Chapter 10 - THE KILLER MIGHT BE KILLERS

2339 Words
"Sige na po, tita." "No. Ano ba ang nasa isip niyong mga bata kayo? Ang babata niyo pa at magpupunta kayo doon? You're not even a detective or some part of fbi to do that." "Ma, sige na." Pagpilit din ni Pat. "No." Madiin nilang sagot. Nakailang pilit pa kami ngunit wala talaga. Nagpaalam na sila atsaka umalis upang ayusin ang mga kailangan nilang ayusin sabi nila. "What should we do now?" Tanong ko. "Wala naman na tayong kilalang makakatulong saatin para makapasok sa ospital." Pagupo ni Wil kasabay ni Pat. "No. We have. We have!" Malakas na sabi ni Sam matapos ang ilang saglit atsaka agad na lumabas kaya kami naguguluhang sumunod. "Let's go. What are you guys waiting for?" Tanong niya saamin habang nakasakay na sakaniyang kotse. "Ahhh... where are you going?" Tanong ni Pat. "To Doc. She can help us." "She's a physician, Sam. Diba, kaya nga siya nagpatayo ng sarili niyang clinic dahil sa sarili niyang rason?" Wika ni Wil. "So you guys aren't coming?" Tanong niya saamin ngunit wala agad saaming sumagot. "Let's give it a try." Pagsakay ko sakaniyang kotse. "Hindi kayo pupunta?" Tanong niya ulit. "We don't have a choice. Let's go." Pagirap ni Pat atsaka na rin sumakay. "Thank you." Madiin niyang sambit pagsakay nila atsaka na pinaandar ang kaniyang sasakyan. Kotse niya na lang ang ginamit namin para mas mapadali at sabay-sabay kaming makapunta sa clinic. Pagkarating namin ay naabutan namin silang nagaayos ng kanilang halaman sa harapan. "Anong sadya niyo dito?" Ngiti nilang tanong saamin habang patuloy sa ginagawa. "Hello. Nandito kami para sa-" "We came here to ask for your help to take us to the morgue." Pagputol at diretsong sabi ni kuya. "Can you just not be a straight-forward? I'm asking nicely here." Wika ni Sam kay kuya ngunit tinaasan lang siya nito ng kilay atsaka tamad na pinagkrus ang mga braso. "So.... what are you going to do there?" Pagtawa ni Doc. "Marami na pong mga-" "May gusto lang po kaming malaman. At para po magawa iyon ay kailangan naming magpunta doon." Pagputol din ni Wil kay Sam kaya siya umirap at halatang naiirita na. "I did not expect that. Let's go in, shall we? Doon natin ituloy ang usapan natin." Anila na may matamis na ngiti. Nagpahuli naman si Sam dahil alam kong naiirita siya sa ginawa nila kuya at Wil. Ilan pang minuto ang lumipas sa pakikipag usap nila Wil kay Doc nang makumbinsi nila siya, ngunit kapalit nito ang paglilinis namin sakaniyang clinic. Sa loob at labas ng kaniyang clinic. Nakarating kami sa ospital at may mga ilang binabati pa siya kahit hindi siya nakasuot ng puting gown na pang doktor. May mga ilang hindi siya pinapansin dahil siguro ay mga bago sila. Pumasok kami sa elevator at dumiretso sa morgue. "Name?" Tanong nila. "Fort. Aldrin, Roxette and a kid whose surname is also Fort." "Family?" Halos gulat na tanong nila atsaka tumango tango. Hinanap niya ang mga ito at nang nakita ay binuksan niya ang metal na kinaroroonan ng mga bangkay. "Are you sure you can do this?" Nag aalala nilang tanong saamin. "You got 2 minutes. Hindi kayo pwedeng magtagal dito. Hindi tayo pwedeng magtagal dito." Sabi nila atsaka lumayo saamin. Pagalis ni Wil ng puting tela ay bumungad saamin ang katawan ni miss Roxette. "Wait. You guys need to use gloves." "For what?" Tanong ko kay Wil. "For our safety. Their case is not yet solved." Pag abot niya saamin ni Sam ng tag isang piraso ng gloves ay sabay naming tinignan ang sugat sa gilid ng ulo ni miss Roxette. Tinignan din namin ang kaniyang ngipin kung may pangil ba siya ngunit wala. Sinunod namin ang kaniyang kuko, pero wala rin. "How about sir Aldrin?" Tanong ni Pat. "We might gonna- Okay. Let's see what we got here." Halos masuka kami pagbukas namin ni Sam ng tela. Hindi maganda at hindi ko alam kung pangit pa ba ang magandang gamitin sa aming naaamoy ngayon. Mabilis naming itong sinarado atsaka binalik sa loob. "His son is quite better." Aniko kaya sila tumango. Pagbukas namin ay putlang putla ang kaniyang katawan at iba sa kulay ng kaniyang ina. Halatang namatay siya sa pagkakalunod. Katulad kanina ay tinignan din namin ito ngunit wala. Wala kahit anong bahid ng hindi tao. "They're human, Sam." Wika ko sakaniya. "No. They... They must've.... They-" "Hey. It's okay. We need to go. Probably this matter is really beyond us. We're just a teenager, Sam. We should reviewing for the upcoming examinations not doing this." Sabi ni Wil. "But I-" "Time's up. We need to go. Nanjan na sila." Sambit ni Doc kaya namin agad inayos ang mga ito atsaka nagmadaling lumabas. Pagkarating namin saaming tirahan ay nagbihis na ako at nagumpisa nang magbasa para sa exam next week. Kahit anong pilit kong pagsantabi sa mga nangyayari ay pilit itong sumasagi saaking isipan. "Why don't you take some sleep. You're mind is so loud. I can't even sleep." Halos matumba ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang biglang magsalita si kuya sa pintuan. Naka krus ang mga braso niya habang nakasandal pader. Halata rin ang pagkaantok sakaniyang mga mata. But there's wrong on him. I can't pin-point it but I know there's something wrong. "You can't sleep? Bakit?" "I told you already. Pati ba naman sa isipan mo, ang dadal mo pa rin?" "I can't stop thinking." Pagyuko ko. "You can. Go to sleep." Aniya atsaka na lumabas nang hindi sinasarado ang aking pintuan. "I hate you!" "I hate you more. Now, go to sleep." Ilang oras pa ang lumipas ngunit hindi talaga ako makatulog. Nagpunta ako sa labas upang uminom ng tubig ngunit may naramdaman akong kakaiba sa labas. Humugot ako ng kung ano atsaka ito mahigpit na hinawakan. Sumilip muna ako sa bintana bago nagpunta sa labas. May kakaiba sa kakahuyan at hindi ko alam kung bakit ko nararamdamang may hindi magandang mangyayari. Mabilis akong pumasok sa loob atsaka ito agad sinarado at nagpunta saaking kwarto upang magtago. Nakarinig ako ng kalabog sa kwarto ni kuya ngunit hindi ko alam kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Ilang minuto pa ang lumipas nang pinili ko na lang na puntahan siya. Maayos pa rin siyang nakahiga sakaniyang kama habang natutulog. Nanginginig akong sumilip sa bintana at tinignan ang paligid. "Ahhhh!!" Sigaw ko at napaupo. "Shhhhh" "Open the window. Now." Pigil na paglakas ng boses niya. "Anong ginagawa mo dito." Tanong ko. "You are not going to believe what I just saw." Aniya nang maisarado niya ang bintana. "Okay, okay. Calm down." Aniko. "What happened?" "I was at the gas station, right? I was there. And I saw Beth got killed." Mabilis at mahina niyang sabi. Habol niya rin ang kaniyang hininga. "And then? Where's your car?" "Still at the gas station. Hindi ko sasakyan yung ginamit ko para makatakas." "Takas? Kanino? Nakita ka nila?" "Sort of. But they didn't saw my face." "Who killed Beth? Bakit ka nandito?" "I don't know. I came here because this is the only place that is in my mind." Wika niya na parang kinakabahan dahil tingin siya ng tingin sa labas. "Nasaan na yung sasakyan na ginamit mo papunta dito?" "Sa malayo. Iniwanan ko doon at tumakbo papunta dito." Sagot niya. He's shaking. "Hey look at me. You need to calm down." "No. I think I get it. I think I get it." Usal niya. "Look. This case is not just any case we've got into. This is different, Lauren. This is different." "What do you mean "Different"? Is it because this case involves wolves? Vampires?" "Exactly." Sagot niya agad. "I think I heard them says about the contract. They said it to Beth before they shot her." "Where is she?" "Dead. They shot her on her head. Three times, Lauren. Tatlong beses." Aniya habang nakataas ang tatlo niyang daliri. "Ibig sabihin nito ay sinigurado nilang patay na talaga siya." "Why would they do that? Nakita mo ba yung mukha nila?" "No. Madilim na at naka hood sila. Parang sanay na sanay na sila dahil sa mga galaw nila." "What did they use? A gun?" "Yes. And they are not the one who killed the freshmen in the library, if that's what your thought. But they might ordered it to somebody, just like Beth." "Then maybe, just maybe, the one who killed the freshman is the one who also killed the CDD girl." Aniko "Yes. But remember what Wil said. "The killer might be killers. Plural." So maybe it's different." "Different, but there's a possibility that they have the same goal -to kill those different like Ken." "But there is also a possibility that it's not the same case as the case of the freshman in the library and sir Aldrin's." Sagot niya. "As Wil have said, maybe it's plural. Maybe it all differ from each other and we might be confused because it is quite confusing." "Ano ba ang kailangan nila? Sir Aldrin and his family is human. Mere human, Sam." "Hindi ko alam. This is a lot complicated than I thought." "Then what are we gonna do? Give it to the cops?" "No. I don't think they'll understand this. Hindi nila alam ang mga katulad niya." Tukoy niya kay kuya na....... natutulog pa rin? "Wait. Halika." Pagtawag ko sakaniya atsaka nilapitan si kuya. Hinawakan ko ang kaniyang katawan at sobrang lamig na nito. Putlang putla siya na parang wala ng dugong dumadaloy sakaniyang katawan. "He needs blood, Sam. Ilang araw na siyang hindi umiinom?" Tanong ko. "I don't know. Kahapon lang yata?" "He needs blood." Madiin kong sabi. Pagtayo niya ay agad rin siyang napayuko nang tumama ang palaso sa bintana ni kuya. Hindi ito nabasag ngunit nakalusot ang kalahati nito. "Duck." Pigil kong sigaw atsaka hinarangan si kuya. "What are we gonna do?" "Let's get out here." "How?" Tanong ko. "Sira na ba ang-.. Ano ba ang iniisi-... Baka mapano ka." Madiin kong sabi ngunit hindi siya nakikinig at tuloy tuloy lang siyang lumapit sa bintana upang sumilip. "There's nothing there. Sa tingin ko ay hindi talaga para saatin ang palasong ito." Mahina niyang sabi kaya kami nagkatinginan. "Are you thinking what i'm thinking?" Tanong niya. "Yes." Tugon ko. "Siguro ay ligaw na palaso lang ang tumama sa freshman." "At ang pumatay talaga sakaniya ay yung bala sa noo niya." Dagdag ko. ... Pagpasok namin ay nagkita-kita kami sa cafeteria. Pagkaupo namin sa lamesa ay napatingin ako kay Love -ang mayor namin saaming seksyon. Siya rin ang Governor sa Supreme Student Government o SSG- na nakikipag usap sa kasama niya sa SSG. Nakita ko rin si Wil na padiretso na sana saamin ngunit tinawag siya ni Love. "Willow." "Yes, Love?" Sagot niya agad na nagpabigla kay Love at saamin. "Oh, I'm sorry. Yes, L?" Pagtama niya at pilit na pinipigilan ang sariling matawa dahil sa kahihiyan. "Lahat ng mayors ay magpupunta sa office mamaya. Kakausapin tayong lahat ni Sir Menor. Pakisabi na lang din sa ibang mayors na makita mo." "Okay." Si sir Menor ang nagha-handle ng mga mayors at ng SSG. Sila rin ang nagma-manage ng programs pag may programs man na gaganapin dito sa school. Paglapit niya ay nagtawanan kami. Inasar asar pa siya ni Sam dahil sa kahihiyang ginawa niya. "L?" Tawag ni sir Ranj kay Love. "Yes, sir Ranj?" "Sir Menor couldn't meet you and other mayors." "Bakit po?" "I still don't know. But if I know, i'll update you. Pakisabi na lang sa ibang mayors, alright?" "Yes sir." Tipid na sagot ni Love atsaka na sila umalis. "Mayor ka pala? Akala ko si Luke?" Tanong ko. "Yon? Paano magiging mayor 'yon eh puro blanko ang attendance." "Ay, hala? Anong nangyari sakaniya? Siya pero yung mayor niyo dati?" Tanong ni Pat. "Dati yun." "Yung tungkol pala sa nakaraang gabi? Yung babae? Any details?" Pag iiba ko. "Ahh. Tinitignan ko pa yung jersey na nakita sa crime scene. But you know what guys, there's something off." "What do you mean? Where?" Tanong ni Pat. "Kasi yung jersey ay taong 2019 pa. The recent design of that jersey has a big eagle printed in front. Yung dati, yung jersey noong 2019 ay maliit lang at nasa kaliwang dibdib ito nakalagay." "The same color, the same designs, the same styles, but different size of the print." He said. "Then what the hell is that jersey doing in the crime scene? Does it been there when the crime was taken place?" Pat asked. "I wish yes. But no. Kasi nung tinignan ko yung damit, medyo malinis pa siya. Mas malinis kung ikukumpara sa sinasabi nating nandoon na iyon bago pa mangyari yung krimen." "Sa tingin niyo, yung nakita nating dalawang nilalang na nahagip ng kamera ang may gawa sa babae?" Tanong ko. "There's a high possibility when I allow myself to mix things up. Tandaan natin na hindi porket may halong katulad ni Ken sa kaso nila sir Aldrin o sa mga krimeng nangyayari dito ay iisipin na nating pareho lang din ang may gawa sa babae." "Hindi pa nga natin alam kung totoo ba ang hinala nating katulad ni Ken ang gumagawa ng mga ganito." Aniya. "Iba-iba sila... siguro. Pero wag nating hayaan yung sarili nating paghalu-haluin ang mga ito sa dahilang wala na tayong maisip na paraan para masarado ang kaso." "But there's a high possibility, Sam." Aniko. "Think about it. Is it just a coincidence?" "There's a possibility, yes indeed, Lauren. Pero malay nating dahil lang ito sa liwanag ng mga ilaw nila? Pwede naman iyon, diba? Pwede ring nagmukha lang na may taong nakatayo doon-" bigla siyang tumigil at alam kong tumaas din ang kaniyang balahibo gaya ko. "Even so. Nakakakilabot yung nakita natin." Aniko. "Sige. Sabihin na nating wala yung nahagip ng kamera. Sino sa tingin niyo ang may gawa? Why is our school is involved with that crime?" Tanong ko. "Atsaka bakit ang estudyante sa kabilang eskwelahan?" Tanong ni Pat ngunit walang makasagot saaming lahat. "Atsaka, Sam, isipin mo na lang yung nangyari kagabi." Aniko sakaniya kaya siya hindi nakasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD