Prologue - KIDNAPPED
"Jackson? Saan ka pupunta?"
"Kuya." Madiin niyang sagot habang diretso pa rin sa paglalakad.
"Saan ka ba pupunta?"
"Ikaw? Saan ka pupunta?" Pagharap niya saakin kaya ako agad napatigil.
"Kung saan ka pupunta."
"Magpunta ka na kasi doon. Ang kulit mo."
"Saan ka ba kasi pupunta? Bakit palagi mo na lang akong iniiwan?" Tanong ko ngunit tumalikod na siya at nagpatuloy sa paglalakad kaya ako sumunod.
"Ayaw mo akong palabasin mag isa. Pero pag sasama naman ako sayo, kasama na kita niyan ahh, ayaw mo pa rin. Ano bang gusto mong mangyari? Tumanda ako doon sa bahay?"
"Matanda ka naman nang tignan."
"Jackson."
"Kuya nga. Hindi ka marunong gumalang."
"Kakambal kita ahh. Sabi ni ano"
"Sino?" Bigla niyang tanong pagharap niya kaya ako napaupo dahil sa pagkabigla.
"Wala."
"Sino? Sinong nagsabi?"
"Wala nga."
"Sino nga?"
"Yung boses sa isip ko. Sabi niya magkambal tayo." Sagot ko habang nakayuko.
"Boses? Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya pagupo niya upang pumantay ang mata saakin pagkatapos niyang hawakan ang aking baba.
"Kilala mo ba kung sino siya?" Tanong niya ulit kaya ko siya sinagot ng pag iling.
Ilang segundo siyang tumigil na parang nag iisip hanggang sa sinamahan niya na akong tumayo.
"Halika. Bumalik na tayo."
"Saan ka ba talaga pupunta kanina?"
"May gusto akong alamin."
"Ano?"
"Basta."
"Ano nga? Ang daya mo naman." Reklamo ko kaya siya humarap saakin.
"Dahil katulad mo ay mayroon ding nangyayari saakin. Hindi ko naririnig, Tracy. Nakikita ko ang nakikita ng hindi ko kilalang nilalang." Aniya na nagpatahimik saakin ng ilang saglit.
"Sa tingin mo ba'y may koneksyon sila saatin? Baka magulang natin sila?" Aniko. Siya naman ang tumahimik ng ilang saglit bago salubungin ang aking tingin.
"Hindi ko alam. Kaya nga gusto kong malaman. Pero hindi pwedeng kasama kita dahil baka mapahamak ka."
"Hindi ako mapapahamak, kuya. Nanjan ka at alam kong hindi mo ako pababayaan."
"Halika na nga." Paghila ko sakaniya pabalik.
Pagbalik namin ay wala kaming naabutan sa bahay. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng makakain dahil kumakalam na ang sikmura ko.
"Well I've seen you in jeans with no make-up on
And I've stood there in awe as your date for the prom
I'm blessed as a girl to have seen you in blue
But I've never seen anything quite like you tonight
No, I've never seen anything quite like you" pagkanta ko.
"Kuya?" Tawag ko habang nagbabalat ng mansanas.
Sabi saakin ni kuya ay kakaiba raw ako dahil hindi ako kumakain ng mansanas na may balat.
"Alam mo ba kung ano yung make-up?" Tanong ko.
Kasi naririnig kong kinakanta ito ng boses sa isip ko. Binago ko lang yung iba kasi hindi naman ako lalaki. At gusto ko ng kulay blue na suot ni kuya. Ang gwapo niya kasi doon.
"Yung jeans? Eh yung date? Yung prom?" Tanong ko ulit ngunit hindi niya ako sinasagot.
"Kuya? Nasaan ka nanaman?" Tanong ko nang matapos ko ang pagbabalat.
Hinanap ko siya hanggang sa makarating ako sa labas ngunit hindi ko siya makita.
"Kuya?" Tawag ko habang ngumunguya.
"Nasaan ka nanaman? Iniwanan mo nanaman ako."
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga atsaka pumikit.
"Kuya? Nasaan ka nanaman? Iniwanan mo nanaman ako." Pagkausap ko sakaniya sa isip.
"Huwag ka ng susunod. Ang kulit mo." Sagot niya.
"Saan ka ba pupunta?"
"Sinabi ko na sayo diba? Hahanapin ko kung kaninong paningin ang nakikita ko. Baka sakaling mahanap ko rin yung naririnig mo."
Nalunok ko ng wala sa oras ang aking kinakain nang may makita akong mga lalaking mabilis naglilipat lipat ng pwesto papalapit saakin.
"Hello. Anong pangalan mo?" Tanong ng isang lalaki kaya ko nabitiwan ang mansanas ko.
"Sino po kayo? Wala po dito si-"
"Hindi sila ang hinahanap ko. Ano ba ang pangalan mo?" Ngiti niyang tanong habang patuloy sa paglapit saakin habang palayo ako sakaniya.
"T-tracy po."
"Tracy. Ok, Tracy may kasama ka ba sa bahay niyo?"
"W-wala po. Bakit po?"
"Ahh." Pagtango niya atsaka tumingin sa paligid at pinitik ang daliri.
Sa paglabas ng mga lalaki na nagtatago ay napatigil ako sa pagatras.
"Kuya. Kuya may mga nandito. Kuya." Nanginginig at naluluha kong sabi sakaniya.
"Ano?" Malakas niyang tugon.
"Bumalik ka sa loob. Isarado mo lahat ng pinto at bintana. Pauwi na ako."
"Wala na kuya. Ang dami nila kuya. Tulungan mo ako. Sa tingin ko ay masasama sila."
Biglang may nagtakip ng aking bibig dahilan ng pagikot hanggang sa pagdilim ng aking paningin.
"Halina tayo. Siguraduhin niyong walang nakakita." Rinig kong sabi ng lalaking kausap ako kanina.
"Kuya. Wag ka ng susunod."
"Tracy? Nasaan kayo? Sabihin mo saakin? Ano ba?"
"Hindi ko alam kuya. Hindi ko maibukas yung mata ko."
"Nasaan ka? Anong sinasakyan niyo?"
"Hindi ko alam."
"Sabihin mo, Tracy. Subukan mo. Sige na."
"Hawak nila ako, kuya. Wag ka ng susunod."
...
"Tracy? Kamusta ka na?"
"Hindi pa rin ako makagalaw, kuya. Gustong gusto ko ng makakita."
"Lakasan mo lang loob mo, Tracy. Lakasan mo lang kasi si kuya nilalakasan din niya ang loob niya."
"Huwag mo na akong hanapin kuya. Alam kong hindi na nila ako ibabalik."
"Hindi. Hindi ako papayag. Dito ka saakin. Sa tabi lang kita."
"Kahit naman mahanap mo ako, kuya, hindi mo ako mababawi kasi marami sila. Malalakas sila, kuya."
"Sinubukan kong tumakas dati, kaso katulad mo sila, kuya. May mga pangil din sila."
"Ang sasama nila."
"Hahanapin kita, Tracy. Magsasama ulit tayo. At pinapangako ko sayo na hindi na kita iiwanan."
"Patawarin mo ako, Tracy. Patawarin mo si kuya dahil sa pag iwan niya sayo."
"Hindi naman kita sinisisi. Wala naman saatin ang may kasalanan non."
"Hindi. Kasalanan ko iyon. Iniwanan kita."
...
"Maligayang kaarawan kuya. Patawarin mo ako at wala ako jan sa tabi mo."
"Wala kang kasalanan, Tracy."
"Hanap ka na lang ng pwede mong hipan. Ihipan mo na rin ako. Wala kasing kandila dito."
"Nakakakita ka na?"
"Hindi pa rin kuya. Ilang buwan na ba akong nandito?"
"Dalawang taon na, Tracy."
"Dalawa? Ang tagal naman na non. Miss mo na siguro ako." Pagbiro ko ngunit ramdam ko saaking pisngi ang mainit na likido galing saaking mga mata.
"Bumalik ka na saakin, Tracy. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan kita hahanapin." Aniya ngunit ramdam ko na umiiyak din siya katulad ko.
"Huwag ka ng umiyak, kuya. Magiging ayos din ang lahat."
"Paano ako titigil? Umiiyak ka rin." Tugon niya na nagpalala saaking pagluha.