Chapter 1
Chapter 1
“Gaga, minsan ka lang lalandi ‘noh! Kaya panindigan mo na Ayesha! Iyong cute na guy na ang piliin mo,” sabi ni Janiel. Best friend ito ni Ayesha, dormmate, at kaklase sa Culinary Arts class sa isang sikat na Culinary School sa Maynila.
“Oo nga naman,” sang-ayon ng isa pang kaibigan at dormmate din niyang si Scarlet. “Malay mo hindi na kayo magkita ulit ng isang iyan.”
“Sa palagay n’yo ba, okay lang kung ako na ang gumawa ng first move?” Napakagat-labi siya. As expected, wala na naman siyang kumpiyansa sa sarili dahil lalaki na ang kanilang topic. Pakiramdaman niya ay isa siyang gulong na may butas na naglalabasan ang hangin sa bawat sulok ng kanyang katawan.
She was flattened.
“Okay lang ‘yan. Two weeks pa naman tayo rito, ‘noh? Wala na akong planong lumipat pa ng lugar na pwede natin pagbakasyunan dahil okay pa sa alright dito. Heaven pa ang feeling sa mala-paraisong isla na ito. May bonus pang guys,” sabi ni Janiel sa kaibigan. “Besides, kailan mo pa ba balak makaranas magka-fling? ‘Di ba mas okay kung ngayon mo na gawin ‘yon?” Sabay siko ni Janiel kay Ayesha para lalo itong i-pressure. Mano bang makipag-fling ang kaniyang kaibigang parang makahiya pag dating sa guys, sayang ang taglay nitong ganda.
Tumingin si Ayesha sa lalaking pinag-uusapan nila, sabay buntong hininga.
Kahapon mula nang dumating sila ng kaniyang mga kaibigan rito sa Balesin Royal Villa ay namataan na agad nila ang grupo ng mga kalalakihan na tumutuloy sa kabilang village sa tahimik at magandang isla na iyon sa Balesin Island Clubhouse. Kaibigan ng mommy nya ang isa sa member ng naturang villa na tinutuluyan nila—si Miss Glenda dela Cruz, ang batang batang CEO ng Brilliant Skin Essentials Company. Two floors ang nasabing villa at napili nila ang second floor which is maaliwalas at tanaw na tanaw pa ang beach kaya for sure makakapagrelax silang mabuti sa durasyon na iyon ng kanilang summer break.
Marami silang kasabayang mga bakasyunista, karamihan dito ay tulad nilang magkakaibigan na sinasamantala ang summer break para makapagrelax. Halatang galing din sa mayayamang angkan ang mga ito palibhasa ay ekslusibo lamang ang islang ito para sa mga elite na kagaya nila. Hindi basta basta nakakapagbakasyon ang kahit na sino sa isla ng Balesin. Pawang may mga sinasabi sa buhay lamang ang nakakatapak sa islang ito.
Pumapalo din sa mahigit 3-milyong piso ang membership fee sa Balesin Island Clubhouse na ito. Napapalibutan ito ng pitong villa na may kani-kaniyang tema. Ilan sa mga iyon ay Bali Indoseia-themed, St. Tropez France-themed at Phuket Thailand-themed.
Pagdating palang nila doon ay pinukaw na agad ang kanyang pansin ng lalaking nangngangalang “Joe”. Matangkad, mestizo, maporma, medyo payat at parang webtoon character ang aura, at may konting hawig sa Koreanong actor na si Cha Eun Woo.
Alam niyang hindi lang sya ang may crush dito dahil talaga namang ang lakas ng s*x appeal ng lalaking ito. Ang totoo, buhat ng dumating sila kahapon ay marami nang pa-cute na girls ang umaaligid dito. Ang lamang niya lang sa mga iyon, kung gorgeous si Joe, well, “fabulous” naman siya.
Marami ang nagsasabi na kahawig niya ang aktres na si Liza Soberano, mula sa hugis ng mukha, bilugang mata, height at pangangatawan nito, super-kinis na balat, at maging sa pagiging graceful na pagdadala ng sarili. Kering-keri niyang lahat iyon.
Fil-Am ang kanyang ina samantalang Español naman ang ninuno ng kanyang ama. Kaya hindi na nakapagtataka na namana nya ang features ng mga ito. At iyon ang isa sa mga assets nya. Mestiza na, super pretty pa. Beauty and brains sabi pa ng iba.
Lumaki siya sa Maynila, naroon kasi ang business ng kaniyang pamilya. Sila ang nagmamay-ari ng Montecillo Food Company, Incorporated—isa sa malalaking food company sa Maynila. Kaya nag-culinary sya dahil food company ang business nila at pangarap nya ang magkaroon ng sariling restaurant in the future na hindi naman malayong mangyari.
Hindi siya mahiyaing tao subalit kapag lalaki na ang pinag-uusapan ay para siyang latang nayuyuping bigla. Nahihiling na lang niya na sana bumuka ang lupa at lamunin siya nito. Ganoon talaga siya, walang confidence sa sarili kahit lumaki syang super pretty talaga. Dati kasi siyang ugly duckling kung tawagin noong bata pa siya kaya madalas siyang mabully. Tumimo iyon sa isip niya.
Kahapon pagdating nila ay agad na nagtama ang paningin nila ni Joe. Kumabog ang dibdib niya lalo nang ngumiti ito sa kaniya. Napansin agad niya ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Humakot ito ng points sa pogi account nito dahil doon. Pero imbes na ngitian din niya ito ay napatungo na lamang siya at saka nagmamadaling pumasok sa guest house.
Ang cute nya talaga! Ang guwapo-guwapo pa! Diyos ko! Napahawak siya sa kaniyang dibdib habang ramdam niya ang kaniyang kaba at panginginig ng kaniyang tuhod. At iyon ay dahil sa simpleng ngiti lamang ni Joe sa kaniya.
“Bakit hindi ka pa bumaba, Aye? Tinatanong pa naman daw ni Joe ang pangalan mo. I-grab mo na. Nagswi-swimming na sila doon sa labas. Diyos ko, napaka-papable ang hitsura niya bakat na bakat ang katawan mukhang mabango…” kagat-labing sabi ni Janiel na mukhang kinikilig pa.
“Type mo pala e, bakit hindi na lang ikaw ang magpakilala doon?” sabi niya kay Janiel at saka tinaasan ito ng kilay.
“Sorry na lang siya. Mas type ko yung nasa bukanang guest house—si Robert. Kung makikita mo iyong mga muscles nya? Hayyy parang pag ako niyakap noon, matutunaw ang alindog ko… Parang ang sarap sarap niyang humalik.” Agad itong tumili pagkasabi niyon.
Nandidiring napatingin si Scarlet rito. “Eeew ka talaga! Mas type mo talaga ang katawan ng mga kargador ano? Pati muscles naiimagine mo pa! Yuck!”
“Walang pakialaman, hoy! Hindi ko naman pinipintasan ang boyfriend mong mukhang bading ah! Bakit ba? Mas babae pang tingnan yun sayo?” ganting pambubuska naman nito kay Scarlet.
“Disente lang talaga si Patrick.” Pagdepensa naman ng kaibigan para sa nobyo nito.
“Bakla kamo!” ganting sabi pa ni Janiel.
“Magsitigil nga kayo,” awat niya sa dalawa bago pa ito magkapikunan at mauwi pa sa away. Tiyak na doon iyong patutungo kung hindi pa niya aawatin ang dalawang lukaret na ito. “Teka nga, ano ba yung sinasabi niyong nasa labas sina Joe?”
Ngumuso si Janiel. “Oo, naglalangoy na sila. Andoon nga ang mga girls panay papansin sa kanila. Tayo nalang ata ang nagkukulong dito. Tara na sa labas at magswimming na din nang makakita naman tayo ng guwapo!” yakag nito sa kanila.
“Akala ko ba, mamayang gabi pa tayo lalabas dahil may bonfire doon sa beach side? ‘Di ba nakapag-ambag na tayo?” sabi naman ni Scarlet.
“Oo, kaya lang sayang naman ang chance na ito. Mano bang lumabas tayo at magsuot ka ng two-piece bikini. Malay mo naman mapansin ka niya at lapitan pa.”
“Chipipay ka talaga, Jan.” Napailing siya sa ideya ng kaibigan.
“Effective ‘yon, gaga!”
At sabay pa silang tumawa dahil doon. Napailing na lang uli siya.
“Alalahanin mo, 2005 na next year. Hindi natin alam baka bigla nang magunaw ang mundo ni hindi mo man lang maranasan ang kahit ang makipag usap sa isang papable na guy.”
“Sabagay may point si Janiel, Ayesha.” Sang-ayon naman ni Scarlet kay Janiel.
“Hindi kaya baka mabuntis naman ako niyan?” may pag-aatubiling tanong niya sa dalawa.
At sabay pang naghagalpakan ng tawa ang dalawang lukaret.
“Gaga ka talaga! Wala pang nabubuntis sa pakikipag-usap sa guy ‘noh! Magpapa-cute ka lang naman, buntis agad ang nasa isip mo!”
“Ayokong ipaalam sa kaniya ang totoo kong pangalan.” Paismid pa niyang sabi sa dalawa.
“Of course! Fling lang naman ito. Dapat lang na hindi mo ipaalam sa kaniya. Ang sabi ko nga kay Robert, ako si Maria, Maria Dimagiba.”
Nagtawanan silang tatlo.
“Eh ikaw, anong screen name mo?” baling ni Janiel kay Scarlet.
“’Melba,’ sis. ‘Melba’ Ho.’”
At tuluyan na silang nagkahagikgikan sa kalokohan ng dalawa.
“Ako din bigyan nyo ko ng showbiz name.”
Napaisip sandali si Janiel habang pigil pigil padin nito ang pagtawa, sabay sabi ng “Hmmm..”
“Natural dapat yung may impact din,” sabi naman ni Scarlet.
“’Kyile‘!” bulalas ni Janiel. “’Kylie’ na lang.”
“Kylie ano?” tanong niya.
“’Kylie Masarap.’”
Hagalpakan lalo sila sa pagtawa. “Pwede bang Kylie na lang, alangan ako na may ‘Masarap’ pa e.”
“Okay lang ‘yon noh! Para kasabikan ka lalo kasi masarap nga e. Huwag mong kakalimutan ang pangalan mo, ha.” Biglang tumayo si Janiel at ipinasuot sa kaniya ang isang revealing na swimsuit. Pinatungan na lang niya ito ng see-through na roba.
“Tara na sa labas, ano pang hinihintay mo diyan? Ang grasya, hinahanap ‘yon, hindi ‘yon lumalapit.” Tumayo na rin si Scarlet at kumuha ng suklay. Tinulungan niyang mag-ayos ang kaibigang si Ayesha. Ewan ba niya at sinakyan niya ang pakulong iyon ni Janiel na turuan nilang lumandi kahit ngayon lang ang kanilang kaibigan na si Ayesha. Paano ba naman, sa ganda nitong iyon ay never pa ito nagkaka-nobyo. Paano pating magkaka-nobyo e may phobia yata ito sa lalaki? Sa kanilang tatlo ay ito ang pinaka-maganda pero siyang pinakapihikan sa lalaki. Beauty and brains naman ito pero kapag mahaharap sa lalaki ay para na itong makahiya.
Hindi siya umimik si Ayesha. Kinakabahan siya sa gagawin nila. If ever, first time niya iyon. Kahit nga madalas sila mag-bar hopping na magkakaibigan, malalasing siya pero hindi pa rin siya nagiging komportable na makipagkuwentuhan o makipag-usap man lang sa opposite s*x.
Kung hindi nga lang talaga niya crush si Joe, hindi siya papauto sa kagagahan ng mga kaibigan niya. Tiyak na may kurot siya sa singit sa mommy niya kung makikita lamang siya nito ngayon. Bigla niyang na-miss ang kaniyang parents, ipinangako na lang niya na dadalaw siya bago magsimula ang pasukan ng susunod na semester nila.
Nagbo-board kasi siya sa Quezon City, malapit sa Academy na kaniyang pinapasukan.
Doon na sila nagkakila-kilalang tatlong magkakaibigan. Si Janiel ay taga-Bicol, si Scarlet ay taga-Cavite at siya naman ay taga-Rizal. Lahat sila ay kumukuha ng kursong Culinary Arts kaya magkakasundo agad sila. In time lalo pa silang naging close at lumalim ang kanilang pagkakaibigan.
“Diyos ko, Kylie. Magpahid ka naman kahit konting foundation sa mukha. Nangingintab. Hiramin mo pati itong liptint ko para hindi ka maputlang tignan diyan.”
Iniabot sa kaniya ang make up kit ni Janiel. Inabutan din siya ng suklay ni Scarlet kaya napilitan na siyang ayusan ang sarili. Nagpahid na rin siya ng sunblock lotion dahil siguradong matindi na ang init sa labas. Isinuot din niya ang baong antipara.
“Oh, tara na!” nagmamadaling yaya ni Scarlet sa kanila.
Paglabas nila ng guest house ay napakaraming tao, at karamihan dito ay babae. Naaubutan nilang nagswi-swimming na sa tabing dagat ang grupo nila Joe. Kapansin-pansin ang mga tumpok ng babae na panay ang papansin kay Joe sa suot nilang mga sexy swimsuits. Nanliit ang kaniyang pakiramdam dahil doon, wala siyang guts na gaya ng mga babaeng iyon.
“Ninenerbiyos ako” sabi niya.
“Kumalma ka, ano ba. Basta, tara na.”
Halos kaladkarin siya ni Janiel patungo sa beach. Hinawakan siyang mabuti nito. Mayamaya ay nakita na nila ang pag-ahon ni Joe mula sa dagat. Mala-Adonis ang aura nito. Napatanga siya dito, alam niya. Agad naman itong lumapit sa kanila pagkakita sa kaniya.
“Hi,” bati nito habang sa kaniya nakatingin.
“H..he-llo..” nag-i-stammer naman na sabi niya.
“Can I talk to her?” baling nito kay Janiel. “Kung okay lang sa kaniya?” at tuminging muli ito sa gawi niya.
Nanigas yata lahat ng buto niya sa katawan. Ganoon kalakas ang epekto ng lalaking ito sa kaniya.
“Okay lang, iiwan na lang namin siya sa’yo,” sagot ni Scarlet. “Ingatan mo siya ha.”
“Sure.” Nang ngumiti si Joe ay halos mawala ang mga mata nito. Kamukha talaga siya ni Cha Eun Woo!
Inihatid ng tanaw ni Joe ang mga papalayong kaibigan ng babaeng kaniya ngayong kasa-kasama. Kahapon dumating ang mga ito sa isla, agad niyang napansin ang hindi niya maipaliwanag na karikitan ng dalaga. Hawig na hawig ito ng crush niyang aktres na si Liza Soberano. Lalo na sa malapitan, mas maganda pa nga ito. Mukhang mahiyain nga lang, ramdam niya iyon ngayong kaharap na niya ito.
Pakiramdam naman ni Ayesha ay napakahaba ng kaniyang buhok, abot sa talampakan, sa isiping sinadya siya ng ganoon ka-cute na lalaki.
Nagmamadali siyang iniwan ng kaniyang dalawang kaibigan kay Joe. Nang wala na ang mga ito ay saka pa lamang lumapit sa kaniya ang binata sabay inilahad ang kamay sa kaniya. “Joe.”
“Aye-uhm… Kylie.”
“Not your real name, I think?”
Napilitan siyang abutin ang kamay nito.
“Have you eaten your lunch?” tanong nito sa kaniya.
“Nope,” tipid na sagot ni Ayesha sa binata.
“Join me. Let’s eat in the restaurant nearby.” Yaya nito sa kaniya sabay turo nito sa isang restaurant malapit sa beach. Hindi na siya tumanggi pa rito.
Hinayaan niyang ang binata ang siyang umorder ng pagkain nila. Tahimik na pinapanuod ni Ayesha ang galaw nito habang nakatalikod itong umoorder sa may counter. Hindi niya inaasahan ang bigla nitong paglingon sa gawi niya. Huling huli nito na nakatingin siya dito. Bigla siyang napahiya sa sarili niya. Hindi tuloy niya naiwasang mag-blush.
Mayamaya pa ay papalapit na ulit ito sa kinauupuan niya.
“Still studying?” tanong nito sa kaniya pagkaupo sa upuang katapat niya.
“Yes. Culinary Arts.” Tipid niyang sagot dito.
“Wow! Chef… so you are good in cooking? Hmmm… Interesting.” sabi naman nito
“Eh ikaw?” tanong naman niya rito.
“Actually, graduate na ako. Ateneo. Engineering.”
“Wow.” Impressed siya, pero hindi niya alam kung maniniwala siya rito.
“So saang culinary school ka nga pala? Manila, I think?” tanong uli nito sa kaniya.
“Hmm… Pwede bang huwag mo na akong masyadong tanungin tungkol doon?” In two weeks’ time, it wouldn’t matter anyway. Alam naman kasi ni Ayesha na pagkatapos ng kanilang summer break na ito nilang magkakaibigan ay malabong mag-krus muli ang landas nila ng binata.
“Sure. We don’t want complications, now wouldn’t we?” Hindi napalis ang ngiti sa labi nito habang nakatingin nakatingin sa kaniya.
“Yes.”
“So hanggang kailan ba kayo rito?”
“Uuwi na kami next week. Balak naming dito mag-spend ng Holy week e.” sagot niya rito. “How about you, how long will you be staying here?”
“I’m not sure. Depende sa kuya na kasama namin, iyong pinsan ko. I’m just here for the good time.”
Magsasalita sana ulit ito nang may tumawag dito. Sabay silang napatingin sa isang grupo ng mga babaeng niyayayang magswimming si Joe. Noon niya nakita na katabi na ni Janiel si Robert habang nakikitropa na rin si Scarlet sa ibang mga kasama ng lalaki.
“No, thank you,” umiiling na sagot ni Joe, sabay ngiti at kaway nito sa mga iyon. Pagkasabi niyon ay pinagpatuloy nito ang pagkain sa harap nila.
Mayamaya ay nagyaya na si Joe kay Ayesha. “’Wanna go for a walk? Libutin natin itong buong beach club.” His way of saying iwasan nila ang mga maiingay na babaeng iyon para hindi sila magambala.
Dahil pakiramdam ni Ayesha ay medyo mahaba pa ang buhok niya dahil sa atensiyon nito sa kaniya, lumakas ang loob niya na sumama rito kahit hindi pa niya ito gaanong kakilala.
“Sure,” ang pagpayag niya. Nagpasama muna siya kay Joe saglit sa tinutuluyan nila at siya ay nagpalit ng shorts pamatong sa suot nyang swimsuit. Mayamaya ay naglibot na sila.
Habang naglalakad sila ay nakita pa niyang pinagtitinginan sila ng mga babaeng tumawag dito kanina. Ramdam niya ang sama ng tingin ng mga ito sa kaniya, kung pwede lang manaksak ang tingin ay kanina pa siya duguang nakalugmok sa lupa.
Nakita niyang nakangiti sina Janiel at Scarlet sa kaniya kaya kinawayan niya ang mga ito. Mayamaya pa ay magkasama na nilang nililibot ni Joe ang buong beach club.