Chapter 3

2947 Words
Chapter 3      “You look stunning,” papuri ni Joe kay Ayesha nang sunduin siya nito sa villa na tinutuluyan nilang magkakaibigan. Nakasuot siya ng pink floral summer dress na hanggang sakong at havaianna slippers tinernuhan niya ito ng shades at summer hat.      Hindi maiwasang mapanganga ni Joe nang datnan niya ang dalagang si ‘Kylie’. Napakaganda nito sa suot nitong pink floral dress. Simple lang ang ayos nito pero mas lalong lumutang ang angking ganda ng dalaga. Parang may kumabog sa dibdib ni Joe nang magtama ang kanilang paningin. May lakad kasi sila kaya sinundo niya ito. Alam niyang maganda ito subalit hindi pa rin niya maiwasang humanga sa taglay nitong kakaibang ganda. Nagkayayaan silang mag-beach tripping sa Bato Beach nang araw na iyon, sakop pa rin ito ng Polillo Island kung saan matatagpuan ang Balesin na kinaroroonan nila ngayon.      “Thank you,” tipid na sagot ni Ayesha kay Joe pero sa loob-loob niya ay kinikilig na siya. “Teka, tuloy ka, magpapaalam lang ako kina Maria at Melba.” Yaya niya kay Joe at pinaupo muna sa sofa na naroroon. Sa loob ng dalawang linggo nilang pamamalagi roon ay nasanay na rin siyang tawagin ang dalawang lukaret sa false names ng mga ito.      Tahimik namang umupo sa sofang naroroon si Joe. Hindi na niya binigyang pansin kung false names ang pakilala ng mga ito sa kaniya. Matiyaga niyang hinintay si ‘Kylie’ hanggang sa makaalis na sila para sa kanilang lakad.      Ilang araw na lang naman ay lilipad na ulit sina Ayesha pabalik ng Maynila. Kanina lang ay tumawag siya sa kaniyang mga magulang. Nagsabi siyang dadalaw siya doon once na makabalik na siya sa Maynila. Namimiss na niya ang mga ito palibhasa siya ang bunso sa kanilang magkakapatid kaya spoiled siya sa kaniyang mga magulang.      “Oh siya, mag-ingat kayo. Enjoy!” pukaw ni Janiel sa kanila sabay kindat sa kaniya paglabas nito ng kuwarto kasunod nito si Scarlet.      “Let’s go!” Kinuha ni Joe mula sa kamay niya ang kaniyang bag saka siya iginaya palabas ng bahay, a true gentleman he is.      Magkahawak-kamay sila ng magtungo sila sa nirentahan nilang motor boat na maghahatid sa kanila patungo sa Bato Beach. Inalalayan siya ni Joe pasakay ng bangka. Mayamaya pa ay lumalayag na ang kanilang sasakyan.      Pagdating nila doon ay tumuloy sila sa mga kubong pinarerentahan. Nagpahinga muna sila sandali bago sila naglibot doon. Niyaya siya ni Joe na magpahangin sa labas. Napadpad sila sa may malaking bato. Mayamaya pa ay nakaupo na sila sa buhanginan. Hinayaan nilang mabasa ng hampas ng alon ang kanilang mga paa. Humilig siya sa braso nito habang nakatanaw sila sa dagat at pinapanood ang papalubog na araw.      “Time flies so fast.” Untag niya dito.      “Yeah…” Hinawi naman ni Joe ang buhok ni Ayesha na naligaw sa kaniyang mukha. “Time really goes so fast when you don’t want to.”      “Babalik ka ba ng Maynila pagkatapos ng bakasyon ninyo rito?” tanong ni Ayesha kay Joe. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nalungkot siya sa isiping hindi na sila magkikita ng binata. Napalagay na kasi ang kaniyang loob rito sa sasandaling nakakasama niya ito.      “Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari after this. Kung magtatagal pa si Daddy rito, baka mauna na ako bumalik sa Hawaii. Titignan ko kung makakahanap ako roon ng trabaho. If not, babalik muna ako sa Canada. May bahay kami roon.” Kuwento ni Joe sa kaniya ng sagutin nito ang kaniyang tanong.      “Hindi ka magtatagal rito?”      “Hindi ko pa talaga alam,” sagot nito na tiningnan siya nang mataman. “It doesn’t mean na hindi na ako babalik dito. Who knows, humaba pa ang pag-stay ko rito. It’s just that I really can’t tell you something definite. Nasa limbo ako nang yayain ako ni Daddy na umuwi rito sa Pinas at samahan sila ni Mommy.”      “You have to make something of yourself. You’re very smart, intelligent and all that. I’m sure hindi ka mahihirapang makahanap ng trabaho if ever.”      “Marami ngang nagsasabi niyon sa akin,” napapangiting sabi nito sa kaniya. “Ikaw, after mo sa Culinary anong plan mo? Working abroad?”      Umiling si Ayesha.      “It doesn’t necessarily have to end here.”      Napatingin siya sa mukha nito. “This was supposed to be a summer fling.”      Ngumiti ito, sabay pisil sa kamay niyang hawak nito. “Would you like to stop?” masuyong tanong ni Joe.      Umiling siya.      Hindi ito kumibo.      Ganoon lang sila hanggang maramdaman niya ang lamig ng samyo ng hangin sa kaniyang balat. Nang yakapin siya nito ay nagtaas siya ng mukha rito. Hinalikan siya nito—like a million times na nagawa na nila. But unlike those many times, hindi na reserved ang halik nito ngayon sa kaniya. Mariin iyon. It was a very passionate kiss.      That left her weak to her knees and her mind whirling like a tornado.      Hindi intensiyon ni Joe na palalimin ang halik na iginawad niyang iyon kay ‘Kylie’. Subalit ng sumagi sa isip niya ang nalalapit nilang paghihiwalay ng dalaga, ninais niyang iparamdam dito kung gaano niya itinatangi ito. Nais niya sanang kulitin ito para sabihin nito sa kaniya ang tunay man lang sana nitong pangalan. Subalit nadarang siya sa mainit na halik na iyon.      Matagal sila naghalikan hanggang sa maramdaman nilang may iba na palang tao silang kasama doon. Saka niya naalala na kung nasaan sila. Tumayo na rin si Joe, hawak siya sa kamay, at saka sila naglakad pabalik sa cottage na tinutuluyan nilang dalawa. Walang imikang pumasok sila roon.      “Kylie…” sabi ni Joe, sabay hapit sa baywang niya. Pagkatapos ay muli siyang hinalikan nito nang mariin.      Sinalubong niya iyon ng mahigpit na yakap at kasing-init na halik. Hindi na siya nag-isip. Si Joe rin lang naman kasi ang laman ng kaniyang isip day in and day out. She had been waiting for this to happen. Minsan, naiisip niya na baka hindi sexually attracted ang binata sa kaniya dahil for two weeks ay smooching lang talaga ang ginagawa nila. But tonight was different.      Natigilan si Ayesha sa ginagawa ni Joe. Ganoon din ito. Saka sila nagkatitigan. Muli ay mariin siya nitong hinalikan sa labi saka muli siyang kinabig nito para pagdikitin pa nang husto ang kanilang mga katawan.      Bumilis ang pintig ng puso niya. Pakiramdam niya ay hindi na mapipigilan ni Joe ang sarili sa ginagawa. He was doing a lot of things that he’d never done to her before. Para siyang malulunod sa ginagawa nito. Hinaplos nito ang likod niya habang palalim nang palalim ang halik na pinagsasaluhan nila.      Dahan-dahang itinaas ni Joe ang suot na bestida ni Ayesha. Binuhat niya nito patungo sa kama habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Nang maihiga na niya ito sa kama ay tuluyan na niyang nahubad ang suot nitong bestida. Tumambad sa paningin niya ang matatayog na dibdib nito na tanging bra lang ang nakatakip. Inayos niya ang mahabang buhok nito. Oh God, she’s really beautiful.      “You’re glorious. I love you,” mahinang pahayag niya sa dalaga. Hindi na niya napigilan ang sariling nararamdaman para dito.      Pinagsawa ni Joe ang sarili nito sa kaniyang dibdib bago nito hinatak pababa ang suot niyang underwear. Bumaba ang halik nito sa kaniyang tiyan, patungo sa kaniyang puson, hanggang sa maramdaman niya ang mainit na bibig nito sa kaibuturan niya.      Napaungol siya. Handang-handa na siya—at alam nito iyon. Umungol siya nang maramdaman ang pagpatong nito sa kaniya.      “Are you really sure?” pabulong na tanong nito.      Tumango siya. Napangiti si Ayesha sa tinuran ng binata.      Bumaba ang bibig nito sa kaniyang mga labi, and nothing mattered for them for the next several hours…   NAALIMPUNGATAN si Ayesha nang marinig ang pamilyar na tunog ng kaniyang cell phone. Pagdilat niya ay naramdaman niya ang bigat ng braso ni Joe sa kaniyang tiyan. Tulog na tulog ito. Hindi nakakapagtaka iyon dahil ilang beses nilang ginawa ‘iyon’ pagkatapos niyang makarecover sa inisyal na kirot sa unang pagniniig nila.      It was all heaven after that.      Tutunog iyon at mamamatay, pagkatapos ay bigla na namang mag-riring ang cell phone. Naisip niya na baka maabala pa si Joe sa pagpapahinga kaya maingat niyang inalis ang kamay nito sa pagkakapatong sa kaniyang tiyan at bumangon na siya mula sa kama. Dinampot niya ang cell phone niya na nakapatong sa bed side table. Lumabas siya sa terrace ng kubo para doon makipag-usap sa phone.      “Hello?”      “Aye… si Janiel,” umiiyak na bungad ni Scarlet sa kabilang linya.      “B-bakit?” Bigla siyang kinabahan para sa kaibigan.      “Si Janiel…” Umiiyak na naman ito. “T-tumawag si Robert. Namimilipit daw sa sakit ng tiyan si Janiel. Umuwi sila dahil kanina pa raw nagrereklamo. Gumugulong na raw ngayon at namumutla na ang gaga…”      “Nasaan na kayo niyan?”      “Isinugod na namin si Janiel. Nandito kami ngayon sa Aegle Wellness Center.”      “Ano raw bang nangyari?”      “Tinitingnan pa. Baka raw appendicitis. Hindi ko talaga alam.” Umiiyak uli ito. “Natatakot ako. Puwede ka bang pumunta rito?”      “Sige. Magbibihis lang ako.”      “Dinalhan na kita ng damit. Baka ‘kako hindi ka pa nakakauwi, eh.”      “Hindi pa nga. Sige diyan na ako didiretso. Huwag ka na magpanic, okay?”      “Sige.”      Mabilis niyang pinatay ang kaniyang cell phone. Saglit siyang naligo at nagbihis. Paglabas niya ng banyo ay tulog na tulog pa rin si Joe. Hindi na niya ito ginising pa kaya nag-iwan na lang siya ng note sa bedside table. Lumabas na siya ng kubo. Nag-abang siya ng bangka pabalik ng Balesin.      Sa labas pa lang ay nakita na niya ang umiiyak na si Scarlet. Tumakbo ito nang makita siyang umiibis sa taxi. “Appendicitis daw. Kailangan na agad siyang maoperahan.” Ang bungad nitong kuwento sa kaniya nang makalapit siya rito.      “Tinawagan mo na ba parents niya?”      “Yes. They will catch the first flight available papunta dito.”      Tumango siya at inilalayan ito papasok sa lobby ng clinic. Umupo sila katabi ni Robert, na namumutla at halatang alalang-alala ang anyo.      “Kung alam ko lang na hindi lang ‘yon ordinaryong sakit, hindi na sana kami bumalik sa villa.”      “Sino ba naman ang mag-aakala na dito pa siya aabutin?” sagot na lang niya sa sinabi nito.      “Dalangin kong sana walang mangyaring masama sa kaniya.”      Nagkatinginan na lang sila ni Scarlet dahil sa tinuran nito. Was that a genuine caring that they had heard in his voice? True to his word, hindi nga iniwan ni Robert si Janiel hanggang sa ilabas ng OR at inilipat sa private room ang kaibigan niya.      Sila pa ang pinauwi nito para magpahinga. Na ginawa lang nila nang makarating ang umiiyak na mga magulang ni Janiel. Saka lang sila nagpaalam at lulugu-lugong umuwi sa tinutuluyan nilang villa.      Sinulyapan niya ang tinutuluyang bahay nina Joe. Tahimik na tahimik doon. Hindi na niya naisip na i-check kung naroroon na ang binata. Baka tulog pa nga ito sa kubo kanina pa dahil hindi naman siya tinatawagan nito. Hindi rin ito nagrereply sa mga text messages niya.      Naligo si Scarlet. Naligo rin uli siya bago sila umupo sa sala at nagkape.      “’Long night,” napapailing na sabi nito.      Bumunton-hininga lang siya at saka humigop ng kape. Humilig siya sa sofa. Pareho pa silang tulala. Hindi nila namalayan na nakaidlip pala sila kung hindi pa dahil sa sunud-sunod na katok ang pumukaw sa kanilang dalawa.      Si Robert ang napagbuksan nila ng pintuan. “Kukuha lang ako ng mga damit at gamit ni Janiel. Babalik din ako sa Aegle.”      “Sana tumawag ka na lang kay Ayesha, Robert.” At that point, alam na ni Robert ang kani-kanilang tunay na pangalan.      “Naka-off ‘ata pareho ang mga cell phone niyo eh,” sagot nito kay Scarlet. “Kasi parehong unattended, eh.”      Tiningnan ni Scarlet ang cellphone nito at napangiti nang makitang naka-off nga iyon. Inapuhap na rin ni Ayesha ang sa kaniya, subalit hindi niya iyon makita. Naghalughog sila sa buong bahay pati sa grounds ng villa, ngunit wala talaga silang nakitang cell phone. Nang tawagan nila ang number niya, out of service na iyon.      Medyo nag-panic na siya. Hindi dahil nawala ng cell phone niya kundi dahil baka akala ni Joe ay hindi niya sinasagot ang mga tawag nito. Ni hindi niya namalayan kung saan nawala ang lintik na cell phone niya! Nakapag-text pa siya sa clinic kanina bago sila umuwi ni Scarlet.      “Hindi kaya nalaglag sa suot mong pants kanina noong pasakay tayo sa foton van? ‘Tapos, hindi mo namalayan dahil pareho na tayong pagod na pagod,” sabi pa ni Scarlet.      “Baka nga. Sandali… Pwede ba, pakihanda n’yo na lang mga gamit ni Jan? Bababa lang ako sandali. Hindi man lang nagpaparamdam si Joe, eh.”      “Si Joe?” Kumunot ang noo ni Robert.      “Bakit?”      “Dumaan ako sa bahay namin. Katabi namin sila, ‘di ba? Nililinis na iyon. Wala na sina Joe doon.”      Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. ‘Ano?”      “Kanina pa raw madaling-araw umalis. Nagmamadali nga raw, eh. Ginising pa raw sina Ma’am Milleth para magpaalam at magbayad. Maaga silang sinundo ng chopper nila pabalik sa Manila.”      Hindi siya nakapagsalita.      Tumayo si Scarlet at hinawakan siya nito sa braso. “Hindi ba kayo nakapag-usap ni Joe bago ka umalis?”      “W-wala siyang nabanggit…” Namutla siya nang muling maalala na nawala ang cell phone niya. Naroroon ang numero ni Joe na hindi niya kabisado. Hindi naman kasi niya kinailangang kabisaduhin iyon dahil palagi naman silang magkasama ng binata. “M-may number ka ba niya?”      “Wala. Itanong mo kina Tita Charu. Baka mayroon siya.”      Tumakbo sila palabas at nagmamadaling tinungo ang dating tinutuluyan nila Joe—na talagang nililinisan na nga ng mga caretaker na naroon. “Tita Charu!”      “Naku, umalis na sina Joe, kaninang madaling araw pa. Hindi ba kayo nagkausap?”      “Wala naman po siyang nabanggit sa akin na aalis sila.”      “Emergency yata. Tumawag sa kaniya ‘yong daddy ni Gabriel. Pinauuwi sila sa Maynila dahil grabe na raw ‘yong lola nilang nasa probinsiya.”      “Wala po ba silang number sa ‘yo?”      “Naku, sorry, pero wala. Travel agency ang nag-book sa kanila rito. One month full advance nila. Nang puntahan ako ni Gabriel, akala niya may babayaran pa sila sa akin. Iyon pala, ako pa ang may utang na mahigit isang linggo sa kanila.” Umiling ang matandang babae. Fifty plus na ito pero ayaw magpapatawag ng “Ma’am” sa mga nagiging guests dito sa Balesin Club. Likas na mabait, masayahin at approachable ito.      “Wala po bang ibinilin si Joe?”      “Wala si Joe nang umalis sila. Ang sabi nasa byahe na pabalik dito baka sa labas na lang nila inintay ito habang hinihintay nila ang sumundong chopper sa kanila pabalik sa Maynila. Wala ka bang cell phone number niya?”      “Nawala po iyong cell phone ko kanina sa may clinic.” Napaiyak siya. “Isinugod namin si Janiel. Appendicitis.”      “Diyos ko… Hindi man lang kayo kumatok sa akin para nakatulong ako.”      “Naoperahan na po siya. Okay na po siya now. Nasa Aegle po siya.”      “Mabisita nga ang batang ‘yon. Eh ikaw, paano kayo ni Joe niyan?”      “Hahanapin ko na lang po siya pagdating sa Maynila.”      “If it will help you, Arnel Casale ang pangalan ng nagpareserve sa kanila. Yapak Travel and Tours ‘yong travel agency na nag-book sa n’ong stay nila rito.      “P-puwede ko po bang makuha yung address at telephone number n’ong agency?”      “Sige.”      Nadismaya siya nang malamang isang agency sa Quezon Province na walang satellite office sa Manila ang nagbook kina Joe. Nagpasalamat na rin siya kay Tita Charu, saka nagmamadaling bumalik sa bahay nila. Sumama sila ni Scarlet kay Robert pabalik sa clinic. Naroroon pa rin ang mga magulang ni Janiel.      Kinabukasan, maaga siyang bumyahe pasakay ng motor boat na maghahatid sa kaniya sa Real Pier. Hinahabol niya ang office hours ng travel agency. Nadismaya siya nang makitang sarado iyon. Half day kasi ang karamihan sa mga offices, ang iba ay sarado talaga ng araw na iyon dahil Easter Sunday nga pala ng araw na iyon. Frustrated na bumalik siyang muli sa Balesin at dumiretso sa clinic kung saan naroroon sina Janiel. Hindi niya alam kung paano at saan magsisimula sa paghahagilap kay Joe.      Ngayon lang niya na-realize na ni last name nito ay hindi niya naitanong! Ganoon siya ka-confident na hindi sila magkakahiwalay nang hindi man lang nagkakapaalaman.      Hindi rin siya sigurado kung tunay nga nitong pangalan ang “Joe”. Ni hindi niya alam kung totoo lahat ng sinabi nito tungkol pamilya nito at nagbabakasyon lang ito sa Pilipinas. Ang mas masaklap, ni hindi niya nasabi rito ang tunay na pangalan niya. At kung kalian may nangyari sa kanila, saka naman ito nawala na parang bula.      Habang papalapit ang gabi at nagsisimula nang dumilim ay hindi niya maiwasang maramdaman na parang ganoon ang kaniyang pag-asa na matagpuan pa si Joe—it was starting as the night started to creep in…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD