Chapter 30TATLONG araw na dire-diretso ang naging paglabas nina Joe at Ayesha para i-entertain ang mga business partners ng binata sa mga future projects nito sa iba’t ibang field. Niyakag pa nila si Lola Senyang sa party with his Palawan group, pero nag-decline ang matanda dahil bibisita raw sa villa ang ilang kamag-anak nito. Bigla kasing nagkabuhay ulit ang social life nito, kasama ng limang lolang ‘ampon’ nito sa kasalukuyan. “Humayo kayong dalawa, dito na lang kami sa villa. Enjoy yourselves,” ang sabi pa ni Lola Senyang sa kanila ni Joe nang paalis na sila. Halos gabi-gabi ay parang may senior citizens’ meeting sa villa. Nagsasayawan ang mga ito, nakikinig sa phonograph—na hindi niya alam kung saan nahagilap ni Joe, pati na ang mga lumang plakang kasama niyon—at nagbubukl