Chapter 19 “PAOLO?” “Yes, honey. Sorry, medyo busy ako kanina. Kamusta ka na?” bungad ng kaniyang nobyo pagkasagot niya ng tawag nito. “I’m fine. Tinawagan kita pagkagising ko kanina.” “Kamusta sina Mama?” Tukoy nito sa magulang niya. Lihim siyang napakagat-labi pagkabanggit nito sa mga magulang niya. Wala itong kaalam alam kung nasaang lupalop siya ngayon. “Good, as always.” “Kararating lang namin sa hotel, Aye. Ngayon ko lang nakuha ang schedule ng magiging conference namin dito, aabutin pala kami ng two weeks dito.” “You mean, magtatagal ka pa diyan?” hindi na niya napansin ng biglang napalakas ang kaniyang boses sa kabilang linya. Lihim siyang natuwa sa tinurang iyon ni Paolo. Ibig sabihin ay maaari siyang magt