Chapter 5 - STALKING

1850 Words
"Are you okay?" "Namumutla ka pa rin." "I'm fine." Sagot niya. "You don't look fine, Jackson." "I said I'm fine. Gumalang ka." Aniya at ihiniga ang ulo sa sofa atsaka pumikit. "Are you thirsty?" "Yes and I am really holding it for not to hurt you because your blood is driving me crazy." Rinig kong sabi niya gamit ang kaniyang isip. Napalunok naman ako dahil dito. "For your information, Jackson. I clearly heard what you just said." Sabi ko kaya siya agad napabangon at tumingin saakin. "I'm sorry. I didn't mean to- Yes, I'm thirsty." Pag-amin niya. "Then what are you gonna do with that?" "Should I chain you?" "Chain is not a good thing, Tracy. Tandaan mo na lang yung ginawa ko kagabi." "It's because I only chained your right arm. Halika. I'll chain your both arms and feet." Pagtayo ko. Tumayo na rin siya at muntik pang matumba, mabuti na lang ay naalalayan ko siya. Nakarating kami sakaniyang kwarto ng nakaiwas ang mukha niya saakin. Katulad ng pinag posas sakaniya ay ginawa ko ito. Inumpisahan ko muna ang dalawa niyang kamay at isusunod na sana ang mga paa niya nang mapatigil ako. Napatingin ako sa bintana kung nasaan nakikita ko ang kakahuyan sa di kalayuan dahil saaking narinig. A howl of the wolf. "Please make it quick, Tracy." Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang magsalita na si kuya. Mabilis kong pinosas ang kaliwa niyang paa ngunit sa pagposas ko sa kanan ay tuluyan na siyang nagbago. Napapikit ako nang tumama ang katawan ko sa pader at kasabay ng pagkalaglag ko sa sahig ang paglaglag at pagbasag ng mga litratong nakasabit dahil ito'y natamaan ko. Pinipilit niyang makawala sa mga posas samantalang ako'y pinipilit na makatayo upang matapos na ang huling posas sakaniyang kaniyang paa. Pagkatapos ko ay agad akong napaatras nang muntik niya na akong sunggaban. Napaharap naman ako sa bintana nang marinig ko ang mas malakas na alulong ng lobo. Lumabas ang itim na lobo galing sa kakahuyan at sinalubong ang aking mga mata. Namilog ang mga mata ko nang mag-anyo siyang tao at pumulot ng malaking bato atsaka binato sa bintana ni kuya. Agad akong napayuko at napasandal sa pag-iwas nang mabasag ito. Tatakbo na sana ako palabas ngunit nakapasok na siya habang hindi maalis ang tingin saakin. His growl makes me tremble than fear on kuya that he might suck all my blood out of my body. Sa bawat hakbang niya palapit saakin ay pag atras ko. Kung gumawa man ako ng kakaibang galaw ay alam kong hindi siya magdadalawang isip na sunggaban ako dahil lahat ata ng atensyon niya'y nasaakin. Parang kinuha niya lahat ng lakas ko at para na akong mawawalan ng malay nang maramdaman ko ang pader saaking likuran. Napaupo na ako at ang ilan sa mga bagay na nasa lapag ay binato ko sakaniya ngunit parang wala lamang ang mga ito sakaniya. Aatake na sana siya nang mapatigil siya dahil sa boses ni kuya na nagwawala. Mas naging pula ang mga mata niya at wala na akong makitang bahid ng aking kapatid sa bampirang kaharap ko na uhaw na uhaw sa dugo. Tatalon na sana ang lobo papunta saakin nang mapatingin ako kay kuya na walang kahirap-hirap na nasira lahat ng posas sakaniya at mabilis na sinipa ang lobo. Agad akong tumayo at umiwas sa paglalaban nilang dalawa. Hind ako makalabas dahil doon sa pintuan tumatama ang kanilang katawan sa paglalaban nila. Umiwas ulit ako at mahahawakan ko na sana ang door knob ngunit nahila ako ni kuya at marahas na sinandal sa pader gamit ang bampirang bilis niya. Nasarado ko ang aking mga kamay dahil sa takot. Nilapit niya ang kaniyang mukha saaking leeg at ramdam na ramdam ko ang kaniyang malalim na paghinga. "Kuya. Bitiwan mo ako." Aniko habang umiiyak at pilit na kumakawala ngunit hinila niya ulit ako at malakas na isinandal sa pader. Halos mandilim ang aking paningin dahil sa ginawa niya. "Kuya ano ba." Pag hagulgol ko at pilit na nilalabanan ang kaniyang paghawak ngunit sobrang lakas niya. Inilapit niya ulit ang kaniyang mukha at ipinikit ko na lamang ng madiin ang mga mata ko, inaantay ang pagbaon ng kaniyang matutulis na pangil saaking leeg. Ngunit nabukas ko rin ito nang marinig ko ang boses niya at ang tunog ng lobo. Hinila siya palayo ng lobo atsaka ibinato sa pader. Ang lobo naman ang umatake saakin ngunit naging mabilis ang galaw ni kuya. Nakita ko na lang na sinisipsip niya na ang dugo ng lobo. "Kuya? Ikaw na ba 'yan?" Tanong ko habang nanginginig. Ilang segundo ang lumipas atsaka siya tumingin saakin. His intense red eyes suddenly change back to its original color -dark brown-. His fangs and pointy nails is gone. My twin is back. He is back. "Are you alright? What have I just done?" Pagtingin niya sa paligid. Tumingin siya saakin atsaka tumayo upang ako'y lapitan. "What happened? Paano siya nakapasok- oh." Pagtingin niya sa basag na bintana. Napatingin kami pareho sa walang buhay na lobo nang mag anyo itong tao. "Who is he?" Tanong ko. "I don't know. Hindi ko nga alam na mayroon pa lang katulad kong kakaiba dito." "You just killed him. What do we do now?" "You also nearly got killed, Tracy. Bakit hindi ka umalis dito? Bakit ka nandito?" "Paano ako aalis kung naglalaban kayo dito at hinaharangan niyo yung pintuan na daraanan ko?" Nagpakawala muna siya ng malalim na paghinga atsaka pinunasan ang dugo sakaniyang bibig. "Let's bury him." Aniya. Pagkatapos naming ilibing ang lalaki sa likuran ng aming tahanan ay naligo na kami at natulog. . Kinaumagahan, pagpasok namin ay nakasalubong ko si Beth na nagmamadaling lumabas sa gusali. Dahil sa kyuryosidad ko ay patago ko siyang sinundan. Nakarating ako sa may parking lot at nakita ko siyang parang may kausap. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya dahil natatakpan ito ng makapal na pader. Lilipit na sana ako ng pagtataguan ngunit may biglang humila saakin ng malakas dahilan ng pagupo ko sa sahig. Mabilis niya namang natakpan ang aking bibig. "What are you doing here?" "The same with your reason." Tugon niya. "Nakita mo na ba yung kausap niya?" "Hindi pa." Sagot niya ulit. "The killer... the one who killed the kid. I think I know it." Mabilis at mahina niyang sabi. Magsasalita pa lang ako nang bigla kaming mapayuko dahil sa pagputok ng baril patungo saamin. "Son of a monkey. Let's go." Hila niya saakin habang nakayuko. "Who's there? I know you're listening. Come out." Sabi ni Beth. "Is she crazy or something? She really think that we'll come out? So what? So she could kill us both?" Madiin at hingal na sabi ni Sam ngunit mahina pa rin ito. "How can we get out of here? If she sees us or even recognize us, we are so doomed. Your mom might find our cold bodies tomorrow, Sam. What are we gonna do?" "I don't know. Run?" "Have a better plan after we run?" Tanong niya. "I don't know. My mind is not working right now." "Well, I have." Aniya kaya ako napatingin sakaniya. Nililibot niya ang kaniyang paningin na parang pinag aaralan ng mabilis ang pwedeng mangyari at kung saan kami pwedeng pumunta. "Do you trust me?" "No?" Mabilis at madiin kong sagot. "You will and you should. Let's go." Sambit niya at mabilis akong hinila. Halos madapa ako dahil sa pagtakbo namin. Sunod-sunod na rin ang pagputok ng baril at pagtama ng mga bala sa paligid. Nakalayo na kami sa pwesto namin kanina at mabilis kaming sumakay sa sinabi niyang sasakyan. Agad kaming yumuko at halos pigil ang hininga. "Where are them?" Rinig kong tanong ng isang babae. "If they know it. I'm telling you." Pagbabantang sabi ni Beth. Narinig na namin ang paglakad nila palayo ngunit nag antay pa rin kami ng ilang minuto baka sakaling nandoon pa rin sila. Nang makasiguro ay umayos na kami ng upo. "I knew it." Sambit niya atsaka hinampas ng marahan ang manibela. "Are you thinking what I'm thinking?" Tanong niya kaya ako tumango. "Nakita ko itong mga litrato sa locker ni Beth. Don't get me wrong, I didn't stole it. I borrowed it." Sabi niya agad. "But you didn't ask for permission and she didn't allow you, which means you stole it." Mabilis kong sagot. "No. I ask on her locker. Whatever. I'll get it back. For now, let's just take a look at this." "This does mean stalking, to you?" Tanong niya. Ang mga litratong pinapakita niya ay imahe ni sir Aldrin sa eskwelahan hanggang sa kaniyang bahay. May iba sa litrato na nakasama si Miss Roxette at ang kanilang anak. "Yeah." "Basically, she's a stalker." "And?" "And I know, I am certain that the swimmer who saw the body of the kid is not the other killer." "Because his alibi meets my evidence. And the evidence, the evidence I found evidence but cops doesn't find it evidence... ugh. They aren't doing their job well." "Okay, okay, back to the topic. So, the evidence I saw meets his alibi. Kasi diba, ang sabi niya ay nakita niya yung bangkay nang magpupunta na sana siya sa banyo. He's a boy, right? So he will go to the left. Nakita ko yung daan na basa pero hindi umabot ng banyo." "Kaya ko nasabing hindi siya yung pumatay. Pero." Sabi niya agad. "Sa banyo papunta sa babae. Kung mag isa niya lang doon sa pool area ng ilang oras, dapat ay natuyo na yung daan papunta sa banyo papunta sa kanan kasi una, malamig at mahangin sa lugar na iyon, pangalawa naman ay mabilis makasipsip ng tubig yung sahig." "So the real killer is a girl. But I don't know who. I'm still figuring it out." "Well, I know." Aniko. Bigla siyang humarap saakin na parang interesadong interesado sa sasabihin ko. "Who?" "A volleyball player." Pagsalubong ko sakaniyang mga mata. "But I don't think that volleyball player done the killing on professor Aldrin. She isn't strong enough to do that." Wika ko. "What on earth are you two doing in my car?" Napasigaw kami ni Sam dahil sa pagbukas at pagsasalita ni coach Chester dahil sa gulat. "Get out!" Malakas niyang sabi kaya kami dali-daling lumabas. "Saan kayo nanggaling? How could you two got out in that four walls?" Madiin at malakas nilang tanong. Tinutukoy naman nila yung ginawa naming pagtakas kahapon. "Well.. we... we..." ""We" what?" "We had upset stomach." Aniko agad. "Sabay? Sabay kayong may upset stomach? What are you, twins? Even a twins don't have an upset stomach in the same time and doesn't even ask for my permission to go the hell out." "And a student who has an upset stomach goes to the clinic!" "Now, meet me at 3 pm and I will make sure to keep an eye for the both of you." "Also! Don't even plan or think for getting inside my car again!" Sabi ulit nila. Tumakbo na kami nang tumunog na ang bell na nagsasabing tapos na ang first sub. Sa hindi namin maturong dahilan ay tumatawa kami hanggang sa makarating kami sa loob ng building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD