Pagkatapos kong mag linis ng aking katawan ay pumasok ako sa silid ni kuya. Naabutan ko sila tita Amara doon kaya't lumabas na lang ulit ako, dahil sa tingin ko'y ginagamot si kuya.
"Tracy."
"Tito Hiro." Masaya kong bati atsaka sila niyakap.
"Who's your favorite tito?"
"Ahhmm... tito Hiro." Pag ngiti ko.
"Pero favorite ko rin po si tito Jasper."
"Isa lang. Sino saamin?"
"Kayo po." Sabi ko na nagpatawa sakanila.
"Want to play our game again?" Makahulugan nilang ngiti kaya ako biglang napangiti.
"Sige po. Sige po."
Paglabas namin sa kastilyo ay nagpunta ulit kami sa may tagong parte. Sumakay ako sa likod nila katulad ng dati atsaka na nila ginamit ang kanilang kapangyarihan.
Mabilis na nagdilim ang mga ulap at nagkaroon na bigla ng kulog at kidlat.
"Excited ka na?"
"Opo, opo, opo." Sagot ko habang nakatingin sa kidlat na papalapit saamin.
"3....2..."
"1" aniko at nakain na kami ng kidlat.
Paglabas namin ay nandito kami sa mataas na bundok na halos walang mga puno kaya kitang kita mo ang nasa ibaba.
"Nasaan na po yung dating nakatira dito?" Tanong ko.
"Umalis na sila. Lumipat."
"Bakit po?" Tanong ko ngunit nagkibit balikat sila.
"Siguro'y wala na silang mahanap na makakain malapit dito. Pwede ring nagsasawa na sila."
"Bakit kailangan nila umalis? Pwede naman po- Ahhhh!" Sigaw ko dahil patuloy ako sa paggulong pababa.
"Shit." Rinig kong sabi nila. Mabilis ang paggulong ko ngunit nagawa nila akong makuha agad bago ako malaglag sa bangin gamit ang bampirang kakayahan nila.
"Still clumsy, Tracy. Still clumsy."
"Nadulas ako. Hindi ko naman po alam na may kahoy doon sa paanan ko kaya ko naapakan."
"You sounded like your father when he have done something like this." Pagtawa nila.
Bigla silang natigil sa pagtawa nang mapansin ang sugat ko sa kamay. Naging pula ang kanilang mga mata ngunit pumikit sila ng ilang beses atsaka ito bumalik sa dati.
"Sabi nila ay nakuha ko ang abilidad ni mommy. Pero atraksyon sa dugo po ako."
"Oo." Anila habang tinitignan kung may galos pa ba ako.
"Paano niyo po nakokontrol yung sarili niyo?" Tanong ko na nagpatigil sakanila agad.
"I've learned it." Sagot nila matapos ang ilang segundo.
"Halika." Anila.
Paglabas namin sakanilang kidlat ay nandito na kami sa harapan ng punong may mga makikinang na bunga.
"Ano po ang mga iyan?"
"A cure for your wounds." Pagabot nila saakin nito.
"Kung umayos na ang kuya mo, siya naman ang isasama ko. Sayang lang at wala siya dito ngayon, imbes na tayong tatlo sana ang nandito."
"Pag nalaman niya ito, sigurado akong magagalit siya saatin." Pagtawa nila.
"Nawala na po yung sugat ko. Ang galing!"
"Ano? Saan mo gusto magpunta?"
"Gusto ko po sanang parang lumipad. Pwede po ba yun?"
"Lumipad?"
"Opo."
"May alam akong paraan, ngunit masyadong delikado para sayo, kaya't sa iba na lang."
"Ano po yun?"
"Do you trust me?"
"Opo. May tiwala ako sainyo." Nakangiti kong sabi. Sumakay ulit ako sa likuran nila at nagpakain sakanilang kidlat.
Pagmulat ng aking mga mata ay nasa tuktok kami ng isang punong napakataas habang ito ay hinahangin.
"Nakakatakot po, pero ang ganda. Para akong lumilipad."
"Tito." Pagkuha ko ng kanilang atensyon.
"Nasaan na po si tita Charlie?"
"I told her to choose them." Tipid nilang sagot na nagpakunot saaking noo.
"Choose them? Ano po ang ibig niyong sabihin?"
"You know, Tracy, sometimes you need to choose what is best for the majority. Even if it might hurt you, or even people whom you share a great memories and invest with don't trust you anymore, if you know it would be best for the majority, do it." Sambit nila.
"Because that's the king should supposed to do." Dagdag nila.
Kahit naguguluhan ako ay sumisikip ang aking dibdib.
"Hindi ko man po gaano naintindihan ang ibig niyong sabihin, nandito lang po ako. Hindi ko po kayo iiwan, tito." Aniko atsaka sila niyakap.
"Thank you, Tracy. But you should watch your words."
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Ang ibig kong sabihin ay hindi ka dapat basta basta nagbibitaw ng mga salita."
"Huh? Totoo naman po kasi ang sinabi ko. Hindi ko po kayo iiwan."
"But you just did. Noong nagpunta kayo sa mundo ng mga tao. Iniwanan mo ako." Anila kaya hindi ako nakasagot.
"Kidding." Pagtawa nila.
"Eh? Iba naman po kasi yun. Alam niyo naman po kasi ang ibig kong sabihin."
"Oo. I'm just kidding."
"Halika at buma-"
"Wala po ba kayong balak mag pamilya, tito?" Putol ko sakanila.
"Hindi dapat nagtatanong ng ganiyan ang isang katulad mo." Bahagya nilang pagtawa.
"But you said I am your best niece. Atsaka napagusapan naman na po natin dati na ginusto ko naman pong makinig sainyo."
"Yes. But you're still young, Tracy."
"I'm not, tito."
"You and your brother is still a kid into my eyes."
"Sige na po kasi. Ang daya niyo. Naumpisahan niyo na eh. Ituloy niyo na po, sige na po, please. Makikinig po ako, promise." Wika ko kaya sila natawa.
"Wala po ba?" Tanong ko.
"Siguro. Wala pa sa isip ko, Tracy."
"Hindi po ba kayo nalulungkot? Sila tito Gerald, tito Valentine, tito Jasper ay may mga girlfriend na o alam nating makakasama rin nila sa dulo."
"Kinukumpara mo na ako sakanila?"
"Hindi po, hindi po. Hindi po iyon ang ibig kong sabihin." Aniko agad.
"Gusto mong makarinig ng sekreto?"
"Sige po. Ano po iyon?"
"Wag mong sasabihin kahit kanino ha."
"Opo, opo. Hindi ko po sasabihin kahit na kanino." Sambit ko kaya sila natawa ng bahagya.
"May isang babae akong gusto. Gusto ko siya pero hindi niya alam. May gusto kasi siyang iba."
Para silang tumigil dahil sa ala-alang nasa kanilang isipan bago magsalita ulit. Napansin ko naman ang pagpakawala nila ng malalim nilang paghinga bago tuluyang magsalita.
"Wala naman akong laban kaya binaon ko na lang yung pagkagusto ko sakaniya."
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko ngunit hindi sila agad sumagot.
"Someone told me this, Truth doesn't depend on how or how many people believe in it. It doesn't care if the majority isn't believing it, that's why truth is sometimes better left unsaid."
"Ano pong ibig sabihin non?"
"It simply means truth can be a pill that is so hard to swallow, or something that is extremely difficult to get. That's why many believe on shallow truth since they can't bear the depth."
"Listen. There are times that it is best to not say anything and let the time and truth be expose by itself."
"Ano pong katotohanan iyon?"
"I told you, there are times that's best to stay quite. And that time is now."
"Everything would eventually be known. Every known fact would eventually proven lies."
Nabalot kami ng ilang sandaling katahimikan nang ipagpatuloy na nila ang kanilang sinasabi.
"Tapos may dumating ulit na babae. Hindi ko naman intensyon yun, na magkagusto rin sakaniya, kaso sa bawat pagdaan ng araw ay mas nagiging mahirap ibaon ang pakiramdam na iyon kung palagi mo siyang nakakasama. At alam kong wala na akong pag asa sakaniya." Pagtuloy nila.
"Ano pong nangyari?" Tanong ko.
"Susurpresahin ko sana siya noon kasi kaarawan niya. Tapos yun din sana yung panahong sasabihin ko na gusto ko siya para mawala na, ang kaso..."
"Ang kaso? Anong pong nangyari?" Tanong ko ulit.
"Her ability is too strong to handle."
"Anong ibig niyong sabihin?"
"Nothing. Basta dahil doon ay natuto na akong kontrolin yung parang nangyari kanina."
"Ahhh. Ang galing naman po."
"It is not good, Tracy."
"Bakit po?"
"Because what happened ended our friendship and our other connections. May iba pang nadamay."
"Kung babalik po ba kayo sa panahong iyon, babaguhin niyo po ba para magkaibigan parin kayo? O hindi na po?"
"If i'm the person who I am before, I would say yes. Pero ngayon, hindi na."
"Bakit po?"
"Kasi nang dahil doon, natuto ako. Malungkot man, masakit, pero at least I learned, and probably they also learned something."
"Why are you crying?" Natatawa nilang tanong.
"Wala po. Basta tatandaan niyo pong nandito po ako. Hindi ko kayo iiwan."
"Hhmm. Dapat sa mommy at daddy mo yan sinasabi. O kahit sa kuya mo."
"Nasabi ko naman na po iyon kay kuya, atsaka alam niya po iyon. Sila mommy at daddy, hindi naman po kasi nila kami-" tumigil ako atsaka nagtanong sakanila.
"Sekreto lang po natin yung sasabihin ko ha? Para po pareho tayong nagsabi ng sekreto." Mahina kong sabi kaya sila bahagyang natawa.
"Sige."
"Kasi po, sa totoo lang po ha, mas gusto ko na lang malagay sa alangan ang buhay ko para lang po na makasama ko palagi sila daddy at mommy. Palagi po kasi silang wala. Pagdarating naman po sila, hindi sila magtatagal."
"Nalaman nga po naming may mga magulang kami ni kuya, ang kaso po parang wala rin sila kasi palagi silang wala. Kaming dalawa nanaman ni kuya ang magkasama." Wika ko habang umiiyak.
"Alam kong paulit-ulit na ito, pero ginagawa nila iyon para sa kapakanan niyong dalawa ng kuya mo."
"Kasi po, hindi man lang po kasi nila tanungin kung sang-ayon ba talaga kami, sang-ayon ba talaga ako."
"Kasi alam nilang hindi ka sang-ayon kaya hindi na nila tinanong."
"Bakit po? Hindi ba't may karapatan din po akong sumang-ayon at hindi?"
"Oo naman. Pero tignan mo kasi, Tracy. Mahal na mahal nila kayong dalawa ng kuya mo, kaya kahit labag sa kalooban nila o kahit alam nilang hindi kayo sang-ayon sa plano nila ay ginawa pa rin nila... kasi ano? Kasi yun ang alam nilang paraan para maprotektahan kayo. Ganon nila ipakita ang pagmamahal nila sainyo."
"Minsan nga po ay hindi ko makitang anak ang tingin nila saamin. Parang isa lang rin kami sa taga sunod nila."
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nila.
"Kasi madalas silang naguutos. Madalas puro utos na dapat mong sundin ang sinasabi nila."
"Is it your mom?"
"O-opo." Tugon ko kaya sila bahagyang tumawa.
"Ganiyan talaga ang mommy mo."
"Pero hindi naman po kasi kami isa sa taga sunod nila, tito."
"Hhmm. Malalaman at maiintindihan mo rin na lahat ng ginagawa nila ay para sa kapakanan niyong dalawa, Tracy."
Ilang minuto ang lumipas at sinabi na nilang babalik na kami. Pagkarating namin sa harap ng kastilyo ay nakuha ng atensyon namin ang kaguluhan sa labas ng malaking gate.
"Promise me, Tracy. Promise me that you won't go outside without me or your tito Valentine. You could only go outside if one of us or your mom and dad is with you, alright?"
"I promise, tito Hiro." Aniko atsaka ngumiti.
"Pumasok ka na sa loob." Anila atsaka nagpunta sa labas. Sumunod naman ako nang hindi nila napapansin.
"Oh really? Why does every f*****g one here are searching for my f*****g weakness? Huh? Aren't you all f*****g tired of this s**t?"
"I have so f*****g much to do and you idiots are wasting my damn time." Pagalit na sabi ni mommy habang hawak hawak sila ng tatlong lalaking may malalaking katawan. Marami ring nasa kanilang likuran na parang nagra-rally.
"I don't care if you all can't see me as your f*****g Empress. I f*****g don't care, really. But just so you know, you can't do anything but to accept that I am the Empress here."
"And you all are going to pay if you dare to touch my hair."
"Folks, listen to her imperial majesty. Hindi niyo magugustuhan ang gagawin niya kung sinuway niyo ito." Wika ni tito.
"Matanong ko kayo, mahal na Hari. Alam niyo ba ang kahinaan niya?" Tanong nila kay tito ngunit hindi sila agad nakasagot.
"I'm afraid, none. She doesn't have one." Tugon nila. Umirap naman si mommy dahil sa kairitahan.
"Ngayon, pwede niyo na ba akong bitiwan? Sinasayang niyo lang ang oras ko." Sambit nila ngunit hindi ito sinusunod ng mga lalaki.
"I command you, get your filthy hands off of me." Maawtoridad nilang utos kaya wala silang nagawa kundi sumunod.
"Assholes. Wala na kayong ginawa kundi maging pabigat dito. Kung wala naman kayong matutulong, mas maiging tumabi kayo at huwag kayong nagpapakita saakin. Masakit kayo sa paningin." Madiin nilang sabi pagkatapos ayusin ang kanilang damit.
"Bumalik na kayo doon, mahal na Hari. Isama niyo na rin iyang anak niyong si mahal na prinsesa." Sarkastikong wika ng isang lalaki.
Napatingin naman saakin si mommy at tito.
"What are you doing here? Diba ang sabi ko pumasok ka na sa loob?" Tanong ni tito.
Naiwas ko agad ang paningin ko kay mommy dahil nakakatakot sila. Pagalis nilang lahat ay umalis na rin si tito kaya ako sumunod.
"Diba ang sabi ko pumasok-" natigil sila nang magsalubong ang aming mga mata.
"Sorry po." Wika ko ngunit hindi sila sumagot at diretso lang ang tingin saakin.
Hindi ko mabasa ang ibig sabihin ng kanilang paningin, pero sigurado akong parang may alaala sakanilang isipan na tumatakbo.
Ilang segundo pa ang lumipas ay pumikit sila ng mariin.
"Go to your brother's room. Baka kailangan ka niya."
"Sorry po, tito."
"It's okay. Go to him." Wika nila atsaka ngumiti.
"Salamat po sa kanina, tito. You're the best." Kinakabahan kong ngiti. Napatawa naman sila atsaka humawak sakanilang beywang.
"Now you're saying that. Sige na, you're forgiven. Magpunta ka na doon. May aasikasuhin lang si tito."
"Sige po."
Pagpasok ko sa silid ay naabutan ko si kuya na kakagising lamang. Nakaupo siya sakaniyang higaan habang medyo sarado ang mata. Ang gulo rin ng kaniyang buhok, pero maayos na ang kaniyang itsura kumpara sa kanina.
"Good afternoon sleepy head. Kamusta ang mahabang panaginip?"
"Respect, Tracy."
"Isa ka pa. Parang lahat na lang ng nakapaligid saakin ay and tingin saakin ay taga sunod." Wika ko pagupo ko sa paanan niya.
"Anong nangyari? The last thing I remember was I am so much in pain."
"Oo. Nakita ka namin ni mommy sa ilalim ng puno."
"What happened? Bakit kasama mo si mommy?"
"I don't know, kuya. Hindi ko alam. Pati ako ay naguguluhan."
"Why?"
"May sabihin ako. May napanaginipan ako, pero para siyang totoo." Aniya.
"Ano yun?"
"I am literally inside of a spinning thing. Hindi ko alam kung ano iyon. Basta nakakahilo."
"Baka dahil sa pagpalo ko sayo nung kawali?"
"About that, I apologize. Wala na akong magawa, baka sunggaban mo ako eh."
"I transformed again?"
"Yeah. Pati si- Nasaan na pala si Travis?"
"Malay ko. Matapos mo akong hampasin ng kawali, sa tingin mo may maalala pa ako?"
"Hoy. Itinapon mo kaya siya ng dalawang beses. Dahil doon ay nawalan din siya ng malay."
"You're kidding?"
"Hindi. Parang hindi na ikaw yun, kuya."
"Nasaan na ba yung ointment? Bakit hindi mo pinaamoy saakin?"
"Sinubukan ko. Kaso, walang nangyari."
"I think it is because of the thing in me."
"Siguro. Kasi pansin ko, pag bampira ka hindi ka nasasaktan doon, pero pag tao, saka mo iyon nararamdaman."
"Why would they do that?"
"So you would kill someone? Para mabigay sayo ang sisi sa mga nangyayaring p*****n sa Weasfaire City." Pagbiro ko ngunit bigla siyang nagseryoso.
"Wait. I'm just kidding. Joke lang yun, para matakot ka."
"No. You have a point, Cy."