Chapter 2
Lubog na ang araw nang maisipang nila ni Joe na bumalik. Naabutan nilang full swing na ang bonfire party na ginaganap malapit sa beachside. Halos lahat silang naroroon ay magkakaedad at sinasamantala lang ang summer break. Sangkatutak na beer at pica-pica lang ang pagkain.
“Nakalimutan na natin ito,” sabay turo ni Ayesha sa nagaganap na kasiyahan. Hindi niya namalayan ang oras kanina habang kasama niya si Joe sa paglilibot. Masaya itong kasama, nalibang siya ng husto.
“Oo nga,” sagot ni Joe. “Mukhang kasisimula pa lang naman, so hindi pa naman sila lasing lahat.”
“Wait. Sasaglit lang ako sa room namin, hahanapin ko lang pati yung mga kaibigan ko.” Paalam ni Ayesha kay Joe.
“Sige. Uuwi din muna ako sa house.”
Nagmamadali siyang umakyat sa tinutuluyan nila. Hindi na siya nagpahatid pa kay Joe. Naabutan niyang bukas ang ilaw sa loob kaya naman dumiretso lang siya ng pasok doon. Laking gulat niya nang makita niyang naghahalikan doon sina Robert at Janiel! Napaatras siya. Hinanap ng kaniyang mata si Scarlet at hindi niya ito makita.
“Istorbo! Kumatok ka kaya ano?” bulyaw ni Janiel sa kaniya.
“Sorry naman po, naiwan niyo kayang bukas yung pinto.” sinimangutan niya ito, saka siya pumasok sa kuwartong pinaghahatian nila ni Scarlet.
Wala ito sa loob. Kumuha siya ng damit saka dali-daling naligo. Hindi nagtagal ay narinig niyang umingit ang pintuan ng kwarto nila ni Scarlet. Naramdaman niyang hindi ito nag iisa pagpasok doon. Napailing siya at saka nagmamadaling lumabas na para hanapin ito.
Naabutan niya ito sa salas. Nakikipagpustahan ito ng shot ng tequila. Wala sa loob na napangisi siya. Kung sino man ang malas na lalaking nagnanais makipagtunggali rito, walang panama ang pobrecito. Hustler sa tequila ang lukaret na si Scarlet. Hindi pa ipinapanganak ang makakatalo rito. Halos nakikini-kinita na niya ang winner na ngiti ng bruha!
Agad siyang lumapit sa kinaroroonan nina Scarlet at pinanood ang pagkakasayahan ng mga ito. Nakakaanim na shots na sina Scarlet at ang lalaking kalaban nito. Kawawang nilalang. Mayamaya nga lamang ay natitigilan na ang kalaban nito, pero ang bruha ayun at matibay pa din. Ilang minuto pa, after ten shots, ay suko na ang lalaki. Nag-abutan na ng pera ang mga naroon.
Lumapit siya kay Scarlet at ngingiti-ngiting siniko ito, “Kahit saan ka talaga dalhin aba! Talagang napapakinabangan mo iyan, ano?”
“Iba na ang talented!” At pagkasabi niyon ay napahalakhak pa ito, sabay pinamulsa ang perang napanalunan. “Teka, hindi ko nakikita ang bruhang si Janiel. Nasaan iyon?”
“Andoon na sila ni Robert sa kwarto ni Janiel,” nguso niya sa direksiyon ng kinaroroonan ng kwarto ng kaibigan.
“OMG! Napakabilis talaga ng the moves ng gaga. Hokage talaga!” napangisi pa si Scarlet pagkasabi niyon. “Halika na ulit sa baba, balik tayo sa bonfire party. Treat kita, gusto mo tequila?”
“Ayokong magka-hang over bukas.”
“’Yan ang meron ako bukas.” Humalakhak pa ito. “Bruha, akala ko hindi ka na babalik.” Sabi niya sa kaibigang si Ayesha. Mula ng iwanan nila ito kanina ni Janiel kay Joe ay ngayon lang ito nakauwi.
“Pwede ba naman ‘yon?” natatawa namang sagot ni Ayesha sa kaniya.
Mayamaya ay may isang cute na guy ang lumapit sa kanila at hinila agad ang braso ni Scarlet. “Melba, halika sayaw tayo.” Yaya ng lalaki.
“Bibili pa kami ng foods nitong friend ko,” sagot ni ‘Melba’, sabay baling kay Ayesha. “But wait…”
“Sumama ka na. Magsayaw na kayo, okay lang ako. Busog pa naman ako e,” sabi ni Ayesha sa kabigan saka hinayaan na itong sumama sa kung sino mang nagyaya dito. Mukhang enjoy naman kasi ito sa kasama nito.
“Sure ka?” paniniyak pa ni Scarlet sa kaniya.
“Oo naman. Sige, mamaya na lang ulit. Enjoy.” Pagtataboy pa niya sa mga ito, inaassure na okay lang siya.
“Tara na.” At hinatak na ni Scarlet ang kasamang lalaki papunta sa mga nagsasayawan doon sa party.
Hinabol ng tingin ni Ayesha ang dalawang patungo sa nagsasayawan doon hanggang tuluyan nang mawala ang mga ito sa kaniyang paningin.
Iginala niya ang kaniyang paningin. Hinanap ng mata niya si Joe pero hindi niya ito makita. Mistulang lahat ay enjoy na enjoy sa nagaganap na party. Naglakad-lakad na lang siya malapit sa tabing-dagat at sinamyo ang lamig ng hangin sa kaniyang balat habang pinapakinggan ang mayuming alon na nagmumula sa dagat kasabay ng napakalakas na tugtog na nagmumula sa party. Nang makaramdam ng pagod ay umupo siya sa buhanginan, pinagsalikop ang kaniyang mga palad at saka pinatong sa kaniyang mga tuhod ang kaniyang baba.
Mataman siyang nag-iisip nang biglang may umakbay sa kaniya. Pagtingin niya, nakita niya si Joe. Napangiti siyang tumingin dito. Ang guwapung-guwapo nito sa suot na aquamarine floral polo shirts at khaki shorts. At ang bangu-bango pa.
“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap e. Umakyat ako sa guesthouse nyo kaso walang tao.” Sabi nito sa kaniya kapagkuwan.
“Meron, hindi mo lang narinig,” napapangising sagot niya.
“Doon tayo malapit sa bonfire. Gusto mo ng barbecue?”
“Ayoko. Busog pa ko e.”
“Let’s go.” Inilahad pa nito ang kamay sa kaniya saka sila lumakad ng magkahawak-kamay papunta sa bonfire.
Kumuha sila ng tigdalawang beer in can bago bumalik sa tabing dagat at doon tumambay. Di pa nagtatagal ang kanilang pagkakaupo ay may tumabi na sa kanilang dalawang pinsan ni Joe na may mga kasama ring babae. Mayamaya ay may sumunod pa sa mga ito. May dalang gitara ang isa sa mga ito at nagsimula itong tumugtog kaya’t nagkantahan na sila.
Hindi alam ni Ayesha kung paanong napunta sa kaniya ang gitara. Naubos na niya yung dalawang beer in can at kasalukuyang may isang bote pa siyang tinutungga kaya medyo malakas na ang loob niya. Mayamaya pa ay kinakalabit na niya ang gitara. Acoustic version ng ‘Summer Song’ ng bandang Silent Santuary ang napili niyang tugtugin. Natahimik ang lahat at pinakinggan lamang siya.
Basta’t ika’y kasama,‘di ako nangangamba
Kislap ng ‘yong mata, t***k ng puso’y sumaya
Ikaw na lang ang aking mamahalin
Hanggang sa langit, ikaw ay dadalhin
Tara na, tara na, tara na
Hindi maialis alis ni Joe ang paningin sa dalaga na abala sa pagtugtog ng gitara. Napapalibutan nila ito ng kanilang mga kasama habang tumutugtog ito sa saliw ng awiting ‘Summer Song’ na iyon ng Silent Sanctuary. Para siyang namesmerized habang pinakikinggan niya ang ganda ng boses nito. Pansumandaling tumigil ang pag-ikot ng mundo sa pakiwari ni Joe. Kulang ang sabihing nabighani siya ng husto sa dalaga. Kaya naman pinangunahan pa niya ang pag-cheer dito pagkatapos ng mahusay nitong pag-awit.
Matapos kumanta ni Ayesha ay masigabong palakpakan ang natanggap niya. Hindi niya tuloy naiwasang magblush. Halatang proud na proud sa kaniya si Joe, ito yata ang may pinakamalakas na hoot sa kaniya kanina. Pagkatapos ay may nagrequest pa uli ng ibang kanta.
Hindi iyon matanggihan ni Ayesha kaya naman masaya niya iyong pinagbigyan at tumugtog na muli. Inspirado yata siya ng gabing iyon. O baka epekto din ng beer na kaniyang nainom kaya hindi niya naramdaman ang hiya ng mga sandaling iyon.
Pasado alas-dose na ng gabi nang marinig nilang mag-announce ang organizer ng bonfire party. “Hanggang one AM na lang ang party gaya ng napagkasunduan, ha?” sabi nito.
Hindi nagtagal ay kapansin-pansin na unti-unting nawala ang mga taong naroroon. Bago pa sumapit ang ala-una ay iilan na lang silang nasa tabing dagat sa takot na baka pati sila ay pagligpitin doon.
Tipsy na ang pakiramdam ni Ayesha, pero hindi naman siya lasing. Mahangin kasi sa lugar kahit summer since tabing dagat, saka hindi siya gaanong uminom dahil naggitara nga siya ng naggitara kaya hindi ganon kalakas ang tama niya. Sakto lang kumbaga. Kabilang siya sa mga tumulong sa pagliligpit kina Rosalind—ang organizer ng katatapos lang na bonfire party. Uminom pa siya ng isa pang bote ng beer para hindi bumaba ang tama niya at sumpungin ng sakit ng ulo.
Maririnig na patuloy pa din ang kaingayan sa kani-kaniyang mga guest house. Doon na itinuloy ng iba ang mga private parties ng mga ito. Okay lang naman iyon sa management ng clubhouse as long as wala raw masisira sa bawat loob ng mga guest house.
“Tara halika na, ihahatid na kita sa room nyo,” yaya ni Joe sa kaniya.
“Eh, ikaw? Paano ka?” tanong niya dito.
“Nakita mo ba yung tinutuluyan namin? Full house yata ngayon doon. Pito kaming lalaki, magtataka ka pa ba?”
“So saan ka niyan matutulog?”
“Malamang dito sa labas. Don’t worry, sanay na ako.” sabay ngiti sa kaniya parang inaassure siya.
“Sasamahan na lang kita.” Biglang sabi niya.
“Hmmm… Okay lang ako, promise. Baka magkasakit ka pa.” may pag-aalala sa boses nito ng sabihin iyon.
Hindi na siya nakatanggi nang ihatid na siya nito sa bahay na tinutuluyan nilang magkakaibigan. Pagkapasok niya sa kuwarto nila ni Scarlet laking gulat niya nang madatnan niyang may dalawang mag-boyfriend na naroroon—at si Scarlet naman ay may kayakap ding isang lalaki na hindi na nya pinagkaabalahang silipin pa ang mukha. Dali-dali siyang lumabas na at isinara ang pinto.
Pagkalabas niya ng guest house ay wala na roon si Joe. Naisipan na lamang niyang umupo doon sa may garden set sa terrace. Habang nag-iisip pa lamang siya kung kukuha pa ba siya ng beer ulit nang matanaw niya ito na papunta sa tabing dagat at may bitbit na tent.
Tumayo siya at mabilis na pinuntahan niya ito. Inabutan niya itong ina-assemble ang bitbit nitong tent. Tinulungan niya ito sa ginagawa.
“Oh, bakit ka pa lumabas?” tanong nito sa kaniya.
“May mga unwanted guests kami. Ikaw, bakit dito ka lang sa tent?”
“Punuan hanggang kusina,” sagot nito sa kaniya, sabay nagkibit-balikat.
“Ahm… pwede bang—I mean, baka pwedeng dito na lang din ako matulog?” pagbabakasakaling tanong niya kay Joe.
Sandali itong nag-isip. “Sige. Gusto mo pa ng beer?” alok pa nito sa kaniya.
“Sige.”
Kumuha pa ito sa bitbit na maliit na cooler at iniabot sa kaniya ang isang beer in can. Nakadalawa pa sila bago pa sila nagkayayaan pumasok sa loob ng tent. Tinulungan niya itong ayusin ang latag sa loob ng tent.
Sabay na silang nahiga. Mabuti at may unan na bitbit si Joe at iyon ang ipinagamit nito sa kaniya.
“Komportable na dito, kesa sa labas pa tayo matulog.” Natatawang sabi ni Ayesha nang maalalang sweater lang pala ang suot niya kaya napahawak siya sa braso niya. Napansin naman iyon ni Joe.
“’Lika na.” Sabi nito sa kaniya sabay hapit nito sa tagiliran niya. Pagkatapos ay natahimik sila pareho. Ramdam niya ang pamimigat ng kaniyang mga talukap sa mga mata niya. Alam niyang lasing siya. Pumikit siyang yakap yakap pa rin ni Joe.
Hindi na nila namalayan kung paano sila nakatulog pareho ni Joe.
Kinabukasan ay naunang magising si Joe kesa kay Ayesha. Tahimik niyang pinagmasdan ang natutulog pang dalaga sa kaniyang tabi. Naalimpungatan ito at dumaing na masakit ang ulo dala ng hang over nito kagabi kaya napagdesisyunan niyang ipaggawa ito ng concoction para sa muli nitong paggising ay kaniya iyong ipaiinom dito.
Nagising na lang si Ayesha nang mahinang tapikin siya ni Joe.
Iginawa siya ni Joe ng concoction dahil dumaing siyang masakit ang kaniyang ulo dala ng matinding hangover. Halos masuka siya ng matikman iyon. Bumalik siya sa pagkakahiga at muling nakatulog. Pasado alas-nuebe na nang muli siyang magising at wala ng maramdamang p*******t ng ulo.
“Ang galing mo naman,” sabi niya kay Joe. “Ano bang magic ang ginawa mo sa pinainom mong iyon sa akin?”
“Secret. Family remedy.” At sabay kindat pa nito sa kaniya. “Halika na, magbreakfast na tayo. May alam akong resto dito, masasarap ang hinahain nilang foods. Saka tayo bumalik sa room natin para makaligo na rin tayo.”
Nagpatianod na lang si Ayesha rito. Pakiramdam niya ay wala pa siyang sapat na energy para tutulan ito. Isa pa, tiyak na tulog pa rin ang kaniyang mga kaibigan sa cottage nila. Ayaw niyang malipasan ng gutom.
Pagbalik niya sa room nila ay overcrowded pa din kaya lumabas siya ulit at naglakad lakad. Hahanapin palang niya si Joe ay nakalapit na ito sa kaniya.
“Negative pa rin na magawa kong makapagpahinga sa room namin.” Sabi niya rito.
“Same.” Sagot naman nito. “Hanap tayo ng room na pwede natin i-rent muna.” Suhestiyon ni Joe sa kaniya. Muli ay nagpatianod lang siya rito.
Ganoon na nga ang kanilang ginawa. Nakahanap sila ng bakanteng maliit na room hindi kalayuan sa tinutuluyan nila. Kumuha lang sila ng damit pamalit sa guest house saka bumalik sa nirentahan nilang room at doon sila naligo at muling nagpahinga.
Nakatulog sila maghapon. Pagkatapos ay nanood sila ng TV hanggang dumilim. Nagdinner sila sa labas, pagkatapos ay pumunta sila sa Balesin Wine Cave na matatagpuan sa pinaka-main floor ng club house. Namangha siya sa dami ng klase ng mga alak na matatagpuan doon. Nilibot nila ito at muli ay nag-inuman silang dalawa doon.
Matapos makatig-limang baso ng wine ay napagkasunduan na nilang bumalik sa room nilang dalawa. Doon na sila nagpalipas ng magdamag.
Kinabukasan ay maaga siyang ginising ni Joe. Nagmamadali silang bumalik sa villa na tinutuluyan nila ng kaniyang mga kaibigan. Hindi siya nagtanong nang mapansin niyang hindi patungo sa villa nila ang tinatahak nila ni Joe.
“Tara, libutin muna natin ‘tong mga villages dito,” yaya nito sa kaniya.
“Okay.”
Una nilang pinuntahan ay ang Saint Tropez Village, napapalibutan ito ng mga makukulay at malalaking payong at malawak na swimming pool. Ito ay inspired by the vibe of Côte d’Azur kaya pakiramdam mo ay para ka na ring nasa France because you can get the opportunity to experience French Riviera. Pagkalibot dito ay hindi nila pinalampas na matikman ang pamosong crêpes nito na matatagpuan sa Crêperie. At talagang napaka-yummy nga ng crêpes nila, ito na yata ang pinakamasarap na crêpes na natikman niya simula ng mag-aral siya ng culinary.
“Ang sarap!” namamanghang sabi niya kay Joe habang inuubos nila ang crêpes na inorder nila.
“Dahil alam kong inclined ka sa pagpe-prepare ng foods kaya dinala kita dito. Pagkatapos natin dito ay sa Toscana Village naman tayo,” ani Joe sa kaniya.
Mayamaya ay nasa Toscana Village na sila naglilibot. Ito ay syempre inspired sa Tuscany, Italy kaya pakiramdam niya ay nasa mismong Italy siya. Napakaganda ng fountain na nasa harapan ng building nito na napapalibutan ng napakarangyang hardin, tanaw na tanaw ito mula sa malawak na balkonahe ng building.
Kumain muna sila ng lunch nila sa Thanassis Taverna sa Mykonos Village. Masasarap ang mga putaheng inihahain sa restaurant na ito. Ilan sa mga specialty nila ay gyros, moussaka, grilled lamb ribs at souvaki.
Habang nagpapababa ng kanilang kinain ay bumaba sila sa Cove Deck. Doon sila nagpahangin at nagpalipas ng oras.
“This is so beautiful, Joe.” Hindi napigilang bulalas ni Ayesha.
“Yes. I hope you did enjoy my company?”
“Of course!” maagap niyang sagot dito. Ngumiti siya, sabay hilig sa dibdib nito. Panatag na siyang kasama ito. Nang gagapin nito ang kaniyang kamay ay hindi na siya tumutol. Hindi niya alam kung gaano sila katagal doon, enough to give them enough privacy na namnamin ang napaka-romatikong lugar na iyon. Napapikit pa siya.
Friendly at accommodating ang mga staff na naroroon hanggang sa sila ay makaalis na. Bumalik na sila sa kani-kanilang mga tinutuluyan.
“Kahit huwag mo na akong ihatid sa amin,” sabi niya sa binata na ang tinutukoy ay ang guest house na tinutuluyan nilang magkakaibigan. Nang tumango ito ay pumasok na siya sa pintuan.
Naabutan niyang nakaupo si Scarlet sa may sala, busy sa pakikipag-text nito sa kung sino. Si Janiel naman ay nasa kusina at kasalukuyang naghuhugas ng mga pinggan. Napatingin ang dalawa sa kaniya.
“Girls, I’m in love!” tili niya sa mga ito.
Tumili din ang mga ito sa naging deklarasyon niya, saka lumapit at yumakap sa kaniya.