Chapter 28 MAAGANG gumising si Ayesha nang araw na iyon dahil mamamalengke siya. Hindi na niya nadatnan pa si Joe na maaga ring umalis papuntang farm. Dahil sa nakaraang barbecue party na ginanap sa villa, nalaman ng isa sa mga kamag-anak ni Joe na isa pala siyang chef at ngayon nga ay umorder ito sa kaniya ng pagpapaluto. Naligo muna siya at kapagkuwan ay saka lumabas ng kuwarto. Naabutan niya sa salas si Maria. Binatin siya nito. “Ma’am, good morning po. Ipaghahanda ko na po ba kayo ng breakfast niyo?” tanong nito pagkakita sa kaniya. “Sige. Saka coffee, pakidala mo na lang sa terrace at doon ko gusto magbreakfast.” sagot niya rito. “Okay po.” Mayamaya pa ay nakapaghain na ito sa lamesang naroroon sa terrace ng cootage. Humigop muna siya ng mainit na k