Chapter 2

1017 Words
IRON POINT OF VIEW "Start your mission now." Iyan ang huling mensahe ni Master pagkagaling namin sa office. Pumunta kami doon para kunin ang mga gagamitin kabilang na ang mga damit, equipments, and of course, extraordinary gadgets. I started the engine going to Holmberg University. "Are you ready?" Isang bagay na ikinakainis ko ngayon ay ang bagay na katabi ko ngayon si Fleen. Ang diumano ay partner-in-crime ko for this mission. Holy s**t… "Grabe, hindi ko ma-imagine na aarte ako bilang isang journalist o reporter. From being detective to reporter? Ang layo," sabi niya. Maging ako rin ay hindi makapaniwala. Napakalayo nga naman ng pagiging detective sa reporter. Ni minsan ay hindi ko inakala na papasukin ko ang bagay na ito. Pero sabi ni Master, ito lang ang tangi at pinakamadaling paraan para makapasok sa unibersidad na iyon lalo pa't hindi ito ordinaryong paaralan. Naging madali na lang na gawing peke ang mga dokumento para makapasok kami. Iron at Fleen na rin ang gagamitin namin na pangalan para hindi na malayo sa katotohanan at baka kami pa ang mahirapan sa huli. "Hindi ka ba kinakabahan, Iron?" Hindi ko sinagot at maging sinulyapan pa man lang si Fleen. Binilisan ko pa ang pagmamaneho at iniwasan ang mga nasa harapan na sasakyan bilang pagsagot sa kakulitan niya. "You know what, medyo bagalan mo naman ‘yung pagmamaneho mo. Baka mabangga pa tayo. Delikado na baka tayo pa ang ma-i-report nito eh." Hindi muli akong sumagot at mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Kasama sa kinaiinisan ko ang kotse na ito. Napakaliit at masyado pang mabagal. Kinumpiska kasi ‘yung Lamborghini Aventador ko na hindi naman pag-aari ng agency. Pati na rin ‘yung ibang gadgets, kinuha rin. Ang iniwan lang sakin ay ang mga kagamitan na konektado sa pagpapanggap ko bilang isang journalist. Matapos ang isang minutong mabilis na pagpapatakbo ay agad kong tinapakan ang break ng sasakyan dahilan para masubsob si Fleen dahil hindi naman niya sinuot ‘yung seat belt. "Hey! Damn you! Are you out of your mind? Gusto mo bang mamatay ako sa sobrang bilis mong pagpapatakbo at sa isang iglap lang ay magbe-break ka na? Bullshit!" pagwawala niya. I smirked. Diretso lang ang tingin ko at hindi nag-abalang tapunan siya ng tingin. "Dapat pala hindi na ako nakisabay pa sa’yo. Kung alam ko lang, Iron," usal niya. One good thing na kasama ko si Fleen ay ang pagtripan siya. Mas madali siyang kabahan sa isang bagay kaysa sakin at ‘yon ang magandang dahilan para paglaruan siya. Muli ko ulit binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar ito sa isang mabilis na takbo. I'm the driver so no one can instruct me. Perks of driving a car is you can do everything you want to it. Dahil sa mabilis na pagpapatakbo ko ay mabilis din naming natanaw ang Holmberg University. Mas maganda pa ito kaysa sa inaakala ko and wow. Akala ko, hindi ako magugulat sa kung anuman ang meron ang university na ito, pero kabaliktaran ang nangyari. Maraming tao ang nasa front gate. Mga media, students, teachers, securities, and body guards. Lahat sila ay nasa front gate ngunit dahil sa dami nila ay pwede na nilang palibutan ang buong school. Itinigil ko ang kotse sa tapat ng isang Convenience store na hindi naman kalayuan sa nasabing unibersidad. "Bakit dito ka nagpark? I-park mo do’n sa harapan ng front gate para pagkababa natin, star of the day tayo!" sabi ni Fleen. Diretso pa rin ang tingin ko sa university. "Wala akong plano na sumama sa kalokohan mo ngayong araw. Now, kung gusto mong bumaba sa front gate na ‘yon para ikaw ang maging bida, pwes, gawin mo ‘yan pagkatapos kong makababa ng sasakyan na ito dahil pinatutunayan mo lang na hindi ka nag-iisip." Gusto ko lang naman isipin niya na sa oras na gawin niya ‘yon ay tapos na ang buhay niya. Hindi pa man nakakatapak ang mga paa niya sa mismong paaralan ay may nagbabalak nang patamaan siya ng bala. "Ano ng plano mo ngayon?" Nag-iisip pa ako ng plano at natagalan ang pag-iisip ko dahil kailangan ko pang isipin ang magiging galaw ni Fleen. Akala ko ba Top 2 siya sa overall ranking ng mga top detectives? Bakit hindi niya paganahin ang utak niya kahit ngayon man lang? Kinuha ko ang shades ko sa likurang upuan at isinuot ito. Sa tingin ko naman ay babagay ito sa suot kong oversize dark green blazer at high combat shoes. I smirked. Inihanda ko na ang tatlong pistols sa bawat bulsa ko. Dalawang hindi ordinaryong bomba sa ilalim ng mga paa ko na nakatago sa sapatos ko. Sangkaterbang mga bala sa likuran ko na natatakpan ng damit na suot ko ngayon. At iba pang mga gadgets na ninakaw ko sa agency. "Ilan bang mga weapons ang dala mo ngayon?" kabadong tanong ni Fleen. Nag-isip ako ng kaunti at ibinuka ang bibig. "13 different weapons ang nakapalibot sa buo kong katawan ngayon pero more than that pa ang dala ko sa bag." "Woah. Seriously?" Kabilang doon ang mga bombang sa una ay aakalain mong mga plain rectangle gums lang pero once na binuksan ang mga balot no’n, 5 seconds and it will explode. Pero kahit na tapakan mo man ang bombang iyon o higit pa doon ang gawin mo ay hindi iyon sasabog, ‘pag binuksan lang. Meron din akong dalang mga simple ballpens na aakalain mong isang panulat lang pero may laser sa dulo na kapag binuksan mo ang takip at itinutok sa isang solidong bagay ay kayang-kayang mabutas. Ang shades din na suot ko ngayon ay hindi lang ordinaryo. Nakikita nito ang nasa loob ng mga solid matters tulad ng isang drawer at may kakayahan itong makita ang nasa loob ng drawer. Ilan lang 'yan sa mga weapons na dala ko at plano kong gamitin. "Hindi pa ako ready..." bulong ni Fleen. 1... 2… 3... It's game time. Sabay kaming bumaba ni Fleen sa magkabilang pintuan ng kotse at naglakad palapit sa university na misyon namin ngayon. "I was born ready." A mischievous smile escaped me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD