Chapter 15 NASAGOT ng pagpapaalam ni Paolo ang problema ni Ayesha kung paano tatakasan ang nobyo. Sa halip na malungkot ay tumalon ang puso niya nang sabihin nitong aalis muna ito at may conference itong dadaluhan sa ibang bansa. Isinasama siya nito pero tumanggi siya at sinabing uuwi muna siya ng Rizal para dalawin ang parents niya tutal ay naka-leave naman siya sa trabaho. “Gusto ko lang silang makasama sa mga last month ng pagiging single ko. To tell you the truth, tatlong beses pa lang akong nakakapasyal doon at hindi na nakabalik mula nang makapagtrabaho ako sa Italianni’s,” katwiran niya. Acceptable ang eksplanasyon niyang iyon dito. Apologetic pa nga ito nang sabihing pansamantala muna nilang maihihinto ang preparations para sa kani