Chapter 9 - WHO AND WHY

2433 Words
Pagpasok namin sa eskwelahan ay usap-usapan ang mga nangyari kahapon. "Hey. Yung nalaglag daw sa rooftop ay isang swimmer." Ani ni Wil paglapit niya sa lamesa namin nila Pat. "I think I get it." Pag ayos ng upo ni Sam. "Yung lalaking nakakita nung bangkay ng bata noong nakaraang araw ay sa tingin ko'y nakasaksi sa buong pangyayari. Nagpunta kasi ako sa police station kanina lang. Tapos sa pagoobserba ko habang tinatanong siya ay napansin kong hindi siya mapakali. Parang takot na takot at pinagpapawisan din siya. Though he said he just got out in the shower, but I don't think so." "Why's he there?" Tanong ni Pat. "Usapan nila. Kasi nung nangyari yung insidente, diba pinaalis din siya agad kasi nahimata- oww, I see. Wala na pala kayo non. Nahimatay siya at kalalabas niya lang kahapon sa ospital ng tanghali. Sabi rin ng magulang niya ay bukas na lang, which means ngayon siya kakausapin para mabigyan siya ng kaunting panahon kasi alam mo na... shock daw." Paliwanag ni Wil. "Doon naman sa kabilang nangyari. Yung babaeng swimmer na "nalaglag sa rooftop" ay may mga finger prints na nakuha sakaniyang katawan. Ibig lang nitong sabihin na tinulak o nakipag away muna siya kay Beth bago siya nito itulak." Diretsong sabi ni Sam na para talagang buo na ang kaniyang loob kung sino ang pumatay. "If Beth did really done those, who killed the freshmen in the library? Who killed professor Aldrin?" "Atsaka anong dahilan at pinatay pati yung estudyante sa library? At bakit ganon ang pagpatay kay sir Aldrin? Masyadong brutal." Dagdag ni Wil sa sinabi ni kuya. "I think whoever is the real killer, they want the wallet, Sam." Sambit ni Pat sakaniya. "I don't believe that it is just all about the check, guys. One million pesos isn't enough for the lives that had been lost." Sabi ni Sam. "Then we should get Beth, the volleyball player and the swimmer first before we get the librarian. Baka kasi alam niya kung sino ang pumatay kay sir aldrin... o kung siya ba ang pumatay dito." "Wil. Why don't you use your skills in pranking to get them?" Tanong ni kuya. "I think that's a ridiculous yet good idea." Sabi naman ni Sam atsaka tumawa habang hinampas ng saglit ang balikat ni kuya. "Only half of it is my idea. Kasama ko pa nga minsan si Pat doon. Sam's ideas are majority." "Even so. It's just my suggestion." "Then we should do it after class." Wika niya. "We'll need to record it. Means we need someone who'll talk to them." Dagdag niya. "Yes. Tatawagan ko rin si mama para malaman nila." "What? No. Paano kung dumating sila agad? Sira ang plano." "No. We can't and we will never gonna use our evidence even if it has a major data in it, specially the record one if we don't inform or announce to them what our plan is." "Paano mo nasabi?" Tanong ni Pat. "I've read it somewhere. Rules in law, I think? I don't know." "Then what will you do when they don't allow us? Paano kung hindi sila lahat papayag? Paano kung isipin nila na mga dalaga't binata lang tayo?" Tanong ni Wil. "Makikinig sila. Nakatapos naman na tayo ng ibang mga kaso, diba?" "Pero maraming naging aberya at maraming nadamay." Aniko. "Basta. Makikinig sila." Balik niya. Bigla naman akong may naisip. "But guys. Listen. Paano kung yung pumatay sa anak ni sir Aldrin ay yung babaeng nalaglag sa rooftop?" Tanong ko na nagpatahimik saaming lahat. "Oh no. We have a recitation, right?" Biglang tanong ni Pat saakin matapos ang ilang minutong katahimikan. "Mag mememorize pa kami. Sige. Mauna na kami." Pag-alis namin ay nagpunta kami sa field kung saan kakaunti lang ang mga tao. Maganda rin ang panahon at walang araw kaya hindi mainit. Makalipas ang ilang oras ay halos kabisado ko na ang mga ito. I don't know if I got this skill to mommy or daddy... or it's just me. It is my skill? I don't even know. "Are you done? Nakabisado mo na lahat?" Hindi makapaniwalang tanong ni Pat. In our 2 years of friendship, I know her strengths and weaknesses in terms of academics. Silang apat ay nakabisado ko na. One of her weaknesses is memorization. But she's good in drawing. She's the artistic one in our circle of friends. Si Wil naman ay sa impromptu, especially when under preassure. Si kuya naman ay sa paglilead din katulad ni Wil, pero mas nag eexcel siya pag mag isa o dalawa lang sila ng kasama niya. Kuya can lead well but Wil is a little better because he's open to socializing and communicating. Masyado kasing mabilis uminit ang ulo ni kuya sa mga bagay-bagay, especially when you didn't meet or even get close to his standard. Nasabi saakin ni daddy, kahit sila tito Gerald, tito Valentine at tito Jasper ay nasabi saakin na nakuha niya ang ugaling iyon kay mommy. Apparently, it is. Sam is the witty one in our group. He is full of ideas but he can't lead. Nasabi niya na rin saamin na hanggang assistant leader lang siya. He doesn't quite good in working under preassure but it's doable for him. And me, I just know that I am better on thinking than using my physical strength. Nabanggit din saakin ni daddy na ibigay ko na lang daw ang pakikipag laban o kahit anong gumagamit ng sobrang lakas ng katawan kay kuya. "Yes." Tugon ko. "I still can't memorize even half of this." "Tulungan kita." Aniko kaya siya napangiti. Pumasok na kami sa klase matapos ang ilan pang oras na pagtulong ko sakaniya. Nang natapos kami ay pinaalis na kami dahil yun lang daw ang gagawin namin sa araw na ito. Kahit papano'y nakatulong ang pagtulong ko kay Pat at nalampasan namin ito ng hindi bumabagsak. Nandito na kami ngayon sa field at pinapanood siyang maglaro. "Mabuti na lang ay maaga tayong pinaalis ni coach Ches kanina. Gustong gusto mo na talagang umalis kaya mo sineryoso ahh." Pagbiro ko kay Sam. "Yes. Mabuti na lang talaga. Gusto ko na kasing isipin itong kaso." Sagot niya. Humarap siya kay kuya sakaniyang kanan upang kausapin tungkol sa kaso kaya ako humarap kay Wil. "May naisip ka na bang suspek sa pagpatay kay sir Aldrin? Doon sa freshmen sa library? Sigurado na kaya yung librarian lang ang pumatay? Sa tingin ko'y hindi lang siya." "Kasi may pumana sakaniya, means ang isa sa suspek ko ay ang manlalaro sa archery. Sa tingin mo, sino doon sa mga nakakasama mo?" "We're observing. Wala naman akong makitang kakaiba sa galaw ng mga nasa field namin." "Paano kung hindi siya sa field namin? Paano kung marunong lang talagang pumana ang tumira sakaniya?" "At sinong gagawa nun? May mga nakaalitan ba siya? May konekta kaya siya sa pamilya ni sir Aldrin?" Tanong ko. "I don't know yet. Tanong mo si Sam. Maybe you two can brainstorm and share your thoughts to us after." "Hindi pa nga din namin alam kung sino. That's why we're asking your insights or thoughts so that we can connect the shattered pieces." "Ewan. Yan pa lang ang alam ko." Sabi niya kaya ako humarap kay Sam na patuloy sa pangungulit kay kuya. Ilang segundo pa ay humarap din siya saakin. "I cannot jump into a conclusion because it's like there's some major parts that are missing." "Me too. How and who've done it to sir Aldrin? If it's Beth or the volleyball player, I am guessing it's not. If they've paid someone to do so, who and why? Like, why did they want him die that brutally? Because of the money? Because of their issue? Why his eight year old son? He's just a kid." "Yeah. And the one who killed the kid, I guess it's the one who have died from falling from rooftop after the volleyball player got "drowned", just like you said. Naisip ko rin ito, pero naunahan mo lang akong magsabi." "And the swimmer... the boy, he witnessed the scene." Dagdag niya "How about the freshmen in the library? You really think the librarian is the only one who killed him? How about miss Roxette?" Tanong ko. "What is in that wallet that they kill people just to get it? Is it because of the check?" "Obviously, yes. But if you think deeper, it might've been the other issue." "Aside from the check that is in the wallet and their issue about the mistress thing, what else can you think?" Tanong ko ulit. "Maybe it's not just the human that causes killing here." Singit ni kuya kaya kaming tatlo napaharap sakaniya. "What do you mean?" "I think he means there's another, other than human who is killing people." Sambit ko kaya siya tamad na tumango ng marahan. "What do you mean by that?" Si Wil naman ang nagtanong. "Ken, what do you mean by that?" Tanong niya kay kuya. "A wolf got into my room the other night. It just indicates that I am not the only living-different-creature here." Mahina niyang sabi. "Yeah. I agree. Sabi rin kasi ni Pat na yung lalaking namatay sa library ay hindi tao. She said she saw his eyes changed to green and goes back to its normal color." "Then why didn't you tell me?" Tanong ni Sam. "You didn't ask." "How could I ask if it doesn't even got into my mind? Hindi ko nga naisip na may iba pang katulad niya dito." "Malay ko bang hindi pala alien 'tong si Ken." Pagbiro niya kaya siya tinapunan ng masamang tingin ni kuya. "Kidding. It crossed my mind but I just neglected it. Argh... hindi ko na nga ulit gagawin yun. I'm such an idiot." Aniya atsaka natahimik ng ilang minuto. Ang inaasahan kong magpapatuloy na ito ay hindi nang magsalita siya bigla. "Guys, listen here. Believe it or not, I am guessing that these people who got killed is not just an ordinary human like us.. except for Ken." "Just like the killer?" Tanong ko at tinukoy ang sinabi kanina ni kuya. "But the killer might be killers. You know, plural." Ani ni Wil May punto naman siya doon. Maaring marami sila at hindi lang iisa ang pumapatay. "Because remember when the freshmen got killed in the library? You said that Pat claims that he isn't just an ordinary human. And when he got killed, blood everywhere, right? And Ken is a Vampire. It means he smells blood even from afar." "What I'm saying is he smells his blood that's why he had changed suddenly and tries to get inside where the blood is coming from without even knowing that there is a dead body inside, because we did not told him yet, right? And nobody except us knows there's a dead student." "And probably, the other thing why he'd changed suddenly is because it is different scent. Different from the blood of a human." Sabi niya na nagpatahimik saaming tatlo. Wala kaming masabi sa mga sinabi niya kasi may mga punto ito. "About what you guys have said, we still don't know who really is or are the killer...s so we don't know if they are humans or not." Sambit niya saamin. "For us to know the truth, let's go to morgue and see their bodies. We'll ask Pat's mother. Nurse naman ang mama niya, so we can ask her some help." Pagbalik niya sa sinasabi niya kanina. "It is just my conclusion." Pagtaas niya ng dalawa niyang kamay. "Why are we going there?" Tanong ko kaya niya ako tinignan ng hindi makapaniwala. "To take a group pic with the deads." Tugon niya kaya ko siya mabilis sinamaan ng tingin. "Of course to search some evidence or just some thing." Sabi niya. "We can't just go there without a purpose." Dagdag niya. "Okay, correction. Tita is a former nurse in hospital. She's a nurse in school now." "But still a nurse. May alam pa rin sila sa hospital. Pwede pa rin nila tayong mapasok doon." Sagot niya kay Wil. "Then, you think the one who killed sir Aldrin is not a human?" Tanong ko. "Probably." "Then how about miss Roxette?" Tanong din ni Wil. "Beth? We don't know yet that's why we need to go to the morgue. Let's find out if my conclusion is true." "What if it's not? You have some other conclusions?" Tanong ulit ni Wil. "Yeah. But don't wish for it." Seryosong sagot niya. ... Pagdating namin sa aming bahay ay gumawa ng juice si Pat. Nandito kaming lahat dahil ito ang napagusapan nilang lugar -dahil ito ay may maraming pwedeng kainin o inumin-. "Bukas na lang kaya tayo magpunta sa morgue?" Tanong ni Pat matapos siyang maupo. Nagkibit balikat naman ako nang hindi siya sinagot nila kuya at Wil. "Guys. Look here." Pag agaw ng atentsyon ni Sam saamin. "May nakitang bangkay malapit lang sa school natin. Sa tingin niyo, sino ito?" Tanong niya nang makaupo kasabay ko. Nainom muna siya ng juice atsaka tinuloy ang sinasabi. "Babae siya. They said she's about twenty to twenty-three years old." "So? Huwag muna natin iyan alalahanin. Isipin muna natin yung kaso nila sir Aldrin. Pati yung librarian nating nakatakas." Wika ko. "No." Bigla niyang sabi atsaka umayos ng upo. "May nakitang jersey shirt malapit sa bangkay niya. And guess what, it's from our school." "What the? Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko. "I don't know. I have many possibilities and theories running in my mind right now." "Wait. Pause it." Biglang sabi ni kuya kaya pinatigil agad ni Sam ang balita sa cellphone niya. "Look at these." Pagturo niya sa nahagip ng kamera. Hindi ito malinaw at hindi ko halos makita ang tinutukoy ni kuya ngunit nang inulit ulit niya ito ay saka namin ito nakita. May kulay puting pares ng mga mata sa madilim na kakahuyan at sa tabi nito ay parang may hubog ng taong naka tingin sa bangkay. Biglang tumaas ang mga balahibo ko kaya ako sumiksik sa pagitan nila Wil at kuya. "That's creepy." Sambit ni Pat atsaka rin tumabi kay Sam ngunit biglang sumiksik sa tabi ko si Sam kaya naiwanan si Pat. "Hoy!" Sigaw niya at mabilis ding sumiksik saamin. "Jersey lang ba yung nakita?" Tanong ko habang nakayakap sa braso ni Wil. Si Pat naman ay sa braso nila kuya at Sam. "Ayon sa balita, yun lang." "Nagaaral ba siya sa paaralan natin?" Tanong ni Wil kay Sam. "Hindi raw. Sa CDD daw siya nag aaral. College student." Tugon niya. "You think she isn't human just like the freshmen in library?" Tanong ko ngunit walang makasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD