Chapter 27 Tahimik silang nakauwi sa cottage ni Joe. Dumiretso na sa kuwartong kaniyang tinutuluyan si Ayesha nang maramdaman niyan gustong mapag-isa ni Joe. Ngunit mayamaya ay narinig ni Ayesha ang pagkatok sa pinto ng kuwarto niya. Pagbukas niyon ay nabuglawan niya si Joe. “I’m sorry kung bigla kitang niyayang bumalik dito,” sabi nito. Tumango lang siya. “Hindi naman talaga natin dapat pinag-uusapan ang tungkol doon. Matagal na iyon at may kaniya-kaniyang buhay na tayo ngayon.” “The truth is, I cannot speak of it as casually as you can, Ayesha.” Pag-amin ni Joe, sa wakas ay nagawa niyang sabihin iyon kay Ayesha. Lihim siyang nasasaktan kanina dahil napaka-casual lang nitong binabanggit ang tungkol sa nakaraan nila sa Balesin. Oo at alam niyang wala siyang masaktan ngun