagmasdan ko muna ang paligid at sinigurado na walang kahit sinong tumitingin sakin—sa gagawin ko.
Nang masigurado ko na ang lahat, mula sa unang room na dinaanan ko ay pinasok ko ito. Isang tahimik na kwarto ang sumalubong sa’kin. Agad kong isinakatuparan ang misyon ko. Sumampa ako sa isang upuan doon at nagkabit ng isang maliit na camera na kasinglaki lamang ng dulo ng takip ng ballpen sa dulo ng mataas na sulok ng kwarto. Sapat na ito para ma-monitor namin lahat ng estudyante sa kwartong mananatili rito. Mabilis akong bumaba mula sa pinagsasampahan ko at tumungo sa susunod na room. Gaya ng ginawa ko sa nauna ay nagkabit din ako ng camera sa mga susunod na kwarto.
"Aaaah! Nandyan na sila!"
Nabigla ako sa narinig kong hiyawan ng mga estudyante kaya mabilis kong tinapos ang ginagawa ko.
Inayos ko ang maliit na mic na nakakabit sa damit ko.
"Fleen, can you hear me?"
"Y-yeah, Iron."
"Nasaan ka? Are you done?"
"Nandito ako sa pinakalikurang gusali ng unibersidad at matatapos na sana ako sa second floor kaso nakarinig kaagad ako ng ingay kaya itinigil ko na muna, delikado eh."
"Okay. Bumalik ka na ngayon sa lugar kung saan tayo naghiwalay kanina."
"Copy."
Tinakbo ko pababa ang building hanggang sa makita ko na si Fleen.
"Halika na, kailangan na nating makabalik doon," sabi ko.
Lumapit kami sa mga nagkakagulong estudyante. Nasa gilid ang mga media, nasa harapan ang mga securities.
"Ahhhh! They're here!" sigaw ng estudyante na nasa harapan ko lamang.
Sino?
Napukaw ang atensyon ng lahat sa isang Proton Preve na pumarada sa tapat ng front gate. Ilang segundo pa ang lumipas bago lumabas ang isang lalaki. Naka-tuxedo siya at talaga namang napakagara ng pananamit at kulay gray ang kanyang buhok. Pagkalabas niya ay ngumiti siya sa mga estudyante na naghudyat para lalong umingay ang mga dalaga.
"Ang hot talaga ni Cream!"
Matapos no’n ay isang Bugatti naman ang huminto sa likod ng Proton Preve at ang paghinto nito ang ikinatahimik ng mga nilalang na nasa harapan ko.
Isang lalaki na naka-tuxedo at kulay tsokolate ang buhok ang bumaba sa kanang pinto ng kotse. Seryoso ang kanyang mukha. Nagtungo ang lalaki sa kaliwang pinto at binuksan ito, kasabay no’n ang paglapit ng mga gwardya. Inalalayan nila ang isang babae na tulad ng iba ay gano’n din ang uniporme subalit bakit parang naiiba pa rin siya sa lahat? Kulay violet ang kanyang buhok, mala-porselana ang kanyang kutis, at kung tama ako ay babasagin ang suot niyang heels.
"Like as usual, malakas ang impact nila," bulong ng estudyante.
At sa huling pagkakataon ay isang Limousine ang huminto kasunod ng Bugatti.
Bakas sa sasakyan na ito ang kayamanang taglay ng nagmamay-ari—kung sino man siya.
Mula sa passenger's seat ay bumaba ang isang bodyguard at pumunta sa hulihang pinto ng limo. Dahan-dahan niya itong binuksan hanggang sa makalabas ang isang lalaki na naging dahilan para tumili ang mga mag-aaral. Tulad ng mga naunang lalaki na lumabas sa kanya-kanyang sasakyan ay naka-tuxedo rin siya. Mababakas mo na sa pananamit pa lamang niya ay imposibleng may dumapo man lang na langaw. Itim na itim ang kulay ng buhok niya at sinuklay niya iyon gamit ang kanyang mga kamay lamang.
Lumapit ang lalaki sa katabi nitong babae na kulay violet ang buhok na bumaba sa Bugatti at may binulong na ikinatahimik ng lahat.
Sino ba siya? Sino ba silang lahat?
"Grabe, grand entrance talaga silang apat!"
"Haaay. Ilan pa ba ang powerful royals na mag-ga-grand entrance ngayong taon?"
Powerful royals? Bakit parang may nakalimutan yatang sabihin ang agency tungkol sa Holmberg University?
Desidido na akong magtanong tungkol sana sa nangyayari ngayon nang seryosong magsalita ang katabi ko, si Fleen.
"Xenon Coulter, the most cryptic among all the mysterious."