"How many inch or centimeters does a tectonic plate move in a year?" Tanong ni Miss Shiela.
"They move at a rate of one to two inch or three to five centimeters per year." Sagot ko.
"Okay. What are the three types of tectonic boundaries and explain its meaning." Anila saakin.
Isang tanong lang dapat sa isang tao. Bakit nadagdagan yung tanong saakin?
"Ahm..."
"Convergent, Divergent and Transform boundaries."
Nabigla ako sa nagsalita kaya ako napatingin sakaniya.
"Good, mister...." tumigil sila at tinignan ang kanilang ginawang class record.
"Ahhh. Mister S-L-N-jin-Mth-ven Geog.... how do you pronounce your name?" Natatawa nilang tanong.
"You can call me John, ma'am." Pagngiti niya.
"But, Slnjinmthven Geoghegjean is my name, ma'am." Wika niya atsaka naupo.
How do I even pronounce his name right? Saan ba siya galing? Is he an alien?
"Siya yung sasabihin ko sana sayong transferee." Mahinang sabi saakin ni Pat.
"O-kay?"
"Good, John. Okay, so is there anybody who could identify the three types of tectonic boundaries?" Tanong nila ngunit walang nag tataas ng kamay.
"Pinag aralan niyo na iyan dati. Bakit hindi niyo na matandaan?"
"Miss Lim." Tawag nila kay Pat kaya niya nahampas ng bahagya ang kaniyang lamesa dahil sa gulat.
"Ano yun?" She mouthed at me.
"Convergent, magkatabi." Bulong ko habang naglilikha ng galaw saaking kamay ng patago.
"Divergent, magkahiwalay." Aniko ko ulit.
"Transform, sideways." Sabi ko at tinuro ang taas gamit ang isa kong kamay at sa ibaba naman ang kabila.
Sinabi niya ang mga ito ngunit halatang medyo nahihirapan siyang intindihin ang mga ibig kong sabihin.
"Alright. That's for closing our subject. To close it totally, I would like you all to memorize the whole periodic table as we will be having a recitation on friday."
"And also, next week monday, on February 14, that's your exam. Last exam for my subject and in this school year. I am hoping for giving you all you've got."
"Next school year, you all are going to step in your senior highschool year."
Pagkatapos ng ilan pang sinabi nila ay tumunog na ang bell at nagumpisa na kaming mag ayos. Sila na ang last subject namin at sila na rin yata ang last subject na papasukan ko bago ako mawala sa katinuan.
"I can't believe her. Recitation sa friday? Wednesday na ngayon. Tapos sa Saturday, iyon na yung laro namin. Means, sa Friday yung last practice natin."
"Yeah. Mauubos na yung braincells ko." Sabi ko kaya kami sabay na napatawa.
"Nasaan na pala sila Wil?" Pagiiba ko nang makarating kami saaming locker. Nilagay ko ang mga libro ko doon at kinuha ang mga librong kakailanganin ko.
Halos mapaupo ako pagsarado ko ng aking locker dahil kay Wil na bigla biglang sumusulpot.
"You scared me." Madiin kong sabi atsaka inayos ang muntik ko ng mabitiwang libro.
"Where's Ken?" Tanong ni Pat.
"There. Killing the transferee with his killer look." Pagtingin niya sakanila coach Chester kasama ang kaibigan niyang si coach Christian.
Si Sir Christian ay coach ng frisbee at archery. Si kuya at Wil ay archery.
Dati si kuya sa football pero umalis siya dahil minsan ay nagagamit niya ang bampirang bilis at lakas niya. Ang dami niya ngang nasaktang kakampi at kalaro niya sa field dahil hindi niya ito nakokontrol.
Ayaw siyang paalisin dati kasi siya na yung captain nila, kasama niya si Wil, pero dahil sa hindi ko alam na karismang ginamit niya ay napilit niya ang kanilang coach. Marami pa ring humahanga at nagkakagusto sakaniya, pareho sila ni Wil, pero di hamak na mas marami kay kuya katulad niya si Pat.
Ang ganda kasi ni Patricia. Lalo na ang katawan niya.
Nang lumipat si kuya sa archery ay sumunod din si Willow. Sinubukan din ni Sam na sumunod ngunit hindi siya magaling sa pag pana, kaya't yung dalawa lang ang natanggap.
Minsan nga ay naiisip kong kung hindi siguro kami ni Sam, lalo na ako, marunong sa chess ay saaming lahat ako lang ang hindi kasama sa mga palaro sa eskwelahan.
Dati ng nakikipag laro si Sam sa chess. Siya nga yung unang-una na pumilit saaking sumama, siya rin yung nagtuturo saakin para mas maensayo ang abilidad ko sa pag-iisip.
"The way he look at that transferee, it's so obvious that he doesn't like him." Wika ni Wil.
"Bakit nandito siya? Bakit siya pinayagan? Matatapos na ang school year ahh." Aniko.
Nakuha ng atensyon namin ang pagtawa ng mga kagrupo ni Ron na pinagtatawan si Sam na nakadapa. Pansin kong dinapa nanaman siya ng mga ito.
If looking at Sam into other's eyes, they would say that he's such a nerd, loser, uncool, frail and nobody. Well, halos pareho lang kami ng sitwasyon, may karagdagan nga lang saakin dahil sa puti kong buhok.
Dati ay tinatakpan ko ang mga ito, ngunit dahil sa mga estudyanteng wala ng magawa sa kani-kanilang buhay ay pinakikialaman nila ang buhay ng ibang nandito katulad namin.
Saaming lima ay si kuya at Pat lang ang mukhang famous, hindi lang mukha dahil kilala talaga sila. Pero wala naman silang pakialam sa paligid lalo na si kuya kaya marami ng mga babaeng umiyak dahil sa hindi niya sila pinapansin. Si Wil naman ay kilala sa kaniyang good leadership.
"Ayos ka lang?" Tanong ko nang matulungan namin si Sam na makatayo. Sinamaan niya naman si Ron ng tingin.
Tinapunan ko rin siya ng masamang tingin pero nakangisi lamang siya saamin.... saakin.
"Nakakairita. Dapat hindi niyo ako pinigilan. Iuuntog ko talaga siya dito sa locker o sa tuhod ko." Aniya habang pinapagpagan ang sarili.
"May sinasabi ka?" Salubong ang kilay niyang tanong kay Sam. Itinaas niya ang kamay niya na parang susuntokin si Sam kaya siya napayuko ngunit hindi naman niya ito tinuloy. Humalakhak ulit silang magkakaibigan at umalis.
Mabilis na sumunod si Sam at parang susuntukin din si Ron na nakatalikod ngunit bigla siyang humarap saamin at mabilis na bumalik nang humarap si Ron dahil sa nagsumbong ang kaniyang kaibigan.
"Ken!"
Napaharap naman kami kay kuya na inaawat nila coach Chester habang si John ay nakangisi.
"Apparently, I'm not the only one who has some weird looking nutguy that always get into my nerves." Wika ni Sam atsaka sumandal sa locker habang pinapanood sila kuya.
"Yeah. Should we go to him?" Tanong ni Wil.
"Let's go to him. Mister I-can't-even-pronounce-his-name is a cute guy. Crush ko siya." Sabi ni Pat atsaka hinila si Wil papunta kay kuya.
Di hamak na mas matangkad siya ng maliit kay kuya at mas maputi siya kay Wil. Iba kasi ang puti ni kuya.
He looks so clean and neat. Kaya pala napansin siya ni Pat.
Pagkarating nila saamin ay napatingin ako kay Beth na dumaan sa harapan namin. Agad akong tumalikod ng hindi pinapahalata ngunit mabilis din akong nahila ni Sam sa tabi niya at inakbayan habang malakas na tumatawa kasabay nila Wil.
"Don't make it so obvious. Baka mahalata niya." Bulong niya saakin.
Inakbayan na rin ako ni Wil atsaka na kami nagtawanan dahil kay kuya.
"Where are you two going?" Bungad saamin ni coach Chester paglabas namin ng building.
"Balik. May practice pa kayo." Aniya atsaka nauna.
"We all have." Tamad na wika ni Wil.
Pagkarating namin ay agad din kaming nagumpisa.
"Hey. May sasabihin ako."
"Yeah. What?" Tanong niya.
"I wonder if that volleyball player is really the one who killed the kid. Maybe she isn't. Maybe she ask someone to do it. Maybe there's a culprit."
"Okay, I am just wondering. I doubt what I just said." Mabilis kong dagdag.
"Yeah. I wonder too. But who do you think is responsible for killing that kid?"
"A swimmer? Or just someone who knows how to swim in that 8 feet pool."
"You think that volleyball player knows how to swim?" Tanong ko.
"The only way to know is to give it a try." Makahulugan niyang sabi.
"Let's go?"
"Wait. Coach said-"
"Tumakas na tayo."
"But he might-"
"You're coming with me or you stay here and play by yourself?" Mahina at madiin niyang tanong. Bumuntong hininga ako atsaka siya inirapan bago mag ayos ng gamit.
Tatayo na sana kami nang tumunog ang fire alarm.
"There's a fire! Get out everybody! Get your asses up!" Malakas na wika ni coach.
Mabilis kaming lumabas ni Sam at tumakbo.
"Guys, guys." Harang ni Wil na hinahabol ang paghinga.
"One of the volleyball player is drowning in the pool."
Pagkasabi niya non ay nagkatinginan kami ni Sam atsaka tumakbo papunta sa lugar. Naabutan naming sini-CPR siya ng isang estudyante samantalang si kuya na basang basa ay pinapanood ang babae.
Napatingin ako kay Sam na nililibot ang paningin na parang may hinahanap. Bigla siyang tumigil atsaka tumakbo kaya ko siya sinundan.
"Wait. Where are you going?"
"This is just a show. We have to find her."
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya ngunit sumunod na lang ako.
Pagkalabas namin ng building ay nakarinig kami ng sigaw ng babae.
"Likod." Aniya.
Pagkarating namin sa likod ng gusali ay nakita namin ang babaeng wala ng buhay. Marami na ang dugong nasa sahig galing sakaniya.
Tumingin ako sa itaas ngunit wala akong makitang Beth o kahit bintanang nakabukas.
"Rooftop." Mahinang usal ni Sam.