Chapter 29

1245 Words

Chapter 29 KINABUKASAN bandang hapon habang abala si Ayesha sa pag-aayos ng sarili ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang mama. “Napilitan na akong sabihin na wala ka rito sa Rizal, Ayesha. Sabi ko, niyaya ka n’ong ilang kaibigan mo na taga-rito na pumunta sa Cellosial Farm. Hindi ko kako alam kung saan kayo pupunta pagkagaling niyo roon. Hindi ko rin kako alam kung bakit hindi mo sinasagot ang mga calls niya.” Napakunot-noo siya nang marinig ang sinabi ng kaniyang ina tungkol sa kaniyang kapitbahay na si Clarissa. Ang buong akala kasi ng mama niya ay mabuti na ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa ni Clarissa. Bukod kasi sa kaklase niya ito noong high school ay kapitbahay na nga niya ngayon sa bago niyang bahay sa Manila. “Hindi naman siya tumatawag sa akin, Mama. Wala ni isan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD