"Saan mo ba nakita? Nakita mo ba mismo o narinig mo lang sa mama mo?" Tanong ko sakaniya habang naglalakad kami sa gitna ng kakahuyan. Iniwanan na namin yung kotse niya ilang metro lang sa kinaroroonan namin ngayon. Iniingatan niya kasi ito dahil hindi pa ito tapos mabayaran ng mama niya.
"Nagpunta ako dito kahapon." Tugon niya.
"Nagdidilim na. Buksan mo na yung flashlight mo." Aniya. katulad niya ay binuksan ko na rin ang akin.
Nakakatakot dito ngunit dahil sa kaibigan ko naman siya, isa sa pinaka matalik kong kaibigan, ay sasamahan ko siya.
"Wait. Do you smell that?" Pagtigil niya saakin. Suminghap ako at naamoy ko nga ang tinutukoy niya.
May nasusunog at hindi maganda ang amoy nito.
"Hindi ko alam kung saan ito nanggagaling. Nagkalat na ang amoy sa paligid. Nasa hangin na ito."
"Me too. But let's find it." Sabi niya.
Sa paglalakad namin ay mas lumalakas ang amoy nito at kumakapal na ang usok. Agad kaming napatigil at gulat na gulat nang makita namin ang isang katawang nasa malaki at makapal na kahoy. Nakatusok sa kaniya ang kahoy -sa kaliwang hita ito nakabaon hanggang sa tuktok ng kaniyang ulo- at patuloy sa pag apoy.
"I can't identify if this is a girl or boy." Wika ko. Hinigpitan niya naman ang pagkakahawak saaking kamay habang dahan-dahan kaming lumalapit upang mapagaralan ang bangkay.
"Huwag kang masyadong lumapit. Baka masunog ka." Paghila ko sakaniya.
"He's a boy." Sambit niya.
"Paano mo nasabi?"
"Look at his gentalia. This is a p***s and a testis."
"What should we do now? Call your mom." Sabi ko.
"Wait. Let's find relevant informations here first."
"Sira na ba ang ulo mo? Are you thinking? Paano kung nandito pa yung killer? We don't know who've done this and what is the reason why the killer killed this guy. Mamaya tayo na ang isunod niya. I don't want to get burned to death." Mahaba kong sabi.
Ilang segundo muna niyang tinignan ang lalaki bago tawagan ang kaniyang mama. Halos labing limang minuto ang lumipas nang marinig na namin ang tunog ng sirena ng sasakyan ng mga pulis.
"What do you think you're doing, Sam? Lauren?" Madiing tanong ng mama niya saamin.
"Ma. I think this was supposed to be a robbery. But I-"
"No more buts, young man. Get out of here."
"I think it's a wrath-"
"Get out of here."
"Wrath-"
"Out."
"The killer-"
"Out!"
"Is the same-"
"Now!"
"The same who killed-"
"Sam!"
"Umalis na tayo, Sam. Sila na ang bahala dito." Paghila ko sakaniya.
"Lauren, umalis na kayo. Ngayon na." Anila saakin kaya ako mabilis na tumango at hinila na si Sam.
Marami ng mga pulis ang nandito. Mga naghahanap ng maaring ebidensya at mga pinagaaralan ang maaring dahilan ng pagpatay sa biktima.
"Sa tingin ko ay ang pumatay doon sa lalaki, may malaki siyang galit." Wika niya pagsakay namin sakaniyang kotse.
"Paano mo nasabing pagnanakaw sana iyon?" Tanong ko naman.
"Look at this wallet."
"Kinuha mo? Baka ikaw ang pagkamalang suspek jan sa ginawa mo."
"Shhh. Wag kang maingay. Tignan mo na lang."
Binuksan niya ito at bumungad saamin ang picture ng pamilya. Ang tatay, nanay at ang kanilang lalaking anak. Sa loob nito ay may kinuha siyang tseke na may nakasulat na one millon pesos.
"Did you get my conclusion?" Tanong niya.
"Ahhh.. no. Who are them?"
Parang pamilyar saakin ang lalaki. Hindi ko alam kung nakita ko na ba siya dati sa kung saan.
"This is professor Aldrin. Siya yung boyfriend ni Beth. Kaya naalis sa trabaho si sir kasi nalaman ng mga head na may relasyon silang dalawa. Alam mo namang bawal makipag relasyon and teacher sa estudyante, diba?"
"Yeah. Kaya naman pala pamilyar siya saakin." Tugon ko.
"And this is Miss Roxette. Former coach in swimming."
"Why did the killer do this?"
"I think Beth is really the killer. Look at this check." Pagtukoy niya dito.
"This is quite good money for tuition fee in college student. Beth is upcoming college next school year. Atsaka kasama siya sa kompetisyon kaya kakailanganin niya ng pera. Double expenses."
"If Beth is really the killer, that means..... Nasaan na yung anak nila?" Tanong ko.
"HIndi ko alam." Aniya.
"Sa tingin mo, ano nang grade ng batang ito? Ilang taon na siya? Alam niya kaya ang nangyari sa mga magulang niya?" Tanong ko pagkalabas namin sa kakahuyan.
"I think he's around eight to nine years old. Grade 2 to 3." Tugon niya atsaka sinagot ang kaniyang tawag.
"Hello, Ken? What's up?"
"Where are you two?" Rinig kong sabi ni kuya sa kabilang linya.
"Pauwi na kami."
Para siyang nabigla sa sinabi ni kuya dahil agad siyang napatingin sa aming dinaraanan. Nagpaalam na siya atsaka tumingin saakin na may pinapahiwatig ang mga mata.
"What is it?"
"Their son is dead." Sabi niya. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil dito.
"Natagpuan ang bangkay niya sa school natin. Sa pool." Dagdag niya.
"Look, Sam. I don't think Beth is the only killer here."
"What do you mean?"
"The way the guy or professor Aldrin killed. Beth is a gymnast, which means she's thin and doesn't have that lot of strength to stick that big and thick bamboo to sir Aldrin's body."
"Pwede pa yung pagpatay kay miss Roxette. Katanggap-tanggap pa iyon na si Beth ang pwedeng pumatay sakaniya."
"Pero yung kay sir Aldrin? I don't think so, Sam."
"Yeah. You have a point. Then who is the other killer? You think they are allies? Do you think they are together for killing sir Aldrin and his family?"
"I don't know. Puntahan muna natin sila Ken." Sambit ko.
Pag-park niya ng kaniyang sasakyan ay agad kaming nagpunta sa swimming pool at naabutan ang ilang mga pulis doon. Kausap nila ang isang estudyante na sa tingin ko'y swimmer na nakaupo sa likod ng ambulansya habang may twalya sakaniyang katawan. Halata rin ang pagkabigla at takot sakaniya. Nanginginig din siya.
"Hey. What's up. What happened here?" Tanong ni Sam sakanila Wil.
"Apparently, the kid drowned to death." Sagot niya.
"Other informations about him?"
"He's eight years old, grade 2. He is the son of professor Aldrin and the former coach, miss Roxette." Wika ni Pat.
"Saan kayo nanggaling na dalawa? Narinig naming hinahanap kayo ni coach Chester." Aniya ulit.
"In the woods. Balak sana naming puntahan yung lugar kung saan natagpuan yung bangkay ni miss Roxette. Ang kaso-"
"Wait. Miss Roxette is dead?"
"Yes, Wil. And so, ayun na nga. Imbes na puntahan namin yung lugar na pinangyarihan nung krimen, nakita namin yung bangkay ni sir Aldrin. Sinunog siya."
"Argh... That's... horrible and awful." Sabi ni Pat ngunit kitang kita sa reaksyon niya ang pandidiri.
"Kami naman dito, ako ang nakakita. Narinig ko kasi yung sigaw nung isang atleta. Tinawag ko si Ken, ayun, sinabi kay Pat at sainyo."
"Kanina pa pala namin kayo hinahanap ahh."
"Yeah. Sinabi na ni Pat." Tamad kong sagot kay Wil at sumunod kay Sam papunta kay kuya na tinitignan ang pool.
"I don't think he slipped and drowned." Sambit ni kuya habang nakahawak sakaniya labi.
That is his mannerism when thinking.
"Yeah. I think he was purposely drowned to death."
"Then who on earth has a rotten gut to do this? He's just a kid."
"How about the swimmer?"
"He just saw him floating. Hindi niya nga ito napansin. Nakita niya na lang daw noong umahon na siya upang magbihis."
Napatingin ako sa mga estudyanteng naririto na tinitignan ang nangyari. Napatingin ako sa babaeng basa ang buhok na nakasuot ng pang larong volleyball. Kausap niya ang ibang estudyante hanggang sa pinaalis na sila ng mga teachers at pulis.
"But I don't think he just saw him floating." Sabi niya sakaniyang isip.
Napatingin naman ako sa daan papuntang banyo. Basa ito na parang may kadaraan lang na basa ang katawan upang magbanyo.
Napatingin ako sa swimmer na kausap pa rin ng pulis. Nang umalis na ang pulis upang kausapin ang kasamahan niya ay napatingin ang swimmer saakin.
"Umuwi na kayo. Anong oras na oh." Wika ni Mrs. Sarah, Principal namin.
"Students, please go home. This matter is beyond your extent and understanding, young people. Go home." Sabi naman ni Ms. Wen, Head namin.
Napilitan na kaming umalis dahil dumating na rin ang mama ni Sam na pinagsabihan nanaman siya, kami, dahil nandito at nangingialam nanaman kami sa katulad ng ganitong pangyayari.