IRON POV
"Bakit mo ako pinatawag?"
Nandito ako ngayon sa office ni Master. Pina-leave niya ako ng mga alas kwatro kanina at wala namang angal do'n si Fleen dahil maiiwan na naman siyang mag-isa.
"Kamusta na ang misyon mo?"
Iyan lang naman pala ang dahilan kung bakit ako nandito. Sana, itinawag niya na lang sakin kung nangungumusta siya. Tsk.
"On process pa rin ang lahat."
"You're working with Fleen?"
At ngayon, kailangan ko pa yatang sabihin ang totoo.
"Hindi. Naghiwalay kami ng gagawin. Siya for monitoring of CCTV footage and me for the mission."
"At tingin mo, gagana ang strategy niyo sa gano'ng paraan?"
Well yeah, dahil kung pakikilusin ko siya, maaaring sumabit pa kami.
Tumango na lang ako bilang sagot.
"And do you really think na papayag siya sa gano'ng set-up niyo?"
"Oo, infact ginagawa niya na 'yun ngayo---"
I stopped when I realized something. Something that is unacceptable for me.
Hindi ganoon si Fleen. Hindi siya basta papayag na siya ang magmo-monitor ng mga nangyayari lalo pa't hindi niya forte ang ganong trabaho. Pero bakit niya 'yun ginagawa ngayon? Bakit feeling ko, pumayag na siya?
May dahilan kung bakit mas ginusto niya na mag-monitor sa CCTV footage.
At kung anuman ang dahilang iyon, I have to know. I need.
"May nakita kaming isang aksyon mo na hindi namin nagustuhan, Iron."
"What's that?"
Imbes na sumagot ay hinawakan niya ang remote at may pinindot siyang button para magbukas at mag-play ang monitor na nasa harap namin pareho.
Nagpe-play sa monitor yung scene na pumasok ako sa room ng Behemoth matapos ang break time at sinugod ko si Chill Haugen. At ayoko ng sabihin pa ang mga susunod na nangyari.
"Stop it," wika ko nang may pagbabanta.
Shit. Damn. Bakit hindi ko naisip na isa sa mga kinabitan namin ni Fleen ng CCTV ang room ng mga Behemoth? At 'yung nagawa ko kay Chill, nahagip 'yun ng camera.
Aaaarghhh! Bwisit!
"How will you explain that one, Miss Iron?"
Bakit ba ako nandito? Para ma-corner ng Master tungkol sa mga pinaggagagawa ko?
"I was just getting the answer of that boy so bad."
"Bakit? Dahil ba sa pagkawala ni Dutch Weiss?"
Awtomatiko akong napatingin sa Master matapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon. Alam niya?
"How did you know that?"
He smirked.
"I know better than you, Miss Iron."
"Yes, nawawala si Dutch Weiss at kailangan ko siyang mahanap."
"Dahil naniniwala kang magiging susi siya sa misyon mo? Tama ba ako?"
Napapikit na lang ako sa sobrang pagkadismaya.
Alam na niya ang plano ko. At ayoko sa lahat ang pinapakialaman ako sa mga desisyon ko.
"Y-Yes Master."
"Umaasa ka sa batang iyon? Kaya ginugugol mo ang oras mo sa paghahanap sa kanya at sa mga clues na makakatulong sayo?"
Hindi na lang ako sumagot. Bakit pa eh huling-huli niya na ko.
"Oo, dahil malaking bait si Dutch sakaling mahuli ko nga yung hinahanap ko."
"Undercover ka, Iron. Isa kang detective na nagpapanggap at hindi pipitsuging tao na nagtatanong lang at umaasa sa isang estudyante ng Holmberg. Miss Haynes, pinapatunayan mo ba sakin na hindi ka karapat-dapat sa ikalawang pinakamataas sa rank?"
Bwisit.
"Magtiwala ka sakin Master, ako ang bahala," tanging sambit ko.
Tumango-tango siya.
"Ipauubaya ko sayo ang lahat ngayon, Iron. Pero sa oras na magkamali ka dahil sa kagagawan mo at madamay ang buong agency, alam mo na ang pwedeng mangyari sayo."
And from that, umalis na ako. Kaya lang masyado pang maaga at wala pa akong isang oras dito at hindi ko rin gawaing umuwi ng maaga sa bahay kaya naman naisipan kong pumunta sa Hospital na kadugtong lamang ng agency.
"Saang room naka-confine si Alessandra McCartney?"
"Sa room 129 po, Miss Iron," sabi no'ng nurse.
Naglakad na ako papunta sa room na sinabi nung nurse. 24/7 ang Hospital na ito, ibig sabihin, lagi itong nakabukas araw man o gabi ngunit eksklusibo lamang ito sa aming mga agent.
Lahat ng agent ay binibigyan ng ID na katibayan na kami ay nagtatrabaho sa agency bilang mga detectives and undercovers. At ang ID na ito ang magsisilbing proteksyon sa sarili namin, sa mission, at sa pamilya namin. Ginagamit din namin ito bilang ID passer sa Hospital namin sakaling magpapa-check up o magpapagamot kami.
Maraming benefits ang makukuha namin sa trabaho namin. Bukod sa napakalaking sweldo, marangyang bakasyon matapos magawa ang misyon, health benefits din para samin at sa pamilya. Pero ang kapalit nito, ang buhay mo.
Malayo pa lang ay natanaw ko na ang room 129 na binabantayan ng dalawang armadong lalaki.
"Miss Iron."
Nagbigay-pugay sila ng makita nila ako na papalapit. Inilagay nila ang kamao nila sa kaliwang dibdib bilang paggalang.
Tumango ako.
"Nandiyan ba ang bihag ko sa loob?" tanong ko.
"Opo."
Binuksan nila ang pinto hudyat na dapat nga akong pumasok.
Naglakad ako papasok at nakita ko sina Andrej at Arthur na parehong nagbabantay sa loob. Nakita ko rin si Sandra na nakahiga sa puting kama at nando'n din si Gabrielle na nakaupo sa tabi ni Sandra habang may kausap sa phone niya.
"Ganun ba? Sige. Ako na ang bahala. Bye."
Napansin yata ako ni Gab na papalapit sa kanya kaya naman ibinaba niya na ang telepono.
"Iron, bakit ka nandito?"
"Wala. Gusto ko lang dalawin ang bihag ko."
"Gustong-gusto mo talaga na may tinatawag kang bihag, huh?" sabi ni Gab.
"Kumusta na siya?"
"Tanungin mo si Andrej, siya ang nakakaalam dito."
Tumalikod ako para humarap kay Andrej na nasa likuran ko.
"Sabi ng doktor may inilagay na espesyal na gamot kay Miss McCartney para mapabilis ang paghilom ng binti niya dahil sa bala. Bukas o sa makalawa, maaari na siyang makalabas."
I nodded.
"That's good. Nga pala Gab, pinapatawag ka ng Master."
"Ako? Bakit daw?"
"Malay ko. Hindi naman ako ikaw para alamin 'yun di ba?"
Tumayo siya at naglakad palabas ng kwarto.
Nang tuluyan ng makalayo si Gabrielle mula sa amin..
"Kayong dalawa, sumunod kayo sakin."
Sinenyasan ko si Andrej at Arthur na sumunod sakin.
Naglakad kami malapit sa canteen at nang maayos na ang lahat, nagsimula na akong magsalita.
"Andrej, kumusta 'yung pinapagawa ko sayo?"
"Hindi pa rin po ako nakakahanap ng tamang impormasyon, Miss Iron. Masyadong mailap ang lahat ng tungkol kay Helix Craig."
Si Andrej ang pinapatrabaho ko sa paghahanap kay Helix Craig. Siya rin ang humanap ng mga datos ni Alessandra McCartney at kay Dutch Weiss.
"Gawin mo ang lahat ng pinapagawa ko sayo at tawagan mo ako kung may bago ka ng nalalaman."
"Maliwanag, Miss Iron."
Nalipat naman ang tingin ko kay Arthur.
"Ina-assign kita bilang head ng security na magbabantay kay Alessandra McCartney. Sa oras na may mangyaring masama kay Sandra, ikaw ang mananagot sakin Arthur."
Tumango siya.
Si Arthur ay isa sa mga agent na magaling humawak ng weapons. Pero mas bihasa siyang gumamit at pumatay ng tao gamit ang kanyang espada.
Ngunit silang dalawa ay tao ni Gabrielle. Iilan lamang sila sa mga nagbabantay kay Master. Minsan, nabibigyan sila ng misyon ngunit si Master ang magde-desisyon kung ano 'yun. Either magmanman ng target o pumatay ng tao, 'yun ang gawain nila.
Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room ni Sandra. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon at posibleng isa iyon sa mga bagay na magpatagal sa kanya dito sa Hospital.
"s**t!"
Napatakbo ako palapit sa mga taong nagbabantay sa labas ng kwarto ni Sandra.
"Anong nangyari?"
Halos mapahiga sa sahig ng Hospital ang dalawang bantay dahil sa pagkakabugbog.
"Inatake po kami. Sinamantala yata 'yung oras na wala kayo."
What the...
"Andrej at Arthur, tignan niyo kung may ginawa sila kay Sandra. Bilis!"
Tumakbo na ako. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Basta kailangan kong tumakbo ng mabilis. Halos libutin ko na yata ang buong Hospital para lang mahanap ang umatake sa mga bantay na iyon.
Sa rooftop. Oo, sa rooftop. Tumakbo ako papuntang rooftop. Imposibleng mas mabilis pa sila sakin. Hindi pwede. Hindi maaari.
"Tigil!" sigaw ko matapos akong makakita ng tao sa ibabaw ng semento na tinatayuan ko ngayon.
"Ibaba mo ang lahat ng armas mo, ngayon na!" utos ko.
Nag-iisa lang siya. Nasaan ang iba? Nasaan yung mga kasama niya?
Gaya nga sinabi ko ay ibinaba niya ang lahat ng baril na nakatago sa bulsa niya. Naglakad ako sa harapan niya at itinutok sa kanya ang baril ko.
"Sino ka?"
Hinintay ko ang sagot niya ngunit humakbang lamang siya ng isa paatras. 'Wag sana siyang magkakamaling humakbang pa dahil sigurado akong mahuhulog siya at mamamatay dahil rooftop ito.
"Magsalita ka! Anong ginagawa mo sa room ni Sandra? Nasaan ang mga kasama mo?"
Patuloy lang siyang nakatingin sakin. Humakbang ulit siya paatras.
"Bakit kayo nandito? Anong plano niyo kay Sandra? Ha?!"
Humakbang uli siya paatras.
"Sabihin mo sakin lahat ng plano niya at ako ang bahala sayo. Ako ang mismong poprotekta sa pamilya mo."
Umiling siya.
"Huli na ang lahat, Iron Haynes. Nakaukit ka na sa tanikala nila pati ang mga tao na malapit sayo. Anumang oras mula ngayon, tatapusin ka na nila. Ikaw na ang susunod."
At matapos no'n ay humakbang siya paatras pero natapakan niya ang dulo ng rooftop at nahulog siya. Nahulog siya. Sinubukan kong tumakbo palapit para sakaling matulungan ko siya at maabot pero mabilis siyang nahulog patungo sa baba.
"Hindi!"
Mabilis akong bumaba ng building hanggang sa makalabas ako at nakita ko ang katawan ng lalaki na nakahandusay sa lupa na naliligo sa dugo.
Shit.
Natanggal na ang maskara ng lalaki na suot niya kanina pero nasa 'di kalayuan lamang ang puting maskara niya.
"Iron- Teka, ano yan?"
Si Gabrielle. Hinarap ko siya.
"Bakit mo ako tinatawag?" hindi ko pa rin nakuha ang atensyon niya at patuloy pa rin siyang nakatingin sa lalaking patay na.
"A-Anong nangyari sa kanya? S-Sino siya?"
Hinawakan ko si Gab sa magkabilang braso at iniharap sakin.
"Bakit mo ako tinatawag?"
"Ah! Y-Yung kotse mo kasi nasira 'yung kaliwang light sa likod. Nakita mo na ba 'yun?"
Ano?! Yung kotse ko?
Tatakbo na sana ako kaso hinawakan ni Gabrielle ang braso ko. Nakatingin pa rin siya sa lalaking duguan.
"Bakit?" tanong ko.
"Ayusin mo 'yung katawan niya. Babalik ako, pupuntahan ko lang 'yung kotse."