Chapter 10 NASAMID si Joe sa iniinom niyang kape. Miyerkules ng umaga noon. Dalawang katok lang sa pinto ng bahay niya ang kaniyang narinig pagkatapos ay bumukas na agad iyon at nagpasukan ang limang unipormadong lalaking nakasuot ng barong. Kasunod ng mga ito si Governor Renato Custodio na nakakunot-noo sa likod ng shades na suot nito. Napaubo siya, sabay bayo sa kaniyang dibdib. Pumasok sa kaniyang ilong ang mainit na likido. Napaluha siya nang dahil doon. Humigop siyang muli pero napaso naman ang dila niya dahil nakalimutan niyang umuusok pa iyon sa init. Tumayo si Governor sa harap niya, saka nito tinanggal ang suot na shades. “John Eitan Ferrera.” “G-Governor.” Lalo lang siyang napapaubo pero pinipigilan niya iyon. “Ikuha