"Kung hanggang alas singko ng umaga mamaya ay wala pa tayong nahahanap na clue o kahit ano para mahanap si Sam ay sasabihin ko na talaga ito sa mga pulis, sa mama niya." Wika ni Pat.
Kanina pa kasi kami naglilibot. Nandito na kami ngayon sa highway kung saan kami hinabol ng mga kalaban dati. Kahit sa ganitong oras ay meron pa ring mga sasakyang dumadaan at nakakasabay namin.
"Nasaan pala ang mama mo? Baka hinahanap kana nila?" Tanong ni kuya sakaniya.
"She's at the hospital. Hindi ko nga alam kung bakit. Pero sabi nila night shift. So I assume na bumalik na sila doon." Tugon niya. Tumingin naman si kuya kay Wil.
"There's something came up on the company that he work with. Hindi ko alam kung ano." Sagot niya rin.
"Kaya pala nandito pa rin kayong dalawa hanggang ngayon." Aniko kaya sila tumango ng bahagya.
Hindi namin alam kung ano ba dapat ang tama naming gawin dahil ngayon lang ito nangyari sa buong buhay naming nasasama sa mga kaso. It's like we all couldn't function because the head or the main root of us is missing, and that is Sam.
Kung hindi naman kasi dahil sakaniya ay hindi kami makakahanap ng kasong kailangan iresolba. Pagdating kasi sa ganitong bagay ay parang siya ang nagli-lead saaming lahat. And now that he's missing, we aren't ready and we don't know if we ever solve this without him.
Kung may kinalaman man ang mga lobo, bampira o kahit anong walang kinalaman ang mga tao ay si kuya ang magli-lead. Pero kung hindi, si Wil.
Silang dalawa nga ni Sam ang nagdidesyon kadalasan noong napapasok kami sa mga kaso. Ngayon ay hindi namin alam kung tao lang ba ang kasama dito o hindi, kaya hindi namin alam kung mangingialam na ba si kuya sa pagli-lead.
Para kasing madalas nang may nasasangkot o may nakikita kaming hindi pangkaraniwang tao sa kasong ito. Hindi pa namin alam kung may koneksyon ba sila sa pagkamatay ni sir Aldrin at ang kaniyang pamilya.
"Guys. I think we should stop finding Sam and start solving the case of sir Aldrin and his family instead." Sabi ko. Hindi naman sila sumagot.
"Kasi tignan niyo, halos lahat ng mga nangyayari ay may koneksyon sakanila sir Aldrin at ang pamilya niya, hindi ba? Paano kung malaman nating tama ang sinasabi ko at mahanap natin sila Sam?"
"Aren't you guys find that suspiscious? The way sir aldrin died, the reason why his wife and son died also, the freshmen died in library that is no human, Beth been killed by those guys that almost got me and chased us, and Sam and the two girls that saw those bad guys."
"Yeah. I find that suspiscious too, right now when you said it. But how about the wallet? The one million peso?" Tanong ni Pat.
"And you guys think sir Ranjit isn't involve in those cases?" Tanong ni Pat.
"He just killed someone." Dagdag niya.
"Hindi pa natin sigurado." Wika naman ni Wil kaya hindi nakasagot si Pat.
"And why is Beth stalking sir Aldrin? Kasi kung yung sinabi ni Sam tungkol sa kontrata, bakit nila gustong mamatay si Sir at ang pamilya niya?" Tanong niya.
"And who really killed sir Aldrin? Ang brutal ng pagpatay sakaniya." Aniko.
"Ken. What do you say?" Tanong ni Wil kay kuya na hindi nagsasalita.
"Maybe sir and his family isn't human." Aniya.
"You know guys? I have an idea. Let's go to the morgue." Sabi niya.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating kami sa ospital. Mabuti na lang ay marami pa ring tao at mga nurses kaya mabilis kaming nakapasok sa elevator. Naglakad kami ng mabilis ngunit hindi halata at parang hindi kami-o ako lang kinakabahan.
"What's your plan?" Tanong ni Wil kay kuya pagpasok namin.
"Hindi ko alam kung gagana ito, but let's see."
"Okay, so how do I do this?" Tanong niya sakaniyang sarili atsaka humarap saamin.
"Creatures like me or a werewolves needs blood. But vampires need it more. So, we need to give them a blood."
"Paano kung hindi sila bampira o lobo? Paano kung iba?" Tanong ni Pat.
"Yeah. That's why we need to see. And I am definitely sure that their son isn't a mermaid." Aniya.
"Kaninong dugo ang kailangan natin?" Tanong ni Wil.
"Human blood." Maikli niyang sagot na hindi nagpaimik sakanilang dalawa.
"Ikaw kaya, Lauren?" Tanong ni Pat saakin na hindi ko inasahan.
"No. I'm anemic. Malapit na rin ako, kaya kailangan ko ng dugo ko." Pagsisinungaling ko.
"Good. Because once they smell your blood, they will all go looking for you. Just like me."
"Stop it. Tinatakot mo ako."
"I'm just saying the truth."
"Then I will. Basta wag gamitan ng kustilyo o ano, ha?" Ani ni Wil.
"Injection is better." Sambit ni Pat.
"I-injection? Wala na bang iba?" Namumutlang tanong ni Wil.
Takot kasi siya dito.
"Wala na. Mas maganda na rin iyon para maliit na sugat lang ang makukuha mo." Sabi ko.
"S-sige." Tugon niya.
Sila Pat at kuya ang lumabas upang maghanap ng malinis na gagamiting injection kay Wil. Hindi kasi alam ni Pat kung saan pwede makahanap nito kahit na nurse ang mama niya.
"Wag mo na lang tignan. Hawak ka na lang saakin." Aniko kay Wil na tahimik na nakasandal sa parang lamesa sa gitna. Namumutla pa rin siya at ang labi niya ay medyo namumuti na.
Hindi siya sumagot kaya ko siya nilapitan upang pakalmahin.
Ilang minuto pa ay dumating na sila kuya at sinimulan na rin ni Pat ang pagkuha ng dugo kay Wil. Saaming lahat kasi ay siya ang may kalmadong kamay, dahil na rin siguro sa pagpipinta at pagguhit niya kaya ganon.
Hinawakan namin ni kuya ang kamay ni Wil na grabe ang pagpikit.
"Okay. It's done. Ngayon, ano na ang gagawin ko dito?" Tanong ni Pat kay kuya.
"Itulo mo sa bibig nila." Sagot ni kuya matapos niyang buksan ang kinaroroonan ng katawan ng asawa at anak ni sir Aldrin.
"I assume that it will take this for a while because their human side is already dead... if they are really not just a human, they will bring back to life."
"Iyang natira ay kay sir Aldrin na."
Tinakpan namin ang aming mga ilong nang buksan ni kuya ang kay sir Aldrin. Pinatulo naman agad ni Pat ang dugo ni Wil sa bibig ni sir atsaka agad sinarado ni kuya.
"So, what are we gonna do now?" Tanong ni Pat.
"For now, let's just take care of Wil. Medyo maraming dugo ang nawala sakaniya kaya siya nanghihina."
Inalalayan namin ni kuya si Wil atsaka lumabas upang sana sumakay sa elevator ngunit napatigil kami nang makita namin sila sir Antonio, ma'am Lisa at sir Reggie. Si sir Antonio ay teacher nila kuya sa Filipino, si ma'am Lisa naman ay teacher namin ni Pat sa Arts, samantalang si sir Reggie ay teacher ni Wil sa English.
"Anong ginagawa nila dito?"
"I don't know. Hindi nila tayo pwedeng makita." Ani ni kuya.
"Pat. Let's go here." Tawag niya. Pumasok kami sa isang silid na parang pinagtatambakan ng mga kahon-kahong nagamit ng mga gamot.
"Anong ginagawa nila dito?" Tanong ni Pat habang sumisilip sa labas.
"Hindi naman sila close kay sir Aldrin o kahit sa asawa't anak nila. Bakit sila nandito?" Tanong ko.
Sabay-sabay kaming nabigla nang lumabas ang anak nila sir sa morgue at tumingin sa paligid. Nang mapatingin siya sa parte kung nasaan ang elevator ay tumakbo siya kasalungat nito.
Ilang segundo pa ay nasilip naming pumasok sila sir Antonio na may dalang tatlong maleta. Nagtagal sila ng ilang saglit doon atsaka rin lumabas. Para may kung ano sakanilang tatlo at hindi ko maintindihan kung ano ang nais sabihin ng kanilang itsura.
Umiling si ma'am Lisa kaya na sila nagpunta sa elevator. Nang sumilip si Pat at nakitang wala na sila ay nagpaalam siya saamin at mabilis na tumakbo papunta sa bata.
"I told you. They're not just a human." Ani ni kuya saamin.
"Sam's right." Dagdag niya.
Sumunod din kami sa pinuntahan ni Pat at nakarating sa hagdan.
"Kaya mo ba?" Tanong ko kay Wil.
"Nahihilo ako."
"Baka kung anong mangyari kay Pat. She's human and the boy isn't." Nag aalalang wika ni kuya.
"Sige na. Sundan mo na lang sila. Ako na ang bahala kay Wil."
"Sige na. Magkita na lang tayo sa sasakyan niya." Aniko ulit.
Pagalis niya ay pumasok kami ulit sa loob at ginamit na lang ang elevator.
"Kumain ka ng prutas at gulay pagkarating natin sa bahay niyo."
"Pero sa ngayon, magpahinga ka muna dito. Siguro si kuya o si Pat na lang ang magmamaneho. Dito na lang tayo sa likod."
Lumipas ang halos mag iisang oras nang dumating sila kuya at Pat kasama ang batang lalaki. Kulay asul na ang mga mata ng bata samantalang si kuya ay pulang pula.
Diretso silang nakayuko hanggang sa nakapasok na sila sa sasakyan.
Tumigil ang lalaki at parang may inaamoy.
"It's your blood." Aniya kay Wil.
"But your blood is different." Aniya saakin at mas naging asul ang kaniyang mga mata.
"Enough. Pigilan mo 'yang sarili mo." Madiin at maawtoridad na sabi ni kuya na nasa driver's seat. Tinignan naman ni Pat ang lalaki bago humarap sa daan.
Mabilis kaming nakarating sa bahay ni Wil. Inalalayan ko siyang makaupo sa kanilang sofa gaya ng sinabi niya.
Pansin ko kay Pat na hindi siya nagsasalita. Parang may nangyari sa pagitan nilang tatlo.
"Okay. Let's talk about the issue here." Pagod na sabi ni Wil. Naupo naman na kaming lahat.
"Tell us about your father and mother. Bakit ka rin tumakbo paglabas mo doon?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot.
"Sige na. Kung magsalita ka tungkol sakanila ay maari mo kaming matulungan upang mahanap yung isa naming kaibigan." Wika ko.
"Sige na. Please, just say something."
"Kung ayaw mong magsalita ay ibibigay ka namin sakanila." Madiing sabi ni kuya na nagpa-takot sa bata.
"Pero sabi kasi nila hindi ko raw dapat sabihin ang tungkol saamin sa kahit na sino."
"Hindi naman kami kahit na sino. We're on your side. Kasama mo kami."
"And just like you, I'm also different." Singit ni kuya.
"I'm one fourth demon, one fourth mermaid, one fourth vampire and one fourth hunter."
"One fourth?" Tanong ko.
"Si papa ay kalahating sirena at kalahating hunter. May dugo rin siyang tao pero sobrang liit na lang ng porsyento nito. My mother is half demon and half vampire."
"That's why they killed him that way. Because mermaids weakness is fire." Sambit ni Wil.
"Pero nakuha ko ang pagiging bampira at hunter nila." Sabi niya.
"Kaya ako nalunod kasi hindi naman ako marunong lumangoy at hindi ako sirena katulad ng aking papa." Dagdag niya.
"But it still inside you." Mabilis na wika ni kuya sa bata.