Chapter 23 HINDI na-disappoint si Ayesha sa lasa ng luto ni Joe. Para ngang mas masarap pa iyon kaysa sa una niyang natikman kahapon. Mas enjoy pa siya dahil may kasama pang dalawang salad at steak ang kinakain niya nang mga sandaling iyon. Hindi niya maitago ang enthusiasm habang kumakain. “Grabe, ang sarap. Mas sanay akong ako ang nagluluto ng ganitong pagkain, ngayon lang yata ako nakaranas nang ako ang ipagluto ng ganitong kasarap.” “Ma’am, ang sarap nga po ng luto ni Sir,” pagsang-ayon sa kaniya ni Maria na kasalo rin nilang kumakain ng mga sandaling iyon. Natutuwa naman si Joe sa sinabi nina Ayesha patungkol sa kaniyang luto. Its his pleasure na ipagluto ito, kaya naman siniguro niya talagang masarap ang pagkakaluto niyon para hindi ito madismaya. “Siyempre naman.