"This is one of his pack." Ani ni mommy habang nakatingin sa bangkay ng lalaki.
"This is not his beta. Nathan is his real beta." Dagdag nila
Hinukay kasi nila ito upang makita kung sino ito. Nasabi ko na rin ang nangyaring pagatake niya at yung bintanang inayos ni Maynard ngunit parang hindi naman ako pinagtutuonan ng pansin ni mommy.
"Huwag mong hahayaang masugatan ka, Tracy. Your blood is.... I think you've got the ability of your mother, baby." Wika ni daddy.
"I have the ability too? Ano yun?" Nakangiti kong tanong.
"Attraction." Tugon ni mommy ngunit kumunot lamang ang noo ko dito.
"Your blood could attract someone, even your brother. If he couldn't control it, he might hurt you." Sabi nila atsaka tinignan si kuya.
"It can attract someone whose sense of smell is strong. It can attract someone even if it's far from you, baby. So, I need you to be really careful not to scratch yourself. Huwag mong hahayaan na may makaamoy ng iyong dugo."
"Paano kung hindi ito sinadya at nasugat nanaman ako?" Tanong ko ngunit hindi sila agad sumagot at tumingin kay kuya bago saakin.
"Go and never leave your brother. He can protect you."
"I can't mom. Hindi ko sila kaya. Hindi ako malakas katulad nila. I'm just a teenage vampire boy, I can't protect Tracy alone. I need you mom, dad." Aniya. Tinawag siya nila daddy at pinaupo sakanilang pagitan. Tinawag din nila ako kaya ako sumunod.
"We don't want you to just protect her, Jackson. We want you to protect and be there for each other."
"If your brother can't control his powers and thirst, be there to him, baby. If your sister needs someone who has the ability no human has possess, be there to her, baby." Sambit ni daddy saamin.
"Siblings suppose to be there at each other's back not just the only one. It's suppose to be equal, babies." Pagdagdag nila. Tinignan naman sila ni mommy.
"You, baby. Do what your ability can provide for your brother and he'll do what his ability can for you."
"It doesn't need to be always him that saves you, you also need to save him." Wika ni mommy saakin.
"How can I save and protect him? I'm not like you. Wala akong kapangyarihan, hindi ako marunong makipag laban, hindi ako marunong humawak ng espada, hindi ako matapang tapos mabilis pa akong mapagod." Malungkot kong sabi ngunit hinawakan ni kuya yung kamay ko.
"But you have the extraordinary mind, Tracy. If it's not because of you, I will not know the codes we've cracked earlier."
"If it's not because of our ability, I will not know the answers. I couldn't provide ideas. I couldn't think properly without your guide, Tracy." Pagtuloy niya kaya kahit papaano ay napangiti ako.
Ilang oras pa kaming nagkwentuhan na parang normal na pamilya, kumain din kami at si mommy ang nagluto kahit hindi naman nila alam pero tinulungan namin sila kaya parang lahat kami ang nagluto, nahiga rin kami ng magkakatabi pagkatapos naming iayos ang pinag kainan namin hanggang sa nagsalita na silang kailangan na nilang umalis.
"Me and your father needs to go. A little minute without us there might result to a big destructions and chaos to everybody." Wika ni mommy habang nag aayos ng kaniyang mahabang buhok.
Kung titignan sila ay para silang walang anak. Siguro kung normal na tao sila ay mga nasa twenty-two o twenty-three years old sila. Si daddy naman ay parang modelo at may taong dalawamput-apat o dalawamput-limang gulang.
"Kailangan na po ba talaga? Pwedeng bukas na kayo umalis?" Tanong ko. Naupo naman si daddy upang bahagya akong mapantayan.
"The time will get here, baby. The time will come. It will come when it's its moment."
"Huh?"
"Ang ibig lang sabihin ng daddy mo ay darating din ang panahong makakapag sama na tayong lahat. Wala ng dahilan na itago pa kayo. Sa ngayon, ang kailangan nating lahat ay pasensya."
"Pero maikli lang po pero ang pasensya niyo, parang si kuya?" Kunot noo kong tanong na nagpatawa kay daddy.
"You're really just like your father. Mauna na ako." Anila atsaka na lumabas.
"Galit ba sila, daddy? Nag tanong lang naman po ako. Masama ba yung tanong ko?"
"Hindi. Ganiyan lang talaga ang mommy niyo. Masasanay rin kayo." Sabi nila atsaka bahagyang ginulo ang buhok namin ni kuya atsaka hinalikan bago sila umalis. Kahit ilang beses nang ganito ang nangyayari, pauli-ulit pa rin akong nasasaktan at naiiyak sa pag alis nila.
"We'll be fine, Tracy." Sambit ni kuya atsaka ako marahang tinapik sa balikat bago siya pumasok sakaniyang kwarto. Agad naman akong sumunod at naabutan siyang nag bibihis.
"Akala ko ba hahanapin natin si Sam?"
"Yes, we will. Kaya na nga ako nag bibihis. Ikaw? Parang wala kang balak at hindi ka pa nag aayos." Aniya kaya hindi ako agad nakaimik at nakagalaw.
Nagbihis na ako saaking kwarto at sabay na kaming lumabas upang magpunta sa kakahuyan. Ako ang nagsabing dito kami magpunta dahil malakas ang loob kong may kung ano dito.
"Ayos ka lang ba kuya? Your eyes are glowing." Kinakabahan kong tanong sakaniya.
"Huwag kang matakot. I'm just using it because it's dark."
"So you can control it?" Masaya kong tanong agad.
"No. Just this." Sagot niya rin agad.
"You know what, kuya? I wish we'll live like a normal people here. There's dad, mom, you and I in the same roof."
"Maybe it is really the process, Tracy."
"Process? What do you mean?"
"The happening. Dad and mom being away with us for the chaos and danger will also keep away to us. The process that is happening is the stage, or let's just say a phase on our lives. Siguro, sa susunod na yugto ng buhay natin ay matupad na 'yang pangarap mo."
"Pangarap ko? Ikaw ba? Ano ba ang pangarap mo?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot at huminto na parang may pinapakiramdaman.
"Baki-"
"Shhhh" Aniya.
"Come." Mahinang mahina na sabi niya kaya ako sumunod.
"What is it? Anong meron?"
"Mom's still here."
"Ano? Nasaan? Nandito mismo?"
"I don't know. That's why we need to hide. Malalagot talaga tayo, lalo na ako, pag nakita nila tayo dito."
"This place is huge. Halos magkakapareho ang mga nakikita ko sa nakikita nila kaya hindi ko alam kung nasaan silang parte."
"Maybe this isn't the place you're seeing in mom's vision. Baka sa lugar na natin?" Tanong ko matapos ang ilang segundo. Hindi siya agad nakasagot, ngunit matapos ang ilang momento ay nagpakawala siya ng malalim na paghinga.
"Nagiingat lang ako." Pag irap niya.
Ganito siya kung nakagawa siya ng kahihiyan. Pero ako lang yata ang pinapakitaan niya nito. Pag sa iba kasi patay malisya siya. Pero hindi kasi siya madalas magsalita kung tungkol sa pagiging kakaiba niya, namin, o sa kung ano mang bagay na may kinalaman sa pinanggalingan at kung ano kami. Hindi siya madalas gumawa ng mga bagay na ganito kung may kasama kaming iba. Siguro ay ayaw niyang ipa-pansin na magkapatid kami.
Mahirap na kasi kung matanong kung ano ba talaga kaming dalawa. Minsan ay napagkakamalan kaming may romansang relasyon dahil mas madalas kaming magkasama kaysa sa kahit na kanino sa mga kaibigan namin.
Agad akong napatigil nang biglang kumabog ng mabilis at mabibigat ang aking puso. Para akong hinahabol ng kung ano. Para akong nakagawa ng kasalanang napakabigat. Para akong.... Parang may hindi magandang mangyayari.
"Anong hindi magandang mangyayari? Can't you identify or know a little about it?" Tanong ni kuya na alam kong nabasa ang aking iniisip.
"Okay" Sagot niya saakin nang bigla kong naisip na maging alerto na lang siya kung sakaling saamin ang may hindi magandang mangyayari.
"Tracy." Wika niya.
"I am sure mom is really here."
"Nasaan? Bakit nandito pa rin sila?"
"Mom is looking at... I don't know how could I explain it. Basta parang yung mga puno at mga dahon o mga halaman ay humaharang sa lalaki. Tumatakbo siya. Para siyang may mga sugat o tama. Parang galing siya sa pakikipag away at nakatakas lang."
"Nasaan sila?"
"I definitely don't know where is that place. All I know is mom's like... she's on the high place. Like, really high place."
"Why?" Tanong ko.
"Because I'm a vampire too. Mom is using vampire's-no. Hindi lang bampira... I don't know. Naguguluhan na ako, at nahihilo." Pagpikit niya ng mariin.
"No. What I meant is, why is mom there?"
"I don't know."
"Bakit? Ano ba ang nangyayari?"
"Mom's vision right now is in 360 degree view. Para pa silang gumagalaw kaya mas nahihilo ako."
Bigla siyang napatigil at napatingin sa paligid at saakin.
"We need to go. We need to hide." Seryoso niyang sabi atsaka ako mabilis na hinila.
"Ang bilis mo. Hindi ko kayang tumakbo ng ganito." Nanghihina kong sambit. Napakamot siya sakaniyang ulo dahil sa kairitahan atsaka ako hinarap. Pinasakay niya ako sakaniyang likod at mabilis na tumakbo gamit ang kaniyang bampirang kakayahan.
"s**t, s**t, s**t, s**t, s**t, shit." Pagmura niya atsaka tumigil. Nagpunta siya sa napakaraming halaman at doon kami nagtago.
"Anong nangyayari?" Tanong ko.
"He's here."
Pagsagot niya saakin ay napatingin ako agad sa lalaking sugat sugat. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha gaya ni kuya base sa pagkakabasa ko sakaniyang isipan.
"Nasaan na sila?" Tanong ko at tinukoy si mommy.
"Nawala na. Hindi ko na makita." Tugon niya.
Biglang naagaw ng atensyon ko ang kulay ng mata ng lalaki. Hindi ko pa rin makita ang kaniyang mukha dahil sa dilim at dahil na rin sakaniyang buhok na humaharang sakaniyang mukha at ang pulang tela na nakatakip sakaniyang ilong pababa.
Naging sobrang pula nito, katulad ng kapulaan ng mata ni kuya pag sobra na ang kaniyang pagkauhaw. Hindi pala. Mas nagliliyab pala ang kulay ng mata ng lalaking ito.
Nagpalit ito at naging kulay dilaw na para ring nagliliyab. Ang mga mata niya ang nangingibabaw sa gitna ng kadiliman ngayon. Parang nawalan ng lakas ang liwanag ng buwan dahil sa mga ito.
"Para siyang bampira. Para rin siyang lobo."
"Or maybe both. He's vampire and werewolf?" Ani ni kuya.
"I think he smells your blood, Tracy. Nasugat ka ba? Nagasgas?"
"No. Hindi naman."
"Okay. He is definitely smelling your blood." Madiin niyang sabi nang makita ang lalaki na unti-unting lumalapit papunta saaming kinaroroonan na parang sinusundan ang kaniyang naamoy.
Dahil sa hindi ko inasahang nangyari ay nakatingin pa rin ako sa lalaking nakahandusay sa lupa habang ang ilaw ng sasakyan ni Wil ay nakatutok saamin. Hindi ko ito nasundan. Masyado kasi akong nakuha ng kulay ng mata ng lalaki.
"You killed him, Wil. Sira na ba ang ulo mo?" Rinig naming tanong ni Pat sa loob ng sasakyan.
"Nakakatakot dito. Hindi ko siya napansin." Sagot niya.
"Paano kasi, wala dito sila Ken at Lauren. Imbes na kasama sana natin sila upang mahanap si Sam ay wala." Wika naman ni Pat.
"Pero hindi naman siya mamatay ng ganon-ganon na lang, ano?" Nag aalalang tanong ni Wil.
"Ang lakas ng pagkakabunggo mo sakaniya. Ayun nga oh, tumilapon sa malayo. Nandito lang siya kanina at ngayon ay nandoon na siya."
"Makukulong ba ako nito?"
"Hindi... siguro? Ewan. Si Sam ang may ideya sa mga ganiyan."
"Bakit nga ba nandito siya? Anong oras na at bakit nandito siya?" Tukoy ni Pat sa lalaki.
"Baka mamamatay tao rin siya?" Tanong ni Wil.
"May point ka." Sang-ayon naman niya.
Paglabas namin ni kuya sa pinagtataguan namin ay parang nakakita ng multo sila Pat at Wil. Agad din kaming pumasok sakaniyang sasakyan matapos naming hawakan ang lalaki kung buhay pa ba ito. Wala na siyang pulso at hindi na rin humihinga.
"You know what, kuya. I think we're both an idiot."
"Bakit?"
"Kasi hindi natin tinignan yung mukha niya. Hindi natin inalis yung telang nasa mukha niya." Aniko. Ilang segundo ay napatawa si kuya kaya rin ako napatawa.
"Ang tanga natin pareho." Aniya.
"Why are you guys laughing?" Tanong ni Wil at Pat.
"Nothing. Let's go and figure out what are we gonna do to find Sam and the two girls." Biglang balik sa dati ni kuya.