Chapter 12

1288 Words
IRON POV Ayon sa pagkakadugtong-dugtong ko sa mga pangyayari at sa statement ni Alessandra McCartney at ni Chill Haugen, may isang lalaking dumalaw sa bahay nila, may tattoo ito sa wrist niya at sa batok niya. Ayon pa sa kanila, intensyon nitong malaman ang ilang impormasyon tungkol sa pagkawala ni Dutch Weiss. At kahapon lamang, pinangalanan na ni Sandra ang lalaki bilang si Helix Craig. Ngayon, bakit niya gustong malaman ang tungkol sa pagkawala ni Dutch? Paano niya nalaman ang tungkol kay Weiss? Hindi kaya, agent din ito na naka-base sa Holmberg? Dahil sa pagkakaalam ko, hindi pwedeng may makalabas na issue tungkol sa pagkawala ni Dutch sa labas ng Holmberg. 'Yun ang ibinilin sa mga grupo ng media na pinalabas ng Holmberg government. Kung sino man si Helix Craig, kailangan ko siyang mabingwit kagad. Dahil posibleng may koneksyon siya sa loob ng Holmberg. Sa ngayon ay nagmamaneho ako papunta sa Holmberg, napagdesisyunan ko nang bumalik matapos ang isang araw ng pag-leave dahil sa paghahanap ko kay Sandra. At isa pa, ang naging excuse ko lang ay nagkaroon ako ng lagnat. Kaya magtataka sila kapag higit pa sa isang araw ang pag-leave ko. Kahapon matapos kaming magkausap ni Sandra, sinundo na siya ni Gabrielle para ihatid sa Hospital dahil kailangan nang magamot ang binti niya na binaril ko. Doon sa Hospital ng agency namin ipinagamot si Sandra dahil hindi siya pwedeng ipasok sa iba, mapanganib at hindi ko gugustuhin na malaman ng ibang tao na ang pangalan ko ang dahilan kung bakit nagkaganun ang binti niya. Mas ligtas para sa aming mga agent na magkaroon ng sariling Hospital. Para sa kaligtasan namin, sa mga misyon namin, at para sa agency. Itinigil ko ang sasakyan malapit sa harap ng main gate ng Holmberg. Nagmamadali akong lumabas dito at tinitigan ang mga naglalakihang float na nakaparada sa school ground ng Holmberg. Maraming mga van at may iilang bus na nandito rin. Mabuti na lamang at nakita ko kagad si Fleen sa bungad ng gate kaya naman nilapitan ko siya. "Anong nangyayari?" tumabi ako kay Fleen at ngayon ay pareho na kaming nakatitig sa mga naglalakihang float at van and bus na nagkalat sa loob ng Holmberg. "Hindi ko nga rin alam," bakas sa boses ni Fleen ang pagkabighani sa mga bagong bagay na ngayon niya lang siguro nakita. "Wait. Hindi mo ba na-monitor ang lahat ng mga nagaganap sa loob ng Holmberg kahapon na wala ako?" "Hindi... normal lang ang takbo ng Holmberg kahapon, ngayon lang ito nangyari." "'Pag nalaman ko lang talaga Fleen na hindi mo ginagawa ng maayos ang trabaho mo, lagot ka sakin---" "Fleen!" napatingin kami sa tumawag kay Fleen. "Violet!" sabi ni Fleen. Lumapit samin ang isang babae na naka-white shirt and wow, grabe lang yung cleavage ng babaeng ito. Nagyakapan sina Fleen at 'yung babae. May na-miss ba ako na tungkol kay Fleen? "Bakit mo nga pala ako tinawag, Violet?" ngising-ngisi na tanong ni Fleen sa babae. "Oh! Pinapatawag kasi ngayon 'yung tatlong media na natira dito sa Holmberg at pinapapunta sa Conference Hall," awtomatikong napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng babae. "Bakit daw?" tanong ni Fleen. "Ewan ko. Sige, mauuna na ako. Bye Fleen!" ngumiti 'yung babae at nakuha pang mag-flying kiss kay Fleen habang naglalakad. Yuck. "How horrible," umiiling-iling na kumento ko. "Tsk. Makisakay ka na lang, Iron." "Who's that?" "Isa rin siya sa mga grupo ng media na kasama natin. Type yata ako eh," sabi niya. "Wow ha. How did you say so?" "Eh grabe kung magpakita ng cleavage sakin eh. Sine-seduce ako." "Yuck. Disgusting." Nauna na akong maglakad papunta sa Conference Hall. "Hey! Saan ka pupunta, Iron?" "Saan pa, e di sa Conference Hall." Kailangan kong malaman kung ano 'yung mangyayari. Bakit pinapatawag ang mga media? Haaay. Baka mamaya, magtanggal na naman ng mga media sa Holmberg. Tsk. Hindi naman kalayuan ang Conference Hall kaya naman nakarating kami kagad. Kaso hindi ko inaasahan na napakalaki pala ng Hall na ito at bukod pa do'n, marami rin ang mga tao. Nasa bandang harapan ang mga media, nasa likod naman nila ang ibang opisyales ng Holmberg government, at nasa pinakalikuran ang mga estudyante ng Holmberg. Partikular na ang mga Almighty. Paano ko nasabi na mga Almighty ang mga estudyanteng nasa likuran? Dahil sa mga golden pin na suot nila. Pumunta ako sa harapan kung saan nakapwesto ang dalawa pang grupo ng media. Naramdaman kong sumunod sakin si Fleen at inilabas niya ang ilang mga kagamitan na kinakailangan para sa pagca-camera. Kinalabit ko 'yung babaeng katabi ko na nakatayo din, reporter yata 'to. "Yes?" sabi niya. "May alam ka ba kung bakit ipinatawag tayo dito?" tanong ko. Umiling siya. "Wala eh. Emergency yata." Tumango-tango ako. Pati siya, wala ring idea. Ilang minuto ang lumipas ng umakyat sa platform ang nakatataas na opisyal ng Holmberg. Pinalakpakan siya at tumahimik na ang buong Hall. "Eyes on me, please." Nakatitig ang lahat sa kanya. "Marahil, lahat kayo ay nagulat dahil nagpatawag ako ng emergency meeting dito sa Conference Hall. I just wanted to announce something that is important especially to the fellow students of Holmberg and its reputation," patuloy na pagsasalaysay ng nakatataas na opisyal. Humugot siya ng lakas para magsalita ulit. "We are proud to announce that Holmberg is going to have the very first pageant and to crown the next student that is expected to be the Holmberg candidate for the upcoming Miss University beauty pageant." Ano? Magkakaroon ang Holmberg ng beauty pageant? First time 'to ah. Pero bakit pa? Sa ginagawa nilang ito, mas mabibigyan ng dahilan ang mga outsider na pasukin ang Holmberg at sinasabi ko sa kanila, inilalagay nila sa kapahamakan ang unibersidad na ito. "And I'm happy that any students from different levels can register to the registration in the AVR. Anyone can register their names now." Nagpasalamat ang nagsalita at umalis na sa platform. Nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga nasa loob ng Hall tungkol sa kauna-unahang event na mangyayari sa Holmberg. Tsk. Nakuha pa nilang magkaroon ng pageant sa kabila ng pagkawala ni Dutch. Naglakad na ako palabas ng Conference Hall pero bago pa man ako makalabas ng tuluyan, may kamay na nakahawak sakin. "Iron!" Nabigla ako sa pagyakap sakin ni Cream kaya naman hindi ko napigilan ang paglaki ng mata ko dahil sa pagkagulat. Idagdag pa pala 'yung mga taong nasa likod ni Cream. 'Yung lalaking may kulay tsokolateng buhok at 'yung lalaking itim na itim ang buhok. Hanggang ilang beses ko ba siya kailangang makita? Tsk. Kumalas na ako sa pagkakayakap ni Cream. "Bakit ka ba wala kahapon? Anong nangyari sayo? May naghihintay pa naman sayo no'ng sinabi mong pupunta ka lang sa restroom pero nawala ka na pala talaga---" "Sino?" "Huh?" "Tinatanong ko kung sino 'yung taong sinasabing mong naghihintay sakin." "Ah! Bawal sabihin eh. Sorry. Teka, bakit ka nga pala nawala no'n tsaka kahapon wala ka rin." "Nagkasakit ako, lagnat." Bigla siyang naalarma sa sinabi ko kaya naman nagmadali siyang inilagay ang kanyang kamay sa noo ko. "Anong ginagawa mo?" "Tinitignan kung may sakit ka, kung mainit ka pa." Tinabig ko yung kamay niya. "Tumigil ka na nga." "Baka pagod ka pa, gusto mong magpahinga?" "Cream, itigil mo na nga yan..." "Pa-check up ka kaya?" "Okay na ako.." "Kailangan mo ng pagkain? Ilibre kaya kita?" "Sinabi ng ayaw ko, Cream naman eh---" Mahinang sabi ko sa kanya pero bigla akong nahinto nang maglakad palapit samin 'yung lalaking itim na itim ang buhok at magsalita ito. Si Xenon. "Cream, kung ayaw, 'wag mong pipilitin. Siya rin ang mahihirapan sa huli," at pagkatapos ay naglakad na siya palayo samin nang nakalagay sa bulsa ang kanyang mga kamay. Anong problema no'n?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD