Lumipas ang ilang oras ay wala kaming makuhang ibang impormasyon sakaniya. Totoo nga naman ang sinabi ng magulang niya sakaniya na masyado pa siyang bata para malaman ang mga bagay-bagay. Kaya ang alam lang namin ngayon ay hindi sila tao.
"Hindi mo sinagot yung isa kong tanong kanina. Kung bakit ka tumakbo paglabas mo sa morgue." Wika ko.
"Hindi ko rin alam. Basta sinasabi ng sarili ko na tumakas ako." Tugon niya.
"Tumakas saan? Kanino?"
"Hindi ko alam." Kunot noo niyang sabi.
"Instinct." Ani ni kuya kaya kami napatingin sakaniya.
"Okay. It's almost six. Sasabihin ko na kay tita na nawawala si Sam. Inaantok na rin ako." Sambit ni Pat.
Hindi namin namalayang nakatulog na ang bata sa kinauupuan niya. Si Wil ay nakatulog na rin.
"Dito na rin ako matutulog. Sinabi ko na sa mama ko na dito na ako nakitulog kasi may tinapos tayong projects." Paglapit ni Pat saamin pagkatapos niyang makausap ang mama ni Sam.
"Anong sabi nila?" Tanong ko.
"Nag aalala sila. Ayun, maghahanap daw sila mamaya kasi wala pa raw bente kwatro oras siyang nawawala. Alam mo na, kahit gusto nila ay wala silang magawa dahil iyon ang batas, sa tingin ko. Pwera na lang kung gawin nila ang paghahanap mag isa."
"How about sir Ranj? Yung kaso nila?" Tanong ko.
"Still no update yet." Tugon niya
"What do we do? Hindi ako makatulog dahil sa kaalamang nawawala si Sam. Parang hindi tayo ito, ah. Ngayon lang tayo nagka-ganito. Dati naman ay nareresolba natin ang mga kaso."
"Mareresolba rin natin ito. Siguro ay may mga kasama nang hindi pangkaraniwang tao sa kasong ito kaya medyo nahihirapan tayo. Isama mo pang ang isang kaibigan natin ay nawawala." Aniko.
"Linggo na ngayon, diba? May exams pa tayo bukas." Pagiiba ko.
"Alam niyo, kung ako ang masusunod, isasantabi ko muna ang lahat at ilalagay ko muna ang atensyon ko sa paghahanap kay Sam. Saka na lang natin isipin ang kaso tungkol kay sir Aldrin pag nahanap na natin ang kaibigan natin. Kasi hindi natin alam kung nasaan siya, kung ano ang ginagawa sakaniya, kung ayos lang ba siya, o kung wala na." Mahabang sabi ni kuya.
"Paano natin 'yon magagawa kung lahat ay may koneksyon yata sa pamilya nila?" Tanong ni Pat at tinukoy ang pamilya ni sir Aldrin.
"Kaya nga isasantabi muna natin. Pwede tayong kumuha ng ibang impormasyon, pero hindi muna natin ireresolba ang kaso nila. Kukuha tayo ng impormasyon para mahanap si Sam."
"Paano yun? Wala na tayong ibang impormasyon kundi ang mga codes, ang pamilya nila na hindi tao at ang mga bad guys na kumuha sakanila Sam." Sambit ni Pat.
"Hindi kaya ang mga Cher ang kumuha sakanila?" Tanong ko.
"Siguro. Pero hindi naman bampira o kahit na ano sila Sam. Tao sila." Ani ni kuya.
"Pero nakita nung dalawang babae yung mga bad guys. Baka si Sam ay nakita rin ang mga ito?" Tanong ni Pat.
"Pero bakit ako? Hindi ko naman sila nakita? Bakit nila ako gustong kunin? Bakit hinabol pa tayo?"
"Baka hindi talaga ikaw ang gusto nilang kunin. Baka si George. Kasi siya yung may kontrata sakanila, diba? Siya yung dapat papatay kay Katharine at Kyla."
"Pero bakit parang ako talaga ang gusto nilang kunin? Kasi kung si George talaga, dapat siya ang hinila at hindi ako. Bakit parang nakikita ko sakanila noon ay ako talaga at hindi si George o ikaw?"
"Hindi ko alam. Siguro nakita mo sila dati, hindi mo lang maalala."
"Hindi. Hindi ko nga sila kilala. Hindi ko alam na may ganon. Kidnapper lang ang alam ko at mga magnanakaw ang nakatakip ang mukha para hindi sila makilala."
"Atsaka kung kidnapper man o magnanakaw sila, bakit hinabol nila tayo? Kung ako ang nasa lugar nila ay tatakas na lang ako kasi hindi ako nagtagumpay sa pagkuha." Dagdag ko.
"Maybe they aren't into George, Tracy. Maybe they are creatures like me. Baka nagkataon lang na magkapareho sila nung mga kumuha sakanila Sam."
"What do you mean?"
"Because remember when we shoot them? Diba kung tao sila ay hindi na nila tayo magagawang habulin?"
"Oo. Hindi ko na naisip yun."
"And maybe, they're into you. Ikaw talaga ang puntirya nila. Dahil siguro sa dugo mo."
"Maybe we find this all confusing because on our case and the case we're solving is all mixing up."
"I think so. Just like Sam said. We can't allow ourselves to mix things up otherwise we will all be confuse."
"Then we need to sort it. We need to identify our case in the case we're solving right now."
"Exactly. Because we will never going to save Sam if we are all confused. We, the one who'll save him is all confused and doesn't even have a plan." Aniya.
"You're starting to be like mom, kuya."
"I wish, Tracy. I wish. But no. I am far from them."
"What do we do now?" Tanong ni Pat.
"For now, rest. Ibigay muna natin ang tanghalan sa mga pulis at sa mama ni Sam. Kailangan nating magpahinga."
"Wil is still weak. Sige na, magpahinga muna tayo."
.
"Buti gising na kayo." Sabi ng bata habang nakaupo sa sofa at kumakain ng saging. Umayos naman ako upang maupo rin.
"Nasaan na sila?" Tanong ko.
"Umalis na sila kuya Ken at Wil. Si ate Patricia naman ay magpupunta muna raw sa bahay nila kasi kakausapin daw siya ng mama niya."
"Saan daw pupunta sila Ken at Wil?"
"Hahanapin na raw yung isa niyong kaibigan. Si kuya Sam."
"Hahanapin? Nilang dalawa? Nang hindi kami kasama?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Kailan pa sila umalis?"
"Kanina pa." Sagot niya atsaka na nanood sa tv nila Wil.
"Bakit parang hindi ka nag aalala sa magulang mo?" Tanong ko naman.
"Kuya Ken said they'll find them. Hindi man daw siguradong buhay sila na madadala saakin, hahanapin pa rin daw nila sila."
Nilapitan ko siya atsaka bahagyang ginulo ang kaniyang buhok. Tumunog naman ang telepono nila Wil kaya ko ito sinagot. Nagdalawang isip pa ako pero ginawa ko rin naman ito.
"Wil. May pupunta jan sa bahay natin. Papasukin mo sila at bayaan mo na lang kasi kailangan nila itong tignan."
"Hello po. Sorry po pero nagpunta po si Wil sa school. Kaibigan niya po ito, si Lauren."
"May tinatapos po kasi kaming projects kaya po ako nandito." Dagdag ko.
"Ahh. Ganon ba? Pasensya na. Sige. Pag dumating siya, pakisabi na lang yung sinabi ko, ha? Baka kasi kulitin niya ako para sabihing may mga gustong pumasok jan. Dibale, titignan lang naman nila ito."
"Sige po."
"Sige. Salamat." Anila atsaka na ito ibinaba.
Ilang minuto pa ay dumating ang mga sinasabi ng papa ni Wil. Pagkatapos nila ay umalis din sila agad.
Tinawagan ko si Pat ngunit saktong dumating din siya.
"Ano? May balita ka na ba sakanila Ken?" Tanong niya.
"Iyan nga ang gusto kong itanong sayo." Aniko.
"What's their plan?" Tanong ko.
"Hindi ko alam. They didn't told me their plan. Pero alam kong maganda ang plano nila kasi parang alam na nilang magtatagumpay sila dahil sa ayos nila kanina."
"Bago kasi ako tuluyang bumangon, nag aayos na sila upang umalis. Tinanong ko sila kung saan ang punta nila, sabi lang nila ay matulog daw ako ulit. Ang galing nila noh? Ang sarap ipakain sa pating. Naiinis ako." Sabi niya kaya ako natawa.
"Oo nga eh. Nakakainis." Sang ayon ko.
"Mag review na muna kaya tayo? Wala pa akong nababasa kahit isa sa mga subjects natin."
"Sige. Pero wala naman tayong gamit dito. Yung mga gamit naman kasi ni Wil ay nasa locker niya. At kahit naman nandito, hindi tayo parehong pareho ng pinag aaralan."
"Sa bahay kaya namin? Pero kagagaling ko lang doon. Sa bahay niyo na lang. Halika, doon na lang tayo. Sabihin nalang natin sakanila Wil na umalis tayo."
Naging mabilis ang biyahe namin at naglalakad na kami ngayon sa kalsada papunta sa aming tahanan. Bigla kaming napayuko nang sabihin ito ng bata. Mapula na ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa kakahuyan.
Napatingin naman kami ni Pat sa palasong tumama sa halaman.
Tumakbo yung bata papunta sa kakahuyan kaya wala kaming nagawa kundi sundan siya at pigilan.
"Saglit. Saan ka pupunta? Pag may nangyaring masama saatin, bubunutin ko talaga yang mga pangil mo gamit ang gunting." Nanggigigil na sabi ni Pat ngunit natatawa ako.
Naging mabilis ang pangyayari at nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga sa lupa habang ang isang lobong naglalaway ay nasaaking harapan. Si Pat naman ay tinakpan ang bibig upang pigilan ang sarili sa pagsigaw pa.
Someone whistles that got the werewolf's attention. Napatingin din ako sa tinignan ng lobo. Isang matangkad na lalaki ang nasa puno na mabilis na pinana ang lobo.
Hinabol niya ang lobo ng tumakbo ito palayo. Tinulungan naman ako ni Pat na makatayo atsaka ko pinagpagan ang aking sarili.
"Umalis na tayo. Ayoko na dito." Aniko. Nagpunta na kami agad sa loob ng bahay namin.
"Makulit ka kasi. Kung hindi ka sana doon nagpunta, hindi ka sana namin sinundan at hindi sana siya aatakihin ng lobong iyon. Mabuti na lang ay dumating yung lalaking hindi ko alam kung saan nanggaling."
"Sorry." Sagot ng bata.
"Pat. Sumasagi ba sa isip mo kung nasaan at kung ano na ang nangyari doon sa lalaking nabunggo niyo ni Wil?" Pag iiba ko.
"Hindi. Ngayon, sumagi na kasi sinabi mo."
"Ano na kayang nangyari sakaniya? Nandoon pa rin ba siya?"
"Hindi ko alam. Ayoko ng alamin. Mamaya mapunta pa ako sa kulungan, kasama ko pa naman si Wil non. Baka kung anong mangyari at pagalitan kami ng magulang namin."
Halos ilang oras na ang lumipas at nakapag luto, nakakain at nakapag review na kami ni Pat ngunit wala pa rin sila kuya. Gustohin man naming sumunod ay hindi namin alam kung nasaan sila.
Biglang tumunog ang cellphone ni Pat kaya kami nabigla.
"The police." She mouthed. Sinagot niya ito at nilakasan upang marinig ko.
"Good morning, ma'am or sir. We confirm that Mr. Ranjit is the one who killed Ms. Anastasia."
"Paano po? May ebidensya po kayong nahanap?"
"Yes, ma'am. One of the student in the school Mr. Ranjit is working said to us that she saw Mr. Ranjit got out from the office of Mr. Chester after the crime was taken place. We searched and saw the knife that was used to kill Ms. Anastasia in the office of Mr. Chester."
"There were blood stains and finger prints on the handle that is why we confirmed it."
"Also, he has criminal records on our list that's why we have a strong evidence to get him in jail."
"Criminal records?" Tanong niya.
"Yes, ma'am. On 2017, he had steal a car, tries to rob a mini store, tries to kill his neighbor. And on 2020, he killed one of his student in his previous school he works." Rinig naming sabi kaya biglang tumaas ang mga balahibo ko.
"Ganon po ba? Salamat po."
"We thank you for your bravery, ma'am. We will now take care of Mr. Ranjit."
"Thank you." Wika ni Pat atsaka na ito pinatay. Pareho kaming napangiti nang magkatinginan kami.
"If it's not because of Sam, we won't going to solve this case. Thanks to him." Aniko.
"Yes. Thanks to him."
"Sana ay nandito na sila."
"Kinikilabutan ako kay sir Ranj. Hindi ko alam na isa pala siyang kriminal." Sambit ko na pati siya ay sumang-ayon.
"Nga pala, sino sa tingin mo yung estudyanteng nakakita kay Sir Ranj?" Pagiiba ko.
"Love?" Tugon niya agad.
"She's our Governor." Dagdag niya kaya ako napatango.
Halos madapa kami ni Pat sa pagtakbo upang sumilip sa bintana nang marinig namin ang dalawang mabilis na sasakyang papalapit saamin.
"That's Wil's and Sam's car."
Hindi ko alam kung bakit pero mabilis naming binuksan ni Pat ang pintuan. Bumungad saamin si Wil at kuya. Tinulungan namin ipasok si kuya na nanghihina at sira-sira ang damit. Inalis ko naman ang telang nakatakip sakaniya mukha upang makahinga siya ng maayos.
"Anong nangyari? Bakit-"
"Kasama ito sa plano namin. Ngayon, kailangan ko ng umalis. Si Sam ay ayos na. Nandoon. Sila Katharine at Kyla ay nandoon din. Sige, mauna na ako. Asikasuhin niyo na lang muna siya, please." Nagmamadali niyang sabi atsaka na agad lumabas at malakas na sinarado ang pinto. Narinig din namin ang pagkaripas ng sasakyan nilang dalawa palayo.
"What is happening? Anong gagawin natin sakaniya?" Tanong ni Pat.
"Kuya. Tell me. What do you need?"
"Kuya?" Tanong ko ngunit hindi niya ako sagutin. Patuloy lang siya sa pagdaing dahil sa mga natamo niyang sugat.
Binasa ko ang telang ginamit niya atsaka ito pinang punas sa gilid ng kaniyang mga sugat upang malinisan.
"Kuya? Ano? Anong kailangan mo? Sumagot ka naman."
Bumukas ang pinto at niluwa non si Doc. Mabilis siyang lumapit saamin atsaka hinawakan si kuya.
"Kailangan natin siyang ilubog sa malamig na tubig. Iayos niyo na ito." Kalmadong sabi nila saamin.
Ginawa naman namin ito ni Pat. Nilagay namin lahat ng yelong makita namin saaming ref. Kinuha na rin namin ang mga malamig na tubig na nandoon at binuhos.
Sinamahan namin si Doc na dalihin si kuya sa bathtub at doon nilubog ang kaniyang katawan hanggang leeg. Ilang segundo siyang nagpumiglas ngunit tumigil din siya at kumalma.
Para siyang pagod na pagod habang nakapikit. Hinawakan ko naman ang kaniyang kamay kahit sobrang lamig ng tubig.
"Anong nangyari? Bakit kayo nandito?" Tanong ko kay Doc.
"Wil called me. Sabi niya ay magpunta ako dito para sakaniya." Tukoy nila kay kuya.
"Anong nangyari sakaniya? Bakit siya nagka-ganon?" Tanong ko ulit.
"Ang mga ginamit sakaniya ay may kung ano. Siguro ay marunong talaga ang nakalaban niya sa mga kauri niya."
"Pero bakit malamig na tubig lang ang ginamit natin? Gagaling ba siya dito?" Tanong ko ulit.
"Oo. Dahil sa tingin ko ay hindi talaga nila siya planong patayin. Kasi kung plinano nila ito, nandoon pa lang sila ay pinatay na siya."
"Pero pwede ring masyado lang siyang malakas kaya hindi nila siya napatay?" Tanong ni Pat.
"Maari. Pero hindi pa siya ganon kalakas. Hindi ako sigurado. Basta ang alam ko ay makakatulong itong ginagawa natin sakaniya." Sagot ni Doc.
"Ano ba ang plano niyo? Bakit hindi niyo man lang sabihin saamin?" Tanong ko kay kuya na nakatingin na sa kisame.
"I think this is part of their plan." Wika ni Pat.
"Kasi tignan mo, alam nilang hindi tayo mag-stay lang doon sa bahay ni Wil. At..." napatigil siya at tinignan si kuya bago ako.
"Nagpunta ako sa bahay namin kasi sabi ng mama ko. Pinagalitan nila ako kasi ang kalat daw ng bahay namin, eh hindi ko naman yun ginawa. Pinagalitan nila ako kaya wala akong nagawa kundi ayusin yun, kahit hindi ko naman kasalanan."
"Alam mo kung sino ang may gawa non? Silang dalawa ni Wil."
"Plano nila iyon. Para kung sakaling umalis tayo sa bahay nila Wil, hindi sa bahay namin tayo magpupunta. Dito sa bahay ninyo."
"Kasi bakit nga ba ako babalik saamin? Pinagalitan ako ng mama ko sa kasalanang hindi ko naman ginawa." Dagdag niya.
"Bakit dito saamin?" Tanong ko.
"Hindi ko alam."
"Siguro mas malapit kayo sa lugar kung saan plano nilang dumaan sa pagtakas." Ani ni Doc.
"Saan ba sila nanggaling? Paano nila nahanap sila Sam? Anong nangyari?"
"Anong plano nila?" Sabay naming tanong ni Pat.