Chapter 13 MAAGANG pumasok sa trabaho niya si Ayesha nang araw na iyon ng Huwebes. “Good morning, Chef.” Bati sa kaniya ng isa sa mga staff doon. “’Morning,” ganting bati niya rito. Dumiretso na siya sa locker room at saka nagpalit ng chef’s apron niya. Sinilip niya ang kanilang mga menu para sa araw na iyon sa bulletin board na nakapaskil doon saka pumasok na sa kitchen. Enjoy siya sa kaniyang trabaho dahil may hatid na challenge iyon sa kaniya. Excited siyang palagi sa paghahanda ng artful na mga pagkain. Naaalala niya na ang mga taon niya sa eskuwelahan noon ang happiest years niya dahil gustung-gusto talaga niya ang ginagawa niya. Mayamaya pa ay busy na ang lahat sa kitchen ng restaurant na iyon. “Well?” aniya habang