Chapter 24 KUMUKULO ang dugo ni Clarissa sa kaniyang kapitbahay na si Ayesha, paano ba naman kasi ay hindi siya magkandaugaga sa mga paper works na naiwan ng nobyo nito sa kanilang opisina, kasalukuyan kasing umaattend daw ng conference sa Singapore ang kaniyang boss na si Paolo. Of all the juicy works, iyong pro bono pang mga kaso ang nakuha niya sa raffle ng mga iyon. Isang buwan din kasing mawawala ang lalaki. At ang nakakainis pa, kung alin pa ang mga pro bono cases ay iyon pa ang mahirap hawakan. Nasisiguro pa niyang kapag naging busy na ang mga ito sa pagpe-prepare para sa nalalapit na kasal ng dalawa ay dadami pang lalo ang kaniyang mga trabaho. Sumakit tuloy ang ulo niya. Napatigil siya sa pagrereview ng mga dokumentong nasa harapan niya. Kung hindi lang niya nabalitaan din