Parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sakit.
Naramdaman ko naman na parang lumilindol at parang napakahangin.
Pagbukas ko ng aking mga mata ay bumungad saakin ang mataas na puno. Halos hindi ako makatayo at parang gusto ko na lang dito saaking pwesto.
Butas butas, napakarumi, at medyo basa ang aking kasuotan. Ang dami ring dahon saaking buhok kasama ng ibang maliit na kahoy galing sa puno.
"Nasaan ako?"
Nakaramdam ulit ako ng parang lumilindol, pero alam kong parang isa lamang iyong imahinasyon. Para akong masusuka dahil sa pagkakahilo.
"Anong nangyari? Nasaan ako? Bakit ako nandito?"
"My. Dy. Please, kailangan ko kayo." Bulong ko sa hangin.
"Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung anong nangyari."
Nakarinig ako ng malakas na ungol at malakas ang loob kong ang trio iyon.
"Mommy! Nandito sila." Masaya kong sabi sa hangin at sinundan ang pinanggagalingan ng ungol.
"I don't have weakness." Sabi ni mommy.
Hindi ko makita kung sino yung kausap nila dahil natatakpan ito ng puno. Ang trio naman ay nasa likuran ni mommy.
"I will find. I will definitely find your weakness, and you will no have any other choice but to bow down to me."
"Bow down your ass. How could I bow down to you? You're just a pathetic, naive, and coward little shit."
"And I don't bow down to anyone." Dagdag nila.
"Let's just see." Ani ng lalaki.
Ilang momento pa ay parang may kakaiba kay mommy. Para siyang may nararamdamang kakaiba.
"My?"
"Trac- anong ginagawa mo dito?" Mabilis nilang paglapit saakin.
"What happened to you? Bakit ka nagkaganito? Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang kapatid mo?"
"Hindi ko po alam." Tugon ko ngunit napatingin nanaman sila sa paligid.
"There's something wrong. We need to find your brother." Anila.
Habang nasa himpapawid kami ay parang naririnig ko ang boses ni kuya. Hindi ko alam kung sa isip ko ba ito o hindi.
"Mom!" Sigaw niya ulit.
"My. Naririnig niyo ba iyon?"
"Yes." Tipid nilang sagot atsaka kinausap ang leon.
"Take us there, please."
"Mom!" Sigaw niya ulit. Lumilinaw na ito.
"Mom, i'm in pain! Mom!"
Pinunas ko ang aking luha dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit nito. Hindi ko na alam kung saan ba ito nanggagaling dahil sa sakit.
"Mom, i'm in pain!" Pag iyak niya.
"Mom! I'm in pain!" Aniya ulit habang umiiyak.
Nakita ko siya sa ilalim ng puno -para itong naging kweba- at agad sinabi kay mommy. Hindi pa nakakalapag ang trio ay tumalon na si mommy atsaka mabilis na nagtungo kay kuya. Sinamahan naman ako ni Miro upang makababa.
"Mom." Pag iyak niya habang nakayakap sakaniya si mommy.
"Shhhh. I'm here baby. I'm here."
"It hurts, mom. Mom, it hurts." Aniya habang umiiyak. Napaiyak na ako ng tuluyan at hindi ko na ito mapigilan nang makita kung paano siya nasasaktan sa tuwing lumalabas ang itim na ugat sakaniyang katawan.
Pulang pula na ang mata niya dahil sakaniyang pagiyak.
"It hurts. Ahhh!" Sigaw niya ulit. Si mommy ay patuloy lang sa pagyakap sakaniya at pagpapatahan.
"Drink, baby. Come on."
"It hurts, mom. It hur- ahhh!"
"Drink. You need to drink." Madiin nilang sabi kaya na ito sinunod ni kuya.
"Mom. It really..." pagdaing niya.
"Hurts."
"Come on. Let's get out of here."
Nauna akong umakyat sa likuran ng tatlo atsaka sumunod sila mommy. Patuloy sa pagdaing si kuya, si mommy naman ay hindi na siya bitiwan sa pagkakayakap upang hindi siya malaglag.
"Humawak kang maigi." Anila saakin kaya rin ako humawak.
"Let's get out of here."
"Saan po tayo pupunta my?" Tanong ko nang mapansing hindi na nagiging pamilyar saakin ang paligid.
"Home. We're going home, baby."
"But... may exam po kami. Hindi po kami makakapag-"
"Enough talking. We are going home." Maawtoridad nilang tono kaya ako nanahimik.
Mas tumataas na ang paglipad ng tatlo at hindi ko na masyadong makita ang lupa o kahit puno sa ibaba.
"Matagal pa po ba tayo?" Tanong ko ngunit hindi nila ako sinagot.
"Nasaan na po si daddy?"
"Bakit po pala kayo nando-"
"Tracy." Makahulugan nilang sambit kaya na ako nanahimik.
"Sorry po."
Nabalot kami ng nakakasilaw na liwanag kaya ako napapikit ng madiin. Naramdaman kong para kaming lumusot sa isang bagay. Naramdaman ko ring parang bumilis ang paglipad namin, ngunit ilang minuto pa ay bumalik ito sa dati.
"Trio. They can't see them. Lay low." Ani ni mommy pagbukas ng aking mga mata.
"I don't know. But as long as they're here, I will be at ease." Wika nila.
"No. I know they won't do that."
"Yes. Jack and I know that either. But this isn't the right time to announce it. Look what just happened to my son."
"At least they have him."
"Iyon ang alam ng mga nandito. Even if i'm against on it, that's the better idea I have, Ellios."
Nasalubong ko ang mata nila na parang may ibig sabihin ngunit hindi ko mabasa.
"I can't, Sab. I can't."
"You three knows how close they are to him."
"Just not now. This isn't the right time. But, as you've said, that will soon be revealed, but not now. "
Pagkababa namin ay sinamahan ko si mommy na alalayan si kuya papasok sa kastilyo.
"You're majesty- mom." Bati ni mommy kay lola.
"What happened? What is going on? Who've done this to my grandson?"
"I don't know yet, mom. Please, help him. I have unfinished business to do."
"Tala. Does he know?" Pagtigil nila kay mommy nang aalis na sana sila.
"Not yet mom. But as possible as we can, you all can, don't let this news to get him. He have many duties to do, mother, we know that. We can't add more problem onto him."
"I understand, Tala. Sige na. Mag iingat ka. They'll be safe here."
"Thank you." Sambit nila atsaka na umalis matapos kaming halikan sa noo ni kuya.
"Yes. And salvage all the weapons left at the west. Make sure that it's safe. Magpadala kayo ng mga kawal." Rinig naming wika ni tito Hiro.
"Mom- Tracy? What are you- Jackson? What happened to him?" Nagaalala nilang tanong at mabilis na nilapitan si kuya na hawak ni lola.
"Dinala sila dito ni Tala. Get him in his room, please."
Binuhat siya ni tito atsaka dinala sakaniyang silid. Si lola naman ay inaya akong magpunta sa kusina.
"I miss you so much, Tracy. Halika nga dito."
"Ano pong nangyayari? Bakit nandoon po si mommy sa mundo ng mga tao?" Tanong ko paghiwalay namin sa pagkakayakap.
"Ano pong nangyayari? Nagkakagulo po ba? Dahil saamin?" Malungkot kong tanong.
"No. Of course not, Tracy."
"You know, your mother is an Empress and your father is the true King, and they have many, many, many duties to do for us. For everybody here." Anila habang nakahawak saaking pisngi.
"You're so beautiful. You have your mother's eyes, and father's hair."
Napangiti naman ako dahil dito.
"Kamusta kayo? Kamusta ang pag aaral doon?" Pagiiba nila pagabot nila ng juice saakin.
"Ayos naman po. May mga kaibigan kami, si Patricia, si Willow at si Sam. Ang babait po nila. Palagi nga po namin silang kasama."
"Talaga?"
"Opo. Minsan nga po..." tumigil ako atsaka bumulong sakanila.
"Doon po natutulog si Sam." Aniko kaya natawa si lola.
"Saan? Kaninong kwarto?"
"Sayo? Hmmm?" Pagsingkit ng mata nila na parang nagdududa.
"Hindi po. Sa sofa pa. Minsan naman po, sa kwarto ni kuya."
"Ahhh."
"Tapos alam niyo po ba, nagsosolve kami ng mga kaso. Ang dami dami na po naming nasolve na magkakaibigan."
"Tapos po, alam niyo po bang may mga katulad pala si kuya doon. Hindi bampira, mga werewolves. Ang akala po namin tao lang ang mga nandoon, pero hindi po pala."
"Ganon ba?"
"Yung kuya mo? Bakit siya nagkaganon? Anong nangyari?"
"Ahhmm.... wag niyo pong sabihin kay mommy, lola. Baka pagalitan po kasi kami, lalo na po si kuya."
"Bakit? Anong nangyari?" Nagaalala nilang tanong.
"Kasi po, lola, si Sam, yung isa naming kaibigan, nakuha ng bad guys. Tapos si kuya tas Wil po ang bumawi sakaniya sa mga bad guys, pero pagdating nila saamin ganiyan na po ang nangyari kay kuya."
"Sabi nila, sabi rin ni Doc, ibang klase raw yung ginamit sakaniyang espada o palaso. Hindi namin alam kung paano namin siya gagamutin."
"Dapat sinabi mo agad, Tracy. Baka kung anong mangyaring masama sa kuya mo. Halika." Nagmamadali nilang sabi atsaka mabilis nagpunta sa labas kung nasaan si tito Jasper.
"Ohh. Tracy. Nandito na pala kayo. Kailan pa?" Tanong nila pagyakap saakin.
"Bakit ganon? Hindi ka pa rin tumatangkad? Atsaka, bakit ganito ang itsura mo? Para kang nakipag away sa mga unggoy." Pagtawa nila.
"Nasaan pala ang kuya mo?"
"Jasper " tawag sakanila ni lola.
"Yes, your majesty?"
"Tawagin mo si Gerald, o si Sandra, o si Amara, o kahit sino sakanila. Ngayon na."
Hindi na nagtanong si tito at mabilis nang umalis.
"Okay. Tracy, let's clean you up first. Gusto mo bang maligo muna doon?" Natatawa nilang tanong.
"Sige po."