Chapter 14

1477 Words
IRON POV Puting maskara. 'Yung lalaking naabutan ko sa rooftop kagabi na kabilang sa sumalakay sa kwarto ni Sandra, ay nakasuot ng puting maskara. At yung puting maskara na iyon ay naiwang bakas ng Phantom. Walang duda na ang lalaking kausap ko kagabi ay alagad ng Phantom. Pero bakit? Bakit nagpapunta siya ng tao sa kwarto ni Sandra? Paano sila nakalusot sa higpit ng seguridad dito sa Hospital? Paano sila nakapasok sa agency? Umiling ako. Kailangan kong mas lalong pagtibayin ang seguridad ni Sandra. Malamang ay may plano silang masama sa kanya. Nakalapit na sila ng isang beses sa kanya at hindi ko na pahihintulutan pang mangyari 'yun muli. Silang dalawa ni Chill Haugen ang makatutulong sakin sa paghahanap kay Dutch Weiss. At hindi ko hahayaang may mamatay na naman sa ilalim ng kamay ng Phantom. No. Not this time. Nahihiwagaan lang ako. Mahigpit ang seguridad dito sa agency. Magkadugtong ang agency at ang Hospital namin. At lahat ng tao na nasa Hospital kagabi, nurse, doctor, o pasyente man, pawang lahat sila ay undercover agent o detectives. Bukod sa espesyal na ID na ibinibigay sa aming mga agent, ipinapaalam din samin ang password. Password na magbibigay-daan para mabuksan ang lahat ng pribadong lugar na pag-aari ng agency. Iisa lamang ang password sa lahat. Isa lamang ngunit napakakomplikado. Pero may nakalusot. Nakalusot ang tauhan ng Phantom at hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Sigurado akong matagal nilang pinagplanuhan ang pagsalakay sa pugad namin. At nagbunga naman ang plano nila ng magandang resulta. Hindi ako natutuwa. Mamaya pa ako babalik sa Hospital para kumustahin ang lagay ng lahat. Tinawagan ko si Gabrielle matapos ang nangyari kagabi at binilinan ko siya na babalik ako mamayang gabi para tingnan ang bangkay ng lalaking nahulog sa rooftop. Pati na rin ang kalagayan ni Sandra at aalamin ko kung paano sila nakapasok. Mas inuna ko muna ang kalagayan ng Proton preve na ipinagamit sakin ng agency para sa misyon ko. Kanina pa talaga nag-iinit ang ulo ko sa nangyari. Nasira yung ilaw ng sasakyan ko sa likuran at halos mayupi nga ang bahaging ito. Kinuha ko yung CCTV footage ng harapan ng building ng agency kung saan ko ipinark ang sasakyan kagabi at wala namang nangyari. Walang dumaang kahit anong sasakyan para posibleng mabangga yung kotse. Kulang na nga lang at mabalisa ako sa nangyari. Magandang uri ng sasakyan yun. Kahit na wala pa yun sa kalingkingan ng Lamborghini Aventador ko, maganda at maayos pa rin siyang gamitin. 'Yun nga lang, hindi talaga maganda 'yung likurang bahagi ng kotse dahil madali talagang mapansin yung pagkakayupi kaya nakakahiya naman kung ibabandera ko siya sa kalsada kahit na alam kong ang pangit tingnan. Kaya tiniis ko na lang na mag-commute papunta sa Holmberg. Hindi lang ako sanay na mag-commute, dahil siguro matagal na simula no'ng huli kong maranasan 'yun. Ayoko namang magpahatid kay Gabrielle papunta sa Holmberg dahil may feeling ako na ililiko niya ang daan dahil nga ayaw niya ring ituloy ko ang misyon ko dahil mapapahamak lang daw ako. Inisip ko ring magpahatid either kay Andrej o kay Arthur dahil mapagkakatiwalaan ko talaga sila pero ayokong guluhin sila sa pinapagawa ko sa kanila. Isa pa, baka 'pag wala sila sa pagbabantay kay Sandra, tuluyan ng makuha ng Phantom ang bihag ko. Kaya naman tiniis ko na lang na mag-commute at langhapin ang polusyon ng Maynila. Kailangan kong mahanap yung yumupi ng sasakyan ko. Sa Holmberg University at sa agency lang naman ako pumunta kahapon bago mangyari yung nangyari eh. Kung wala sa agency ang may gawa, e di sa Holmberg? Kung sino man siya, kailangan niyang magbayad sa kotse ko kasi ng dahil sa kanya, nakapag-commute ako. "Hija?" Pati yung traffic, mas dumoble nung mag-commute ako. "Ineng, baka maaari ko ng makuha yung mga folders sayo? Pwede na ba?" Napunta ang mga mata ko sa matandang babae na nakaupo at nakapusod ang kanyang naghalo-halong puti at itim na hibla ng buhok. "Po?" tanong ko. "'Yung mga folders, akin na," ngumiti siya. "Pasensya na," at ibinigay ko sa kanya yung mga folders na hawak ko. "Hija, pwede bang makisuyo sayo?" tanong niya. Tumango ako. "Journalist ka, 'di ba?" "Opo." "Baka pwede namang huminto ka muna ng isang araw sa propesyon mo at baka naman pwedeng makahiling sayo na palitan mo muna ako sa AVR. Ako kasi 'yung nakatoka sa pagre-register ng mga pangalan ng mga gustong sumali para sa beauty pageant pero hindi ko na kasi kaya eh. Maaari ba?" Ano ako, si Santa? "Sige na naman oh. Isang araw lang, bukas may papalit na sayo. Pwede ba?" pagmamakaawa sakin nung matanda. Tsk. Bwisit. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko. Baka mamaya eh mangkukulam pala yung matanda at kulamin ako bigla. "Sige po." Nagliwanag yung mukha niya. "Talaga? Naku, salamat ah. Hayaan mo, babawi ako sayo," ngumiti siya at ibinigay na ang mga kagamitan sakin. Itinuro niya ang direksyon kung saan ko matatagpuan 'yung AVR na sinasabi niya at nang makuha ko na eh pinalakad niya na ako. Kanina, habang naglalakad ako ay may nakakita sakin na isang guro ng Holmberg. Plano ko sanang libutin at tignan kung gaano kalawak ang buong unibersidad kung hindi niya lang ako inutusan na ibigay 'yung mga folders sa matandang babae kanina. At ngayon naman, 'yung matandang babae na iyon ay inutusan akong sulatin ang mga pangalan ng babaeng sasali sa beauty pageant. Sana pala, nagtago na lang ako sa kung saan para walang mag-utos sakin. Leche. Audio Visual Room. Ito na siguro iyon. Pumasok na ako sa loob at madami nga ang nagpapa-register. Umabot na nga ng labas ng AVR 'yung mga pumipila eh. Sa pila pa lang nila na pagkahaba-haba, I'm sure na wala pa sa kalahating pila nila ang mapipili. Haaay. *tok.tok.tok.* Kumatok ako sa pinto kahit pa bukas na ito, simpleng paggalang lang. Umaasa sana ako na mapapansin ng mga nagre-register sa loob kaso masyado yatang maingay na hindi talaga nila ako naririnig. Kahit pa nakakahiya ay pumasok na ako sa loob. Medyo pinagtitinginan pa nga ako ng ibang babae na nakapila. Pumunta ako sa pinaka-unahan kung saan nandun yung table at 'yung registration. Kaso... bakit siya nandito? Awtomatiko akong nahinto sa paglalakad. Ahm... Sa hindi malamang dahilan ay lumingon siya sa direksyon ko... o sa akin? "Y-Yes, Miss? Magpapa-register ka ba?" nginitian niya ako. That was when I caught my voice. "Hindi. Inutusan kasi ako ni Mrs. Stamps na ako na lang ang papalit sa kanya. Tulungan daw kitang mag-register ng mga pangalan nila," sabay turo sa pila ng babae. "Ah! Ganun ba? Sige, dito ka," itinuro niya 'yung upuan na malapit sa kanya. May one-seat apart naman sa pagitan namin kaya okay lang. Inhale. Exhale. Hindi ako kinakabahan dahil sa presensiya ng taong ito. Hindi lang ako komportable dahil alam ko na siya 'yung tumulong sakin no'ng naubusan ng gas yung kotse ni Fleen. Pero siya rin 'yung nagsabi ng 'Cream, kung ayaw, wag mong pipilitin. Siya rin ang mahihirapan sa huli.' Argh. "Nga pala, ito yung papel tapos ito yung ballpen, isulat mo sa Name yung pangalan ng student na sasali, 'yung age niya, tapos 'yung grade niya. Kung freshmen, sophomore, junior o---" Nginitian ko siya. "Alam ko," wika ko. "Sinabi na sa akin lahat ni Mrs. Stamps yung gagawin. Thank you na lang," pagtutuloy ko. Itinuloy ko na ang gawain ko ngayon. Haaay. Mas mahirap pa pala ito kaysa sa inaasahan ko. Mas dumarami pa yata ang babaeng pumipila ngayon kaysa kanina. Pero ang alam ko, labindalawang candidates lang ang tatanggapin sa mismong pageant ah. Good luck kung sino ang makakapasok sa kanila. "Gracey Gramps, 15, junior," sabi ng babae. "Ano miss? Crazy? Crazy Gramps?" pag-uulit ni Xenon. Napangiti ako. Hindi sakin yung babae na nagpapalista, obviously, kay Xenon 'yun. "Sabi ko, Gracey. Hindi Crazy! Ginawa mo naman akong baliw eh," mababakas na naiinis yung tono ng babae pero parang naglalambing pa rin siya dahil nasa harapan niya si Xenon. Nagpatuloy akong magsulat ng pangalan. Gusto kong matapos na ang kalokohang ginagawa ko ngayon dahil hindi ko dapat ito ginagawa. "Ah okay," sabi ni Xenon. Matapos niyang sabihin 'yun ay umalis na ang babae sa pila at panibagong pangalan naman ng babae ang ililista niya pero bago niya sulatin 'yun, ramdam ko sa peripheral vision ko na mabilis niya akong sinulyapan at bumulong. "One point," bulong niya. XENON POV "Nga pala, ito 'yung papel tapos ito 'yung ballpen, isulat mo sa Name yung pangalan ng student na sasali, yung age niya, tapos 'yung grade niya. Kung freshmen, sophomore, junior o---" paliwanag ko. Nginitian niya ako. "Alam ko," wika niya. "Sinabi na sa akin lahat ni Mrs. Stamps 'yung gagawin. Thank you na lang," pagtutuloy niya. Ah. Sabi ko nga eh. Na-tameme tuloy ako sa harap niya. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD