Chapter 5
Dumating ang araw ng Linggo. Maagang gumising si Ayesha—as always. Second anniversary nila ni Paolo kaya excited siya. Bumangon na siya at pumasok sa CR na naroroon para maghilamos saka siya lumabas ng kuwarto. Bumaba na siya para mag-breakfast. Nasa hagdanan pa lamang siya nang matigilan siya sa kaniyang nakita.
Flowers… red and pink roses… at punong-puno niyon ang buong bahay niya. Kahit sa sahig ay may mga nakalagay na pots at mayroon lang ginawang pathway para malakaran niya. River of roses.
Napailing siya. Hindi niya malaman kung dapat siyang matuwa o hindi sa gesture of love ni Paolo na iyon. As always, on the excess na naman ito sa pagpapakita ng feelings. Minsan tuloy ay hindi niya maiwasang isipin if it was just for a show o talagang by nature ay ganoon ang lalaki.
Pero sa nakikita niyang iyon, sinong babae ang hindi matutunaw ang puso at lalong mai-inlove dito?
Bumaba siya na feeling reyna. Nakangiti ang kaniyang maid na si Maria nang salubungin siya ng mga mata nito. Nang-aasar pang nag-bow ito sa kaniya.
“Masyado yatang marami. Mas mabuti pa siguro ay ilabas mo na ‘yong iba o kaya ay ipamigay mo sa mga kapitbahay na plantita. Sayang naman kung tayong dalawa lang ang makaka-appreciate ng mga ‘yan,” utos niya sa kawaksi, in her tactful way of desposing the lovely roses.
“Pero, Ma’am, bigay po ni Sir Paolo ang mga ‘yan!” sabi sa kaniya ni Maria, atubiling sundin ang kaniyang ipinag-uutos.
“I know. Pero masyadong marami, ‘di ba? Mag-iwan ka na lang ng dalawa sa sala at isa sa kitchen, ‘tapos maghilera ka sa labas. The rest, idispatsa mo na. Ayokong maamoy ang mga ‘yan kapag nagsimula nang matuyo.”
Tumango na lang ito sa bilin niya. Marahil ay nagtataka sa iginagawi niya. Kung ang ibang babae nga naman ay napakahilig sa mga bulaklak na rosas, kabaligtaran naman niyon si Ayesha.
“Ayusin mo na lang pag-alis ko.” Dumiretso siya sa dining room, kung saan naabutan niyang nakahanda na ang breakfast meal na paborito niya mula sa Tsokolateria, ang restaurant sa Tagaytay na paborito nilang puntahan ni Paolo.
Umupo siya sa upuang naroon. Mainit init pa ang mushroom risotto with tsoko vinaigrette, at ang napakasarap na tablea churros waffle topped with different fresh fruits at syempre, ang paborito niyang tsoko mallow. Napangiti uli siya. Hindi na nakatiis, kinuha niya ang kaniyang cell phone at tinawagan ang nobyo.
“You’re really spoiling me,” sabi niya.
“Happy anniversary sweetie! You deserved it. Walk me through it.”
“Ano ‘yan, figuratively or literally?”
“Basta, have your breakfast then you’ll see.”
“Okay. Baka hindi na ko makakain sa excitement, ha?
“I’ll see you before lunch, sweetie. Maliligo na ako and then susunduin na kita riyan.”
“Okay. I love you. Happy anniversary!”
“’Love you, too.”
Naputol na ang video call.
“Ma’am, maraming ipinadala si Sir Paolo na ganyan,” sabi ni Maria.
“Fine. Kainin mo na. Hindi na masarap ‘yon kapag na-reheat.”
“Sigurado po kayo, Ma’am?”
“Hindi na ako magla-lunch dito pati dinner. Ikaw na ang bahalang magluto para sa’yo, okay?”
“Sige po.” Sabi nito habang tumatango.
Kumain na siya. Hindi niya naubos ang halos dobleng order ng bawat isang nakahain sa hapag. Nagmamadali na siyang lumabas, half-expecting na makikita niyang may bago na naman siyang luxury car—courtesy of Paolo Gerodias.
Hindi siya nagkamali.
Nasa harap nga ang SUV na pinapangarap niya—with matching black and pink balloons na may “Happy Anniversary” banner, teddy bears, flower bouquet, cake at kung anu-anong party decors ang makikita sa trunk ng bagong-bagong SUV car. Nakiuso pa talaga ang kaniyang nobyo, ‘yon kasi ang nauuso ngayon pang-surprise. Hindi tuloy niya maitago ang sobrang kaligayahan sa pang-i-spoil sa kaniya ng nobyo.
Tinawag niya uli si Maria at saka nagpakuha dito ng picture kasama ng sorpresa sa kaniya ni Paolo. Ipo-post niya ito mamaya sa kaniya social media account.
Nasa ganon silang pwesto nang mapadaan ang kaniyang best enemy turned neighbor—si Clarissa kasama ang alaga nitong aso pagwo-walking. Nabawasan ang ngiti niya at pumormal siya ng tindig pagkakita sa mga ito.
“Well, well! How lucky can a girl be?”
“Are you here to annoy me?” piksi niya.
Tumirik ang mga mata niya. At agad na siyang pumasok sa loob ng kaniyang bahay. Ayaw niyang masira ang kaniyang araw nang dahil lang dito.
High school classmate nya si Clarissa. Sa dinami-dami ng mapagtutuunan nito ng pansin, siya ang naging fixation ng bruha. Mula sa damit hanggang sa style ng gupit ng buhok, mula sa favorite tv shows niya hanggang sa kung ano ang kinakain niya sa mga restaurants at pati gamit sa eskwelahan, palagi nitong ineespiya at saka gagayahin. Wala naman siyang reklamo noon. Pero nainis na siya noong graduating na sila dahil pakiramdam niya ay parang kakambal niya ito dahil talaga namang lahat ng ayos niya ay ginagaya nito.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang makapag-dormitory siya noon dahil hindi na niya ito makikita pa. Akalain ba naman niyang nang mag-college ito ay kumuha rin ito ng kuwarto sa dorm na tinitirhan niya! Kung hindi ba naman talagang iniinis siya nito?
Siyempre, nagsimula na naman ang panggagaya nito—at lahat-lahat na. Pinalalabas pa nitong siya ang gumagaya sa porma nito. Graduating na sila parehas sa college nang gawin nito ang isang bagay na hinding hindi niya mapapatawad ito kailanman.
Nagdala ba naman kasi ito ng lalaki sa dormitory nila. Umakyat ito sa kuwarto nito, saka itinuro sa lalaking kasama nito ang kuwarto nilang tatlo nina Scarlet at Janiel. Itinaon pa talaga ng gaga na wala ang mga kasama niya. Inakyat siya ng lalaki, saka dinaluhong at pinaghahalikan! Tako na takot siya ng mga oras na iyon!
Muntik na siyang ma-r**e dahil medyo lasing ang lalaki. Hindi rin nito gaanong ma-distinguish ang kaibahan nila ni Clarissa dahil nga ginagaya siya ng bruha. Napilitan siyang patawarin ang lalaki na nang mahimasmasan ay talagang tigas ang paghingi ng paumanhin sa kaniya.
Nang harapin niya si Clarissa ay napagbuhatan talaga niya ito ng kamay sa tindi ng kaniyang galit. At hindi lang sabunot at sampal kundi suntok at tadyak ang ipinatikim niya sa talipandas. Dis-oras ng gabi ay lumayas ito sa dorm sa takot na mabangasan niya nang tuluyan ang pagmumukha nito. Ganoon katindi ang galit niya sa babaeng ito dahil sa kamuntikan na siyang mapahamak sa kagagawan nito.
Noon lang nanahimik ang buhay niya mula sa luka-lukang si Clarissa. Nang makapagtapos ng college ay nabalitaan na lang niyang nagpunta ito sa ibang bansa at ilang taon ding namalagi roon. Kung saan-saan pa ito napadpad. Saka niya nabalitaang kumukuha na ito ng Law. Nagpatay-malisya na lamang siya.
Nalaman na lang niya na junior attorney na ito sa isang Law Firm noon at kamakailan nga ay natanggap ito sa Gerodias Suchiano Estrella—ang Law Firm kung saan nagtatrabaho ang kaniyang nobyong si Paolo. Napataas talaga ang kaniyang kilay ng malaman niya iyon. Talagang napakaliit ng mundo, sa law firm pa talaga ng kaniyang nobyo ninais nitong magtrabaho. Gigil na gigil siya dahil sariwa pa sa isip niya ang kasalanang nagawa nito sa kaniya, kahit pa sabihing dala lang daw iyon ng kapilyahan noong kabataan nila.
Ang tanging konsolasyon na lang niya ay hindi na nito ginagaya ang style of fashion niya. Sa wakas ay nagkaroon na ito ng sarili nitong personality, pero super feeling sophisticated naman ang bruha at ito nga matapos niyang lumipat ng bahay e sa kalapit niya ito kumuha din ng bahay. Kalilipat lang nito a week ago, ayaw man niya itong maging kapitbahay ay wala na siyang magagawa pa. Nag-eenjoy siya sa lugar, she will just ignore her na lang, alo niya sa kaniyang sarili.
Since Clarissa work for her boyfriend’s Law Firm, Ayesha kept her counsel with regards to Clarissa. Magaspang lang naman kasi ugali niya rito kapag sila na lang dalawa ang magkaharap.
Alam kasi niya na kapag kinuwento niya sa iba ang back story nila at malaman ang galit niya rito, ay siya lang din ang mapupulaan ng mga makakarinig ng kanilang kwento. Isa pa, na-master na yata ng bruhang si Clarissa ang lahat ng tricks kung paano siya inisin at gagalitin in every turn.
As a matter of fact, wala ring nakakaalam ng interes nito kay Paolo—na obviously ay hindi naman talaga nito tinatago. Kibit-balikat na lang na tinatanggap niya ang lahat ng balitang nakakarating sa kaniya tungkol sa kalandian ng bruha sa boyfriend niya. Iignorahin na lang niya ito at magpo-focus na lang siya sa goal nilang mag-jowa.
Inside of her, alam niyang nanggagalaiti sa inggit sa kaniya si Clarissa. She was on the top of her career plus may boyfriend pang kagaya ng boss nitong si Paolo. It was a pleasure for her na makita ang bruhang si Clarissa na parang inasinang bulate sa pamimilipit dahil sa sobrang inis nito sa kaniya.
Nahinto ang pagmumuni-muni niya kay Clarissa ng tawagin siya ni Maria.
“Ma’am, baka ma-late kana po sa date niyo ni Sir Paolo.” Untag nito sa kaniya.
Sa sinabi nito ay napalitan ang kaniyang inis kanina ng isang matamis na ngiti. Naalala niya ang kaniyang nobyo at ang walang katapusang sorpresa nito para sa kaniya nang araw na iyon.
Gumayak na siya para sa kanilang date. Nasisiguro na niyang hindi pa roon ang mga pakulong sorpresa para sa kaniya ng kaniyang nobyo. Muli ay nanumbalik ang excitement na kaniyang nararamdaman.
“Hay, Paolo…”
She couldn’t ask for more…