Chapter 11 PUYAT man ay maaga pa ring nagising si Ayesha kinabukasan. Nagdesisyon siyang mag-off muna ng araw na iyon tutal naman ay dumating na ang kanilang head chef buhat sa dinaluhan nitong conference abroad kasama ng kanila boss, may hahalili na sa kaniyang pagkawala sa trabaho nang araw na iyon. Pinayagan naman siya nito dahil naroon rin ito kasama ang iba pa nilang ka-trabaho sa nangyaring engagement nila ni Paolo kagabi. Pinili niyang sa hardin mag-almusal. Doon niya ipinahatid ang nilutong almusal ni Maria para sa kaniya. Humihigop siya ng mainit kape sa hawak na mug nang may iabot na envelope ng LBC sa kaniya si Maria. Nakakunot-noo niyang kinuha iyon dito. “Ano ‘yan?” tukoy niya sa envelope. “Kanina ho dumating, Ma’am. May nakasula