Chapter 14 - THE REAL BETA part1

1829 Words
"Mom's in our house, Tracy. Alam kong magagalit siya pagdating natin. Anong oras na." Ani ni kuya habang siya'y nasa harapan katabi si Wil na nagmamaneho. "Anong ipapalusot mo sa papa mo tungkol dito sa kotse mo?" Tanong ni Pat kay Wil. "Hindi ko nga alam kung uuwi na ba tayo agad. Nawawala si Sam." "We really need to go home first, Tracy. Magagalit talaga si mommy. Wala naman saating may gusto na madamay pa sila Patricia at Willow dahil sa pag uwi natin ng ganitong oras." "Tama na yung pagpunta natin sa police station kanina. Ilang oras na ang nakain non, imbes na nakauwi na tayo." "Sige. Umuwi na lang muna tayo. Sabihin mo na lang kay Wil. Hindi ko alam ang sasabihin ko." "Sabihin ko na lang na may nangyaring barilan sa pinagparkan ko nito." Sagot ni Wil kay Pat. "Guys. I think we need to go home first. Masakit na ang tiyan ni Lauren." Ani ni kuya na hindi ko inasahan. "Red days? Malapit ka na?" Nag aalalang tanong naman saakin ni Pat kaya wala na akong nagawa kundi umarteng masakit nga ito. "Ako talaga ang ipapalusot mo? Nakakairita ka." "You're a girl, Tracy. I don't have that red days thing." "Oo. Medyo sumasakit na." Pag arte ko. Narinig ko naman ang pagtawa ni kuya saaking isipan kaya ko siya inirapan kahit siya'y nakatalikod. "Paano si Sam? Anong sasabihin natin sa mama niya?" Tanong ni Wil. "But, okay. I understand." Pagpapakawala ng malalim na paghinga ni Wil. "We will find him, right? We will get him, them back, right?" "Yes, we will. We just need to go home because we won't be able to do that if mom punishes us hard for what we've done." "Okay, okay." Pagbaba namin ay nagpasalamat atsaka na kami nagpaalam sakanila Wil. Nagkatinginan muna kami ni kuya bago pumasok sa loob. Pagpasok namin ay nakapatay pa rin ang ilaw ngunit ramdam kong may kakaiba. "Explain, Tracy and Jackson. Why were you two still gone at this hour?" Madiin at maawtoridad na wika ni mommy pagbukas ko ng ilaw. Nakaupo sila sa sofa habang nakakrus ang mga binti at braso. Diretso rin ang tingin nila sa litrato naming dalawa ni kuya at hindi humarap saamin. "Ahhmm... nasa... nasa school po kami ni kuya. May tinapos lang kami, my." "Really? I got there. I ask the head, the principal and your advisers but they said the same thing. You two are gone since eleven in the morning." "You're really terrible at lying, Tracy. Hindi natin sila mapagsisinungalingan. Kilala mo naman sila." "Anong sasabihin ko?" Sarkastikong sagot ko kay kuya. "Sit." Madiing utos nila kaya namin ito sinunod. "Where did you go?" Tanong nila pag-ayos nila ng upo. "Jackson" Sabi nila kay kuya kaya kami nagulat ng bahagya. "We... we..." "Answer me properly. Where did you two go since you left the school that early?" "Nawawala po kasi yung isa naming kaibigan. Hinanap namin siya. Hindi po namin napansin yung oras. Sorry po." Tugon ni kuya habang nakayuko. "Hinanap niyo siya? Nasaan na siya ngayon?" Tanong nila ngunit hindi kami sumagot. "Hinanap niyo na siya, pero hindi niyo pa rin siya nakikita. If you do something like this with any reason you have, finish it already." Anila kaya kami mas lalong napayuko. "Hinahanap niyo lang ba siya o may pinuntahan pa kayong iba?" "W-wala na po, my." Pagsisinungaling ko. "Then what is that?" Nakakatakot nilang tanong kaya ako napapikit. "Don't lie, Tracy. Nahuli na tayo." Sabi ni kuya. "Sorry po. Nagpunta po kami doon sa clinic." "I don't tolerate liars here, Tracy. Who told you to tell lies?" "Wala po, mommy. Sorry po. Hindi na po mauulit." "No. It will. It will until you've really learn that lying to your mother is not good." "Bakit, pag may nangyaring masama sainyo jan sa labas, sino ang tutulong sainyo? Sino?" "Kung iniisip niyong mga kaibigan niyo, remember they're still human." "Alam niyo na po bang may mga lobong nagkalat dito sa lugar?" Tanong ko. "I am. And you think your friends can save you if ever those dogs got you two?" "They might die saving the both of you. Gusto niyo ba iyon?" "Hindi po." Sagot namin ni kuya. "Then don't be reckless." "Tracy, sa likod." Maawtoridad nilang utos atsaka nauna sa likod. "Kuya. Natatakot ako." Pagharap ko sakaniya habang naluluha. "Bakit ka kasi nagsinungaling? Kilala naman natin sila, hindi ba?" "Hindi ko na uulitin." "But you still need to pay, Tracy. And I'm sorry I can't do anything now. Pag nangialam ako, mas malala ang gagawin nila saating dalawa." "Ayoko namang mas mapahirapan ka kung ganon. Sige na. Sumunod ka na. She's still our mother, hindi ka niya pababayaan." "Pero nakakatakot siya, kuya. Nasaan na ba si daddy?" "Evan daddy can't do anything, Tracy. Hindi rin sila matutuwa sa ginawa mo." "Sige na." Mahinahon niyang wika atsaka ako niyakap. Pagpunta ko sa likod ay muntik na akong mapaupo dahil sa panginginig ng mga binti ko. Nakatingin sila saakin habang hawak ang kanilang espada. "You know what to do, baby." Anila atsaka ibinato saakin ang kanilang espada kaya ako napayuko habang umiiyak. "My, hindi ko na uulitin. Promise po. Hindi na." Umiiyak kong sambit atsaka nila mabilis binawi ang espada at ibinato ulit saakin. Iniwasan ko ito at napahiga at mabilis na tumayo atsaka ulit iniwasan ang pagtama ng espada saakin. "Mommy, hindi ko na talaga uulitin ang mag sinungaling sainyo. Sorry po my. Hindi ko na talaga uulitin. Promise po. Mommy!" Sigaw ko atsaka napatalon nang makitang paparating na ito saakin. "Ilang beses na natin itong ginagawa pero paulit-ulit mo rin iyong ginagawa." Sabi nila atsaka binawi ang espada. Napahawak ako saaking tuhod dahil hingal na hingal na ako. Isama pang umiiyak ako. "Bakit niyo po ba ito ginagawa? Iba na lang, my. Nakakapagod ito." Pagpunas ko ng aking luha ngunit patuloy pa rin ito sa pagagos. "Kung madadalian ka, hindi na iyon matatawag na parusa, Tracy. Paano masasabing napagbayaran mo na ang ginawa mo kung hindi ka naghirap at hindi ka natuto? Sa tingin ko nga ay hindi mo ito pinagsisisihan." Sambit nila atsaka ulit ako binato. "Sorry na po. Nagawa ko lang naman po iyon para hindi niyo kami mapagalitan masyado." "Nanghihina na po kasi si kuya. Ilang araw na siyang hindi nakakatikim ng dugo kaya ganon po. Sorry na po, my. Hindi ko na po uulitin. Promise po talagang talaga." Aniko at halos mahimatay ako nang itututok nila ang espada nila saakin habang ako'y nakahiga sa lupa. Nakalutang ito sa ere dahil sa kakayahan nila. "Call him." "I c-can't- sige po." Sagot ko at pumikit ng mariin dahil hindi pa rin nila alisin ang espada sa harapan ko. "Kuya, halika raw dito. Tawag ka ni mommy." Wika ko. Ilang momento pa ay dumating na si kuya. "Drink. Now." Utos nila at inabot ang kanilang palapulsuan. "What's the matter with your eyes?" Seryoso nilang tanong dahil nakalabas na ang mga pangil ni kuya ngunit hindi pa rin nagbabago ang kulay ng mga mata niya. "Iabot mo muna saakin yung katas ng bulaklak, kuya." Aniko atsaka niya rin ito binato malapit saakin. "My, pwede niyo na bang alisin ito?" "Not yet. We're not done yet, Tracy." Sagot nila agad kaya ako tumango habang umiiyak pa rin. Nakita ko kung paano mabilis na nagbago ang mata ni kuya at kung paano siya mabilis na kumagat kay mommy. Para siyang ilang taong hindi nakatikim ng dugo at ganon na lang kabilis kung paano siya sumipsip. Napansin ko ang pamumutla ng labi ni mommy at kung paano sila mapapikit ng mariin ngunit hindi pa rin nila pinapatigil si kuya. "Mon amour?" Wika ni daddy at sa pagtumba ni mommy ay kasabay ng pagtilapon ng kanilang espada sa malayo. Naging mabilis din si daddy at nasalo si mommy bago pa sila mapahiga sa lupa. "Sorry po. I'm really sorry mom. Sorry po. Sorry mommy. Sorry." Pag upo ni kuya habang hawak ni daddy si mommy na sobra ang panghihina. "Mon amour look at me. Look at me." Kinagat ni daddy ang kaniyang palapulsuan atsaka itinapat sa bibig ni mommy. Sumipsip sila dito at unti-unting nagkaroon ng lakas. "I'm sorry mom. Sorry po talaga." "It's okay." Tipid na sagot ni mommy. "Come here, Tracy." Tawag nila saakin kaya ako lumapit. "What will I do if you do it again?" "You will punish me, mommy." Nakayuko kong sagot. "Sorry po. Hindi ko na po uulitin." "Wag na talaga." Sabi nila atsaka marahan akong hinalikan sa tuktok ng ulo katulad ni kuya. Pinunasan naman nila ang dugo sa gilid ng labi niya. Kahit ayaw ni mommy ay inalalayan pa rin sila ni daddy hanggang sa makapasok kami sa loob. Itinago ko naman muna ang binigay ni Doc saakin. "Nagsabay kayo ngayon?" Tanong ni kuya. "We came here to check you two." Sagot ni daddy. "Bakit? May problema po ba doon? Ano po 'yon?" Tanong ko naman. Nagkatinginan muna silang dalawa ni mommy bago magpakawala ng malalim na paghinga si daddy. "Nagkaroon ng hindi inaasahang away sa pagitan ng lobo at sa mga nasasakupan ng inyong ina. Maraming nabawian ng buhay at nasugatan. At isa si Maynard sa nasugatan." "Bakit po? Ano po bang nangyari? Bakit sila sumugod?" Tanong ko ulit. Ilang segundo pa ang lumipas bago sila sumagot. "Hinahanap nila kayo. Hinahanap nila ang anak ko, at kayo yun. Alam niyo naman ang tungkol saakin at sa inyong ina, hindi ba? Kaya hindi namin kayo nilalabas na anak namin." "Hindi namin sinasabing hindi namin kayo anak. Hindi lang namin kayo sinasabi sa karamihan." Anila. "Bakit gusto niyo kaming tignan? Bakit biglaan ata?" Tanong naman ni kuya. "Because the one who is leading the army who attacked us retreated suddenly. It's like he changed plan or someone ordered him to step back." Tugon ni mommy. "And I know who is him." Dagdag nila at tinignan si daddy. "It's the beta of the pack, Jack." Pagkasabi nila non ay bigla kaming nagkatinginan ni kuya. "Beta? Diba beta din yung napatay mo, sabi ni Doc?" "Hindi ko rin alam." "Sabihin ba natin? Sa tingin ko ay kailangan nila itong malaman, kuya." Aniko kaya siya umiwas ng tingin na para itong pinag iisipan. "What's with that face, Jackson? Tracy?" Tanong din ni daddy saakin kaya ko tinignan si kuya. "Sabihin mo na, kuya. They need to know." "They should know, kuya." "I... I killed someone, dad and mom." Nakayukong sabi niya na parang nagpabigla sakanila mommy at daddy. "You killed whom?" "Doctor Sila said, it's the beta of the pack named The Untouched by Death." "The Untouched by Death?" Paglilinaw ni mommy. Nang tumango si kuya ay nagkatinginan silang dalawa ni mommy. Bigla kong nasalubong ang pagtingin ni daddy nang may biglang alaala nila ang lumitaw saaking isipan. "You've been bitten by the omega, dy?" Hindi makapaniwalang tanong ko kaya ulit sila nagkatinginan ni mommy. "That's not the real beta." "Sino po siya? Sino ang totoong beta?" Tanong ni kuya kay mommy. "Nathan." Wika nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD