"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko pagupo ko sa sofa namin. Nakapagpalit na siya ng kaniyang damit kani-kanina lang.
"Yeah."
"Ano ba ang nasa isip niyong dalawa ni Wil? Bakit hindi niyo lang man sinabi saamin ang plano niyo? Nakakainis. Nakakainis ka." Aniko atsaka inabot ang ointment na gawa sa katas ng bulaklak na binigay ni Doc sakaniya dati.
Hindi niya ako sinagot at kinuha lang ang ointment. Inamoy niya naman ito atsaka pumikit at sumandal sa sofa.
"I really hate you." Inis kong sambit atsaka padabog na nagtungo kay Pat na nagluluto ng cookies.
"Kailan kayo naggo-grocery? Parang hindi kayo nauubusan ng pagkain dito eh. Malaki-laki ata ang pinapadalang allowance o budget ng mga magulang niyo sainyo."
"Nasaan ba sila? Hindi ko sila halos marinig sainyo." Dagdag niya. Hindi ako nakasagot agad at napatingin kay kuya na ngayon ay nakatingin na saakin.
Parang may sinasabi ang kaniyang tingin pero hindi ko ito magawang maintindihan.
"Ahhh...."
"Oh. Sorry. Hindi ko gustong-- not close to them?"
"I understand. Ganiyan din ako. Pero sa kapamilya lang, hindi sa mismong magulang."
"Don't get me wrong. Natanong ko lang kasi pansin kong hindi niyo madalas pagusapan yung mga magulang niyo eh." Dagdag niya agad.
"Ayos lang." Tugon ko atsaka nagpakawala ng malalim na paghinga. Tumingin ulit ako kay kuya na ganon parin, parang may sinasabi pa rin ang kaniyang mga tingin.
"Ano? May gusto ka bang sabihin?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot kaya na ako humarap kay Pat.
"Busy kasi sila. Tungkol naman sa mga groceries, oo, nagpapadala sila ng medyo malaking budget saamin."
Technically, they really are giving us budget for living, but not just money. Si Maynard, tuwing pumupunta siya saamin ay may dala siyang mga prutas at iba pang pagkain -maraming pagkain- at pera na nanggaling sa mga gintong pinapalit nila. Sabi kasi ni mommy, hindi sapat ang pagkain lang saamin ni kuya kaya nagbibigay sila ng ginto galing doon upang ipapalit ni Maynard dito upang maging pera.
"Pero mabilis ding maubos kasi tignan mo ngayon. Kain tayo ng kain." Pagtawa ko kaya siya natawa.
"Oo nga eh. Kaya dito ang tambayan namin eh, kasi hindi kayo nauubusan ng makakain."
"Malapit na yung moving up natin, darating ba sila? Makaka attend sila?" Pagiiba niya.
"Ahhh... hindi ko sigurado eh. Pero inaasahan kong makaka attend sila."
"Hmm. Ako nga hindi ko alam kung makaka attend si mama. Hapon hanggang gabi kasi yung event diba? Eh bumalik na si mama sa ospital, kaya alam kong medyo mahihirapan silang isingit yung event natin sa schedule nila."
"Ayoko mang sirain ang pagasa mo, pero mas maiging huwag ka ng umasa ng sobra. Lalo na't nasa malayo ata yung mga magulang niyo, mahabang biyahe yun kung pupunta sila dito."
"Tsaka hindi pa naman natin ito graduation. Moving up pa lang ito." Dagdag niya.
"Hmm." Pagngiti ko sakaniya. "Sana nga makapunta sila." Aniko.
"Maiba tayo. Ano nang nangyayari sakanila Sam? Nag text ba sila sayo? Tumawag?" Pag iiba ko.
"Hindi pa."
"Sige. Subukan ko silang tawagan saglit."
Nakailang tawag ako ngunit nagriring lang ang mga ito kaya na ako tumigil. Ilang minuto pa ang lumipas ay si Wil na ang tumawag pabalik.
"Lauren?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Wil. Kamusta na? Nasaan na kayo?" Tanong ko pag pindot ko ng speaker. Nilapag ko ito sa lamesa atsaka lumapit si Pat.
"We're okay. Nandito na ako sa bahay namin. Si Sam kasama na ng mama niya."
"Sila Katharine at Kyla?" Tanong ni Pat.
"Nakauwi na rin sila. Ayos na. Si Ken pala? Kamusta na siya? Hindi na kami nakapunta jan, sorry."
"Ayos lang yun, ano ka ba. Si Ken, ayos naman na siya. Salamat kay Doc at sayo." Aniko na nagpatawa sakaniya ng bahagya.
"Pagusapan na lang natin ang tungkol sa ginawa niyo pagkatapos ng exam bukas. Magpahinga na lang muna kayo at magreview."
"Tawagan na lang namin si Sam maya-maya. Baka kausap niya pa kasi yung mama niya."
"Yeah. About that, I think let's not call him now. Bukas na lang. They're having a mother-to-son talk s***h interrogation." Aniya habang tumatawa.
"Hala? Hindi kaya siya pagalitan ng sobra?" Tanong ko.
"Of course they will scold him. After what he've done? Well, technically, it's not his fault."
"Oo." Sang ayon ko.
"Nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Tumawag pala yung papa mo jan kanina. May mga pumasok sa loob ng bahay niyo kasi may titignan daw sila sabi ng papa mo."
"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong niya
"Anong tinignan nila dito? Bakit hindi na lang ako mismo yung tinawagan? Bakit dito lang sila tumawag sa telepono namin?"
"Malay ko. Ako ba yung papa mo?" Tanong ko kaya natawa si Pat na nakikinig sa usapan namin habang inaasikaso yung niluluto niya.
"Pilosopo ka talaga. Sige na. Dinaldalan mo na ako. Magkita na lang tayong lahat bukas. Si Ken, paki asikaso na lang. Nanghihina pa yan."
"Don't tell him this, but I know or maybe we know that beneath his "not talking" self, he is bearing the pain he has now due to his wounds." Aniya. Napatingin naman kami ng pasimple ni Pat kay kuya.
Nakasandal pa rin siya sa sofa at nakapikit habang inaamoy ang oinment. Parang wala siyang naririnig kahit naka loud speaker ang cellphone ko.
"Mababaw ang mga sugat niya, pero hindi lang kasi basta espada o palaso ang ginamit sakaniya. Basta bukas na lang natin pagusapan. Kayo na ang bahala sakaniya, okay?"
"Sige. Magpahinga ka na rin." Aniko.
"Ikaw? Hindi sa pinapaalis na kita ahh, pero hindi ka pa ba uuwi sainyo? Si mama mo? Nasa bahay niyo na ba?" Tanong ko kay Pat paglapit niya saakin at naupo. Inilapag niya naman ang platong may laman ng cookies na ginawa niya.
"Bat- ano na yung pangalan niya?" Mahinang tanong ko kay Pat at tinukoy ang bata.
"I don't know. Hindi niya pa nasasabi." Tugon niya.
"Bata. Gusto mo?" Alok ko.
"Anong pangalan mo? Medyo matagal na tayong magkakasama pero hindi mo pa nasasabi ang pangalan mo saamin." Wika ko paglapit niya.
"Travis." Tipid niyang sagot atsaka kumuha ng cookies pagupo niya sa pagitan namin ni Pat.
"Ang sarap. Magaling pala kayong magluto." Sambit niya kay Pat.
"Thanks."
"Pwede na kayong maging nanay." Aniya na nagpaubo kay Pat.
"Walang hiya kang bata ka. Are you complimenting me or-"
"Hindi po yun ang ibig kong sabihin. You get it wrong." Putol ni Travis.
"Sige. Dalihin mo na yan doon." Bigay sakaniya ni Pat ng plato.
"Ano na ang gagawin natin sakaniya? We can't just adopt him." Mahina niyang sabi saakin.
"Hindi ko rin alam. Sa tingin ko ay ayaw niyang ibigay natin siya sa iba."
"Look at him. Nakakaawa ang kalagayan niya." Dagdag ko.
"Hindi natin alam kung nasaan na sila sir Aldrin. Hindi pa rin kasi halos nagsasalita si Ken." Sambit niya.
"But you know we can't keep him. Kahit gustohin natin siya dito saatin, we can't."
"I know." Tipid at tamad niyang sagot.
Biglang tumunog ang cellphone niya kaya niya ito sinagot. Mama niya ang tumawag kaya't lumayo muna ako upang bigyan sila ng espasyo.
"May masakit pa ba sayo? Para kang ano. Hindi mo man lang sabihin kung ano na ang nararamdaman mo. Kung ano na ang tunay mong nararamdaman." Aniko sakaniya pagtabi ko.
"Lauren, Ken, uuwi na ako. Sabi ni mama ay dumating na raw ang papalit sakaniya kaya makakauwi na siya. Salamat sa cookies ha." Sabi ni Pat na nag aayos na.
"Ken, magpahinga ka. Bukas na lang natin pagusapan ang nangyari."
Nagpaalam na siya pati kay Travis atsaka umalis.
"I don't know how would I say to Travis what happened to his parents, Tracy." Mahina niyang sabi matapos ang ilang minuto.
"Anong ibig mong sabihin? Ano ba ang nangyari?" Bulong kong tanong.
"They killed them, Tracy. They killed them because they are different." Pagsalubong niya saaking mga mata.
"And now, I think they're on to me."
"They know? Did you transform?" Tanong ko.
"No. Yes. My eyes had changed."
"My eyes changed when they throw something on us, Tracy. I don't know. I think they are hunter."
"Cher." Wala sa sarili kong sabi.
"I think so. But why would they want Sam and the two girls?"
"Saan niyo ba sila nakita? Paano niyo sila nahanap?"
"Ano ba yung plano niyo?" Tanong ko ngunit hindi na siya sumagot dahil sa sakit ng kaniyang mga sugat.
"Hindi sila naghihilom agad."
"Kailangan mo ba ng dugo?"
"No." Madiin niyang sagot at naitapon ang hawak niyang ointment.
"Lumayo ka. Layo!" Malakas niyang sabi kaya ako mabilis na lumayo dahil sa takot.
"Kuya? Anong nangyayari sayo? Kuya?"
Dumaing siya at para akong nadudurog dahil sa sakit na kaniyang iniinda. Ang kaniyang mga ugat sa braso, leeg hanggang sa kaniyang pisngi ay nakalabas na at kulay itim.
"Get out! Please!"
Sa taranta ko ay tumakbo ako papunta sa aking cellphone upang tawagan si Doc.
"Kuya!" Tawag ko nang tumakbo sakaniya si Travis upang pigilan ngunit sinangga niya lamang ito't tumilapon at nawalan ng malay.
"Kuya?" Nanginginig kong tanong. Pagtingin niya saakin ay kulay pula na ang kaniyang mga mata at ang kaniyang mga pangil ay nakalabas na.
"Kuya. Kuya natatakot ako. Kuya."
Humakbang siya palapit saakin kaya ako umatras. Mahahawakan ko pa lang ang cellphone ko nang tumakbo siya papunta saakin atsaka ito tinapon sa kung saan.
"Kuya! Natatakot ako!" Sigaw ko.
Marahas niya akong hinila at isinandal saaming ref. Ang mahaba niyang kuko ay marahang gumagapang saaking balat samantalang siya ay patuloy sa pagamoy saakin -saaking dugo-.
"Please. I'm scared. You're scaring me, kuya." Halos walang boses nang lumabas saakin dahil sa takot.
Napatingin ako sa oitnment na nasa lapag. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya iyon nakuha ng atensyon ni kuya. Mabilis naman akong tumakas atsaka kinuha ang ointment.
"Kuya. Please."
Dahil parang walang epekto ang ointment sakaniya ay nagawa niya akong ikulong sakaniyang mga braso. Siya ngayon ay nasaaking likuran.
Halos mawalan ako ng hinga nang maramdaman ko ang hininga niya saaking leeg.
"K-kuya. Please. I am really scared." Pagiyak ko.
"Ate. Huwag mong hahayaang masugat ka." Ani ni Travis pagtayo niya. Nagbago na rin siya.
"Kuya. Look at me." Kuha niya ng atensyon ni kuya.
"You want blood? You crave blood?" Tanong niya atsaka sinugat ang kaniyang sariling braso. Lumuwag ang pagkakahawak saakin ni kuya at nakita ko na lamang ang sarili kong tumama ng malakas sa pader pagkatapos niya akong itapon na para lamang bagay.
Umiikot ang paningin ko at sobrang bigat ng aking ulo dahil sa pagkakatama ko. Pinilit kong tumayo atsaka kumuha ng suporta
Napahawak ako saaking ulo at nakaramdam ng basa. Pagtingin ko dito ay para akong matutumba.
"Blood."
Silang dalawa ay tuluyan ng nakaharap saakin. Unang sumugod si Travis ngunit agad siyang hinila ni kuya atsaka tinapon sa kung saan at nawalan ulit ito ng malay.
"Please. Kuya. If you're still there, please stop."
Nakakita ako ng kawali -yung kawaling sobrang kapal kaya hindi namin halos gamitin dahil kumakain ng oras para ito ay mapainit lang-. Sa bawat hakbang na ginagawa niya palapit saakin ay ganon rin ang ginagawa ko palapit sa kawali.
"Kuya. You're not like this. Kontrolin mo. Kuya, please, kontrolin mo."
Naging mabilis ang pangyayari at nandito na ako ngayon saaking silid habang hawak ang makapal na kawali. Si kuya naman ay pilit na binubuksan ang aking pinto.
"Hindi kita kayang saktan, kuya."
Tumigil ang pagbukas niya ng pinto. Ilang segundo pa ay mabilis niya itong nasira. Kinuha ko naman yun upang itama ang kawali sakaniyang ulo habang nakapikit.
"Sorry. Sorry, kuya. Sorry talaga." Wika ko habang nakahiga siya sa sahig at walang malay.
.
"I want water, Tracy. I'm thirsty." Nanghihina niyang wika.
Kaninang wala pa siyang malay ay pinosas ko siya katulad ni Travis. Lahat na ng posas na makita ko ay ginamit ko na sakanilang dalawa. Pati tali ay ginamit ko na rin para makasigurado.
Pagkuha ko ng tubig ay maingat ko siyang pinainom dahil nanginginig ang aking kamay.
"Thanks." Aniya.
Lumabas ako at sa sofa na lamang umiyak. Hindi ko namalayang nakahiga na ako hanggang sa ako'y tuluyan ng nakatulog.