Chapter 4
2021
FULL swing ang Italianni’s nang gabing iyon kaya hindi agad makauwi si Ayesha sapagkat wala doon ang kanilang head chef dahil isinama ito ng kanilang boss sa dadaluhan nitong conference sa ibang bansa. Ito ang magsisilbing personal chef nito doon. At sya bilang sous chef, ang ngayon ay siya munang namamahala sa restaurant. Kaya naman pagkalabas ng mga guests, isinara na agad ang pinto ng Italianni’s.
“Paano, Chef, una na po kami.” Paalam sa kaniya ng mga kasamahan.
“Sige. Ako na’ng bahala rito. ‘Bye!”
“Bye.” Umalis na ang mga ito at naiwan siyang nag-iisa. Routine ang pagtse-check niya ng mga sections ng kitchen. Kasalukuyan niyang iniinspeksyon kung maayos ang lahat sa pantry. Naglista siya ng menu for the day para bukas at ipinaskil niya ito sa board. Mayamaya pa ay tinatahak na niya ang byahe pauwi sa kaniyang bahay.
Banayad siyang nagmamaneho nang tumunog ang kaniyang cell phone. Pagkakita sa pangalan ng nobyo ay napangiti siya. “Hello?”
“Are you driving?” tanong nito nang maulinigan malamang ang makina ng kaniyang sasakyan.
“Uhm… Yes. Malapit na ako sa bahay.”
“Okay ingat ka, hindi na kita nasundo at katatapos lang ng meeting ko with a client. Anyway, i-remind lang kita para sa date natin this coming Sunday, okay?”
“Sure. I’m looking forward to that day. See you on Sunday.”
“Okay, see you. I love you sweetie.”
“I love you too.” Sambit niya bago niya pinindot ang ‘End Call’ button.
Anniversary nila ng kaniyang nobyo sa darating na linggo kaya naman excited siya. Nakilala niya si Paolo, ang kaniyang nobyo, dahil madalas itong kumain noon sa Italianni’s kung saan siya nagtatrabaho bilang sous chef. Isa ito sa mga senior partners ng Gerodias Suchiano Estrella—ang law firm sa katapat ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya.
Literal na guwapo ito. Marami nga sa mga babaeng kasamahan niya ay crush na crush ito noon kundangan siya pala ang tipo nito. Hanggang sa niligawan na siya nito. Two months din ang kaniyang pinalipas bago sagutin ito.
Since then, he showered her with love, affection, and material things that more often than not ay tinatanggihan na niya dahil siya mismo ay nalulula. One Sunday night, habang nakahiga siya sa condo unit na inuupahan niya noon ay naisip niya na hindi na niya kailangang patagalin pa ang kanilang “getting-to-know-each-other” stage. Wala siyang dahilan para mag-alinlangan kay Paolo like with the rest of the guys na nagkagusto at nanligaw sa kaniya. Paolo was perfect; he was every girl’s dream. Lahat ng pinapangarap niya ay narito na.
Naisip niya, God had finally smiled at her again. Tapos na siguro ang mahabang panahon ng pagpepenitensiya niya.
Si Paolo ang ibinigay sa kaniya—and, dude, he was more than made up for everything. Walang babaeng tatanggi kay Paolo. Walang hindi mai-in love dito.
The next day, nang sunduin siya nito sa restaurant, saka niya sinagot ito. Wala siyang duda na magiging masaya siya rito nang makita niya kung gaano ito kasaya.
Mag-two years na mula nang mangyari iyon. So far, perfect pa rin si Paolo. Hindi pa rin ito nagbabago sa kaniya gaya ng ibang lalaki na lumalabas ang totoong kulay kapag nagiging girlfriend na ang babaeng nililigawan. It seemed he had eyes only for her.
Pinarada niya ang kaniyang kotse sa garahe. Ni-lock niya muna ang gate saka pumasok sa loob ng kaniyang bahay. Wala pang two weeks siyang nakakalipat sa kagagawa lang na bahay na iyon. Dream come true sa kanya na makapagpatayo ng sarili niyang bahay sa Bel-Air Village, isang ekslusibong subdivision sa Makati. Ilang milyon ang presyo ng house and lot na iyon. Proud siya na ni isang kusing ay hindi siya humingi o kumuha mula sa trust fund na ibinigay sa kaniya ng kaniyang magulang, when she turned twenty-five.
Instead, assured siya sa napakakomportableng future financially. Solido ang kaniyang pondo. Ang trabaho niya ang nagbibigay sa kaniya ng lakas ng loob to splurge every once in a while sa paggastos—gaya nga ng bahay na iyon.
Dumiretso siya ng kusina at naghanda ng kaniyang kape sa percolator dahil busog naman na siya at kumain na siya ng hapunan kanina sa restaurant. Habang hinihintay niya itong kumulo ay mabilis siyang naghalf bath at saka nagpalit ng damit pantulog. Mayamaya pa ay sumisimsim na siya ng mainit na kape habang nakaharap sa tv, ganito siya kapag galing sa maghapong trabaho. Nang biglang nag-ring ang kaniyang cell phone. Sinagot niya ang videocall na iyon. Ang pamilyar na tinig ni Janiel ang bumati sa kaniya. “Nagpropose na ba?”
“Janiel! Ikaw talaga…” sabi niya. “Kaya hindi matuloy-tuloy, eh.”
“Ang hina ng manok mo. Nakakadalawa na kami ni Robert, ni isa, wala ka pa?” natatawang sabi ng kaibigan.
“Ni asawa nga, wala pa ako. Paano ako magkakaanak?” kunwari ay nakaismid niyang sagot dito.
“Malakas ang vibes ko na sa darating na Sunday ay magpopropose na ‘yon sa’yo, to make your anniversary super memorable. ‘Yong tipong kapag nag-reminisce kayo kapag uugud-ugod na kayo ay with matching tears of joy pa rin.”
“Hindi masama. Nagkakaedad na rin naman ako. Honestly, this past few months, naiisip ko na din na hindi na ako bumabata. Aba, kung plano kong magkaroon ng limang anak, di ba dapat nagsisimula na ako ngayon?”
“Ibibigay mo na sa akin iyang fabulous house mo?”
“No way.” Ingos niya dito.
Natawa silang pareho.
“Anyway, kailan nga ba ang iyong pa-house warming?” pag-iiba ni Janiel ng usapan.
“Next Saturday. Kasi nga magcelebrate pa kami ni Paolo this Sunday kaya busy pa ang lola nyo. But I’ll see to it makapagcatch up pa tayong tatlo nina Scarlet bago mag-Saturday. How about Friday next week?” suhestiyon niya dito, masyado siyang busy nitong mga nakaraan kasi nga ay proxy siya sa kanilang head chef habang wala pa ito. Sa susunod na araw pa ang uwi nito at ng kaniyang boss.
“Okay, asahan ko yan, girl.” ani Janiel.
“Sige.” Nagkuwentuhan pa sila nang kaunti bago tumunog ang call waiting niya. “Sige na, si Scarlet o si Paolo na siguro itong isa pang tumatawag. I need to hurry up at late na din, maaga pa ako bukas.” Napapailing na paalam niya kay Janiel.
Tama siya, si Scarlet nga ang tumatawag. “Kausap mo si Janiel?”
“Oo.”
“Lunch out naman tayo this Saturday? Sunday pa naman ang lakad nyo ni Pao, di ba? ‘Treat ko.”
“Sorry girl, I can’t. Busy pa ako sa Italiani’s. Next week pa ako makakapagleave dahil next Saturday pa ako makakapagpa-house warming. Maybe, after Sunday pwede na.” sabi naman niya kay Scarlet. Matagal-tagal na rin kasi ang huling bonding nilang tatlo due to their busy schedules na din. Part na rin siguro ng adulting kaya ganoon. How she missed those two gals.
“Sus. Ikaw na busy, same lang naman tayong sa restaurant nagtatrabaho, ‘noh.” Obvious na nakaingos na sabi nito. Isa din kasi itong chef sa restaurant na pinagtatrabahuhan nito sa Mandaluyong. “Kailan mo ba kami maisisingit sa schedule mo?”
“Lunch tayo ng Friday sa Vikings, nasabi ko na din kay Janiel.”
“Puwede,” mabilis na tugon nito. “Doon na ako didiretso pagkatapos kong mag-gymn.”
“Okay. Susunduin daw ako ni Janiel. Kasama niya siguro ang mga kids.”
“Ang babaeng ‘yon talaga! Hanggang maisisingit ang mga junakis niya, isisingit at isisingit ng gaga.” Hindi maitago ang inis sa tinig na sabi ni Scarlet. Ganito talaga ang kaibigan niya.
“Kasama naman nila ang mga yaya, eh.” Katwiran niya dito.
“That’s beside the point. Anyway, ayokong magtalo na naman tayo tungkol sa mga anak ni Janiel. Pa’no girl, see you on Friday. Medyo inaantok na din ako.” Paalam nito habang naghihikab pa sa kabilang linya, tanda na pagod at antok na ang kaniyang kaibigan.
“Okay, I’ll see you on Friday. Goodnight, Scarlet.”
“’Night.”
Sa kanilang tatlo, sila lang dalawa ni Scarlet ang nakatapos at naging chef. Isang semester pa ang itinagal ni Janiel since that Balesin vacation, pero hindi na nakapaghintay ito at si Robert at nagpakasal na. Sa honeymoon palang ay nagbuntis na agad ito.
At present, isang residential architech si Robert. Sikat ito sa larangan ng pagde-design ng mga bahay sa mga exclusive subdivisions. Katunayan, dito niya ipinagawa ang design ng kaniyang bahay. May sarili na itong business at ilang architectural firms na ka-tie up kaya maganda ang kita nito.
Si Janiel naman ay nag-aral ng Interior Design in between children at nakapag-bukas ng sariling shop. Kaya karamihan sa nagiging kliyente ng asawa ay kliyente din nito. Mabuti na rin at maimpluwensya ang consul na ama ni Janiel kaya dumami agad ang costumer’s ng JnR Design & Interior. Thank goodness din at napakaganda din naman talaga ng mga design nito gaya ng interior ng kaniyang bahay na gawa din nito. Highly recommended niya ang kaibigan sa kaniyang mga ka-trabaho at kapamilya. At kung mag-oopen na siya ng kaniyang sariling restaurant in the future, ito ang kukunin niyang interior designer.
In time, nagbranch out ang JnR at tuluyan nang naging successful ang bagong business na ito ni Janiel. Alam nila ni Scarlet na hindi ito nagsisisi na hindi ito naging chef dahil ayon nga rito, kaya lang naman ito nag-Culinary Arts noon ay para makasama silang dalawa. Pero nang i-open ng asawa nito ang marami pang possibilities na akma sa interes at personalidad ni Janiel, she never looked back. Sila ni Scarlet ang nakapagtapos at sinuwerte na ring maging Chef.
Single pa rin si Scarlet hanggang ngayon. Marami itong manliligaw pero wala pa ring serious relationship. Nauubos kasi ang oras nito sa trabaho. Isa na rin itong sous chef sa isang kilalang restaurant sa Mandaluyong.
Alam niya, in a way ay happy silang lahat sa itinakbo ng kanilang buhay.
Although hindi naging chef, happy naman sa family life nito si Janiel. Si Scarlet naman, kahit tinanggihan nito ang marriage proposal ng long-time boyfriend nito—na palaging tinutukso ni Janiel na bading—dahil hindi nito kayang pagsabayin ang career at lovelife, alam niyang happy ito sa itinakbo ng career nito. Kung iyon ang mas makakapagpasaya kay Scarlet, suportado nila ito.
Kaya nga laking pasalamat niya dahil best of both worlds ng dalawang kaibigan ang kinalalagyan niya ngayon. Maganda na ang kaniyang career, happy pa ang love life niya. At that point in her life, she could not afford to be bitter. Masyado nang matagal ang nagyari sa kaniyang iyon sa Balesin Island. Marami nang nangyari pagkatapos niyon. At dumating na sa buhay niya si Paolo.
Ngayon ay magaan na ang kaniyang kalooban kapag naiisip niya ang maraming taon ng paghihirap niya bago siya naka-recover at nakapag-move on kay Joe. Matagal siyang natengga, pero nang humataw na siya, hindi na siya huminto and she never looked back.
Natigil sa kaniyang pagmumuni-muni si Ayesha.
Pumasok na siya ng kaniyang kwarto at saka humiga sa kanyang malambot na kama. Noon niya naramdaman ang kaniyang pagod sa maghapon. Ilang saglit pa ay mahimbing na ang kaniyang pagtulog.